Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XVIII : Hell and help


CHAPTER XVIII

Hell and Help

Dana's POV


Lahat kami mabibigat ang bawat hininga, humahangos at hindi parin lubos mawala ang kaba kahit heto at umaangat na ang elevator shaft. The four of us are still even lying on the floor, scared and stuck in disbelief of what just happened.


"Bwisit!" Biglang umalingawngaw ang sigaw ni Churchill at agad na pinagsisipa palayo ang duguang katawan ng walang ulong clown na nakapaibabaw sa kanya, and the worst part sa kanya nagtalsikan ang lahat ng dugo ng clown matapos itong pugutan ni Axel gamit ang dala niyang palakol. Dejavu.


"A-andito lang kayo?" Gulat na sambit ni Shem habang sinusubukang tumayo sa tulong narin ni Axel.


"Everyone's looking for you, does this mean we're now missing too?" Bulalas naman ni Mira habang tinutulungan si Churchill na makatayo.


Raze and Axel looked like they haven't rested or slept for days, they're scratched and wounded but they seem as tough as always. Dried blood is all over their clothes and there's some fresh blood stains too. Axel's carrying an ax, as usual, while Raze has a gun on his hands and bag with some Molotov cocktails on his back.


Lumapit si Raze sa akin at tinulungan akong tumayo. Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong maluha at mapayakap sa kanya. Next to Cielo, Raze was my closest friend. Raze was like the old brother I never had and he always looked out for me kaya napakasaya kong makitang okay siya, nasa panganib man kami, atleast buhay siya at hindi gaya ng naisip ko noon.


"Anong ginagawa niyo dito?!" Bulalas ni Raze habang niyayakap ako pabalik.


"Dana nabahiran ba ng dugo mo ang libro ni Cielo?" Tanong ni Axel kaya agad akong napabitaw kay Raze at humarap sa kanya.


Napatingin ako sa palad kong sugatan at naalalang nahawakan ko nga ang libro nang may sugat ako sa kamay.


****


Hindi ko mapigilang maluha habang nilalagyan ni Mira ng paunang-lunas ang kamay kong sugatan. Lahat kami pagod at sugatan kaya mas pinili naming magtago muna sa cafeteria at barikadahan ang bawat pinto at bintana sa takot nab aka may sumulpot na namang hindi kaaya-aya. Atleast habang nandito, may supplies at makakapagpahinga kami.


Nakasara ang lahat ng mga ilaw at nagtatago kaming lahat sa ilalim ng counter, oo nga't kami lang ang nandito pero nagiging maingat lang kami.


"Okay naiintindihan ko na, napasok tayong lahat sa paboritong libro ni Cielo—'tong dalawa napasok nang mahawakan ni Axel ang libro at mabahiran niya 'to ng dugo tapos ta'yo naman nang mahawakan ni Dana ang libro. Pero putangina! Bakit andito na naman si Boris?!" Pagwawala ni Shem dahilan para agad siyang batuhin ni Raze ng candy bilang pagsita sa malakas nitong boses.


"And the clowns?! Why are those evil clowns here?!" Tanong naman ni Mira pero this time, hininaan niya ang boses niya.


"Y-you were looking for her right? And you didn't tell me." Napatingin ako kay Axel na animo'y hindi kayang tumingin sa mga mata ko.


"Ayaw naming umasa ka at higit sa lahat ayaw naming malaman ni Wacky ang ginagawa namin lalo pa't hindi na siya si Wacky." Sabi pa ni Axel dahilan para agad mapatingin sa amin si Churchill na nakaupo lamang sa isang tabi at kanina pa tahimik.


"Alam niyong may mali na sa kaibigan ko pero hindi niyo man lang sinabi?! Alam niyo bang muntik na niya kaming mapatay?!" Bakas ang matinding dismaya hindi lang sa reaksyon kundi pati narin sa boses ni Church.


"Kasi inisip naming mas ligtas kayo kung wala kayong alam!" Giit ni Raze, "Tuso ang demonyong si Astaroth at wala tayong laban sa kanya."


"B-but I don't get it..." Napailing-iling ako, "Why here? Why Faceless Dondy? What are we doing here?" Tanong ko at sa pagkakataong ito'y napatingin sa direksyon ko si Axel.


"Nagsaliksik kami, ang mga alam ni Harper at ang alam ng teacher niyo; nalaman naming ilang daang siglo na ang nakakaraan, ikinulong ang mga matataas na uri ng demonyo sa sarili nilang mga impyerno at kabilang na doon si Astaroth. Nagkapalit sila at naikulong niya sa sariling impyerno si Cielo at ang paraan lang na matagpuan siya ay sa pamamagitan ng isang daanan. Ayon sa nalaman namin, iisang bagay lang ang magsisilbing daan patungo sa lunggang kinaroroonan niya at 'yon ay ang bagay na pinakamahalaga at ginugulan niya ng atensyon sa mahabang panahon. Hinanap namin ang bagay na 'yon hanggang sa mapagtantong ang librong Faceless Dondy ang tulay patungo kay Cielo, napakahalaga ng librong 'to kay Cielo at sa loob ng mahabang panahon ay ito lang ang ginugulan niya ng atensyon lalo na nang ipinasok siya sa mental institution. Napasok tayo dito dahil nang mahawakan natin ang libro at nabahiran ng dugo, wala tayong ibang inisip kundi ang mahanap si Cielo." Napatingin si Axel sa direksyon nina Shem, Mira at Churchill, "Kami ni Dana ang nagsilbing Susi papasok sa lungga na maaring kinaroroonan ng impyerno ni Cielo. Pero may mga nagsisilbing bantay sa impyerno ni Cielo, walang iba kundi ang mga bagay na lubos niyang kinatatakutan at lahat ng mga napupunta dito."


"Kaya andito si Boris at yung mga clown? Teka ibig rin bang sabihin nito, andito rin ang pinaka-kinatatakutan ko?" Tanong ni Churchill.


"Kung hindi ako nagkakamali, Takot ang nagsisilbing bantay para 'wag makaalis si Cielo sa impyerno niya at takot rin ang pumipigil sa ating mahanap siya. At dahil nandito na tayo, pinipigilan narin tayong umalis ng sarili nating mga kinatatakutan." Paliwanag pa ni Axel.


"But what if we defeat our fears? Makakauwi ba tayo? Wait we're not dead right kasi hindi naman kayo namatay, nawala lang kayo bigla." Tanong naman ni Mira kay Axel at Raze. Sa takot ni Mira naramdaman kong napahawak siya ng mahigpit sakin.


"Hindi pa namin alam..." Nanlulumong sambit ni Raze.


"Your fears... has it appeared and tried to kill you like how Mira's and Shem's tried to kill us?" Napatanong ako kay Raze.


"Oo." Sagot ni Raze.


"And you defeated it right? But why are you still here? Does this mean we're going to be stuck here for eternity?" Tanong ni Mira at sa puntong to'y alam kong naiiyak na siya sa puntong 'to.


"Ang mahalaga manatili tayong buhay. Gaya ng dati gawin natin ang lahat para protektahan ang isa't-isa." Sabi ni Raze dahilan balutin kami ng katahimikan.


"S-so she's here? Cielo's here right and we can get her back? You've been here for a while, may ideya na ba kayo kung nasaan siya?" Basag ko sa katahimikan. We are at our darkest moment, surrounded by our fears and if I only focus on the good side, Cielo could be here. I just hope that even though she's trapped in her own hell somewhere in this place, she'd fight long enough for us to save her and get her back.


Umiling-iling si Raze, "Huwag muna tayong umasa."


"Look, hope is the only thing I have right now and no one's stopping me from hoping I'd get to see her again and make up for all the shitty things I said to her." Ngumiti na lamang ako at tumango-tango.


"Dumito muna tayo, may mga supplies tayo—" Natigil si Raze sa pagsasalita nang bigla na lamang itinaas ni Shem ang kamay niya, "Ano?" Tanong na lamang ni Raze.


"Pasensya na kung ako ang magsasabi ng masamang balita pero yung kapatid at barkada mo nawawala parin." Sabi ni Shem at napatingin sa direksyon ni Axel na halatang nagulat nang mapagtantong siya ang kinakusap ni Shem.


"Anong ibig mong sabihin?" Agad na bulalas ni Axel na agad naging bakas ang takot at gulat sa kanyang mga mata.


"We ran into them in Cielo's old house. Hinahanap ka nila at hindi sinasadyang andun rin sila nang hinahabol kami ni Wacky. Nasusunog ang bahay ni Cielo nang mabuklat ko ang libro kaya malaki ang posibilidad na andito rin sila." Dahil sa sinabi ko, kitang-kita ko ang matinding pag-aalala ni Axel.


****


Mabilis ngunit maingat kami sa bawat hakbang. Tirik pa ang araw kaya naman pinipilit naming bilisan ang bawat galaw.


"Ba't sumama pa kayo? Mas ligtas kayo doon!" Pabulong na sita sa amin ni Raze nang lumingon siya sa amin na bumubuntot sa kanila. Nasa unahan si Axel, kasunod si Raze, tapos kami naman nina Mira, Shem at Churchill na magkakahawak-hawak sa mga braso.


"We have to stick together at isa pa may baril ako!" Giit ni Churchill kaya napabuntong hininga na lamang si Raze lalo na nang makitang inilabas ni Churchill ang kanyang baril na animo'y ipinagmamayabang ito.


"Shhh!" Sita sa amin ni Axel na kanina pa hindi nagsasalita. He's agitated and obviously worried, kanina pa siya tensyonado at alam kong dahil ito sa kaibigan at mga kapatid niyang walang kamalay-malay sa mga nangyayari at napagdaanan na namin.


Sa gilid kami nagdadaan, mabilis man ang paglalakad, sinisiguro naming nakayuko ang mga ulo namin at tahimik kami. Determinado kaming 'wag gumawa ng kahit na anong ingay na maaaring makakuha ng atensyon ng kahit na sino o ano.


Hindi nagtagal ay tuluyan kaming nakalabas sa gate ng eskwelahan at nakarating sa napakatahimik na kalye. Tirik man ang araw, nakakakilabot parin ang paligid lalo pa't may mga abandonadong sasakyang nakahinto sa gitna ng daan, bukas ang pinto at may mga bahid pa ng dugo mula dito. May mga coffee shops at establismento sa tabi-tabi at kahit ito ay mukhang abandonado narin at may mga bakas ng karahasan. Nakakakilabot pero nasanay na kami, ganito rin kasi ang sitwasyon nang mga skunks pa ang humahabol sa amin sa Drayton.


Nang madaanan namin ang abandonadong sasakyan ay hindi namin napigilang mapasilip rito. Diring-diri kaming lahat lalo na si Mira na tuluyang nasuka. Nakakapanlumo kasi mayroong mag-ama sa loob ng sasakyan, the father was still strapped to his seat with his eyes gouged out and heard ripped open while his young daughter is at the back, there's a big hole in her heart and her face is disfigured as if someone slashed her face with a big knife.


"Ang bata pa niya..." Umiiyak na sambit ni Mira kaya niyakap ko na lamang siya.


"This is fictional okay? They're not real people." Paalala ko na lamang sa kanya dahilan para tumango-tango siya.


"This place is designed to break us and we're not going to break." Walang emosyong sambit ni Shem na nasa tabi lang pala namin.


Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa bigla na lamang magtatakbo si Axel. Natakot at nataranta kami sa pagtakbo kaya maging kami ay napatakbo rin kasunod sa kanya. Natigil lamang kami nang huminto si Axel sa gitna ng daan.


"Tulong!"


Bigla akong may narinig na malabong sigaw ng isang babae dahilan para agad akong kilabutan. Muli kong ibinalik ang tingin sa direksyon ni Axel na ngayo'y nakaupo na sa daan, sa tapat ng isang manhole at nagulat ako nang makita ang isang duguang kamay na animo'y nanggagaling sa ilalim nito.


"Pinky?!" Sumigaw si Axel at dali-daling sinubukang tanggalin ang takip ng manhole nang matulungan itong makalabas. Dali-dali namang nagsilapit sina Raze at Shem nang tulungan si Axel sa pagtanggal nito.


Makaraan ang ilang sandali ay tuluyan nila itong nabuksan at agad na tumambad sa amin ang luhaang si Pinky na napakarumi at duguan. Iyak siya ng iyak at para bang takot na takot kaya agad siyang niyakap ni Axel upang aluin.


"Pinky asan si Wena?" Tanong agad ni Axel pero imbes na sumagot ay nagpatuloy ito sa paghagulgol. Para nang nasiraan si Pinky ng bait kaiiyak. She's shivering and hyperventilating while in Axel's arms. I can't help but to feel bad about her kahit sobra siyang nakakainis nang nasa bahay kami ni Cielo.


"Hula ko fear of the dark..." Mahinang sambit ni Shem na nasa tabi ko lamang at mukhang kanina pa malalim ang iniisip.


"We got Boris and the clowns running around, chasing us tapos siya na-trap lang sa ilalim ng madilim na manhole? I don't mean to sound like a disgusting bitch but isn't it unfair?" Tanong naman ni Mira.


"Shit..." Mahinang sambit naman ni Churchill kaya napatingin kaming tatlo sa kanya.


"Ikaw Church, anong kinakatakutan mo? Mabuti nang handa tayo." Tanong na lamang si Shem pero imbes na sumagot, nanatiling tahimik si Churchill.


Teka, ano nga ba ang pinaka-kinatatakutan ni Church? I mean, magkakakilala na kami mula sa jejemon days pa namin pero wala akong maisip na bagay na kinatatakutan niya.



END OF CHAPTER 18!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro