XV : Waldo
CHAPTER XV:
WALDO
THIRD PERSON'S POV
"W-we have to get out of here, we can't die like this." Paulit-ulit na sambit ng aligagang si Churchill habang paulit-ulit na pinagkakalampag ang bakal na rehas na nakapalibot sa kanila. Kapwa sila takot na takot at hindi mapakali ni Dana.
"Th-there's no escape..." Nanlulumong sambit ni Dana sa pagitan ng kanyang bawat paghikbi. Habang tumatagal ay lalong lumalakas at tumitindi ang naririnig nilang mga palahaw kaya maging sila'y labis na nanlulumo sa mga naririnig.
"Oh my God... Stop, Wacky stop." Hindi na napigilan pa ni Dana na mapaupo sabay takip ng kanyang tenga. Hindi na niya matiis ang mga naririnig lalo pa't alam niya ang mga nangyayari sa kanila.
Maya-maya pa ay laking gulat nilang dalawa nang bigla na lamang bumukas ang pinto, sa sobrang gulat agad na napatayo si Dana samantalang si Churchill naman ay dali-daling humarang sa harapan ni Dana upang ma-protektahan ito.
"H-halimaw, halimaw." Nauutal na sambit ng pulis na hindi mapakali at para bang tinakasan ng katinuan. Sa sobrang pagka-aligaga nito ay tila ba hindi niya pinansin sina Churchill at Dana na nasa seldang malapit lamang sa kanya.
"A-asan sina Shem?!" Kompronta ni Churchill sabay kalampag ng rehas nang mapagtantong ang pulis ito na kanina'y humampas at umaresto sa kanya.
"Please pakawalan mo kami dito! Please just give us the key!" Pagmamakaawa naman ng humahagulgol na si Dana.
Hindi sila pinansin ng takot na takot nang pulis, bagkus ay dumiretso ito sa bintana na nasa dulo ng silid at agad na hinawi ang kurtina. Lalo pang tumindi ang takot ng pulis nang makitang may mga rehas ang bintana pero sa kabila nito ay ang katabing pinto na lamang ang nilapitan niya kung saan nakalagay ang karatulang fire exit.
"Hoy pakawalan mo kami dito! 'Wag kang duwag!"
"Don't leave us here help us!"
Muli, sa kabila ng lahat ng pagsusumamo at pagwawala ng dalawa ay agad na pinihit ng pulis ang siradura ng pinto ngunit hindi ito gumagalaw.
"Bwisit! Bwisit!" Paulit-ulit na pagwawala ng pulis habang kinakalampag at pilit na binubuksan ang naka-lock ng pinto. Sa sobrang desperasyon ay dali-daling kumuha ng mga kagamitan ang pulis at paulit-ulit na sinubukang wasakin ang pinto o kahit ang siradura man lamang.
"Manong please tulungan—" Natigil sa pagsasalita si Churchill nang bigla na lamang lumutang ng dahan-dahan ang pulis. Sa sobrang gulat ay agad silang nagsigawan at napalingon sa pintong nasa kanilang likuran, lalo pa silang nagsigawan nang makita si Wacky—may nakakalokong ngisi habang hawak ang kanyang duguang itak.
"Wacky tama na!" Sigaw ni Churchill na nakatayo parin sa harapan ni Dana. Dali-daling napaatras ang binata patungo sa dulo ng selda nang sa gayon ay mailayo si Dana at maprotektahan mula sa kaibigan.
"Ni hindi pa nga ako nagsisimula eh." Natatawang sambit ni Wacky at walang ano-ano'y bigla na lamang ginalaw ang kanyang kamay sa direksyon ng selda dahilan para tumilapon rito ang umiiyak at nagmamakaawang pulis.
"Waldo pigilan mo yang sarili mo! Katawan mo yan kaya pigilan mo!" Bulalas ni Churchill ng paulit-ulit lalo na nang makitang nakadikit na ang nakalutang na pulis sa mismong bakal na rehas na nasa harapan nila.
"Dating katawan ni Waldo." Pagtatama ni Wacky at muling ginalaw ang kanyang palad dahilan para mas lalong dumikit ang pulis sa bakal na rehas.
Umalingawngaw ang napakalakas na palahaw ng pulis nang lalo pang dumikit ang kanyang katawan sa rehas, bakas ang matinding gimbal sa kanyang pagmumukha at maya-maya pa'y bakas na sa kanya ang labis na sakit lalo pa't sa sobrang pagkadikit sa rehas ay nagsisimula nang dumugo ang kanyang noo at mukha sa pagitan ng bawat bakal.
"W-wacky anong ginagawa mo?!" Labis ang gimbal ni Churchill sa nakikita, sa sobrang awa para sa pulis ay nagsimulang umagos ang luha pababa sa kanyang mga matang namimilog.
"Pinaparanas ko lang naman sa kanya ang mapasok sa isang selda yun nga lang, walang gamit na pinto." Natatawang sambit ni Wacky at mas lalo pang itinulak papasok sa gitna ng mga rehas ang walang kalaban-labang pulis.
"Wacky!" Napatili ang humahagulgol na si Dana lalo na nang makita ang dahan-dahang pagkalasog-lasog ng katawan ng pulis habang sapilitan siyang itinutulak ni Wacky rito gamit ang malakas na pwersa. Kitang-kita nina Dana at Churchill ang lahat—ang unti-unting pagkabali ng buto, pagkahati ng katawan at unti-unting pagluwa ng mga mata ng pulis na nangingisay at pumapalahaw pagitan ng mga rehas.
"Shit!" Lalo pang napaiyak si Churchill sa awa nang makita ang unti-unting pagkayupi ng ulo nito at pagkabiak ng ulo dahil sa sapilitang paglusot sa gitna ng mga bakal na rehas, kitang-kita rin ni Churchill ang dugo at piraso ng laman at utak na unti-unting nalalaglag sa sahig at napupunta sa direksyon nila. Dali-dali na lamang na humarap si Churchill kay Dana at niyakap ito ng mahigpit nang sa gayon ay 'wag nang masaksihan ni Dana ang nangyayari. Dahil mas matangkad, ibinaon na lamang ni Churchill ang mukha ng kaibigan sa kanyang balikat at hinayaan itong umiyak nang umiyak.
Sa takot, ipinikit na lamang ng dalawa ang kanilang mga mata habang magkayakap dahilan para lalong matawa si Wacky.
Muling iwinasiwas ni Wacky ang kamay at sa pagkakataong ito'y tuluyang lumusot ang malaking katawan ng pulis sa gitna ng mga bakal na rehas dahilan para magtalsikan ang natitirang dugo't mga laman nito patungo sa dalawang agad na nagsigawan dahil sa takot at pandidiri.
Napatingin si Wacky sa mesang nasa kanyang tabi at nakita ang isang malaking kutsilyong katabi ng pinagbalatang Mangga. Kinuha niya ito at pinagmasdan kasama ang kanyang itak na animo'y pinagkukumpara ang mga ito.
"Mas malinis 'to." Mahinang sambit ni Wacky at inilapag ang itak sa mesa, bagkus ay kinuha na lamang ang kutsilyo at hinawakan ng mahigpit dahil sa mga kamay na nanginginig.
****
Lalo pang napahagulgol si Dana nang maramdaman ang mainit na dugo't piraso ng mga dugo't laman na nagtalsikan sa kanilang dalawa ni Churchill na gaya niya'y labis narin ang takot at panginginig.
Unti-unting idinilat ni Churchill ang kanyang mga mata at mas lalo pa siyang nagimbal nang makita ang piraso ng anit at utak na nagsidikit sa kanyang balat. Bigla niyang narinig ang pagkalansing ng mga bakal at nang makitang unti-unti na itong iniyuyupi ni Wacky upang bumukas ay bumitaw siya kay Dana at dali-daling hinarang ang sarili upang ma-protektahan ito mula kay Wacky.
"Wacky alam kong nandiyan ka pa! Wacky pigilan mo siya!" Muling pagmamakaawa ni Churchill habang itinataas ang dalawang kamay tandang hindi niya hahayaang makalapit si Wacky kay Dana.
"Mas malakas ako kay Wacky, paano ba yan?" Muli, humalakhak si Wacky at gamit ang espasyo mula sa mga niyuping bakal ay lumusot para makapasok nang tuluyan sa seldang kinasasadlakan ng dalawa.
"Wacky..." Napaiyak si Dana nang makitang nakatayo na sa mismong harapan nila ang nakangising si Wacky habang hawak ang malaking kutsilyo.
"Hay, ikaw na nga lang muna." Sambit ni Wacky at sa pamamagitan ng marahang galaw ng kamay ay biglang tumilapon si Churchill patungo sa mga bakal na rehas dahilan para agad mapatili ang awang-awang si Dana.
Bahagyang yumuko ang ulo ni Wacky at nawala ang ngisi sa kanyang pagmumukha, tila ba naging seryoso ito at mabilis na naglakad patungo sa direksyon ng nakahandusay at duguang si Churchill na hindi halos makakilos dahil sa malakas na pagbagsak.
Gamit ang nanginginig na kaliwang kamay ay hinigit niya sa kwelyo at walang kahirap-hirap na iniangat ang lupaypay at duguang katawan ni Churchill sabay sandal nito sa bakal na rehas.
"W-wacky..." Umiiyak na sambit ni Churchill nang makita ang kutsilyong hawak ni Wacky sa kabilang kamay. Nakatutok ang kutsilyong ito sa kanyang dibdib, imbes na takot ay wala siyang ibang naramdaman kundi panlulumo. Panlulumo lalo pa't ang sarili niyang matalik na kaibigan ang magiging dahilan ng kanyang katapusan.
"No!" Tili ng humahagulgol na si Dana at ihinarang ang kanyang sarili sa dulo ng kutsilyo. Gaya ng ginawa ni Churchill, itinaas niya ang kanyang mga kamay at kahit takot man ay wala siyang pagdadalawang-isip na protektahan ito mula kay Wacky.
"Tapang mo ah?" Ngumisi si Wacky at unti-unting inilapit ang kanyang mukha kay Dana. Sa sobrang lapit ay halos magdikit na ang mga mukha nila, sa sobrang lapit ay tuluyan nang dumikit ang talim ng kutsilyo sa dibdib ni Dana.
"Y-you're still there." Halos pumiyok man ang boses kaiiyak ay taas-noong tinitigan ni Dana ang purong kulay itim na mga mata ni Wacky. Takot na takot man, hindi umiiwas ng tingin si Dana at bagkus ay hinawakan pa niya ang braso ni Wacky na animo'y tutulungan ito sa pagsaksak ng kutsilyo.
"I know you're still there!" Napahagulgol si Dana na sa puntong ito'y hindi na niya mapigilan pa ang emosyon, "Y-you promised... A-akala ko ba lalaban ka? Akala ko ba hindi mo kami sasaktan? Wacky just listen to my voice! I know you're there so just please listen to me! Follow my voice and come back to us!" Giit ni Dana habang mariing tinititigan ang mga mata ni Wacky.
Gamit ang nanginginig na mga kamay, hinaplos ni Dana ang pisngi ni Wacky na may bahid ng dugo, "Ikaw ang engot naming si Wacky kaya please bumalik ka, pakinggan mo ang boses ko... Wacky pakiusap pakinggan mo ang boses ko." Pagmamakaawa ni Dana.
"Inutil na mortal!" Sigaw ni Wacky at walang ano-ano'y bigla na lamang umunday ng saksak kaya wala nang magawa pa si Dana kundi mapapikit sabay kagat ng kanyang labi.
Takot na takot man, unti-unting napadilat si Dana dahilan para muling tumambad sa kanya ang mga mata ni Wacky—Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng luha mula sa mga ito at unti-unti na itong bumabalik sa dating kulay at anyo.
"W-wacky?" Mahinang sambit ni Dana at unti-unting ibinaba ang tingin sa kanyang dibdib. Lalo pang napahagulgol si Dana nang mapagtantong hindi sa kanya nakasaksak ang kutsilyo kundi sa sikmura ni Wacky—Sinaksak ng binata ang kanyang sarili.
"T-takbo...." Mahinang sambit ng luhaang si Wacky at agad na napabitaw kay Churchill sabay atras mula sa dalawa. Unti-unting pumatak ang dugo mula sa labi ni Wacky at bigla itong bumagsak ng paupo sa sahig bagay na muling ikinasigaw nina Dana at Church.
"Wacky!" Umiiyak na sambit ni Churchill at kahit hirap na hirap na ay pinilit niyang gumapang patungo sa kaibigan.
Lalapitan rin sana ni Dana si Wacky pero muli itong umiwas at dali-daling umiling kasabay ng paulit-ulit nitong pagsinghap dahil sa labis na sakit, "L-layuan niyo ako pakiusap."
"Takbo!!!" Muling sumigaw si Wacky ng ubod ng lakas habang nakatitig sa mga mata ni Dana. Labis mang nasasaktan dahil sa mga nangyayari, tinatagan na lamang ni Dana ang kanyang kalooban at tumango habang nakatitig pabalik sa mga mata ni Wacky. Hindi man nagpapalitan ng salita, mistulang nagkakaintindihan ang dalawa sa pamamagitan lamang ng luhaan nilang mga mata.
"We have to leave!" Bulalas ng humahagulgol na si Dana at agad na hinigit ang balikat at bewang ni Churchill upang matulungan ito sa pagtayo.
"Wacky! H-hindi!" Giit ni Churchill at nagpumilit paring lumapit kay Wacky, "Hindi natin siya pwedeng iwan!" Pagpupumilit pa ni Churchill dahilan para lalong mapahagulgol si Dana.
"Churchill tara na!" Pagmamakaawa na lamang ng humahagulgol paring si Dana habang pilit na hinihila palayo ang binata.
Kahit na malapit na sila sa pinto ay hindi parin matanggal ni Churchill ang paningin sa matalik na kaibigan na nakaupo lamang sa sahig habang hawak ang kutsilyong nakasaksak parin sa kanyang sikmura. Nakayuko man, unti-unting napalingon sa kanila si Wacky at nakita ni Churchill ang munting ngiti sa mukha ito—ngiting mula sa tunay na Wacky, ngiting ginagamit ni Wacky upang maitago ang matinding paghihirap at sakit na nararamdaman.
"Dana!" Biglang sumulpot sa harapan ng dalawa ang aligaga at nag-aalalang si Shem. Hindi na nagtanong pa si Shem, bagkus ay dali-dali niyang tinulungan si Dana upang alalayan si Churchill sa pagbaba ng hagdan.
"Wacky's trying to control him so we could leave! He can't control him for too long kaya kailangan na nating bilisan!" Bulalas ni Dana. Labag man sa kalooban nilang lahat na iwanan si Wacky, mas binilisan na lamang nila ang kanilang mga kilos nang makaalis.
Nang makababa ay labis na nanlumo sina Dana at Churchill sa kahindik-hindik na nadatnan. Nagkalat ang mga bangkay at napakaraming dugo't piraso ng mga katawan sa paligid. Imbes na magpaapekto ay tiniis na lamang nila ito at mas binilisan pa ang pagkilos.
"Where's Pip?!" Agad na bulalas ni Dana bago pa sila tuluyang makalabas mula sa pinto.
"Iniwan ko lang siya—" Natigil sa pagsasalita si Shem nang bigla na lamang sumalubong sa kanila ang dalagang si Mira bitbit ang umiiyak na si Pip. Gulat na gulat si Mira nang makita ang duguang mga hitsura ng mga kaibigan ngunit bago pa man siya makapagtanong ay kinaladkad na rin siya ng mga ito palayo.
"Mira bilis asan ang sasakyan mo?!" Tanong agad ni Dana. Kitang-kita ni Mira ang matinding takot sa mga mukha ng kaibigan, ramdam niyang may mali kaya hindi na siya nag-atubili pa, kahit naguguluhan ay napatakbo agad siya sa direksyon ng kanyang sasakyan dahilan para agad siyang sundan ng mga kasamahan.
END OF CHAPTER 15
THANKS YOU GUYS FOR READING!
HOPE YOU ENJOYED THIS CHAPPIE :)
VOTE AND COMMENT <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro