Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XVI : Houston, we have a problem


CHAPTER 16:

Houston, we have a problem

DANA'S POV


"We need help! Listen something happened in that police outpost near bordley road and we're being chased by a crazy—Basta his name is Waldo Hartman and you need to help us! Wait Ha? I'm driving malay ko asan kami! Guys asan tayo?!"

"Puro kahoy lang ang nakikita ko!"

"Teka ihihinto ko nalang—"

"Waaaag! S-sa cathedral nalang! Sabihin mo nalang sa cathedral tayo!"


Sa sobrang takot, lahat ay taranta at hindi na mapalagay. Naririnig ko silang lahat na nagtatalo. Nakikita ko si Mira na kulang nalang ay magwala dahil hindi lang siya abala sa pagmamaneho kundi pati narin sa pagkausap ng pulis sa kanyang telepono. Nagtatalo silang lahat at nagsisigawan na, gusto kong umawat pero unti-unting nagpapasirko-sirko ang paningin ko't para bang lumalabo ang lahat. Wala akong ibang nararamdaman kundi lamig, napakatinding lamig.


"A-ate?" Narinig ko ang nag-aalalang boses ni Pip, magkatabi kami pero hindi ko siya makita. Alam kong nakasandal parin ako ngayon sa bintana ng sasakyan pero hindi ko na sila makita, tanging boses na lamang nila ang naririg ko.


Naramdaman ko ang mainit na palad ni Pip na dumampi sa balat ko pero agad kong narinig ang kanyang pagsigaw dahil sa sobrang lamig na naramdaman nang mahawakan ako.


"Dana! Anong nangyayari sayo?!"


Naririnig ko ang mga sigawan nila. Sinusubukan kong ikurap ang mga mata ko ngunit wala akong ibang makita kundi walang hanggang kadiliman. Sobrang lamig, ayoko na nito, napakasakit na sa katawan.


***


"Dana?!"


Napasinghap ako at napadilat. Agad na tumambad sa harapan ko ang sugatang si Shem, nahihirapan man hindi niya ako binibitawan, karga-karga niya ako. Dali-dali kong nilibot ang paningin ko at lalo pa akong naguluhan nang bigla kaming pumasok sa isang lumang bahay.


"Asin! Asin!" Taranta silang nagsigawan at nakita kong nagtakbuhan agad sina Mira, Pip at Churchill.


Ibinaba ako ni Shem kaya napasandal ako sa pintong ngayo'y nakasara na at paulit-ulit na huminga ng malalim. Nararamdaman ko parin ang labis na lamig kaya napayakap na lamang ako sa sarili ko at paulit-ulit na suminghap.


"C-cold, really cold." Bulalas ko agad.


"Teka sandali!" Giit ni Shem at nakita ko siyang nagtatakbo paakyat sa hagdan dahilan para maiwan akong mag-isa sa sala. Giniginaw man ng sobra, pinilit kong ilibot ang paningin at laking gulat ko nang mapagtanto ko kung nasaan kami.


"Dana ano bang nangyayari sayo?!" Hingal na sambit ni Mira na unang nakabalik sa kanila. Walang ano-ano'y bigla niya akong kinaladkad patungo sa gitna ng sala at tinabihan ng upo. Paulit-ulit niyang tinapik ang pisngi ko at kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.


"Pip tumabi ka sa kanila!" Narinig kong biglang sumigaw si Churchill. Ginawa naman agad ni Pip ang sinabi ni Churchill, agad siyang tumabi at yumakap kay Mira.


"What are we doing here in Cielo's house?!" Tanong ko pero hindi nila ako sinagot. Parang takot na takot sila lalo na si Pip.


Nagulat ako nang bigla na lamang may inilaglag si Churchill sa harapan ko.... Inikutan niya kami habang inilalaglag ang kulay puti mula sa hawak na garapon, he formed a circle using it and with us in the center. Pinagmasdan ko ang inilalagay niya at napagtanto kong asin pala ito.


"Si Shem! Asan si Shem?!" Biglang nagsisigaw si Churchill na matapos mag-porma ng bilog gamit ang asin ay agad namang nilagyan ang ilalim ng pinto.


"Andito! Adito!" Agad namang sigaw ni Shem habang nagmamadaling bumaba ng hagdan dala ang makakapal na kumot. Sa sobrang pagmamadaling makaupo sa loob ng bilog kasama namin ay halos matumba si Shem at maibato sakin ang mga dala niyang kumot. Sa sobrang lamig, dali-dali kong binalot ng kumot ang sarili ko at niyakap ito ng mahigpit.


"Churchill bilis na!" Sigaw pa Shem na pinagmamadali si Churchill sa ginagawang paglalagay ng asin sa bawat sulok ng bahay.


"Shit! Ubos na ang asin!" Sa sobrang dismaya ay naibato ni Churchill ang malaking lalagyan ng asin.


"Churchill come on! Get in the circ—" Natigil si Mira sa pagsigaw at lahat kami ay natahimik nang bigla na lamang nagsimulang kumurap ang mga ilaw. Sa isang iglap ay agad kaming nagtilian lahat lalo na si Churchill na agad tumalon patungo sa direksyon namin.


"Shhh!! Shhh!" Protesta ni Shem kaya naman unti-unting humina ang mga sigawan namin hanggang sa halos magyakapan na lamang kaming lahat dahil sa matinding takot sa maaring mangyari at sa takot rin naming lumagpas sa asing nakaikot sa amin.


"W-what are we doing here? Why here?" Mahina kong sambit.


"The road was going nowhere, nagpapaikot-ikot lang yung daan kanina. It was like we were on a maze, stuck in an endless loop." Sabi pa ni Mira na halos maiyak na.


"He did this. Sinadya niya 'to." Mahinang sambit naman ni Shem.


"Tae wag kayong manulak!" Reklamo ni Churchill kay habang pinupunasan ang dugong pumapatak parin mula sa kanyang sugatan paring noo.


"Eh kung sana mas nilakihan mo yung bilog hindi tayo magkakadutdutan! Kinapos ka sa spatial intelligence damuho!" Reklamo pabalik ni Mira habang halos magkakayakap na kaming lahat sa gitna ng bilog. Sa gitna ng pagtatalo nila ay tuluyang tumigil sa pag-andar ang mga ilaw dahilan para balutin kami ng kadiliman, dahilan rin para muli kaming magsigawan.


"T-teka! Shhh! Teka sandali!" Biglang sigaw ni Shem dahilan para muli kaming magsitahimik sa gitna ng dilim. "N-naririnig niyo ba 'yon?" Dagdag pa ni Shem kaya agad naming pinakiramdaman ang paligid.


I started to hear voices and footsteps coming from behind us kaya naman kahit madilim, hindi ko naiwasang mapalingon. I don't know what I'm looking at but I'm pretty sure ito ang direksyon ng naririnig namin at papalapit ito ng papalapit sa amin.


Sigawan at Tilian. Ito ang agad na umalingawngaw nang bigla-bigla na lamang lumitaw ang isang liwanag at maaninag namin ang mukha ng isang lalake. Nagkagulo kaming lahat at halos magkatulakan dahil sa sobrang gulat pero sa kabila nito ay ayaw naming may mapahamak ni isa sa amin kaya hindi kami magka-ugaga sa pagyakap sa isa't-isa para lang maiwasang may maalis sa amin mula sa bilog.


"Teka nababaliw na ba kayo?!"


Natigil kaming lahat sa pagpa-panic nang bigla naming marinig ang isang hindi pamilyar na boses ng lalake, hindi siya nag-iisa kasi para pa ngang nagtatawanan sila. Muli kong ibinalik ang paningin sa direksyon nila at nakita kong tatlo pala silang nakatayo hindi kalayuan sa amin dala ang isang flashlight.


"Who the heck are you?! What are you doing in my bestfriend's house?!" Napasigaw agad ako at napatayo pero bigla na lamang akong hinila nila Mira at Shem na animo'y pinipigilan akong umalis mula sa bilog sa sahig.


"Look we don't want any trouble! We're just looking for some clues!" Narinig ko ang boses ng isang babaeng animo'y naiiyak, nahagip ng liwanag ang mukha niya pero hindi ko siya maalala, mabuti nalang at naaninag ko ang uniform niya—mukhang siya yung kapatid ni Axel.


"What's going on? Are you guys ghosting or something?" Narinig ko naman ang boses ng isa pang babae.


"Wala nang space dito Shem!" Bigla kong narinig ang boses ni Churchill at pagkatapos nito ay isang kalabog na animo'y may kung anong tumama sa ulo niya. "Gago, oo na." Bulong pa ni Churchill.


"Mamaya na ang satsat! Bilis dito na kayo sa bilog bago pa siya dumating!" Narinig ko namang sumigaw si Shem.


"Bakit? Ano ba yang nilalaro niyo?" Tanong pa nung lalakeng sarkatiko pang tumatawa.


"It's called he'll kill you once he gets here so get inside this circle if you want to live!" Kahit ako, hindi ko narin mapigilan pang mapasigaw. Kami pa nga 'tong gustong tumulong, siya pa ang sarcastic.


"Ano bang sinasabi—"


Sa gitna ng pagtatalo naming lahat ay bigla na lamang umalingawngaw ang isang napakalakas na kalabog. Nanggagaling ang ingay bintana kaya agad na dumako ang liwanag ng flashlight sa direksyon nito.


"Hindi niyo ba ako papapasukin?" Bigla na lamang sumulpot ang duguang at nakangising pagmumukha ni Wacky sa bintana dahilan para muli kaming magsigawan. Napapikit ako't napayakap kay Mira at nang maibalik ko ang paningn sa bintana ay biglang nawala si Wacky.


Bluggg! Bluggg! Bluggg! –Sunod-sunod ang mga kalabog dahilan para mapapitlag kami sa bawat kakaba-kabang tunog. Sa pagkakataong ito'y nanggagaling na ang tunog sa mismong pinto.


"Tao po?! May mga inutil na mortal ba diyang dapat patayin?!" Bigla naming narinig ang isang napakalalim na boses mula sa labas at kasunod ang isang nakakapangilabot na halakhak. Sumunod ang paulit-ulit na kalabog hanggang sa tuluyan naming makita ang isang matalim na bagay na tumagos sa gitna ng pinto—isang itak.


"What are you waiting for?!" Napalingon ako sa direksyon ng tatlo at agad ko silang sinigawan.


"What the hell?! Sino ba yan?!" Bulalas nung lalake na halatang nasindak na at dali-daling pinatago sa likuran niya ang dalawang babaeng kasama.


"We have to call the police!" Takot na takot namang sambit nung babaeng kasama nila.


"He killed the fucking police!" Sigaw naman pabalik ni Mira.


"Ano?!" Bulalas pa nila.


Naaninag ko ang nakababatang kapatid ni Axel, mistula siyang nanigas sa kinatatayuan habang takot na takot. Umiiyak siya at nakikita kong nanginginig ang kanyang mga kamay. She's scared just like us.


Ang kapatid ni Axel ang pinakamalapit sa akin kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa at dali-dali kong hinigit ang kamay niya at hinila siya patungo sa loob ng bilog.


"What the hell bitch?! Let go of Wena!" Sigaw nung isang babaeng kasama nila at hinila ang kapatid ni Axel na si Wena palayo sa akin. Imbes na bumitaw, lalo kong hinigpitan ang hawak sa kamay ni Wena at nagpumilit na mahila siya sa direksyon namin.


"It's safer in the circle!" Giit ko.


"Safe?! Uupo lang kayo diyan habang yang baliw sa labas, makakapasok na!" Sigaw naman nung lalake at tumulong narin sa paghila kay Wena mula sa akin. Dahil sa higpit ng pagkakahawak ko kay Wena ay muntikan akong mahila paalis sa bilog, mabuti nalang at maagap akong nahila nila Churchill at Shem.


Sa ginagawa namin, para kaming nagta-tug of war pero imbes na lubid, ang takot na takot nang si Wena ang pinag-aagawan namin. Wena's just a young highschool kid, just like Pip he's one of the most vulnerable here. She's scared and clueless kaya hindi ko maatim sa sarili kong hayaan siyang mapahamak dahil lang sa desisyon ng mga kasama niya.


"Andito na si Wacky!" Kasabay ng napakalakas na sigaw ang bigla na lamang pagkawasak ng pinto dahilan para mahinto kaming lahat sa pagtatalo at paghihilahan.


Nakita namin si Wacky—ang duguang si Wacky habang nakalutang siya sa ere at ipinapamalas ang kanyang nakakakilabot na ngisi.


"Wait what?" Narinig kong sambit nung lalake habang nakatingin sa mga paa ni Wacky na hindi nakaapak sa sahig.


"Get in the circle!" Sabay-sabay naming sigaw at sa isang iglap ay natagpuan namin ang mga sarili naming pilit na kumakasya sa maliit na bilog. Lahat takot na takot at panay ang sigawan.


"Nakakatuwa talaga kayong pagmasdan." Natatawang sambit ni Wacky, "Lalo ka na Dana." Dagdag pa niya sabay tingin sa direksyon ko. Mula sa pagkakalutang ay bumaba siya hanggang sa tuluyang makaapak sa sahig. Nagsimula siyang humakbang pero bigla siyang tumilapon palayo nang sinubukan niyang umapak papasok, hindi niya namalayan ang mga asin na inilagay ni Churchill.


"Wacky!" Biglang napasigaw si Churchill, punong-puno ng pag-aalala ang boses niya dahilan para manlumo rin ako.


It's Wacky. Demonic Wacky or not, he's still Wacky. At the end of the day it's wacky. Whatever happens to the demon inside him, happens on Wacky too... And wacky doesn't deserve it. He may be an idiot but he's a better person than I ever was.


"Ano ba talagang nangyayari?!" Paulit-ulit na sigaw nung babaeng umiiyak na.


"As long as andito tayo sa bilog, ligtas tayo!" Muling giit ni Churchill.


"Teka asan siya?" Biglang bulalas ni Shem habang pilit na inaaninag ang nasa labas.


"M-maybe he gave up and left." Bulong ni Mira habang yakap si Pip.


"Titingnan ko." Giit ni Churchill at bigla na lamang tumayo dahilan para agad-agad namin siyang hilahin pabalik.


"Are you nuts?! You know what he's capable of!" Giit ko!


"Titingnan ko lang! Iiwan ko nalang ang isang paa ko at hilahin niyo agad ako pabalik kung bigla siyang sumulpot." Muling giit ni Churchill at dahan-dahang inilabas ang isang paa niya mula sa bilog para makaabante ng bahagya at magkaroon ng mas malaking area na makikita.


"Be careful..." Narinig kong bulong ni Mira na agad hinawakan ang isang binti ni Churchill. Kahit kami, nag-aalala rin para kay Churchill kaya napahawak rin kami sa binti niya.


"Shh.." Bulong ni Churchill habang pilit na ine-extend kabila niyang paa at kanyang leeg, "Sandali bakit parang—"


Bigla na lamang bumulusok ang apoy sa mismong pinto dahilan para mawalan si Churchill ng balanse sa sarili niya at bumagsak sa direksyon namin. Nagsigawan kami dahil sa sobrang gulat dahil sa apoy at dahil narin nadaganan kami ni Churchill.


"Shit!" Wala kaming magawa kundi mapasigaw lalo na nang makita naming hindi lang ang pinto ang umaapoy kundi pati narin ang bintana at mga dingding. Naging napakabilis ng pagkalat ng apoy, kahit ang kisame ay nagsisimula naring umusok at lumagablab.


"Tangina paano na 'to?!" Bulalas ng lalakeng kasama namin habang pilit na nililibot ang paningin na animo'y naghahanap ng paraan para makaalis kami.


"H-he's doing this on purpose!" Sigaw ni Shem na magsisimula nang maubo, "Hindi siya makapasok kaya tayo ang pinapalabas niya."


"If that's the case then ang bobo-bobo niya! He's blocking are only exit!" Giit ko sabay turo sa pintong hindi na namin madaanan dahil sa tindi ng apoy.


Clueless, scared and hopeless; we began to stand up and for a moment there, we stood like pathetic fools crying in disbelief without knowing what to do. The circle of salt is our protection from Wacky pero kung hindi kami aalis, matutusta kami. At kung aalis naman kami, may patutunguhan ba kami maliban sa kamatayan?


Nakakasilaw ang naglalagablab na apoy pero sa kabila nito ay wala akong ibang maaninag kundi napakakapal na usok. Kung kanina ay sobra akong giniginaw, ngayon sa sobrang init ng naramramdaman ay gusto ko na ulit makaramdam ng lamig.


"Dito!" Bigla kong naramdaman ang kamay na humawak sakin. Sobrang hapdi na ng mga mata ko dahil sa usok kaya naman napapapikit na ako't nagpapadala na lamang sa humihila sa akin.


****


"Dana ano ba!"


Napapitlag ako't napasinghap. Nakita ko silang lahat na nasa unahan ko na tumatakbo pababa ng hagdan. Si Shem pala ang sumigaw, mahigpit ang hawak niya sa kamay ko at para bang hinihila niya ako pababa ng hagdan.


Panay man ang pag-ubo ko at pagluluha ng mga mata, sumunod na lamang ako kay Shem at hindi na umimik pa.


Nakarating kami sa basement na napakadilim at ang tanging liwanag lang namin ay galing sa flashlight ng lalakeng kasama ng kapatid ni Axel. Hanggang dito ay amoy na amoy parin namin ang usok kaya maya't-maya kaming napapaubo.


"Maghanap tayo ng madadanan! Baka meron dito!" Giit ni Shem kaya taranta naming sinuyod ang bawak na sulok ng basement para sa kahit na anong madadaanan.


"There's a window here! It's too small for us but Pip can fit!" Bulalas ni Mira habang itinuturo ang maliit na salamin sa pinakatukok ng dingding. I've seen this window before! It was right below their patio and it was the one Cielo and I broke when we were practicing soccer. I even called her grandfather an idiot for putting a window below the patio, yun pala window to ng basement nila.


"Paano kayo?!" Narinig kong iyak ni Pip nang bigla na lamang siyang kinarga ni Shem.


"Tabi!" Sigaw ng lalakeng kaibigan ni Axel at nakita kong dali-dali niyang pinulot ang isang upuan at inihampas ito sa maliit na bintana. Matapos itong mabasag ay agad niyang hinubad ang suot na jacket at itinakip ito sa mga bubog na nanatili sa gilid ng bintana upang 'wag masugatan si Pip. Okay, for a pain in the ass, this dude is pretty nice.


"Sumama kayo!" Umiiyak na pagmamakaawa ni Pip lalo na nang sapilitan siyang itinutulak nila Shem patungo sa ngayo'y butas nang bintana. Nagpumiglas si Pip, sa sobrang pagpupumiglas niya ay nasipa niya si Churchill at nakita kong may nalaglag na libro mula sa loob ng jacket niya.


"Pip listen, you have to leave okay?" Dali-dali akong lumapit sa kanya at pinunasan ang luha niya, "You can be safe and you can also ask for help. Naiintindihan mo si Ate diba?" Hindi ko mapigilang maluha lalo na nang makita ko ang labis na panlulumo sa kanyang mga mata.


"I don't want you to die!" Umiiyak na sambit ni Pip kaya agad akong umiling-iling.


"We're not going to die! Ganito, I need you to ask for help, ask people to save us and if you see my parents please tell them na love na love na love ko sila okay?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong mapahagulgol.


"Pip sige na, umalis ka at humingi ng tulong." Pakiusap naman ng iba pa kaya makaraan ang ilang sandali ay wala nang magawa pa si Pip kundi gumapang palabas ng bintana sa tulong at alalay narin ng iba. Sa huling pagkakataon, umiiyak na lumingon sa direksyon namin si Pip.


"T-that crazy guy... M-may kinalaman ba siya sa pagkawala ng kuya ko?" Sa unang pagkakataon matapos ang kaguluhang to, narinig kong nagsalita ang luhaang si Wena habang inaalo ng kaibigan niya.


Knowing nothing, hindi nalang kami sumagot.


"Hindi naman siguro sasaktan ni Wacky ang bata diba?" Narinig kong sambit ni Churchill na ngayo'y luhaan habang nakatingin sa kawalan. It dawned to us that we just made Pip leave the house where Wacky could be waiting. We were so focused on leaving this house that we forgot who could be out there... How dangerous could it get out there.


"So that's? We're just going to stay here and leave our fates at that kid?" Dismayadong sambit nung babaeng kasama ni Wena na ngayo'y napapaubo na dahil sa usok na nagsisimula nang makarating sa kinaroroonan namin.


"We have to find another way." Mahinang sambit ni Shem at muling hinalughog ang bawat sulok ng silid.


"Shem there's no other way! Nasusunog na sa taas at wala ng ibang daan!" Giit naman ni Mira na napapahagulgol na dahil sa labis na takot.


Hopeless. We're all left hopeless . Lalo pa kaming nagiging hopeless dahil nagsisimula nang umusok ang kisame at uminit ang paligid. The fire is coming and it will consume us sooner or later.


"778? Everything's not going to be okay." Bulong ko sa sarili ko at napatitig na lamang sa sahig. I can't help but to think about my parents. What will happen to them if I die? Will they be miserable again? My mom... before I was born she had a miscarriage. Everyone who knew them said that it almost ruined them, mabuti na nga lang raw at nagkaroon ng second chance si Mommy at Daddy na magkaanak. They considered me as a miracle baby. They never fail at making me feel that I am their everything so if something happens to me, if I die... what will happen to them?


My mom and Dad, I don't want them to suffer. I don't want them to get hurt. I don't want them to cry. And I most definitely dread the moment they'll cry because of me.


"Guys!" Biglang bulalas ni Shem na nakatitig sa kisame kaya agad kaming napatingala. When I saw the fire starting to consume the ceiling, napapikit na lamang ako kasi ayoko nang makita ang reaksyon nila. Kung pwede nga lang din sana na maging bingi ako para hindi ko na marinig ang mga iyak at reaksyon nila.


Crying, praying, pacing back and forth, panicking—I heard every single torturous thing from them, enough to make me feel a hundred times worse than how I already feel.


"Dana." Narinig kong may bumigkas ng pangalan ko kaya idinilat ko ang mga mata ko. Una kong nakita ang bagay na nalaglag mula sa loob ng jacket ni Churchill—Ang libro ni Cielo na Faceless Dondy. Hindi ko alam bakit pero may kung anong nag-uudyok sa akin na lapitan ito.


Habang lahat sila ay wala ng pag-asa at naghihintay nalang sa katapusan, pinulot ko ang libro. Unang nakuha ng atensyon ko ang pinakahuling pahina nito, naaninag ko kasi agad ang isang litrato. Nang tingnan ko ng mabuti, napagtanto kong litrato pala namin 'to ni Cielo noong mga bata pa kami. Umiiyak man, hindi ko mapigilang mapangiti. Cielo and I may not have the perfect friendship but what we had will last a lifetime.


Bigla na lamang umihip ang napakalakas na hangin, sa gulat ay agad kong nabitawan ang libro at litratong hawak. Agad akong napatingin sa direksyon nila Shem pero nakakapagtaka, bakit parang hindi man lang sila nagtaka sa hanging 'yon lalo pa't nasa basement kami.


"Oh My God!" Narinig kong nagsigawan sina Wena. Turns out, nagsisimula na palang lumiyab ang mga dingding at kisame.


Sa isang iglap ay natagpuan namin ang mga sarili namin sa gitna ng silid. Napapalibutan ng naglalagablab na apoy, walang mapagtataguan at walang matatakbuhan.


Napabuntong-hininga na lamang ako at pinulot ang litrato namin ni Cielo at pati narin ang libro. Ngumiti na lamang ako at binuklat ang libro, iiipit ko sana ang litrato namin sa gitna nito pero bigla na lamang yumanig ang buong paligid. Sa sobrang lakas ng pagyanig ay halos mawalan kami ng balanse at matumba sa sahig. Muli kong ibinalik ang paningin sa librong nakabuklat parin at laking gulat ko nang bigla na lamang sumalubong sa akin ang isang nakakabulag na liwanag na nagmumula sa mismong libro.


*****


"Wake up!"


Napabalikwas ako at napasinghap. Tagaktak ang pawis at ubod ng lakas ang tibok ng puso ko. Nahihirapan akong huminga kaya naman panay ako sa pagsinghap. Dali-dali kong inilibot ang paningin ko at naiwang nakaawang ang bibig ko nang mapagtanto kung nasaan ako.


Nagkalat ang mga armchairs sa palagid, kahit ako ay nakaupo sa isa. This four cornered room screams nothing but a classroom, a classroom that I haven't seen before my whole life. My clothes are still the same, bloody and a whole lot of mess. What the hell?! Where the hell am I?!


"Isang estudyante na nga lang ang pumasok, ang tulog mantika pa!"


Narinig ko ulit ang bulyaw ng isang babae at nang mapatingin ako sa harapan ko ay nakita ko ang isang guro na nakaharap sa class record niya. Behind her is a blackboard and what's disturbing is what's written on it—HELP.


Andaming nakasulat sa blackboard pero ang salitang help ang paulit-ulit. Iba-iba ang mga penmanship but they all show signs of distress as if nasa panganib talaga ang mga sumulat nito.


"B-behind you." Hindi ko maiwasang mapabulalas sabay turo sa blackboard na nasa likuran niya.


"Is a blackboard now begin answering your workbook once and for all!" Sarcastiko niyang sigaw sa akin kaya sa takot ko ay dali-dali kong binuklat ang workbook sa harapan ko't pinagmasdan ang questionnaires. Wow naman, ang dali naman nito. No sweat.


"Oh? Sino ka naman?" Napatingin ako sa direksyon ng guro nang muli ko siyang marinig na magsalita, "Just because isa lang ang estudyante ko doesn't mean pwede ka nang maging distor—" Hindi na niya natapos pa ang sinasabi niya nang walang ano-ano'y bigla na lamang may nagtapon sa kanya ng tubig... tubig na nasa loob pa ng timba.


"Dana takbo!"


Gulat na gulat ako nang mapagtanto kong si Churchill pala ang naghagis ng timba sa guro. Sa sobrang gulat ko ay dali-dali akong napatakbo sa direksyon ni Churchill hanggang sa kapwa na kami nagtatakbuhan sa gitna ng hallway. Sa sobrang pagmamadali, ni hindi ko nakitaang reaksyon ng guro.


"Where the hell are we?! What the hell happened?!" Panay ang tanong ko kay Churchill pero hindi siya kumikibo. Panay lang ang takbo niya at wala akong magawa kundi sumunod.


It's broad daylight, tumatama pa nga ang sikat ng araw dito sa hallway pero sa kabila nito ay nanlalamig na naman ako at kinikilabutan. Ewan ko ba sa eskwelahang 'to pero mukhang may kakaiba, andami-daming classroom sa building pero wala kaming makitang mga estudyante o kahit na sino. Other than Churchill, yung gurong 'yon lang ang nakikita ko pa.


Takbo lang kami ni Churchill ng takbo hanggang sa isang iglap ay mapadaan ako sa isang nakabukas na pinto. Natigil agad ako nang makita ang isang estudyante sa loob. Duguan siya at umiiyak kaya hindi ko mapigilang maguluhan.


"Miss?" Agad akong pumasok sa silid kasama si Churchill na parang balisa habang nililibot ang kanyang paningin sa paligid. Imbes na magkaroon ng kasagutan, lalo pa akong naguluhan nang makitang parang wala sa sarili ang babae habang kinakalikot ang isang makinang mukhang isang makalumang radyo. Yung mga klase ng radyong ginagamit sa mga sasakyan at eroplano.


"Miss?!" I tried getting her attention but failed. She was too focused on her radio that she seems obsessed or something. Well one thing's for sure, she looks so damn scared.


"Hello?! May nakakarinig ba sakin diyan?" Biglang nagsalita ang babae sa maliit at hugis-kahong mikropono, "Please I need help. If anyone could hear me, please—"


Hindi ko na narinig pa ang sinabi ng babae nang bigla na lamang akong hinila ni Churchill patungo sa malaking aparador. Parang tarantang-taranta si Churchill habang inaalis ang mga laman nitong naghahabaang equipments.


"Churchill anong—"


"Shh!" Imbes na sagutin ang tanong ko, bigla akong hinila ni Churchill papasok ng aparador. He seemed really scared, really really scared kaya hindi na lamang ako pumalag at nagsalita pa. Nang maisara ang mga pinto ay agad na tinakpan ni Churchill ang bibig ko.


Dahil sa siwang ng pinto, nagawa parin naming makita at marinig ang babaeng estudyante. Para siyang may kausap sa radyo. Kung kanina ay mukha siyang takot na takot, ngayo'y para na siyang tuwang-tuwa. Kaso yun nga lang, hindi ko masyadong marinig at maintindihan ang sinasabi niya dahil sa kinaroroonan namin.


"Shh.." Muling sensyas ni Churchill sa akin kaya pumikit na lamang ako.


Makalipas ang ilang sandali ay bigla kong narinig ang isang makapanindig balahibong sigaw—sigaw ng isang babae at mukhang nagmumula sa labas. Naramdaman kong mas lalong humigpit ang hawak sakin ni Churchill kaya hindi na lamang ako gumalaw.


Natatakot man, unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at sumilip ulit sa siwang ng pinto. Hindi ko na napigilan ang pagtakas ng luha ko nang makita ang estudyanteng babae na ngayo'y nakabulagta na sa sahig, naririnig ko siyang sumisinghap at naaaninag ko rin ang pangingisay ng kanyang mga paa. Nakatayo sa tabi niya ang isang malaking taong nakasuot ng damit na gaya ng mga sinusuot ng pasyente sa ospital. Nakatalikod siya mula sa amin kaya hindi namin makita ang mukha niya. Ang nakikita ko lang, ang malaki niyang pangangatawan at ang kamay niyang hawak ang isang duguang bagay, umaagos pa nga ang dugo pababa sa mga kamay niya. At ang ulo niya.... Gumagalaw ito na para ba siyang may nginunguya.


Lalo lang akong natatakot sa nakikita ko kaya naman pumikit na lamang ako't hinayaan ang luha ko na umagos.


Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang kamay ni Churchill na bumitaw sa akin dahilan para muli kong maidilat ang mga mata ko.


"'Wag tayong gagawa ng masyadong ingay." Mahinang sambit ni Churchill kaya tumango-tango na lamang ako at dahan-dahang binuksan ang pinto ng aparador. Dahil nasa likod si Churchill, mas nauna akong lumabas kesa sa kanya. Mas una kong naabutan ang nakahandusay na bangkay ng babaeng estudyante.


Agad kong napansin ang butas sa dibdib ng babae, para bang may literal na dumukot ng puso niya. Bigla kong naalala ang duguang bagay na hawak ng lalakeng pumatay sa kanya, may nginguya siya na parang—Oh shit! He was eating her heart?!


"A-alam ko na nasaan tayo..." Narinig kong sambit ni Churchill kaya agad akong napalingon sa kanya.


Hindi ko napigilang kabahan nang makita ko ang matinding takot at panlulumo sa mukha ni Churchill. Lumuluha siya habang nakatingin sa bangkay ng babae.


"W-where are we? Churchill where are we?" Dahil sa kaba, hirap akong magsalita. Gusto kong malaman kung nasaan kami pero may parte sa puso kong ayaw itong marinig dahil sa takot.


Napatingin si Churchill sakin at sa puntong 'to, alam kong magiging masamang balita ito.



"F-faceless Dondy."



END OF CHAPTER 16!

Note: Faceless Dondy is my very own fictional fictional book. Fictional twice lels. It's just a book in the Dispareo world and I made it specifically just for Dispareo. Also, updates are (and will be) slow kasi may trabaho ako so sa mga mababait na nakakaintindi sa sitwasyon ko maraming salamat.

Ps, the title of this chapter is a catch phrase in the popular culture.


THANKS FOR READING!

HOPE YOU ENJOYED THE CHAPPIE!

VOTE AND COMMENT <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro