XVI : The Closure
Sa mga naguguluhan sa Chapter 15, nasa Chapter 14 po mismo ang sagot sa nangyayari kay Dana and friends. Remember what Astaroth said about sa surprise sa Chapter 14? Dondy is his surprise. And with Wacky, hindi na siya possessed ni Astaroth kasi lumipat na siya kay Wena so basically, we got Wacky back now (kaso yun nga lang, goodbye Wena, Churchill and Mira na.) Sa mga nagtatanong bakit si Dondy ang surprise ni Astaroth, kasi nuknukan ng kasamaan si Astaroth, he's a demon after all lol.
I also just want to clarify that DANA IS NO LONGER IN HELL. Connect the 778 chapter of Book 2 and Chapter 13 of book 3 and you'll see that Dana really did got back :) She's back with the others in Axel's villa. There's no twist hahaha. Loko lang talaga si Astaroth at iniwan pa si Dondy kasama nila. And no matter how much you deny it, admit it, na-miss mo si Dondy bwahahaha jk.
So yun guys, all vital info are in the chaps already, all you gotta do is read, read and read para ma-gets :)
CHAPTER XVI:
The closure
CIELO'S POV
Dana got back. Oo natatakot ako sa walang kasiguraduhang kapalaran namin ngayong andito parin kami sa mundo kung saan naghirap si Dana pero ang mahalaga, nakabalik na siya at wala sa impyernong ako dapat ang bihag. Alam kong hindi pa rito nagtatapos ang lahat, alam kong ngayong wala na si Dana dito, maghahanap na ng kapalit si Astaroth.
Nagsimula ang lahat ng 'to sa isang kapalarang natakasan namin ni Axel dahil sa kamatayan. Ngunit sadyang may mga bagay na hindi maaring takasan; tumakbo ka man ng tumakbo, magtago ka man ng magtago, kung ang tadhana na mismo ang may takda, wala ka nang magagawa. Sa pagkakataong 'to, tanggap ko na ang kapalaran ko kahit ito man ay makulong ng panghabang buhay sa impyernong 'to. Mas tanggap ko 'to kesa sa may ibang taong magdurusa sa kaparang akin sana.
"Iba ang pakiramdam ko dito..." Bulalas ni Raze habang maingat naming binabagtas ang isang madilim na eskinita.
"Ano?" Tanong ko na lamang habang pasimpleng nililibot ang paningin bilang pag-iingat.
"Nasa Faceless Dondy tayo pero wala na tayong nakitang Dondy. Si Dana na mismo ang nagsabi na si Dondy ang pumugot ng ulo ko at kumain sa mga mata ni Shem pero hindi na ulit natin nakita si Dondy." Sambit ni Raze at walang kagatol-gatol na inakyat ang isang bakod kahit pa umuuga ang wired fence nito.
"H-hindi naman siguro nakasunod si Dondy kay Dana diba?" Tanong ko pero imbes na sumagot, nagpatuloy lamang si Raze sa pag-akyat hanggang sa makarating siya sa kabilang dulo at nang sapat na ang kanyang distansya mula sa sahig, tumalon na siya pababa.
Napabuntong-hiningana lamang ako at umakyat rin sa bakod gaya niya. Being the good-hearted Raze that he's always been, inalalayan niya akong makababa.
"Raze okay na si Dana diba?" Tanong ko na lamang nang tuluyan na akong makaapak ulit sa sahig. Pagkatapos ng mga nangyari, hindi ko na kayang magtapang-tapangan. Oo natatakot ako, oo alalang-alala na ako.
"Kahit na anong mangyari, hindi siya pababayaan ng mga taong nakapaligid sa kanya." Paniniguro ni Raze sa akin. Gaya ng lagi niyang ginagawa noon sa tuwing kinakabahan ako dahil sa lolo ko, ngumiti si Raze sa akin at pabirong ginulo ang buhok ko.
"Hindi ka parin nagbabago." Sabi ko na lamang.
"Yang boses mo baguhin mo na, dinaig mo pa si Dana na nilublob ni Shem sa sandamakmak na yelo dahil sa sobrang lamig ng mukha at pananalita mo." Walang emosyong sambit ni Raze na para bang ginagaya ang pananalita ko.
"I'm trying my best to be the old Cielo you all knew." Sa abot ng makakaya, pinilit ko ang sarili kong ngumiti gaya ng dati at pinilit ko ring gawing masigla ang boses ko.
"Para kang asong ulol, 'wag nalang." Nakangiwing sambit ni Raze kaya hindi ko mapigilang samaan siya ng tingin.
Napabuntong-hininga na lamang ako, "Look I'm trying my best to get back to the way I used to pero mahirap rin naman kasing kontrolin lagi ang pananalita ko. Ano bang magagawa ko? Ito na ang normal para sakin. Ganito na ang takbo ng tornilyo sa utak ko."
Tiningnan ako ni Raze na para bang awang-awa siya sakin, tinging lagi niyang binibigay sa akin mula pagkabata. Raze knew me ever since we were kids dahil sa ama niya pero noong highschool lang kami tuluyang naging magkaibigan.
"Napakahirap siguro ng nakaraang tatlong taon." Sambit ni Raze at sa pagkakataong 'yon, para akong nanlumo. Nakakapanlumo na maalala ang mga panahong nag-iisa ako sa isang maliit na silid, tinuturing na siraulo at nangangailangan ng medical na atensyon.
"The worst part was being away from all of you, without getting the chance to say goodbye. Nang gabing pinatay ni Lolo ang Mama ko at ginilitan niya ang leeg ko, para narin akong namatay kasi simula nun nawala ang lahat sakin, pati kayo." Pag-amin ko. Sa loob ng napakatagal na panahon, sa wakas may napagsabihan narin ako tungkol rito sa bagaheng napakatagal ko nang bitbit.
"Sa sobrang biglaan ng pagkawala mo, ni hindi tayo nakapag-hiwalay ng maayos. Inaamin ko noong una, sumama ang loob ko kasi nawala ka nalang bigla at alam ko rin magmula pa noon na hindi naman talaga ako ang laman ng puso mo." Sambit ni Raze na nakuha pang tumingin sa akin at ngumiti. Inaamin ko, bumigat pa lalo ang kalooban ko dahil sa ngiti niyang iyon at ito ay dahil alam kong nasaktan ko siya.
"I kept on breaking your heart but you still kept saving my life." Sa puntong iyon, hindi ko na napigilan pang manlumo at mainis sa sarili ko. I never got to love him the way he loved me, alam niya pala iyon pero sa kabila ng lahat paulit-ulit niya parin akong pinrotektahan at niligtas.
"Bago naging tayo, magkaibigan na tayo. Walang nagbago, walang magbabago... kahit pa ngayong wala na tayo." Giit ni Raze at pabiro na namang ginulo na naman ang buhok ko gaya ng dati. So this is it then... our real closure.
"You're a really great guy Raze. You'll eventually find the right girl, someone you really deserve, and someone who really deserves you." Paniniguro ko at hindi ko na napigilan pang mapayakap sa kanya. Raze and I were friends and this will never change.
Narinig kong tumawa si Raze at yumakap rin pabalik sakin, "Pero oras na saktan ka ni Axel, humanda siya sakin, magiging magkamukha sila ni Churchill."
Nagpatuloy kami ni Raze sa paglalakad. Hindi man namin alam saan pupunta, iisa lang ang layunin namin at 'yon ay mahanap sina Axel at Harper kung nasaan man sila. Habang maingat na binabagtas ang bawat kalsada, maya't-maya kaming napapalingon sa paligid. Taimtim rin kaming nakikiramdam hanggang sa isang iglap, biglang huminto si Raze sa paglalakad na para bang may narinig na kakaiba.
Sinenyasan ako ni Raze na makinig at huwag gumawa ng kahit na anong ingay kaya tumango-tango ako at gaya niya'y nakiramdam rin. Parang nanggagaling sa kanlurang direksyon ang ingay kaya kapwa kami napalingon ni Raze sa direksyon nito.
"Axel!" Hindi ko napigilan ang sarili kong mapasigaw nang makita si Axel kasama si Harper. Nagtatakbuhan silang dalawa patungo sa direksyon namin.
"Takbo!" Biglang sigaw ni Raze kaya naguluhan ako. Unti-unti lamang na naging malinaw sa akin ang lahat nang tuluyan kong marinig ang naglalakasang kahol at makita ang sandamakmak na mga asong humahabol kay Harper at Axel.
Namalayan ko na lamang na nagtatakbuhan na kaming apat sa gitna ng malawak na kalsada, sa gitna ng kadiliman, habang hinahabol ng napakaraming mababangis na aso na animo'y handang-handa na kaming sakmalin at gawing hapunan oras na maabutan.
Sa aming lahat, si Raze ang pinakanangunguna at mabilis sa pagtakbo, paano ba naman kasi, naranasan na niya noon na makagat ng aso at sa pagkakaalam ko takot na siya sa mga aso magmula noon. Kasabay ng kahol ng mga aso ang naglalakasan naming mga sigawan, idinadaan na lamang namin sa sigaw ang takot at labis na pagod sa pagtakbo.
Sa sobrang bilis ng takbo ko, tumatabon na ang mahaba kong buhok sa mukha ko at pati narin ang dulo ng scarf na nakakabit sa leeg ko. Nakakapagod tumakbo pero mas mabuti pang mapagod kesa mapagpyestahan ng mga asong 'to.
Sa isang iglap, bigla na lamang may kumalabog at umalingawngaw ang napakalakas na hiyaw ni Harper. Napalingon ako at maging ako ay napasigaw rin nang makitang nadapa si Harper at napakalapit na sa kanya ng mga asong higit na mas malalaki ang mga pangil kumpara sa mga normal na aso. Habang tumatagal mas lalo itong nagmumukhang mga halimaw na kahugis lamang ng aso.
"Harper!" Hindi ko na napigilang mapasigaw lalo na nang tuluyan siyang maabutan ng isa sa mga aso. Pumatong ito sa kanyang likod at agad na sinakmal ang kanyang leeg dahilan para mas lalong mapahiyaw si Harper.
"Cielo takbo!" Narinig kong nagsigawan sina Raze at Axel, ngayon ko lang namalayan na nahinto na pala ako sa pagtakbo at napako sa kinatatayuan. Ibinalik ko ang tingin kay Harper at laking gulat ko nang makita ang biglang paglalaho ng mga aso, lahat ng mga ito ay nawala.
"Raze?!"Narinig kong sumigaw si Axel kaya naman dali-dali akong napalingon sa kanilang direksyon ngunit naiwang nakaawang ang bibig ko nang tanging si Axel na lamang ang nakita ko. Sa isang iglap, biglang naglaho ng parang bula si Raze.
****
"Ayos! Ramonsito!" Hindi na napigilan ni Shem ang kanyang sarili na mapasigaw sa tuwa nang makitang tuluyang dumilat ang mga mata ni Raze matapos itong malapatan ng paunang-lunas ng mga nakaligtas sa kanya.
Matapos maisuka ang tubig na bumara sa kanyang sistema, agad na kinabitan ng oxygen mask si Raze. Mistula mang wala pa sa sapat na wisyo at kamalayan, nagawa ni Raze na yumakap pabalik sa kanyang amang lumuluha.
Natutuwa man, hindi parin mapigilan ni Shem na mag-alala sa mga natitirang kasamahan. ibinalik niya ang kanyang paningin sa direksyon ng ilog kung saan naroroon parin ang mga rescuer at pilit na hinahanap ang mga kasamahan.
Sa kanyang isipan, tanging dasal na lamang ang nagawa ni Shem.
END OF CHAPTER 16
To everyone who's still reading this series, Thank you so much :) I know it's lame but the effort is what matters rayt haha :)
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro