XIII : Transparent and Apparent
CHAPTER XIII
TRANSPARENT AND APPARENT
CIELO'S POV
I keep asking myself, how did it come to this? Back then, Astaroth was just a name I dream about until I began to have these weird dreams as if they're memories that doesn't belong to me. As time passed, Astaroth was no longer a dream but a nightmare standing right in front of me. Astaroth tried to break me but it only made me stronger.
For the longest time, I had this feeling that something is missing in my life. When I figured out it was Axel, that's when I lost Dana. There's this popular phrase—You win some, you lose some—Does it have to be like that all the time? Are consequences really inevitable? Does nobody deserve complete happiness?
"Andito na tayo." Anunsyo ni Raze at nang mapasilip ako sa bintana ay nakita ko ang karatulang nagsasabing nasa Drayton na ulit kami.
"Ano nang plano?" Tanong ni Shem na mag-isang nakaupo sa likuran namin ni Axel.
"We know how to reach Dana's hell. Now all we have to do is find her and lead her out by reminding her the only way out of her hell—happiness." Sambit ni Harper na nasa harapan, katabi ni Raze sa driver's seat.
"I'll do it." Agad kong giit.
"Sasama ako." Sabi naman ni Axel na siyang nasa tabi ko.
"Ako rin." Sabi naman ni Raze.
Dali-daling itinaas ni Shem ang kanyang kamay, "Ako hindi. Pasensya na pero nalunod na ako kahapon. Namamaga pa ang dibdib ko dahil sa chest pumps ng rescuer. Baka madedo na ako talaga ako ng wala sa oras."
"You guys understand the risks right? We have to die before we get there. The chances of living again is small so we have to hurry and find her to get back. Survival isn't guaranteed." Sa sinabing 'yon ni Harper ay muli akong napatingin sa kanya. Mula sa sidemirror ay napansin niyang nakatingin ako sa kanya kaya naman nilingon niya ako na para bang tinatanong ako kung anong problema. Imbes na sabihin anong nasa isipan ko, umiling na lamang ako at ibinaling ang paningin sa bintana.
After all the sacrifices Dana has made, I'm not going to hesitate dying just to get to her. But I do have hesitations when it comes to trusting Harper. I mean after this... after getting Dana, what's going to happen? Tatantanan na ba siya ni Astaroth? At si Wacky, anong mangyayari kay Wacky?
Pansin ko ang pananahimik ni Axel. Magta-tatlong oras na mula nang umalis kami sa Villa nila pero walang ibang ginawa si Axel kundi manahimik. Kahit hindi ko tanungin, alam ko kung ano ang dahilan at ito ay si Wena. That's the thing about family, no matter how invincible you think you are, at the end of the day they are your weakness.
"You don't have to come with us... Think about Wena." Sabi ko na lamang.
Hinawakan ni Axel ang kamay ko, nilingon niya ako at nagpamalas ng isang katiting lamang na ngiti, "This curse started with us, this ends with us."
"Teka anong gagawin ko? Guys naman planuhan natin ng maayos!" Biglang protesta kaya nabaling ang atensyon namin patungo sa kanya.
"Ikaw ang sisigurado na mabilis makakarating ang tulong. Na bago pa kami matuluyan, makakatawag ka na ng rescuers." Sabi naman Raze na napatingin sa amin sa pamamagitan ng rearview mirror.
"Tatalon lang kayo agad-agad mula sa tulay?" Tanong muli ni Shem.
"Kung ito ang kailangan." Sabi ko na lamang.
"Kung ganun, Raze bilisan mo na ang sasakyan." Sabi pa ni Shem kaya naguluhan kaming lahat.
"I'm going as fast as I can." Giit ni Raze.
"Mas bilisan mo pa kasi maabutan na tayo ng pulis na sumusunod sa'tin!" Biglang sigaw ni Shem kaya naman dali-dali kaming nagsilingon sa likuran namin at tama nga si Shem kasi mayroon nang isang Drayton patrol car na sumusunod sa amin.
"Anak ng! Teka baka hindi tayo ang puntirya niyan?" Pagbabakasakali ni Raze ngunit sa isang iglap ay bigla na lamang umalingawngaw ang sirena ng sasakyan ng pulis. We're so doomed.
"Oh shit." Biglang bulalas ni Axel at nang magkatinginan kami ay gulat ang nakita ko sa mukha niya.
"Bakit?!" Sabay-sabay kaming napatanong sa kanya.
"N-nakalimutan kong bayaran yung guwardya ng ospital!" Bulalas ni Axel at sa puntong 'yon, bigla na lamang humarurot ang sasakyan ni Raze ng ubod ng bilis, sa sobrang bilis lahat kami ay walang magawa kundi magsigawan na lamang at humawak para sa buhay namin. Mabuti na lamang at gabi na, wala masyadong sasakyan ang mga kalsada.
"Ramonsito Razon ihinto mo ang sasakyan." Bigla na lamang tumunog ang isang radyo na naka-install sa gilid ng manibela. Ngayon ko lang naalala, kotse nga pala ito ng ama ni Raze, Dana and I's 778.
"Ramonsito." Napahagikgik bigla si Shem.
"Bwisit ka Shem!" Sigaw ni Raze at kinabig ang manibela upang lumihis kami ng dinadaanan. It's a good thing Shem and Raze are close friends.
Paulit-ulit kaming napapalingon, nung una ay isang patrol car lamang ang humahabol sa amin hanggang sa maging dalawa, hanggang sa maging tatlo. Sa sobrang bilis ng pagmamaneho ni Raze, namalayan nalang namin na mapapadaan na kami sa tulay... sa mismong tulay kung saan nawala sa amin si Dana.
"Nalintikan na!" Biglang sigaw ni Raze nang unti-unti naming maaninag ang ilan pang mga patrol car na animo'y naghihintay sa amin sa kabilang dulo ng tulay.
Nang tuluyan kaming makarating sa gitna ng tulay, bigla na lamang umalingawngaw ang mga sirena hanggang sa namalayan nalang namin na iilang agwat nalang ang layo ng mga patrol car mula sa amin.
"Swerve!" Biglang napasigaw si Harper bagay na labis naming ikinagulat.
"Ano?!" Bulalas naman ni Raze.
"We have no choice! Shem sorry!" Tarantang sigaw ni Harper at bigla na lamang kinabig ang manibela . Sa puntong 'yon napahawak na lamang kami ni Axel sa kamay ng isa't-isa at napapikit upang maihanda ang mga sarili namin sa pagkakahulog ng sinasakyan namin mula sa tulay.
*****
THIRD PERSON'S POV
Punong-puno ng panlulumo ang lahat habang nakatingin sa lumuluhang si Churchill na kasukuyang karga ang bangkay ni Dana.
"What happened?" Nanlulumong sambit ni Wena habang pinapanood ang dahan-dahang pagbaba ni Churchill ng bangkay sa loob ng bathtub.
Napailing na lamang si Mira at pinunasan ang luhang pumapatak parin. Ni hindi niya magawang maipaliwanag sa mga kasamahan ang nangyari dahil sa bigat ng kanyang kalooban.
"When was the last time you guys prayed?" Biglang bulalas ni Pinky kaya naman napalingon ang lahat sa kanya, kahit si Churchill na nasa loob rin ng banyo.
"I.. I can't even remember.. After the skunks began to kill everyone, all we did was run and fight for our lives." Bulalas ni Mira.
"That Demon may not be able to get up here but he has already corrupted all of you." Tuluyang pumatak ang luha mula sa mga mata ni Pinky at agad niya itong pinunasan, "Look, I may not be the most religious person in this city and I am in no position to say this but I for one think that Astaroth has already got a grip on your throats the moment you stopped believing... the moment you forgot about your faith."
Lumabas ang nakatulalang si Churchill mula sa banyo "I... I prayed hard when I learned about what the skunks have done to Drayton. I prayed hard for my family's safety. I prayed for my friend's safety. I prayed and prayed because I didn't want to die. But it all happened, my family died, I died... at ngayon..." Wala sa sariling sambit ni Churchill.
"But that's the thing about praying; we tend to mistake it as wishing... We pray to God not only to talk and ask for blessings but also to strengthen our faith... We pray to strengthen our faith, and faith could do wonders in more ways than one. I know I'm not in the position to say all of this but this is the truth... Astaroth is ruining your faith by making you feel like all hope is lost until he becomes this blob in your mind that slowly makes you destroy yourself." Paliwanag pa ni Pinky bagay na labis ikinabigla nina Wena at Gino na hindi akalaing kailanma'y maririnig nila ito mula kay Pinky.
"My Mom kept on telling me this while growing up and I finally get it now... Bad things always happen to everyone, but believe me when I say that the choice is in your hands if you allow yourself to be ruined by it. The choice is ours, either we allow ourselves to be played by the devil or have the courage to withstand even the duke of hell." Napabuntong-hininga si Pinky at inilabas ang isang rosary mula sa kanyang bulsa, "I'm choosing the greater good so I'm going to be in the room praying the rosary again. Sumunod kayo kung gusto niyo." Dagdag pa ni Pinky at agad na umalis, sumunod naman agad sa kanya si Gino.
"Ate..." Tawag ni Wena kay Mira na naiwang nakatulala at animo'y napakalalim ng iniisip.
"P-pinky's right.." Bulalas ni Mira at pinilit ang kanyang sariling muling ngumiti, "Hindi ako makapaniwalang sa kanya ko iyon narinig pero tama siya." Sa pagkakataong ito, at nagsimulang maglakad si Mira ngunit iba sa pasilyong tinahak nila Pinky.
"Ate saan ka pupunta?" Bulalas ni Wena ngunit agad paring sinundan si Mira.
***
"Ate tara na sa taas, delikado parin tayo dito." Bulalas agad ni Wena. Kusa man siyang sumama kay Mira na bumaba sa unang palapag, hindi parin mapigilan ni Wena na mabahala.
"Just go back upstairs." Sambit na lamang ni Mira ngunit nanatili parin si Wena sa kanyang tabi.
Nang madatnan ang baril sa sahig, agad itong pinulot ni Mira sa kabila ng panginginig ng kanyang mga kamay. Nang muli niyang lingunin si Wena ay laking gulat niya nang makita si Churchill na nakatingin lamang sa kanya.
"K-kung makikita mo ulit si Wacky? Papatayin mo parin ba siya?" Bakas ang labis na panlulumo sa boses ni Churchill kasabay ng pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.
"Kung pagtatangkaan ko ulit siyang patayin, pipigilan mo parin ba ako?" Tanong pabalik ni Mira habang pilit na tinatatagan ang kanyang boses. Samantalang nasa gilid lamang nila si Wena, tahimik na nakikinig sa bawat sintemyento ng dalawa.
"Mira parang kapatid ko na ang gagong 'yon at isa pa, ako ang may kasalanan kung ba't nangyayari 'to sa kanya. Mira pinilit ko siyang dumayo sa Drayton para lang sa birthday ko, ni hindi nga niya gustong bumyahe sa araw na 'yon." Giit ni Churchill na punong-puno ng pagsisisi at hinanakit sa sarili.
"And I'm just protecting the rest of us. Churchill you're blaming yourself for something that isn't your fault... but if you keep on preventing me from protecting others, if something bad happens to anyone after this, you're going to blame yourself more." Pangangatwiran naman ni Mira habang lumuluha. Ni hindi niya magawang pagtaasan ng boses ni Churchill dahil labis niya itong naiintindihan.
"G-guys...." Biglang nauutal na bulalas ni Wena dahilan para kapwa mapatingin sa kanya ang dalawa. Matinding takot at gulat ang namayani sa kanila nang makita si Wacky na ngayo'y nakaakbay na kay Wena.
"Bitawan mo siya!" Sigaw ni Mira at agad na itinutok ang baril sa direksyon ni Wacky.
"Kaibigan oh, tinututukan niyo ako ng baril." Pabirong pagsusumbong ni Wacky kay Churchill na ngayo'y hindi na magawang makakilos o makapagsalita pa dahil sa bigat ng kalooban.
Napahalakhak si Wacky at bigla na lamang binitawan si Wena dahilan para agad itong mapatakbo at patungo sa direksyon nina Churchill at Mira, dali-dali naman siyang pinatago ni Churchill sa kanyang likuran.
"S-si Dana..." Mahinang sambit ni Mira.
"'Wag kayong mag-alala, hindi siya ang pakay ko at isa pa, wala na siyang silbi sa akin." Sabi pa ni
Wacky.
****
Napasinghap si Cielo kasabay ng pagdilat ng kanyang mga mata. Hilong-hilo man, agad siyang napabangon at pinagmasdan ang kasuotan niyang itim na basang-basa pa. Paulit-ulit siyang huminga ng malalim at mariing ipinikit ang mga mata upang makapag-ipon ng lakas.
Biglang umalingawngaw ang isang napakalakas na tili dahilan para agad na maidilat muli ni Cielo ang mga mata. Kilalang-kilala niya ang boses nito kaya naman sa kabila ng sakit ng katawan, dali-dali siyang tumayo natagpuan ang sarili sa harapan ng isang lumang morgue.
"Dana!" Buong lakas na sigaw ni Cielo at napatakbo papasok rito lalo pa't mistulang sa loob nanggagaling ang boses ni Dana.
"Cielo!" Bago pa man maisara ni Cielo ang malaking pinto na dinaanan, bigla niyang narinig ang boses na tumatawag sa kanya dahilan para agad siyang mapalingon sa kanyang likuran. Nakita niya sina Raze at Shem na tumatakbo patungo sa kanyang direksyon, gaya niya ay basang-basa rin ang mga kasuotan ngunit may dala itong isang malaking baril.
****
"It's coming from downstairs." Pabulong na sambit ni Cielo kaya naman dali-dali silang bumaba sa mahabang hagdan.
"Teka asan ba talaga tayo?! Hindi 'to Drayton!" Giit pa ni Shem na pilit hinihinaan ang kanyang boses.
"This may sound absurd but I think we're in Faceless Dondy. I remember this morgue, this is where he takes the protagonists for torture." Sambit ni Cielo habang mabilis ang bawat hakbang.
"Yung libro?!" Bulalas naman ni Raze dahilan upang agad na mapatango-tango si Cielo.
Hindi nagtagal agad nilang narating ang isang mahabang pasilyo na animo'y isang lumang tunnel na may maraming mga pinto. Hindi na nila naririnig ang mga sigaw ni Dana, bagkus ay tanging katahimikan lamang ang lumulunod sa kanila. Sa labis na pagmamadaling mahanap si Dana, napagdesisyunan ng tatlo na maghiwa-hiwalay sa pagbubukas ng mga pinto.
Bigo si Cielo na mahanap si Dana sa bawat pintong binubuksan. Hindi nagtagal ay sinundan na lamang niya ang daang tinahak nina Raze hanggang sa tuluyan niyang mahanap kung nasaan ang mga ito—kasama si Dana na ngayo'y halos wala na sa kanyang wisyo habang nasa isang kalunoslunos na kalagayan.
"Dana!" At sa puntong-iyon, hindi na napigilan pa ni Cielo ang kanyang luha.
****
"Happy memories, Dana. You can help us by thinking happy memories. It's time for you to go home," sambit ni Cielo at agad na hinalikan ang noo ni Dana, "778."
"778." Umiiyak na sagot ni Dana at tumango-tango, "It's always going to be 778."
Unti-unting bumitaw ang magkaibigan sa isa't-isa. Napaatras si Cielo kasabay ng unti-unting pagpikit ni Dana sa lumuluhang mga mata.
"Shit..." Mahinang sambit ni Raze nang unti-unti nilang makita ang paglabo ng katawan ni Dana hanggang sa tuluyan na nga itong maglaho sa kanilang harapan.
"Teka sandali!" Nang akmang lalabas na sila mula sa silid at hahanapin ang mga kasamahan, bigla na lamang sumigaw ni Shem dahilan para agad silang mapalingon sa direksyon nito. Lahat sila'y wala nang nagawa pa nang makitang nanlalabo narin ang katawan ni Shem.
"Shem!" Kapwa sigaw nila Raze at Cielo ngunit wala na silang nagawa pa nang tuluyan nang maglaho si Shem.
****
Napabalikwas ang basang-basang si Shem mula sa pagkakahiga at agad na napasuka ng tubig. Nanginginig dahil sa labis na lamig, paulit-ulit siyang napasinghap habang iniinda ang matinding sakit sa kanyang dibdib at ngalangala.
Maraming naririnig na boses si Shem ngunit hindi niya ito maintindihan dahil sa sobrang hilo at kahit madilim man ang paligid, may naaninag siyang kislap ng mga makukulay na ilaw na nagmumula sa mga rescuer at kapulisan.
Paulit-ulit na kinurap-kurap ni Shem ang kanyang mga mata hanggang sa tuluyan niyang maaninag ang mga bituwin sa kalangitan at napagtantong nakahiga na siya sa damuhan. Sa puntong ito'y tuluyan nang naging malinaw sa kanya kung ano ang nangyayari.
"Hijo, hijo sabihin mo sa amin, ilan kayo sa sasakyan?" Tanong agad ng rescuer na siyang nagsalba sa buhay ni Shem.
Dahil wala pang sapat na lakas, itinaas na lamang ni Shem ang kanyang buong kamay upang sabihing lima sila. Muli niyang nilibot ang kanyang paningin at napatulala na lamang siya nang mapagtantong sa kanilang lima ay siya pa lamang ang naiiligtas mula nang mahulog ang kanilang sasakyan mula sa tulay at papunta sa malalim at napakadilim na ilog.
END OF CHAPTER 13
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro