Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XVII: For the greater good


CHAPTER XXVII

For the greater good

Third Person's POV



"Cielo... Cielo sigurado ka ba dito?..." Hindi mapakali si Dana habang tagaktak ang kanyang pawis at luha.


"Don't be scared," Nanginginig man at lumuluha dahil sa kaba, tinanggal ni Cielo ang kulay asul sa scarf at isinuot ito sa kaibigan, "We can do this okay? We can... We have to. I'll distract them while you get Wacky and Pip. Alam mo kung nasaan ang fuse box ng cathedral kaya mapapatay mo ang ilaw at makakagawa ako ng paraan para makatakas.


"B-but what if—"


"It will work, it has to... Magkita tayo sa Drayton Bridge." Giit pa ni Cielo.


"Cielo bakit doon? Cielo anong binabalak mo?" Naguguluhang sambit ni Dana.


"'Yon ang pinakamalapit na borderline. Ang sumpa ni Ama ang nakakapigil sa inyo na makalabas sa lungsod kaya maaring, baka sakali, pansamantalang mabali ang sumpa at makalabas kayo kung kasama ninyo ang dugo't laman niya. Alam kong suntok sa buwan itong ideya kong 'to, pero ito nalang ang ideya na hindi pa natin nasusubukan at ito nalang din ang pumapasok sa isipan ko."


Kinakabahan man, pinilit ni Cielo na magpakatatag para sa kaibigan. Pilinilit niyang ngumiti at niyakap ito ng mahigpit. Habang magkayakap ay kapwa sila huminga ng malalim na tila ba inihahanda ang mga sarili sa maaring mangyari.


****


Hawak ang walang iba kundi determinasyong matulungan ang mga kaibigan, pasimpleng pinasok ni Dana ang hardin ng isang bahay na konektado sa katedral. Madilim ang paligid at tanging ilaw lamang mula sa natitirang mga posteng nakasindi ang nagsisilbing gabay ni Dana kaya naman lalo pa niyang tinatalasan ang pakiramdam. Labis man ang pananakit ng mga sugat niya, sa kabila nito ay pilit na lamang niya itong binabalewala lalo pa't naalala niya ang mga kaibigang sinawing palad.


Huminga ng malalim si Dana at napatingin sa lupang inaapakan. Hindi niya mapigilang manlumo nang muling bumalik sa isipan niya ang unti-unting pagkawasak ng ulo ni Shem. Labis mang nasasaktan, mas pinili niyang dumukot na lamang ng lupa at ipinahid ito sa kanyang balat.


Sa isang iglap ay bigla na lamang umalingawngaw ang napakalakas na sigawan mula sa katedral bagay na lalo pang nagpatindi sa kaba at takot ni Dana. Nanlumo pa ang dalaga nang mabosesan niya sina Wacky.


"Pakawalan niyo ako! Putangina! Harper! Harper pakawalan mo ako dito!"


Hindi makapaniwala si Dana sa naririnig na tila ba nanggagaling sa isa sa mga silid ng bahay na nasa tabi lamang niya. Malabo man ang sigaw, nakilala niya agad ang boses ng kababata.


Dali-daling pinasok ni Dana ang bahay at sinundan ang pinanggagalingan ng boses ni Raze, lalo pa itong napadali dahil walang pinto ang nakakandado.


"Raze!" Napasinghap sa gulat si Dana nang matagpuan si Raze sa isang silid, nakatali at duguan. Natataranta niya itong nilapitan at sinubukang kalagan.


"Shhh! Dana makinig ka nababaliw na si Harper siya ang may gawa nito hindi siya skunk pero ipapahamak niya tayo." Bulalas agad ni Raze gamit ang mahinang boses bagay na labis ikinagulat ni Dana.


"Ano? Sigurado ka—" Natigil sa pagsasalita si Dana nang mapansin niya ang napakaraming mga papel na nakadikit sa bawat sulok ng kwarto. Hindi mapigilan ni Dana na magulat lalo na nang mapagtanto niyang ang ilan sa mga ito ay patungkol sa bayan ng Fergullo at impormasyon ukol kay Cielo at Axel.


Naguguluhan man, mas nangibabaw sa isipan niya ang binabalak nila ni Cielo kaya naman muli niyang sinubukang kalagan si Raze.


"Raze we have a plan. Those skunks took wacky and pip so Cielo came up with a plan to distract them while I take them away. Cielo may look like a skunk but she's still the Cielo we know." Natatarantang sambit ni Dana.


"A-ano?" Bulalas ni Raze.


"Look I don't believe in the supernatural too but its real, they're all real! But Cielo is still Cielo—"


"S-sabi ni Harper siya ang may kagagawan ng lahat?" Kunot noong sambit ni Raze na hindi parin lubos makapaniwala, "si Cielo ang sinasabi niyang kailangan nila—"


"That's why Cielo thinks by showing up, maaring may pagkakataon pang matulungan ang iba. Raze I don't want to lose Cielo again." Muli, hindi na napigilan pa ni Dana ang pagbuhos ng kanyang luha.


"We won't..." Ibinaling ni Raze ang tingin sa direksyon ng baril na hanggang ngayon ay nakatago parin sa bulsa na nasa loob ng jacket niya.


****


Nagpupuyos man sa galit, ikinuyom na lamang ni Dana ang nanginginig na kamay at nanatiling tahimik habang hindi gumagalaw sa ilalim ng kama. Pinapanood niya ang pag-arte ni Raze na tila ba sumasangayon sa plano ni Harper.


"Thank you Raze at naintindihan mo rin ako," lumuluha man, hindi mapawi ang ngiti sa mukha ni Harper, "si Primo lang ang nakakaalam na hindi pa tayo gaya nila kaya mas mabuti nang maingat." Dagdag pa ni Harper sabay abot sa binata ng isang screwdriver.


Hindi na kumibo pa si Raze at sa halip ay tinanggap na lamang ang screwdriver at sumama kay Harper patungo sa katedral.


****


Habang nagkakagulo ang lahat sa pagdating ni Cielo, sinamantala ni Dana ang pagkakataon at pasimple siyang pumasok sa katedral mula sa isang pintong malapit sa altar, malayo mula sa paningin ng lahat.


Sa pag-apak pa lamang ni Dana sa loob ng katedral ay halos sumabog na ang puso niya sa kaba lalo pa't kitang-kita niya si Cielo na nagmamakaawa sa ama habang nasa harap nito ang binihag na si Axel. Sa kabila ng nasasaksihan ay tinatagan na lamang ni Dana ang kanyang kalooban at inilibot ang paningin hanggang sa matagpuan niya si Wacky na nakadapa sa sahig habang namimilipit sa sakit.


Pasimpleng nilapitan ni Dana ang binata ngunit dahil sa ginawa ay nakita niya ang mahabang mesa kung saan nakapatong ang bangkay ng batang si Pip na ngayo'y wala nang ulo.


Agad na napatakip si Dana sa kanyang bibig upang walang makarinig sa kanyang paghagulgol. Parang dinudurog ang puso niya dahil sa kinahinatnan ng walang kalaban-labang bata pero sa kabila nito ay napaupo na lamang siya sa sahig upang makaharap si Wacky na walang kamalay-malay sa nangyayari sa kanyang paligid.


"W-wacky.." Bulong ni Dana sa pagitan ng kanyang paghikbi at gamit ang nanginginig niyang mga kamay ay sinubukan niya itong hawakan. Hindi mapigilan ni Dana ang magulat nang mahaplos ang napakainit na balat ni Wacky, sa sobrang init ay para siyang napapaso.


Nanginginig si Wacky dahil sa labis na sakit na nararamdaman at mistula bang wala sa sarili. Panay ang pag-agos ng dugo mula sa kanyang ilong habang bumabakat naman ang ugat sa kanyang sentido bagay na labis ipinag-alala ni Dana.


"Wacky..." Labis na naguluhan si Dana, hindi na niya alam anong gagawin. Gusto na niyang maialis si Wacky mula sa katedral nang sa gayon ay makaalis narin si Cielo ngunit hindi niya alam paano dahil sa kalagayan ng binata.


Naririnig ni Dana ang pagtatalo nina Cielo at Raze kaya naman huminga na lamang siya ng malalim at pinigilan ang sariling umiyak sa pamamagitan ng pagkagat ng kanyang labi. Para sa kapakanan ng kanyang mga kaibigan ay agad niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ni Wacky at tiniis ang matinding init na dulot ng balat nito.


"Ako 'to, Wacky look at me, Wacky I'm here." Paulit-ulit na bulong ng lumuluhang si Dana habang tinitiis ang matinding sakit na dulot ng pagkapaso ng kanyang palad.


Gulat ang remehistro sa luhaang mga mata ni Wacky nang mapansing nasa kanyang harapan niya si Dana. Labis mang nahihirapan dahil sa nararamdamang sakit sa buong katawan, nagawa parin nitong ngitian ang dalaga.


"Get up, we have to go, let's go." Aligaga ngunit walang boses na sambit ni Dana. Nararamdaman niyang unti-unti nang humuhupa ang init ng balat nito kaya naman agad na niyang niyakap ang binata, paraan upang maalalayan ito sa pagtayo.


Nang kapwa sila makatayo ay ipinatong ni Dana ang braso ni Wacky sa kanyang balikat at hinawakan ng mahigpit ang bewang nito.


"Iwan niyo na ako..." Biglang bulong ni Wacky na halos wala nang lakas pang humakbang dahilan para agad umiling-iling ang lumuluhang si Dana.


Habang pasimpleng humahakbang ay napasulyap si Dana sa paligid. Gustuhin niya mang matuwa dahil ni isa ay walang nakakapansin sa kanila, hindi niya magawa dahil alam niyang na kay Cielo naman ang atensyon ng lahat ng mga ito.


Ibabalik na sana ni Dana ang paningin sa pintong pupuntahan ngunit biglang nahagip ng paningin niya ang pagtama ng itak sa batok ng walang kalaban-labang si Axel.


Nanlaki ang mga mata ni Dana at mas lalo pa itong napaluha. Muli niyang pinigilan ang sariling mapahagulgol sa pamamagitan ng pagkagat ng kanyang labi. Awang-awa siya sa sinapit ni Axel at labis siyang nag-aalala para sa maaring maramdaman ni Cielo pero sa kabila nito ay pinilit na lamang niyang ipagpatuloy ang pag-alalay kay Wacky patungo sa pinto.


Unti-unti, nagawa ni Wacky na makahakbang bagay na nagpabilis sa kilos nila. Bago tuluyang lumabas sa pinto ay napasulyap si Dana sa direksyon ni Raze at sa hindi inaasahan ay nagtagpo ang mga mata nila ni Harper.


Labis man ang galit na nararamdaman para kay Harper, bagkus ay nagpatuloy na lamang si Dana sa pagtakas kasama si Wacky. Bago tuluyang makaalis, ilang sandaling ipinasandal ni Dana si Wacky sa dinding , sa pagkakataong ito ay napuntahan niya ang fuse box at nagawang patayin ang kuryente ng buong katedral.


Sa isang iglap ay bigla na lamang umalingawngaw ang putok ng baril. Kinakabahan man, pinilit na lamang ni Dana na alalahanin ang sinabi ni Raze nang mabanggit niya ang tungkol sa kanilang plano ni Cielo.


"Y-yung baril ni Papa na nakuha ko kanina, hindi nakuha ni Harper at nasa bulsa ko pa. 'Wag mo muna akong kalagan at magtiwala ka lang sakin. Sa pagpatay mo ng mga ilaw ay tatakbo agad is Cielo palabas diba? Pero mahihirapan siya kaya magpapaputok ako ng baril para ma-distract sila at magkaroon kami ng pagkakataong makatakbo paalis."


Huminga na lamang ng malalim si Dana at binalikan si Wacky upang tuluyang makaalis.


****


Ang pagbalot ng kadiliman sa katedral ay hudyat para kay Cielo na tuluyan nang nakatakas sina Dana. Naghihinagpis man dahil sa nangyari kay Axel, alam ni Cielo na kailangan parin siya ng mga kaibigan kaya naman sinubukan niyang kumawala mula sa ama ngunit hindi niya nagawa. Sa isang iglap ay bigla namang umalingawngaw ang putok ng baril, dahil dito ay muli siyang nagkaroon ng pagkakataon na makatakbo ng tuluyan.


Tumakbo sa abot ng makakaya—ito ang ginawa ni Cielo hanggang sa tuluyan siyang makalabas mula sa katedral. Ngunit sa paglabas niya ay agad na bumungad sa kanya ang maraming mga kauri na paparating.


"Dito!" Laking gulat ni Cielo nang bigla na lamang may humigit sa braso niya, labis siyang mas nagulat nang mapagtantong ito'y si Raze at gaya niya ay kakalabas lang nito ng katedral.


****


Sa bilis ng pagtakbo ay sumasalubong sa mga katawan nila ang malamig na hanging dulot ng kadiliman. Pagod na pagod man ay hindi sila humihinto o lumilingon, panay lamang sila sa pag-ikot sa bawat kalsadang madaanan sa pag-asang matatakasan nila ang napakaraming humahabol sa kanila.


"Wag kang lumingon!" Sigaw ni Raze habang mahigpit ang hawak sa kamay nito.


"I won't!" Sigaw naman ni Cielo.


"Raze alam mo ba ang plano namin?!" Pahabol pa ni Cielo.


Matapos ang kanilang pagliko-liko at pagtakbo ay natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa isang masikip na eskinitang napakatahimik.


"Cielo..." Biglang tumigil sa pagtakbo ang humahangos na si Raze nang mapagtantong wala nang humahabol sa kanila.


"Raze lets go." Humahangos man, pilit na hinihila ni Cielo si Raze na mapatakbo ulit.


"Cielo makinig ka muna sakin!" Biglang sigaw ni Raze bagay na ikinagulat ni Cielo. Gulat man, napasandal na lamang ang dalaga sa pader at paulit-uli na huminga ng malalim.


"Cielo paano kung hindi parin kayo makakadaan sa dulo ng Drayton Bridge?" Biglang tanong ni Raze dahilan para maiyuko na lamang ni Cielo ang kanyang ulo.


"I don't know..." Mahinang sambit ni Cielo at tuluyang napaupo sa sahig.


Ilang sandaling binalot ng katahimikan ang buong paligid. Hindi nagpapalitan ng mga salita ang dating magkasintahan, bagkus ay kapwa sila humihinga ng malalim na tila ba binabawi ang lakas mula sa labis na ginawang pagtakbo.


"Is it really that hard to make the wish?" Mahinang sambit ni Raze na hindi na maitago pa ang dismaya sa bawat salitang binibitawan.


Napatingin sa kawalan si Cielo at umiling, "I could only make one wish."


"Then wish for everything to be okay o di kaya hilingin mong sana bumalik tayo sa araw ng birthday ni Church para mapigilan natin si Harper sa pagpapatugtog ng plakang nagpakawala sa kanila..." Mahinang sambit ni Raze at unti-unting hinawakan ang kamay ng dalaga, "Cielo, hilingin mong bumalik sa dati ang lahat... Nakikiusap ako sa'yo."


"Raze..." Muli, hindi napigilan ni Cielo na umiyak, "Raze natatakot ako... Raze kung sana ganun lang kadali." Dagdag pa ng dalaga habang umiiling-iling.


"Bakit?" Naupo si Raze sa tapat ng dalaga, hindi niya maiwasang mag-alala para rito. Naninibago man sa kulay itim nitong mga mata, hinawakan ni Raze ang magkabilang pisngi ng dalagang labis niya paring pinapahalagahan, "Cielo anong mangyayari kung hihiling ka? M-may kapalit ba?"


Unti-unting napatingin si Cielo sa mga mata ni Raze, 



"Raze, I'm going to hell," takot at panlulumo, walang ibang nanaig sa dalaga, "M-mapupunta ang kaluluwa ko sa impyerno..."



"A-ano?" Naiwang nakaawang ang bibig ni Raze. Naguguluhan siya at hindi halos makapaniwala sa sinabi ng dalaga. Matagal niyang tinitigan ang mga ito, naghihintay na babawiin ang mga salita at mabibigyan siya ng rasong higit niyang mas maiintindihan ngunit wala. Wala siyang ibang nakita kundi matinding takot sa mga mata ng dalaga.


"Amelia!!!"


Biglang umalingawngaw ang naglalakasang sigawan at nang mapalingon ang dalawa ay nakita nila si Primo kasama ang iba pa niyang mga kauri na patungo sa direksyon nila bagay na labis na nagbigay ng matinding takot sa dalawa.


"Cielo, Cielo makinig ka," muling sambit ni Raze habang hawak ang magkabilang pisngi nito, "pupuntahan mo sina Dana at tutulungan mo silang makaalis dito sa Drayton." Dali-daling tumayo si Raze at muling inilabas ng baril mula sa bulsa.


Tumayo siya sa harapan ni Cielo na tila ba hinaharang ang sarili sa mga paparating na kalaban.


"Tumakbo ka na bilis!" Giit ni Raze kaya naman dali-daling tumayo si Cielo.


"Raze—" Umiling-iling si Cielo at hinigit ang braso ng binata.


"Takbo!" Sigaw pa ni Raze kaya walang ibang magawa si Cielo kundi maiyak at magtatakbo palayo.



END OF CHAPTER 27!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro