XX: The worst kind of skunks
CHAPTER XX:
The worst kind of Skunks
Third Person's POV
Kapwa nakahinga ng maluwag sina Dana at Shem nang wala silang madatnang kahit na sino nang makarating sa pangatlong palapag ng gusali sa pamamagitan ng hagdan.
"Dana, wag parin tayong makampante." Nababalot man ang katahimikan, dahan-dahan parin ang dalawa sa paglalakad sa gitna ng napakahaba ngunit ubod ng tahimik na pasilyo. Naliliwanagan man ang buong lugar ng mga ilaw, mababakas naman ang karahasang naganap rito dahil sa mga dugong nagkalat sa paligid at pati narin ang magulo at sira-sirang mga gamit.
"What do you think happened here?" Nanlulumong sambit ni Dana na halos dumikit na sa likod ni Shem dahil sa kaba at kilabot.
"Skunks happened." Mahinang sambit ni Shem habang dahan-dahang humahakbang at pinakikiramdaman ang paligid.
"Wait..." Mahinang sambit ni Dana nang mapagtantong nasa tapat sila ng isang malaking pintuan, "I think this is it." Bulalas ni Dana bagay na agad ikinakunot ng noo ni Shem.
"Walang karatula. Sigurado ka ba?" Naguguluhang sambit ni Shem.
"I'm sure. This place has been my dream workplace; I even bribed Raze just so I could check this place out back in highschool. I've been to this place once or twice before but trust me, this place is legit." Pagmamalaki ni Dana at agad na binuksan ang pinto dahilan para agad tumambad sa kanila ang isang napakalaking silid na mayroon pang dalawang palapag, bagay na labis ikinagulat ni Shem.
"Wow, hindi ko inakalang cool pala ang lungga ng mga nerd." Manghang sambit ni Shem habang pinagmamasdan ang buong lugar na napapalibutan ng kulay puting pintura at kagamitan. Magmula sa mga mesa, upuan, at kahit cabinet, kulay puti parin ang mga ito.
"But Shem, Ingat kasi may—" Hindi na natapos pa ang sinasabi nang biglang bumangga si Shem sa isang napakalapad at napakahabang salamin na nagsisilbing harang ng silid.
"Pucha! Ba't may salamin pa?! May pinto na sa likod!" Agad na napahawak si Shem sa kanyang mukha na siyang naunang dumausdos sa makapal ngunit malinaw na salamin.
"Dude all kinds of chemicals are inside. Siyempre kailangan ng assurance na walang chemical, o airborne pathogens ang makakalabas on worst case scenarios." Paliwanag ni Dana sabay tulak sa pinakadulo na bahagi ng makapal na salamin, "There's no doorknobs but a simple push would do." Dagdag pa ni Dana.
Nang tuluyan silang makapasok sa laboratoryo ay agad na tumambad sa kanila ang isang mahabang mesa kung saan naroroon ang mga microscope, burner, flasks at iba pang gamit sa pananaliksik. Ngunit sa dami ng mga gamit na naririto ay ang malaki at kulay pulang buton ang pinaka nakakuha ng atensyon in Shem.
"Anong silbi niyan?" Tanong ni Shem sabay turo nito.
Huminga ng malalim si Dana, "Shem whatever you do, do not push the red button. And I mean don't kasi promise, magt-trigger ang lockdown mechanism ng buong laboratory at hindi na tayo makakalabas pa. Well makakalabas parin naman tayo, it's just that matatagalan kasi kakailanganin pa ng security clearance mula sa health directress at who knows kung buhay pa ang health directress na 'yon. We could try smashing the glass pero sobrang hirap kasi reinforced glass panels ang gamit. Hindi yan basta-bastang mababasag. So again, do not push the red button unless may anthrax or whatever sort of deadly airborne pathogen—"
"Oo na, oo na, simpleng don't push the red button lang, okay na." Tumango-tango na lamang si Shem at pinasadahan ang tingin ang buong paligid.
"I talk too much." Napabuntong hininga na lamang si Dana, "When all of this is over, babawasan ko na ang kadaldalan ko." Dagdag pa nito at agad na isa-isang tiningnan ang mga kagamitang maaring mapakinabangan laban sa mga umuusig sa kanila.
"Dana sandali...." Biglang bulalas ni Shem habang pinakikiramdaman ang paligid.
"Huh?" Tanong ni Dana ngunit imbes na sumagot ay dali-dali siyang hinila ni Shem patungo sa ilalim ng isang mesa.
"Shhh." Natatarantang giit ni Shem at agad na tinakpan ang bibig ng dalagang agad namang tumango-tango.
Lalong tumindi ang kaba ng dalawa nang tuluyan silang makarinig ng mga mabibilis na yapak na tila ba tumatakbo. Dahil sa labis na takot, patuloy na nagtago sina Dana at Shem sa ilalim ng mesa, kapwa nanginginig sa takot at tinatakpan ang bibig ng isa't-isa. Sa sobrang takot, ni hindi nila nagawang sumilip o magsalita man lang.
Lingid sa kanilang kaalaman, ang mga naririnig nilang yapak ay pagmamay-ari ni Wacky. Takbo ng takbo si Wacky habang pilit na tinatakasan ang dalawang humahabol sa kanila ni Pip.
***
Napasinghap si Wacky habang paulit-ulit na pinipindot ang buton ng elevator. Hindi na magkamayaw sa pag-agos ng pawis niya dahil sa labis na takot at taranta. Nanginginig man ang mga paa niya, pinipilit niya paring tatagan ang sarili.
"Kuya! Andiyan na sila!" Iyak ni Pip at agad na yumakap ng mahigpit kay Wacky dahil sa labis na takot.
Nang tuluyang bumukas ang pinto ng elevator ay halos matumba si Wacky dahil sa labis na pagmamadali. Muli, dahil sa pagkataranta ay walang humpay niyang pinindot ang buton upang masara ito habang si Pip naman ay lalong napaiyak dahil sa takot.
"Kingina niyo!" Napasigaw na lamang si Wacky at agad na ibinaba si Pip at pinatago sa kanyang likuran. Nakita ni Wacky ang isang fountain pen sa sahig at dali-dali niya itong pinulot at hinawakan ng mahigpit bilang armas.
Ikinuyom niya ang kanyang kamao at inihanda na lamang ang kanyang sarili lalo pa't kitang-kita na niya ang dalawa sa mga ito na tumatakbo patungo sa direksyon niya. Takot na takot man, biglang nangibabaw kay Wacky ang labis na galit na kinimkim lamang niya.
"Mga baliw! Tapusin na natin 'to!" Nanggagalaiting sigaw ni Wacky ngunit nang iilang hakbang na lamang ang layo niya mula sa mga ito ay bigla na lamang sumara ang elevator dahilan para agad bumagsak si Wacky ng paluhod sa sahig na animo'y tuluyan nang tinakasan ng lakas.
"Putangina niyo. Wala kaming kasalanan sa inyo." Muli, hindi na napigilan ni Wacky na maluha habang nakatitig sa kawalan.
"Kuya..." Agad namang lumapit sa kanya ang umiiyak ring si Pip.
Kapwa humahangos sina Wacky at Pip habang gumagalaw ang sinasakyang elevator. Makaraan ang ilang sandali ay biglang umalingawngaw ang isang matinis na tunog, sensyales na nakarating na sila sa ground floor ng gusali na siyang pinindot ni Wacky bilang destinasyon.
Sa isang iglap ay biglang bumukas ang pintuan. Tatayo na sana si Wacky mula sa pagkakaluhod ngunit laking gulat niya nang mapansin ang isang pigura sa kanyang harapan. Nag-angat siya ng tingin at tila ba huminto ang oras para sa kanya nang makita kung sino ito.
"Churchill..." Sa sobrang gulat ay hindi na nakailag pa si Wacky nang bigla na lamang siya nitong pinalo ng isang malaking piraso ng kahoy.
Hindi makapaniwala si Wacky sa nakikita, nakatayo sa harapan niya si Churchill. Duguan, tadtad ng saksak ang katawan at may malaking hiwa sa kanyang leeg. Gaya ng ibang umuusig sa kanila, ngayo'y kulay itim narin ang mga mata nito, may ugat sa leeg at may malademonyong ngisi sa labi bagay na lalong ikinadurog ng damdamin ni Wacky.
"Pip takbo!" Hilong-hilo man dahil sa pagkakapalo ni Churchill, pinilit parin ni Wacky na patakasin ang bata ngunit huli na... Tuluyang sumara ang pintuan ng elevator at ngayo'y wala na silang kawala mula sa dating kaibigan.
"'Wag kang tumakbo hijo, kailangan ka pa namin." Nakangising sambit ni Churchill kay Pip. Bagay na labis ikinatakot ng bata, sa sobrang takot ay wala itong magawa kundi mapaiyak habang nakasandal sa dulo ng elevator shaft.
"Churchill Ramirez! Kingina mo! Ako 'to! Magkaibigan tayo!" Giit ng luhaang si Wacky dahilan para muling mapalingon sa kanya si Churchill.
"Nasa impyerno na ang kaibigan mo at susunod ka na!" Sigaw ni Churchill at walang ano-ano'y lumuhod at walang habas na sinakal ang walang kalaban-labang si Wacky.
"Church—" Impit na napasigaw ang luhaang si Wacky. Hindi ito makapaniwala na ang dating kaibigang halos ituring na niyang kapatid ay ngayo'y wala nang awa at determinadong wakasan ang kanyang buhay.
Sa paghigpit ng hawak ni Churchill ay siya namang lalong pamumula ng mga mata at pagmumukha ni Wacky na ngayo'y hindi na makahinga. Lalo pa siyang hindi makahinga dahil sa laslas ng leeg ni Churchill, patuloy na umaagos ang dugo mula rito at pumapatak sa pagmumukha ni Wacky.
Sa tindi ng pananakal ni Churchill, bumakat na ang ugat sa leeg ni Wacky na animo'y puputok na habang ang mga mata nito'y patuloy na lumuluha. Pilitin man ni Wacky na iwasiwas ang kanyang mga kamay at magpumiglas, sadyang nauubusan na siya ng lakas.
Hindi man makahinga, nanatiling nakatitig si Wacky sa kulay itim na mga mata ni Churchill, umaasang sa huling pagkakataon ay makikita niya ang mga mata ng kababata, umaasang kahit sa huling pagkakataon ay masilayan niya ang kaibigang kasabay niyang lumaki at naging kasangga sa lahat ng bagay.
Sa isang iglap ay biglang naramdaman ni Wacky ang pagaan ng mga kamay ni Churchill. Nagulat siya nang mapansin ang isang fountain pen na ngayo'y nakasaksak na sa tuktok ng ulo ni Churchill dahilan para umagos ang dugo pababa ng mukha nito.
Tuluyan nitong binitawan si Wacky at binunot ang fountain pen na nakatusok parin sa ulo niya. Dahil sa ginawa ay lalo lamang na umagos ang dugo pababa sa mukha niya.
"Inutil na mortal!" Umalingawngaw ang sigaw ni Churchill at kasabay nito ang kanyang malalim na halakhak. Napalingon si Churchill at nakita si Pip na humahagulgol, ito ang nanaksak sa kanya ng fountain pen sa ulo sa kagustuhang mailigtas si Wacky.
Napasinghap si Wacky at kahit hilong-hilo pa, pilit niyang nilibot ang paningin. Nakita niyang nakasara parin ang pinto at nararamdaman niyang papaakyat parin ang lulang elevator. Huli siyang napatingin kay Churchill na animo'y sinisindak si Pip sa pamamagitan ng isng mala-demonyong ngisi.
Dahil nakadagan pa ito sa kanya, kitang-kita ni Wacky ang ilang mga matatalim na bagay na nakatusok parin sa katawan ni Churchill.
Nang makitang tatayo na si Church upang pagbalingan ang bata ay hindi na nag-atubili pa si Wacky at dali-dali niyang hinugot ang isang mahabang kutsilyo mula sa sikmura ni Church. Nagtalsikan man kay Wacky ang dugo nito, hindi niya ito ininda at dali-daling inundayan ng saksak si Church sa ulo at gamit ang natitirang lakas ay tinulak ito palayo.
"Sorry! Churchill sorry!" Paulit-ulit na sambit ng humahagulgol na si Wacky at dali-daling hinugot ang kutsilyo mula sa ulo ni Churchill. Hindi na hinintay pa ni Wacky na bumangon ang kaibigan at paulit-ulit itong inundayan ng saksak sa mukha.
Paulit-ulit na sumigaw si Wacky habang umiiyak. Patindi ng patindi ang panginginig ng mga kamay niya at parami ng parami ang dugo't lamang tumatalsik sa mukha niya. Paulit-ulit siyang humihingi ng tawad habang buong pwersang isinasaksak sa ulo ng kaibigan ang kutsilyong halos mayupi na at balot na ng napakaraming dugo.
Napasigaw na lamang si Wacky dahil sa labis na sama ng loob nang makitang hindi na gumagalaw pa si Churchill. Wasak na ang ulo nito at nagkalat na sa sahig ang mga mata, utak at napakaraming dugo nito.
"Kuya..." Umiiyak na lumapit si Pip kay Wacky at yumakap rito. Tila ba dinadaluhan nito si Wacky sa pinaka masaklap na sandali ng buhay nito. Kapwa sila walang ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak.
Tuluyang nasuka si Wacky dahil sa mga nangyari. Pinipilit niyang huminga ngunit nahihirapan na siya dahil sa bigat ng nararamdaman. Pilit man niyang pigilan ang kanyang luha at manatiling matatag, hindi niya magawa lalo pa't nasa harapan parin niya ang bangkay ng taong halos ituring na niyang kapatid.
Biglang tumunog ang elevator at tuluyang bumukas ang pinto. Napapikit na lamang si Wacky at dahan-dahang sinipa palabas ang bangkay ni Churchill. Ngunit habang ginagawa niya ito ay bigla na lamang umalingawngaw ang isang napakalakas na sigaw.
Idinilat ni Wacky ang kanyang mga mata at unang bumungad sa kanya ang kulay pulang ilaw na nagsasabing nasa-ikatlong palapag na ulit sila ng gusali.
Lalo pang tumindi ang sigawang naririnig ni Wacky dahilan para dali-dali siyang mapagapang hanggang sa tuluyang makatayo. Pilit siyang naglakad kahit halos wala ng lakas, kahit hilong-hilo pa at wala pa sa tamang pag-iisip dahil sa mga naganap.
"Dana!" Sa kabila ng labis na sakit na nararamdaman sa kanyang leeg, napasigaw si Wacky ng ubod ng lakas.
END OF CHAPTER 20!
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro