Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XII : The thing about protection



CHAPTER XII

The thing about protection

Third Person's POV



Sa pagdilat ng dalawang mga mata, napasinghap si Dana kasabay ng pag-ahon ng kanyang namumutla at basang-basang mukha mula nagyeyelong tubig na nagsilbing himlayan. Litong-lito man at nanginginig sa lamig, dali-daling gumapang ang wala sa sariling si Dana mula sa bathtub habang pilit na niyayakap ang sarili.


"Dana! Dana okay ka lang ba?! Dana naririnig mo ba ako?!"


Blanko man ang kanyang isipan dahil sa kalituhan at labis na lamig, agad itong nagbago nang marinig ng dalaga ang boses ng natatarantang si Wacky.


"Wacky!" Hindi pa man lubusang nababawi ang buong lakas at wisyo, agad na pumatak ang luha mula sa mga mata ni Dana nang mapagtantong boses ng binata ang naririnig. Labis mang nanginginig at halos madapa na sa pagmamadali, nang mapagtantong nanggagaling ang boses mula sa radyo ay dali-dali niya itong nilapitan.


Sa labis na magkahalong emosyon, walang nagawa si Dana kundi maupo sa malamig na sahig habang pilit na hinihigpitan ang hawak sa radyo. Gusto niyang magsalita ngunit mas pinangunguhan siya ng kanyang mga hikbi at labis na panginginig.


"Dana! Dana kalma lang! Huminga ka ng maayos!" Giit ni Wacky lalo pa't kitang-kita niya ang nangyayari kay Dana. Labis siyang nag-alala lalo na nang makitang nahihirapan na naman itong huminga dahil sa labis na pag-iyak.


"W-wacky!" Walang ibang magawa ang humahagulgol na si Dana kundi sa sambitin ang pangalan ni Wacky.


"Dana ano ba! Wala ako diyan para bigyan ka ng paper bag!" Sambit na lamang ni Wacky na sa sobrang taranta ay halos masabunutan na ang sarili.


"I-ikaw ba.." Hindi na natapos pa ni Dana ang kanyang sinasabi at paulit-ulit siyang napahikbi habang pilit na pinipigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay at labi.


"Ako 'to! Pangako, akong-ako 'to! Huminga ka ng malalim! Gayahin mo'ko!" Sigaw ni Wacky at sadyang nilakasan ang malalim na paghinga upang marinig siya ni Dana. Paulit-ulit na huminga ng malalim si Wacky hanggang sa tuluyang gumaya sa kanya si Dana, nanginginig man dahil sa labis paring lamig na nararamdaman, pilit na sumasabay si Dana sa paghinga ni Wacky. Paulit-ulit nila itong ginawa hanggang sa tuluyang tumawa si Dana kahit pa umaagos parin ang luha mula sa mga mata.


"Sh-shit kang idiot ka.." Mahinang sambit ni Dana at gamit ang nanginginig paring mga kamay, pinunasan niya ang kanyang luha na para bang isang bata.


"Shit na nga idiot pa..." Natatawang sambit ni Wacky mula sa kabilang linya dahilan para tumawa rin pabalik si Dana kahit pa kasabay nito ang pag-agos muli ng luha mula sa kanyang mga mata.


"I.. I can talk to you, that means you're okay right? Asan ka? Wacky asan ka? " Aligagang tanong ni Dana habang mariiin ang pagkakatitig sa hawak na radyo.


"Sa lugar na wala ka." Pabirong sambit ni Wacky at nakuha pang humalakhak dahilan para agad na mapabusangot si Dana. Ang hindi niya alam, sa kabila ng pagbibiro, bakas parin ang lungkot sa mukha ni Wacky.


"Dana.. Dana makinig ka muna sakin." Sambit muli ni Wacky dahilan para tumango-tango si Dana at muling punasan ang kanyang luha.


"Bumalik na ang lahat sa dati." Natutuwang sambit ni Wacky pero umiling-iling lamang agad si Dana at muling napabuntong-hininga upang mapigilan ang sariling luha.


"I remember it now... Naalimpungatan ako kanina kaya pansamantalang na-blanko ang isip ko pero ngayon naalala ko na... You idiot.." Tuluyang pumiyok ang boses ni Dana at hindi na niya napigilan ang maiyak muli, "We're getting you back, I mean here I am, I'm alive! We can still get you back and all of this will be okay!" Giit pa ni Dana pero napailing-iling na lamang si Wacky at pilit na tinatagan ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagbuntong-hininga.


Nanghihina man, pilit na tumayo si Dana at dali-daling nagtungo sa pinto, ngunit sa kasamaang palad, siya namang pagbukas ni Churchill ng marahas at biglaan sa pinto.


"Dana!!!" Walang ibang nagawa si Churchill kundi mapasigaw nang makita ang malakas na pagtumba ni Dana dahil narin sa dulas ng sahig. Dahil sa nangyari, hindi lang bumagsak ang likod ni Dana sa sahig, aksidente rin niyang nabitawan ang radyo dahilan para agad itong tumilapon patungo sa bathtub na puno ng mga yelong nagsisimula nang matunaw.


"Churchill you shithead!" Sigaw ni Mira na kasama nito at dali-daling nilapitan si Dana upang maalalayan sa pagtayo, "Dana it's okay, everything's going to be okay."


"Mira! Buhay ka!" Parang isang batang napahagulgol si Dana nang makita at mahagkang muli si Mira, sariwa pa sa kanyang alaalaa ang masaklap na kamatayan ng kaibigan sa kamay ni Dondy .


"D-dana sorry!" Bulalas agad ni Churchill at lumapit rin upang tumulong ngunit umiyak lamang din lalo si Dana at agad na napayakap sa kanya ng mahigpit.


"T-teka si Wacky..." Hinang-hina man, pilit na bumangon si Dana at itinaas ang kanyang kamay na animo'y may gustong kunin mula sa loob ng bathtub.Naintindihan naman agad ito ni Churchill kaya naman dali-dali niyang itinuon ang pansin sa bathtub.


Nagimbal si Churchill nang makita ang radyong nasa kailaliman na ng mga tubig at yelo, dali-dali niya itong pinulot, di alintana ang labis na lamig. Nanlumo silang lahat nang makita ang radyong basang-basa at halos mawasak na dahil sa paghiwalay ng masking tape na nagpapanatili nitong buo.


"Wacky?!" Sigaw ni Dana, umaasang muli ay maririnig ang boses ni Wacky.


"Wacky naririnig mo ba kami?!" Bulyaw naman ni Churchill ngunit wala na silang ibang narinig pa mula sa kabilang linya.


*****


"Guys don't be scared okay? He can't do anything to us while we're up here." Muling paalala ni Wena nang magtipon-tipon silang lahat sa harap ng telebisyong nagpapakita ng kuha ng CCTV sa unang palapag.


"Pero anong ginagawa niya? Hindi naman sa nap-praning na ako pero para kasing alam niyang nakikita natin siya." Pahayag ni Pinky na nakatayo lamang sa isang tabi at pilit na itinatago ang matinding takot na nararamdaman.


Si Wacky, nakatayo lamang ito sa harap ng camera, nananatili man sa kinatatayuan at hindi deretso ang tingin sa camera, hindi mawala-wala ang ngisi sa pagmumukha nito na para bang nag-aabang.


Napalingon si Mira sa direksyon ni Dana na nakaupo sa sofa. Nanginginig man ito habang yakap ang mga tuwalyang ibinalot sa kanya, nakatingin lamang ang luhaang mga mata ni Dana sa mukha ni Wacky sa telebisyon.


"Dana... He's no longer Wacky." Nanlulumo man, alam ni Mira na kailangan niya itong ipaalala sa kaibigan.


"I know, and that's what hurts the most." Mahinang sambit ni Dana na hindi inaalis ang pagkakatitig sa mukha ni Wacky.


"But he'll still come back right Churchill?" Napalingon si Dana kay Churchill na tahimik lamang sa kanyang tabi, "Your Tilapia friend will be back right?" Sambit pa ni Dana at pinilit ang sariling magpamalas ng ngiti sa kabila ng nararamdamang takot at panlulumo. Bilang sagot, tumango-tango si Churchill at ngumiti pabalik sa kaibigan.


"Wala naman siguro yang binabalak na masama diba?" Tanong naman ni Gino dahilan para muli nilang maibalik ang paningin sa telebisyon na nagpapakita sa bawat galaw ni Wacky.


"He's powerless right now. He can plan whatever shit he wants but we have his strength. As long as we have Dana, he's human... Right now he's just a plain pathetic demon who's occupying a body." Matamang sambit ni Mira at napatitig na lamang sa kawalan.


"He burned Cielo's house, all of us, we almost burned to death." Bulalas ni Dana dahilan para litong mapatingin sa kanya ang lahat.


"Ate anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Wena.


"When I died... Astaroth gave me this delusion... We barricaded ourselves inside Cielo's house just to get away from him. But then he burned the house with all of us inside... All of you were there." Sambit ni Dana at isa-isang tiningnan ang mga kasamahan, "Demons can deceive and possess people but at the end of the day, it is human who can inflict real harm."


Dahil sa sinabi ni Dana, naikuyom na lamang ni Mira ng kanyang kamao at unti-unting napapikit. Nagtatalo man ang kanyang moralidad at rasyonal na pag-iisip, lalo lamang lumakas ang kanyang kalooban na protektahan ang mga kaibigan.


"I'm sorry but we have something to be afraid of... Full-blown demon or just a demon trapped in a human body, as long as I'm here, Astaroth will be a danger to you... A human body is a murder weapon itself.... his weapon is Wacky and as long as I'm here, Astaroth won't stop." Pagpapatuloy pa ni Dana na deretso lamang ang tingin kay 'Wacky'.


"At sa tingin mo magiging maayos ang lahat kung tuluyan ka niyang makukuha?" Bulalas ni Churchill, "Ginagamit ka niya upang lumakas, hindi natin alam anong klaseng lagim ang idudulot niya sa lahat oras na makuha niya ang kailangan sa'yo. "


"I think I have to excuse myself for awhile. Sorry but this is just too much to process." Sambit ni Pinky bilang paalam sa mga kasamahan at ngunguto-ngutong nagtungo sa silid. Hindi maiwasang mag-alala ni Gino sa dalaga kaya naman agad niyang sinenyasan ang mga kaibigan na sasamahan muna niya si Pinky.


"I'll go with." Sambit ni Wena bilang paalam at agad na sumama kay Gino sa pagsunod kay Pinky.


Napabuntong-hininga si Mira, buo na ang kanyang isipan. Nilingon niya si Churchill, "Before we got here, I bought some cup noodles from 7/11, paki luto para kay Dana. I'll just help her change."


"I don't want to change my clothes." Mahinang sambit ni Dana dahilan para agad na makunot ang noo ni Mira.


"You're still shivering cold and dripping wet. Come on Dana." Giit ni Mira na agad namang sinang-ayunan ni Churchill.


"I'll still die anyway." Giit naman ni Dana habang may ngiti parin sa kanyang labi.


"Wala ngayon sina Cielo kasi naghahanap sila ng paraan para matulungan ka. Subukan mo ring lumaban, isipin mo nalang ang mga magulang mo." Sabi naman ni Churchill at pabirong ginulong ang basang buhok ni Dana.


****


Habang nasa silid ni Wena, hinalughog ni Mira ang bag nito upang makakuha ng damit na maipapasuot kay Dana, samantalang si Dana ay naupo sa kama at muling napatulala.


"Y-you guys stole me from the morgue right?" Tanong ni Dana kaya agad na napalingon si Mira sa kanya.


"And we regret nothing." Giit ni Mira.


"How about my Mom and Dad?" Pumiyok ang boses ni Dana sa isang iyak na hindi na kaya pang pigilan.


"They'd be stupid if they weren't sad." Biro na lamang ni Mira habang hinahayaan ang sariling luha na pumatak, "But forget about it, you'll be home soon. And because of this experience, you'll become a better daughter to them. Be a better daughter to them okay?"


Tumango-tango si Dana at napatingala na lamang sa kisame, "If I get to live... I promise not to irk every time my parents try to kiss me in public. I promise not to talk back whenever they nag. I promise to make my parents happy in every way that I can because they are my only parents and life is too short to be cruel to the people who loves me the most."


"That's it." Tumango-tango si Mira at pinunasan ang kanyang luha, "That's going to be your mantra. You're not sacrificing again okay? If you can't do it for yourself, please do it for your parents... Hay, go find clothes muna dito. Puntahan ko muna si Jejelord." Pabirong sambit pa ni Mira bilang paalam bago umalis.


****


Matapos mapindot ang kombinasyon ng mga numerong natutunan mula kay Axel, huminga ng malalim si Mira at saglit na napapikit. Inilabas niya ang baril mula sa kanyang bulsa at buong lakas itong ikinasa at inialis sa ligtas na opsyon.


"I'm sorry Wacky... I'm sorry sa parents mo... I have no other choice, this is all for the greater good. God please forgive me." Mahinang sambit ni Mira at binuksan na ng tuluyan ang pinto.


Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Mira at nagsimula siyang maglakad. Mabilis man ang bawat hakbang, pilit na ipinapagaan ni Mira ang bawat hakbang upang maiwasang makagawa ng kahit na anong ingay. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa tuluyan niyang marating kanyang pakay.


Nang makita si Wacky na nakatalikod mula sa kanya, unti-unting itinaas ni Mira ang kanyang baril kasabay ng pag-agos ng luha mula sa kanyang mga mata. Labis ang panginginig ng mga kamay, ipinikit ni Mira ang kanyang mga mata at kinalabit ang gatilyo nang masiguradong ito ay nakatutok sa direksyon ng ulo ni Wacky.



"Mira 'wag!!!" Ngunit kasabay ng pagkalabit ni Mira ng gatilyo ang pagbangga ng isang pwersa sa kanya dahilan para agad siyang matumba sa sahig, at lumihis sa direksyong hangad ang pinakawalang bala.


Umalingawngaw ang isang napakalakas na sigaw na punong-puno ng sakit at pighati. Nanginginig na idinilat ni Mira ang kanyang mga mata at inaangat ang mukhang basang-basa ng kanyang luha. Napahagulgol na lamang si Mira nang makita si Wacky sa hindi kalayuan, bagsak ito sa sahig habang namimilipit sa sakit matapos tamaan ng bala ang kanyang balikat.


"Wacky!" Umalingawngaw ang iyak ni Churchill na kasalukuyang bagsak rin sa sahig malapit kay Mira. Matapos mapigilan si Mira sa tangkang pagpatay sa kanyang kaibigan, dali-dali niyang inagaw ang baril na umuusok pa mula sa kamay ni Mira.


"No!" Napaiyak na lamang si Mira nang mapagtantong bigo siyang maisagawa ang pakay.


"Churchill! Churchill tulong!" Iyak ni Wacky habang nakabulagta parin sa sahig at namimilipit parin dahil sa tama ng bala sa balikat. Takot na takot ang binata habang nakikita ang napakaraming dugong tumatakas mula sa kanyang sugat na bahagya pang umuusok.


Dahil sa awa para sa kaibigan, tarantang napatayo si Churchill ngunit nang akmang lalapitan na niya si Wacky ay dali-daling hinigit ni Mira ang kanyang kamay.


"He's no longer Wacky!" Giit ni Mira dahilan para lalong maluha si Churchill at muling maibalik ang tingin sa direksyon ni Wacky.


"Churchill! Churchill ako na 'to! Pucha tulong! Ayoko pang mamatay! Pucha ayoko! Ahhh!" Iyak muli ni Wacky na paulit-ulit nang napapahiyaw dahil sa labis na sakit, "Churchill!" Sigaw pa ni Wacky at umiiyak na itinaas ang kanyang kamay sa direksyon ni Churchill.



"Wacky!" Napaiyak na lamang si Churchill at agad na winakli ang kamay ni Mira. Dala ang baril na nakuha mula kay Mira, dali-daling lumapit si Churchill kay Wacky.


"Pre! Pre kalma lang!" Umiiyak na sambit ni Churchill at dali-daling dinaluhan ang kaibigan sa sahig. Labis mang natataranta, hindi nagdalawang-isip si Churchill na idampi ang mga palad sa dumudugong balikat nito.



"Inutil nga naman talaga."


Dahil sa narinig, naiwang nakaawang ang bibig ng nanlulumong si Churchill. Unti-unti niyang ibinaling ang tingin sa mukha ng kaibigan at nakita ang isang ngisi sa mukha nito kasabay ng pagiging kulay itim ng dalawang mga mata nito.


******


"Churchill!!!" Ubod ng lakas na napahiyaw ang humahagulgol na si Mira nang makitang walang kalaban-laban si Churchill nang bigla na lamang siyang sinakal ni Wacky at inagaw ang hawak na baril.


Sa sobrang bilis ng pangyayari, walang nagawa si Mira kundi mapaiyak lalo na nang makitang nakapulupot na ang braso ni Wacky sa leeg ni Churchill, samantalang ang kabilang kamay naman ni Wacky ay hawak na ang baril na nakatutok sa sentido nito.


"No! Stop!!" Iyak muli ni Mira na walang kalaban-laban habang nakadapa parin sa sahig at hindi makakilos dahil sa labis na takot.


"Ngayon maging isa kang mabuting bata at tawagin mo si Diana." Maotoridad na sambit ni Wacky kay Mira habang nasa mukha parin ang mapagyabang na ngisi.



"I'm here bitch." Umalingawngaw ang isang boses dahilan para agad na mapalingon si Mira sa kanyang likuran. "Jeez Astaroth, for a demon you are such a big bitch. Wait are you a girl ba or a boy? Well either way you're still a big shitty bitch."


"No... Dana don't..." Lalo pang napahagulgol si Mira nang makita si Dana na naglalakad patungo sa kanilang direksyon.


"D-dana takbo!!!" Nahihirapan mang huminga, sa abot ng makakaya ay pilit na sumigaw si Churchil, di alintana ang baril na nakatutok sa kanyang ulo.


"Dana.. Dana you promised me." Agad na napahawak si Mira sa napakalamig paring kamay ni Dana upang makiusap.


"I promised to be a better daughter... But I can't dare to live happily with a heavy conscience." Giit ni Dana at siya narin mismo ang nagwakli sa kamay ni Mira.


Ibinalik ni Dana ang tingin sa direksyon ni Wacky na hanggang ngayo'y hawak parin ang walang kalaban-labang si Churchill, "Quit this hostage-taking scheme."


"Sayang." Humalakhak si Wacky at mas idiniin pa ang nguso ng baril sa sentido ni Churchill, "Ang sarap pa naman siguro sa pakiramdam na kalabitin ang gatilyo ng baril na'to."


"I'm already here. I don't have time for your bullshit so just let go of him and take me back to hell." Walang kagatol-gatol na sambit ni Dana at sa kabila ng mga protesta ng kaibigan, lumapit siya kay Wacky, taas-noo at tanggap na ang kanyang kapalaran.


Muli, humalakhak si Wacky at tuluyang binitawan si Churchill. Sa pagkakataong ito, pilit na pinigilan ni Dana ang kanyang luha at sa abot ng makakaya ay buong lakas na itinulak si Churchill palayo mula sa kanila.


"Tell my parents I love them!" Sigaw ni Dana nang walang ano-ano'y hinawakan ni Wacky ang kanyang ulo at bigla na lamang lumitaw ang naglalagablab na apoy na pumalibot sa kanilang dalawa.


"Dana!" Kapwa walang ibang nagawa sina Mira at Churchill kundi manlumo at mapasigaw dahil sa pangyayari. Sa isang iglap, naglaho ang mga apoy at bumagsak sa harapan nila ang bangkay ni Dana.



****


Napasinghap si Dana kasabay ng pagdilat ng kanyang mga mata. Gulong-gulo ang dalaga lalo na nang matagpuan niya ang kanyang sarili na nakahiga sa gitna ng tahimik at madilim na kalsada, naninikip ang dibdib at nahihirapang huminga.

"Churchil!" Napahagulgol na lamang si Dana nang mapagtantong hindi na niya kasama ang kaibigang hindi na makakatayo o makakalad pa dahil sa ginawa sa kanya ni Dondy. Walang naalala ang dalaga sa katotohanan ng pinanggalingan.



END OF CHAPTER 12.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro