Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XX : Dazed and torn



NO TO SPOILERS

xxxxxx

CHAPTER XX:

DAZED AND TORN

DANA'S POV



"Takboooo!"


Tila ba naging hudyat ang pagsigaw ni Church na magtakbuhan kaming lahat ngunit bago pa man kami makalayo ay narinig naming nagsisigaw si Shem kaya naman agad kaming nahinto sa pagtatakbuhan at napalingon sa direksyon niya.


Parang sasabog ang puso ko sa kaba nang muli ko siyang makita, ni hindi ako makapaniwala na siya 'tong nakikita ko. Gaya ng dati, andiyan parin ang bagsik sa mukha niya na tumatak na sa isipan ko mula pagkabata. I've always been afraid of him ever since we were kids and I've always hated him for how he treated Cielo.


Gaya ng dati, hawak niya parin ang kanyang baston at ginagamit ito para makapanakit. Pero imbes na si Cielo, ngayo'y si Shem na ang walang habas niyang pinagpapalo ng baston kahit mukhang uugod-ugod na. It's a good thing Shem's wearing a helmet though.


"Bwisit kang matanda ka!" Napapasigaw na lamang si Shem habang nakadapa sa kalsada at iniiwas ang kanyang mukha na matamaan lalo pa't ulo niya pa talaga ang puntirya ng siraulong lolo ni Cielo.


"Anak ka ng Diablo! Dapat kang mamatay!" Paulit-ulit sigaw naman ng lolo ni Cielo habang patuloy at paulit-ulit paring pinagpapalo si Shem.


"Hindi diablo ang nanay at tatay ko!" Paulit-ulit namang sigaw ni Shem.


Hindi gaya kanina, wala masyadong tensyon sa pagitan namin. Bakas naman kasi sa kilos ng lolo ni Cielo na hindi na siya masyadong malakas para makapatay, oo maaring masakit ang panghahampas niya pero kasi napakatanda na niya ngayon at may suot pang helmet si Shem kaya hindi na masyadong malala ang sitwasyon.


"Konting tulong naman diyan oh!" Sarkastikong sigaw ni Shem habang nakadapa parin kaya napabuntong-hininga na lamang si Raze at lumapit sa kanila at pati narin si Axel.


Walang ano-ano'y bigla na lamang hinawakan ni Raze nang walang kahirap-hirap ang baston bago pa man ulit ito tumama sa helmet ni Shem, patunay na hindi na masyadong malakas ang lolo ni Cielo. Lumingon si Raze kay Axel at mukhang nagkaintindihan sila sa pamamagitan ng tingin; Tuluyang inagaw ni Raze ang Baston at marahas na itinulak sa kalsada ang matanda dahilan para madapa ito, agad namang inapakan ni Axel ang likuran nito at inangat ang hawak na palakol habang nakatutok ito sa batok ng matanda.


May ideya na kaming lahat sa maaring mangyari; si Shem napapikit at tinakpan pa ang mukha niya samantalang sina Churchill naman at Mira ay agad napatalikod. Samantalang ako, heto at walang balak na kumurap.


"Teka sandali!" Sumigaw ako at agad na lumapit kay Axel dahilan para mapalingon siya sa akin bago pa man mapugutan ng ulo ang lolo ni Cielo.


"Dana, isa siya sa mga kinatatakutan ni Cielo kaya siya nandito! Sasaktan niya tayo kung hindi natin gagawin 'to!" Giit ni Raze kaya agad akong tumango. Akala siguro niya lumapit ako para pigilan sila sa ginagawa nila.


"I want to do it." Giit ko bagay na ikinagulat nilang lahat lalo ni Raze.


"Ano?" Kunot-noong sambit ni Raze.


"For Cielo. You have no idea how much I wanted to avenge Cielo ever since we were kids." Sambit ko pero hindi nakaimik si Raze, nakatingin parin siya sa mga mata ko na para bang hindi makapaniwala at sinisiguradong totoo ba ang naririnig niya.


"One strike, full force." Biglang inabot sa akin ni Axel ang hawak niyang palakol at agad akong tumango-tango.


Itinagilid ko ng bahagya ang pagkakahawak ng palakol, aaminin ko, hindi ko inaasahang may kabigatan pala talaga ito. Lumingon ako sa direksyon nina Churchill at Mira at mukhang kahit sila ay gulat rin.


"Ayoko atang mapanuod to, killer mode si Diana." Sambit naman ni Shem na tumayo na at nagtungo sa kinatatayuan nina Mira at Churchill habang hawak parin ang kanyang suot na helmet.


Napabuntong-hininga na lamang ako nang makapwesto na sa harap ng leeg ng matanda. Yung kaba, nasa sistema ko parin at damang-dama ko pa pero yung galit, andito rin pa rin kasi eh at mas matindi iyon kumpara sa kaba ko. This man... he didn't just beat up Cielo countless times, he killed Cielo's mother and tried to kill her too and because of that, I was unable to protect Cielo anymore. Although he was the reason why Cielo and I met, he was the reason she was miserable too.


Sinunod ko ang sinabi ni Axel. Mabigat man ang palakol, gaya ng sabi niya, One strike full force.


****


"I can't believe you just did that." Mahinang sambit ni Mira habang maingat kaming naglalakad sa napakatahimik na kalsada.


"Me too." Ngumiti na lamang ako at muling pinunasan ang mukha ko gamit ang basang piraso ng tela. Wala na ang dugong nagtalsikan sa mukha ko habang tinataga ko ang ulo ng lolo ni Cielo pero yung masangsang na amo'y langhap na langhap ko parin. Ni hindi ko nga alam kung tama bang dugo ang itawag doon, imbes kasi na kulay pula, kulay itim na likido ang nagtalsikan sakin habang tinataga ko ang lolo ni Cielo. It was as if he was made up of black oily substance, disgusting.


"Dead end." Biglang bulalas ni Axel nang matapos kaming lumiko sa isang kalye ay maaninag namin ang isang mahabang pader.


Sabi nila, ang mahirap daw sa paghahanap ay kapag yung hinanap mo ayaw magpahanap. Pero kung ako ang tatanungin, mas mahirap kapag hindi mo alam saan unang maghahanap. It's a really big abandoned creepy city we're in, Wena and Gino could be everywhere and the worst part, hindi alam ni Axel kung ano ang mga pinaka-kinatatakutan ng kapatid at ka-banda niya. Well I can't blame him for not knowing kasi karamihan naman ng mga tao, isinesekreto ang tunay nilang kinatatakutan. Although not everyone may be aware of this, keeping fears in secrecy is innate in humanity. Yes we answer those questions asking us what we fear the most but then again, are you really sure na ito na talaga ang pinaka-kinatatakutan mo? That's the thing about our minds, beautiful yet armed with mysteries that we aren't even aware of.


"Guys we've been circling these streets and knocking down doors for hours now. Tingnan na kaya natin sa imburnal?" Suhestyon ni Mira na gaya namin ay pagod na pagod na. Maliban sa pagod, alam kong napapansin narin nilang hapon na at ilang oras ay didilim na ang paligid, sadyang binabalewala lang talaga namin ito para kahit papaano'y wag munang madagdagan ang mga aalahanin namin.


It felt dejavu as we went down the manhole, minus the skunks yun nga lang mas marami rin kaming kalabang hindi pa nalalaman. Gaya ng dati umaalingasaw parin ang kahindik-hindik na amoy ng tinatahak namin pero wala eh, sanay na kami lalo na sa kadilimang bumabalot sa amin.


"Hindi naman siguro susulpot rito ng pabigla-bigla si Boris diba?" Walang emosyong sambit ni Shem at nang lingunin ko siya ay nakita kong hawak na naman niya ang suot na helmet. Bago pa man ako makapagsalita, bigla niyang itinutok sa mukha ko ang liwanag ng flashlight dahilan para agad akong mapangiwi at mapapikit.


"Dude what the hell?!" Napabulalas ako nang humalakhak pa si Shem na para bang pinagt-tripan ako. Naririnig ko pa ang echo ng boses ko at boses nilang nagtatawanan.


"Mukhasim award." Mahinang sambit naman ni Churchill na katabi ni Shem at natatawa rin sakin.


"Shhh!" Sita sa amin ni Raze na kasama ni Axel na kapwa nasa unahan at nangunguna sa bawat dinadaanan namin. We only have three flashlights, isa kay Shem, isa naman kay Raze and Axel so unfortunately, di ako makakaganti sa kulugong nasa likod ko.


Pagod na pagod man, pilit naming tinatatagan ang mga sarili namin mula sa sakit ng katawan at nakakasulasok na paligid not to mention, ang nakakakilabot na ingay ng mga naglalakihang daga sa bawat sulok.


"Rats won't attack us right? I mean I don't have an intense fear, but you know what I mean right?" Makahulugang sambit ni Mira na mas humigpit lalo ang hawak sa kamay ko.


"Fuck Rats, Shem is worse than them. Right Shemmy boy?" Pagbibiro ko nalang sabay lingon kay Shem na muli na namang itinutok sa mukha ko ang liwanag ng flashlight.


"O shit." Biglang bulalas ni Churchill habang nakatingin sa unahan namin kaya naman dali-dali naming ibinalik ang tingin sa harapan namin at nakitang tumigil na pala sina Raze at Axel sa paglalakad dahil sa isang dahilan—no wait, make it three reasons.


Sa harapan namin ay tatlong lagusan na maaring papunta sa iba-ibang direksyon, oo nga't minsan napapasabak na kami sa pamimili ng lagusan pero tatlo na kasi 'to at may hinahanap pa kaming mga tao ngayon.


"May magsabi na maghiwa-hiwalay ta'yo sasapakin ko promise." Bulalas ko agad bago pa man may magsuhestyon nito.


"Wala kang masasapak." Sabi pa ni Shem at naglakad papalapit sa bungad ng unang lagusan. Itinutok niya ang liwanag sa direksyon nito na para bang gustong tanawin ang maaring dulo o patutunguhan nito. Lumapit naman sa kanya si Churchill at nakisali sa pagtanaw.


Lumapit naman si Raze sa bungad ng pangalawa at tinanaw ang patutunguhan nito gamit ang flashlight samantalang si Axel naman ang pangatlo.


"Wena! Gino!" Biglang sumigaw si Axel dahilan para halos mapuno ang buong paligid ng mga echo ng boses niya. Gumaya naman at sumigaw sina Raze at Shem sa direksyon ng bawat lagusan sa pag-asang maaring nasa isa sa mga lagusan ang isa man sa kanila at maririnig kami.


Isang beses lang sila sumigaw pero para na itong dumaloy sa buong systema ng imburnal. The echoes are both creepy and annoying, plus the fact that Mira and I are getting devoured by the darkness with the three flashlights far from us.


"Tara Mira." Napabuntong-hininga na lamang ako at kahit hindi pa namin napagdedesisyunan kung saang lagusan lulusot, hinigit ko na lamang si Mira patungo sa direksyon ni Raze na siyang nasa pinakamalapit sa amin para naman maambunan rin kami ng liwanag kahit papaano.


"Mira?" Napatanong ako nang hindi man lang gumalaw si Mira kahit tinatanong ko na siya. Narinig ni Raze nang magsalita ako kaya nagkatinginan kami bago ko tuluyang nilingon si Mira, "Hey It's too dark here, I can't even see ourselves. Tara doon tayo sa—"


Natigil ako sa pagsasalita nang bigla kong mapansin ang panginginig ng kamay ni Mira na nakahawak sa akin. Hindi ko man makita ang kamay niyang mahigpit ang hawak sakin, damang-dama ko naman ang panginginig ng kamay niya.


"Mira?!" Narinig kong sumigaw si Raze at sa puntong ito'y tumama sa direksyon namin ang liwanag ng hawak niyang flashlight. Nang dahil sa liwanag unti-unti kong naaninag ang mga braso ni Mira hanggang sa tuluyan kong maaninag ang mukha niya.... Ang mga mata niya, nanlalaki ito na para bang takot na takot siya at gulat na gulat.


"Hey what's wro—" Parang huminto sa pagtibok ang puso ko nang makita ang napakaraming dugo sa umagos mula sa bibig ni Mira.


Nagbaba ang tingin ko hanggang sa sumambulat sa harapan ko ang isang kamay na may hawak na isang kulay pulang bagay na bahagya pang gumagalaw. Hindi ako makapagsalita at tuluyan akong hindi na makagalaw pa nang makitang galing ang kamay sa mismong dibdib ni Mira—Tumagos sa mismong dibdib ni Mira.


"Hindi! Mira!" Narinig ko silang nagsisigawan, malabo ang mga sigawan nila ngunit nagpapaulit-ulit ito sa isipan ko hanggang sa makuha ang atensyon ko ng isang malaking anino sa likod ni Mira. Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko nang tuluyan kong makita ang ang isang malaking pigura sa likod ni Mira, hagip ang mukha niya sa liwanag ng flashlight kaya naman kitang-kita ko ang kahindik-hindik niyang hitsura—walang mga mata, walang ilong, walang bibig—tanging mga laslas sa mukha lamang ang meron siya sa dapat sanang kinalalagyan ng kanyang mata, ilong at bibig. At ang mga laslas na ito, dumudugo pa.


Muli akong napatingin sa kamay na nasa harapan ko't laking gulat ko nang bigla na lamang sumabog ang hawak niya sa mismong mukha ko matapos niyang ikuyom ang malaki niyang kamay. Napahiyaw ako at napahagulgol nang tuluyang rumehistro sa sistema ko ang nangyayari—kung anong nangyari kay Mira at kung ano ang hawak niya.


"Miranda!" Napahiyaw ako lalo nang bigla na lamang niyang hinugot ang kamay mula sa dibdib ni Mira na ngayo'y may malaki nang butas sa gitna. Bumulagta sa sahig si Mira at dahil mahigpit ang hawak namin sa isa't-isa, kasama niya akong natumba.


Para akong nabingi sa buong paligid. Para akong nahihilo sa sarili kong isipan. Panay ang hiyaw at paghagulgol ko, nahihirapan akong huminga pero paulit-ulit akong sumisigaw lalo na nang bigla na lamang isinubo ng malaking lalake ang hawak niya—ang puso ni Mira. Nilamon niya ito na para bang takam na takam siya at halos ihilamos niya ang palad na may bahid pa ng napakaraming dugo ni Mira.


Naramdaman kong may humihila sa akin pero imbes na gumalaw, ibinalik ko ang paningin kay Mira. Umiyak ako nang umiyak at sumigaw nang sumigaw, gusto ko siyang tumayo at umalis kasama ko. Gusto ko siyang makitang gumalaw ngunit nakatingin na lamang ang kanyang mga mata sa kawalan. Naghihintay akong humawak siya sakin ng mas mahigpit ngunit lumulupapay na ang kanyang kamay.


"Mira!!!" Wala akong ibang magawa kundi maiyak kahit pa napapatakbo na ako dahil sa isang kamay na pilit humihila sa akin.


Para akong walang lakas habang tumatakbo. Mabilis man ang galaw ko, panay ang hagulgol at pagbuhos ng luha ko. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang hitsura ni Mira, ang takot sa mukha niya at ang matinding sakit na nabasa ko sa kanyang mga mata. Nangako ako sa kanya....


"Diana! Diana pakinggan mo ako!" Bigla kong namalayan si Raze sa harapan ko habang niyuyugyog ang magkabila kong balikat. Nang magtama ang kapwa naming luhaang mga mata ay hinawakan niya ang magkabila kong pisngi, "Magiging maayos ang lahat! 'Wag mo akong susukuan! Makakalabas rin tayo rito!"


Ngayon ko lang napagtanto na wala na kami sa imburnal, nasa gitna na ulit kami ng kalsada at sa ilalim ng kalangitang nagsisimula nang dumilim. Tumango-tango ako sa pagitan ng mga hikbi ko dahilan para muli kaming magtakbuhan ni Raze, pilit kong hinahanap ang iba pa ngunit kaming dalawa lamang ni Raze ang nagtatakbuhan sa ubod ng tahimik na kalsada.


END OF CHAPTER 20!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro