X : The things we do
CHAPTER X:
The things we do
Third Person's POV
"Eww! Parish your feet's smell is just as bad as your face!" Pang-aasar ng noo'y nagda-dalaga palang na si Dana sabay takip ng kanyang ilong gamit ang daliri.
Dahil sa sinabi, dali-dali siyang siniko ni Cielo at pasimpleng binulungan, "Go easy on the new kid, baka mamaya akalain niyan na binu-bully mo siya."
"Ano? Eh ako nga tong nag-effort na wag siyang ma-out of place." Giit pa ni Dana sabay ngiwi sa kaibigan.
"Just make him laugh, don't make others laugh at him. Next month mo na i-push ang hard jokes sa kanya pag close na kayo." Giit naman pabalik ni Cielo sa kaibigan.
"Jeez you're such a Mom!" Napabuntong-hininga na lamang si Dana at tumango-tango bilang tanda ng pagsuko.
"Hoy kayong mga babae diyan! Ano na? Bigay niyo na sakin ang mababaho niyong medyas! Ako si Bhozx Churchill, magmadali mga alipin!" Biglang bulyaw ng maliit na binatang nakasuot ng makapal sa salamin. Habang may nakakalokong ngisi, nakatingin ito sa direksyon nina Dana at Cielo habang hawak ang isang bolang gawa sa mga medyas ng iba pa nilang kaklase.
"Wow, our new kid is a jejemon and Wow again kasi he didn't get the 'no-hard-jokes on strangers' rule." Sarkastikong sambit ni Dana kay Cielo sabay tanggal ng kanyang sapatos at medyas.
"I guess we have new class-idiot now." Sarkastikong sambit ni Cielo sabay taas-baba ng kanyang kilay habang may pilyang ngisi sa kanyang labi, "Good thing hindi pa nalalabhan ang medyas ko since last week."
Walang ano-ano'y bigla na lamang hinagis ni Cielo ang kanyang medyas sa direksyon ni Churchill, agad rin namang gumaya si Dana sa kanya.
Tinamaan man sa mukha ng mga medyas, isang pilyong ngisi lamang ang kumurba sa pagmumukha ng noo'y nagbibinata pa lamang na si Churchill habang nakatingin sa direksyon ng magkaibigan, "Target spotted! Dodge my balls if you can!"
"Sandali! Wala pa tayong mga grupo! Anong klaseng dodgeball to?!" Sigaw ni Raze na sa tindig palang at pag-angat ng mga manggas ay halatang handang-handa nang maglaro at manalo.
"Once versus all! Takbo mga alipin! Bhozx Churchill is in town!" Anunsyo ni Churchill sabay halakhak.
Nang makitang malaki-malaki na ang nagagawang bola ni Churchill mula sa mga medyas, umalingawngaw ang naglalakasan nilang mga sigawan at tawanan kasabay ng pagtatakbuhan nilang lahat palayo mula kay Churchill.
Mula sa malayo, tahimik lamang silang pinagmamasdan ni Mira na nakatayo lamang sa balkonahe, nag-iisa habang hawak ang isang komiks na tungkol sa kababalaghan. Nakangiti man, bakas ang lungkot sa kanyang mukha at ang pagnanais na makisali sa mga ito.
"Ba't di ka makipaglaro sa kanila?"
Nagulat si Mira nang may magsalita mula sa kanyang likuran kaya naman nilingon niya ito at mas nagulat siya nang makitang ito ay si Harper, isa sa mga pinakasikat na estudyante mula elementarya buhat ng pagiging kaisa-isang anak ng kasalukuyang alkalde ng maliit na lungsod.
"K-kinakausap mo ako?" Naguguluhang sambit ni Mira, hindi makapaniwala na kaharap niya ang estudyanteng gustong kaibiganin ng lahat.
"Tayong dalawa lang naman nandito sa balkonahe diba?" Namimilosopo man, may matamis paring ngiti si Harper sa kanyang pagmumukha dahilan para mapangiti rin pabalik si Mira.
"Ba't di ka sumali sa kanila?" Pag-uulit ni Harper sa tanong at tinabihan si Mira sa pagsandal sa railings.
"Ako? Sasali sa kanila? Pshhh!" Pagmamaang-maangan ni Mira sabay halakhak ng todo, "1st year highschool na tayo, dapat nga di na sila naglalaro ng ganyan sa school grounds lalo pa't ang dumi ng ginamit nilang bola, biruin mo yun mga medyas pa talaga?"
"Kita mo yung transferee? Yung bansot na may glasses?" Turo ni Harper dahilan para makunot ang noo ni Mira.
"Teka kilala mo sino ang transferee?" Tanong ni Mira.
"Loka, ang liit lang ng lungsod nato, sa sobrang liit nga pakiramdam ko nga memoryado ko na ang lahat ng mukha dito sa school kahit 1st year palang tayo kasi parang galing lang tayo sa iisang elementary school." Giit ni Harper kaya ngumiti na lamang si Mira at tumango-tango.
Napabuntong-hininga si Harper at ngumiti pabalik kay Mira, "Naging kaklase ko yan dito noong grade 2 ata? Nadaganan ng bearbrand mascot kaya lumipat sila sa malayo at nag-transfer din ng school dahil daw sa trauma. Ngayon lang bumalik. Alam mo ba, valedictorian yan sa pinanggalingan niyang elementary school pero kita mo naman? Parang siraulong takas sa mental kung makapambato ng medyas sa kanila. And so my point is, hindi naman rason ang edad o talino sa pagiging masaya. Ako nga kahit thirteen na ako, naglalaro parin ako ng Chinese garter."
"Hindi naman sa ganun." Pag-amin ni Mira at napabuntong-hininga na lamang dahil sa pagsuka.
"Eh ano naman pala sa ganun?" Pagbibiro ni Harper ngunit hindi ito tinawanan ni Mira.
"Baka kasi ayaw nilang makipaglaro sa akin... Siguro hindi mo ako kilala kaya hindi mo maiintin—"
"Mira short for Miranda, nakatira malapit sa sementeryo. Eh ano naman? Walang-wala yan kumpara sa pinaggagawa ng baliw na transferee." Natatawang sambit ni Harper sabay turo sa direksyon ni Churchill na parang isang demonyong humahalakhak habang isa-isang tinatanggal ang mga medyas mula sa pagkakapatong-patong upang isa-isang maihagis sa mga kalaro sa kabila ng pagsisigawan at gimbal na pagtatakbuhan ng mga ito.
Hindi makapagsalita si Mira sa gulat, hindi niya alam anong sasabihin lalo pa't hindi niya inakalang may nalalaman pala sa kanya ang isang estudyanteng gaya ni Harper.
"Do what makes you happy as long as it's the right thing to do. Una na ako! Byee!" Paalam ni Harper sabay kaway sa dalaga.
"It's the right thing to do but I'll never be happy about it..."
Sa kasalukuyan, hindi mapigilan ni Mira na maluha habang bumabaha ang alaala ng nakaraan sa kanyang isipan. Hindi rin niya mapigilang maalala ang mga sinabi ni Harper tungkol sa dapat niyang gawin upang protektahan ang kanyang mga kaibigan, hindi niya mapigilang maiyak lalo habang pinagmamasdan ang hawak na baril. Mag-isa lamang si Mira sa banyo kasama ang bangkay ni Dana, umiiyak habang pilit na kinukumbinsi ang kanyang sariling gawin ang hindi niya kaya.
Sa sobrang pagkabagabag, isinilid na lamang ni Mira ang baril sa loob ng kanyang jacket at umiiyak na gumapang patungo sa direksyon ng bangkay ni Dana.
"I don't know what to do anymore..." Bulong ni Mira sa bangkay ni Dana habang pilit na pinipigilan ang sariling humagulgol habang nakatitig rito.
"If I won't do it, I could lose you guys... If I do it, I could lose you guys too... and even myself." Dagdag pa ni Mira at sa kabila ng lamig, pilit niyang hinimas ang noo ni Dana, "But you've done enough sacrifices already, Dana you need to live again. You and Churchill will hate me for this, but Harper's right... At this point, this is our best option. Dana gising na, gumising ka na.... Sa pagkakataong 'to gagawin ko na ang tama kahit pa maiwan na naman akong mag-isa."
Naulinigan ni Mira ang pag-ikot ng doorknob kaya napapitlag siya't dali-daling pinunasan ang mga luha at siniguradong nakatago ang baril sa bulsa ng kanyang jacket. Paulit-ulit siyang huminga ng malalim upang pakalmahin ang sarili hanggang sa unti-unti niyang makita si Churchill dala ang isang kumot at unan.
"Akala ko nakatulog ka na diyan kaya dinalhan sana kita ng kumot at unan." Di gaya ng dati, walang ngiti sa mukha ni Churchill at walang nahahalong biro sa kanyang mga salita. Gaya nilang lahat, nanlulumo parin ang binata dahil sa mga pangyayaring hindi nila napigilan.
"Y-you don't have to... I'm not going to sleep here... thanks." Wala sa sariling sambit ni Mira na hindi halos matingnan si Churchill sa mga mata. Alam niyang pagkatapos ng gagawin niya kay Wacky, maaring kamuhian siya ni Churchill.
"Kinakausap mo siya?" Lumapit si Churchill at naupo sa tabi ni Mira habang yakap parin ang kumot at unan.
Tumango-tango si Mira at hindi na niya napigilan pa ang pagtakas ng luha mula sa kanyang mga mata, "I can't believe she's dead again... I mean—" imbes na magsalita, tuluyang napaiyak si Mira't hindi na nakapagsalita pa.
Agad na inakbayan ni Churchill si Mira at hinigit sa isang yakap. Namumuo man ang luha sa kanyang mga mata, napapikit na lamang si Churchill at pilit na naghanap ng mga salitang makakahupa sa bigat ng kalooban ni Mira, "Tahan na... baka mamaya kung ano na naman ang gawin mo sakin."
Hindi nabigo si Churchill, agad na natigil si Mira sa pagluha at napatingala upang makita ang kanyang mukha, "Y-you traitor..."
"Galing ko talagang magpatahan." Mabigat man ang kalooban, pinilit ni Churchill na magbiro at pumeke ng isang nakakalokong ngisi.
"You said you wouldn't bring it up again!" Sa isang iglap, napabulyaw si Mira at tinulak palayo si Churchill. Tila ba sobrang nainis ang dalaga lalo na nang makita ang ngisi ni Churchill kaya paulit-ulit niya itong hinampas, "It was your fault too! Ako yung dehado!"
"Pinapatahan lang kita! O diba gumana?" Natatawang sambit ni Churchill kaya napabuntong-hininga na lamang si Mira at tinigilan ang paghampas sa binata.
"Just leave okay? I'm going to stay here with Dana." Sambit na lamang ni Mira at sa huling pagkakataon ay tinulak si Churchill bago muling ibinalik ang atensyon sa bangkay ni Dana.
Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nila; tahimik lamang si Mira na nakatitig sa bangkay ni Dana habang si Churchill naman ay awang-awa habang nakatingin kay Mira.
"A-alam mo ba anong unang sinabi sakin ni Dana noong una kaming magkita sa school?" Basag ni Churchill sa katahimikan habang nakatitig kay Mira.
"You look like a piece of shit?" Naluluha man, si Mira naman ang nagbiro at napalingon kay Churchill.
Umiling-iling si Churchill at ginaya ang pananalita ni Dana noong bata pa, "Hala nagkatawang tao si Dexter!"
Hindi napigilan ni Mira na matawa nang mapagtanto ang dahilan, "Oo nga no! Mukha ka talagang si Dexter's Lab noong bata pa!"
"Nagtalo nga ata kami kasi pinagpilitan kong si Harry Potter ang kamukha ko dahil nakasuot pa ako ng glasses noon." Kwento ni Churchill at napatingin kay Dana, "Naalala ko noon, naiyak si Dana dahil sakin kasi natamaan ko siya ng medyas sa mukha habang nagdo-dodgeball kami. Sa sobrang konsensya ko, isang linggo ko ata siyang binibigyan ng Nerds."
Dahil sa sinabi ni Churchill unti-unting naglaho ang ngiti sa mukha ni Mira at muli itong napalitan ng panlulumo lalo na nang maalala ang mga nagawa kay Dana.
"D-do you know why I want Dana to live again?" Hindi na napigilan ni Mira na bumulalas ng kanyang hinanakit.
"Close kayo diba?" Kunot-noong sambit ni Churchill.
Lumingon si Mira kay Churchill at umiling-iling, "I hated Dana back then." Pag-amin nito bagay na labis ikinagulat at ikinalito ni Churchill.
"P-pero kaibigan kayo diba?" Tanong ni Churchill.
"You can call anyone your friend but at the end of the day, it's only a label." Napabuntong-hininga si Mira at pinunasan ang kanyang luha, "I've always been an outcast... Living in the cemetery made me a target for everyone's hurtful words and ridicule. Some kids would gang up on me, they'd say hurtful things, they would mock me and call me words that made me cry myself to sleep every night. From Elementary to High School, I felt so alone and pathetic, what made it worse was seeing Cielo and Dana. Seeing them very close made me feel worse than ever. I mean, their friendship was like a slap to my pitiful existence, in other words... I was insecure. I didn't just envy their friendship, I envied Dana. She was like the perfect girl with the perfect life. She had the perfect family, she had Cielo by her side, she had so many friends... she seemed so perfect that it made me hate her in silence. And do you know what's the worst? I actually hoped for Dana to be miserable kahit wala naman siyang ginawang masama sakin. Every time I saw Dana, I always hoped for her to be sad, for her to be miserable like me. Every time she would tell me 'Good Morning', I'd smile to her and greet back pero deep inside humihiling ako na sana maging masama ang araw niya. I hoped and hoped until one day, Cielo disappeared and Dana started to become miserable..."
Nagulat man sa nalaman, hindi magawa ni Churchill na mag-isip ng masama tungkol kay Mira. Sa halip ngumiti lamang ito at pinagmasdan si Mira, "Hulaan ko, nakuha mo yung hiling mong maging miserable si Dana?"
Tumango-tango si Mira at sa puntong ito'y muling pumatak ang luha mula sa mga mata niya, "When Cielo disappeared, Dana started to drift away from everyone. Isang araw, nakita ko siya sa dulo ng library, akala ko nagbabasa lang siya sa isang tabi pero umiiyak na pala siya. And then I realized something.... Seeing Dana miserable didn't make me feel happy, it only made me feel worse. I couldn't help but to blame myself thinking I brought bad luck towards her but I couldn't bring myself to admit how horrible I was and apologize for secretly hating her."
"Pero hindi naman siya tuluyang naging miserable diba? Naging kaibigan niya si Harper at pagkatapos nun naging okay siya ulit, yun nga lang galit kay Cielo. Tapos diba nagsisisi ka na? Okay na yun, 'wag ka nang ma-guilty" Sabi na lamang ni Churchill nang sa gayon ay gumaan ang pakiramdam ni Mira.
"You don't get it do you?" Nakangiwing sambit ni Mira, "Ilang taon ko natong kinikimkim. Alam mo kasi, kung konsensya ang kalaban, kahit na anong gawin mo talo ka parin. Back then, I confessed to Harper about this and she told me to just be a good friend to Dana, that way makakabawi daw ako. But it wasn't enough for me, noong birthday mo, gusto ko sanang sabihin kay Dana ang totoo para naman gumaan na ang kalooban ko pero wala eh, ito na ang nangyari..."
"Kaya gustong-gusto mo siyang magising at mabuhay ulit para makahingi ka ng tawad at makabawi?" Tanong ni Churchill.
Lumuluha man, pilit na ngumiti si Mira, "I'm being selfish right? I only want to help and save Dana to appease my own guilt. I'm such a horrible person, I know. Panay ang pang-aaway ko kay Harper pero pareho lang kami."
Ngumiti si Churchill at umiling-iling, "You're not a horrible person. You were just having trouble with yourself, we all are. I wouldn't have liked you if you were a horrible person."
Dahil sa narinig, kunot-noong napatingin si Mira kay Churchill. Punong-puno ng kalituhan at gulat ang mga mata ni Mira pero si Churchill ay nakangiti lamang, walang kamalay-malay sa epekto ng binitawan niyang salita.
"You're so full of crap." Sarkastikong sambit ni Mira at nauna na lamang na umalis.
"Teka galit ka ba?" Habol na tanong ni Churchill ngunit hindi na sumagot pa si Mira.
*****
Napatingin si Raze sa kanyang relo at nalamang alas-syete na ng gabi. Nilingon niya ang mga kasamahang naghihintay at nakaupo lamang sa sofa.
"Asan si Cielo at Churchill?" Tanong ni Raze nang mapansing wala ang dalawa sa sala.
"I'm here." Sagot ni Cielo na kasalukuyang naglalakad na sa direksyon nila, namumugto parin ang mga mata habang inaayos ang kulay asul na scarf sa kanyang leeg.
"Si Churchill?" Tanong ni Axel sa dalaga.
"I don't know. Galing ako kay Dana, nagpaalam." Sagot na lamang ni Cielo.
"Let's go." Anunsyo ni Harper at nang tumayo mula sa kinatatayuan.
"Teka! Hindi pa tayo nagp-plano!" Giit ni Shem habang itinatali pa ang sintas ng kanyang sapatos.
"We'll figure it out on the car." Giit ni Harper at pasimpleng napatingin kay Mira na animo'y may ibig ipahiwatig, bagay na agad naintindihan ng nababagabag paring si Mira.
"Gino? Pinky? Sigurado ba talaga kayong magpapaiwan kayo dito?" Tanong muli ni Axel sa mga kaibigang nakaupo lamang sa sofa habang nagbabangayan sa kung ano-anong bagay.
"Today's Saturday so for sure magma-marathon lang ng wrestling ang papa at mga kapatid ko so I'd rather stay here." Paliwanag ni Pinky at napasulyap kay Wena na tila ba napakalalim ng iniisip.
Itinaas ni Gino ang kanyang kamay upang sumagot, "Uutusan lang ako ni Ermats na maglaba at magpaligo ng mga aso kaya dito lang din ako." Sabi pa ni Gino sabay akbay kay Wena. Naintindihan agad ni Axel kung ano ang ibig sabihin ng pag-akbay ni Gino kay Wena kaya naman agad siyang tumango rito bilang pasasalamat dahil alam niyang mananatili ito upang samahan si Wena.
"The house is protected... You don't have to worry about us." Nagsalita ang kanina pa nananahimik na si Wena. Tumayo ang dalaga at lumapit sa kapatid upang hagkan ito ng mahigpit bilang paalam.
"Keep your promise, stay safe and don't do anything stupid." Bulong ni Axel sa kapatid.
"I should tell you that." Banta pabalik ni Wena at hinalikan ang kapatid sa pisngi. Nang maghiwalay ay laking gulat ni Cielo nang siya naman ang niyakap ni Wena ng mahigpit kahit na hindi pa nila nagagawang makapag-usap ng kahit isang beses, "You don't know me but my brother's been looking for you ever since we were kids so you're one of my Ate's now. Stay safe and please don't let my brother do stupid things." Sabi pa ni Wena kaya ngumiti na lamang si Cielo at niyakap ito pabalik.
"Hay, sino pwede kayakap diyan?" Biglang biro ni Shem at napatingin sa direksyon ng dalagang si Pinky na siyang pinakamalapit sa kanya. Ngumiti na lamang si Pinky nang magkatinginan sila ni Shem.
"Yakapin mo tubig mo ulol." Pasaring ni Gino at agad na sinamaan ng tingin si Shem.
"Akala ko noon si Dana ang crush mo." Biro ni Raze habang may seryosong ekspresyon sa kanyang mukha dahilan para agad manlaki ang mga mata ni Shem sa gulat.
"H-hindi ah! Sinong nagsabi?" Giit agad ni Shem habang umiiling-iling.
"Jesus! Stop with the antics already! We have to go!" Protesta ni Harper na kanina pa nakatayo malapit sa pinto at handang-handa nang umalis.
*****
"All the doors and windows are locked right?" Tanong ni Pinky habang pilit na itinatago ang kabang nararamdaman sa pamamagitan ng pagngiti.
"Lahat. At may bonus pang locked gate sa hagdan bago makarating dito kaya ligtas tayo dito." Paniniguro ni Gino at nginitian pabalik si Pinky. Hindi sanay ang dalaga sa normal na pananalita at pagngiti ni Gino sa kanya kaya sinamaan niya lamang ito ng tingin at lumapit sa malaking telebisyong nasa kanilang harapan.
Pinaandar ni Pinky ang telebisyon at muling tumabi kay Mira at Gino sa sofa. Ngunit laking gulat nilang tatlo nang tumambad sa kanila ang walang katao-taong pasilyo ng unang palapag. Sinubukan nilang ilipat ito sa ibang channel ngunit ibang bahagi lamang ng bahay ang nakita nila.
"Artista na ba si Wena?" Biro ni Gino nang makita ang dalaga sa telebisyon habang naglalakad sa isang pasilyo.
"Adik! The house is full of CCTV! Malamang pang-monitor tong tv!" Giit agad ni Pinky sabay turo sa mga kamerang nasa dingding.
Tumayo ang kanina pa tahimik na si Mira kaya agad siyang tinawag ni Pinky, "Hey, you okay?"
"Not really but thanks..." Sagot na lamang ni Mira at nginitian ito.
"We're all going to be okay, wala kang dapat ipag-alala." Sabi naman ni Gino kaya ngumiti rin sa kanya si Mira at nagpasalamat.
***
Habang naglalakad sa pasilyo at papunta sana kay Dana ay bigla na lamang nakasalubong ni Mira ang para bang nag-aalalang si Wena kaya naman agad niya itong nilapitan.
"What's wrong?" Tanong agad ni Mira.
"It's Kuya Churchill, I think he hasn't even slept. He's been on my granpapi's office, reading every journal and research they made about Astaroth." Sambit ni Wena at napakagat sa kanyang kuko dahil sa labis na pagkabahala.
Pinilit na lamang ni Mira ang kanyang sarili na ngumiti, "It's okay, Churchill is used to cramming and pulling all-nighters just to study. Hindi halata pero competitive yan pagdating sa studies."
"No I mean..." Napailing-iling si Wena, "Ate how close was he to the boy who got possessed by Astaroth?" Pabulong na tanong ni Wena at pasimpleng nilibot ang paningin upang masiguradong walang nakakarinig sa kanila.
Sa puntong iyon, nagsimulang muli ang kaba ni Mira, "Th-they were like brothers."
Inalis ni Wena ang daliri mula sa bibig at hindi na niya naitago pa ang kanyang pag-aalala, "Ate, when I entered Granpapi's office, Kuya Churchill was reading my granpapi's unfinished journal about Astaroth. I'm worried about him, I took a peek what he's reading and it's about the possibility of exchanging vessels."
"Exchanging vessels?" Naguguluhang sambit ni Mira.
"Guys!" Biglang umalingawngaw ang sigaw ni Churchill dahilan para magkatinginan sina Mira at Wena saka magtatakbo patungo sa silid na kinaroroonan ng binata.
****
"You've got to be kidding me." Mahinang sambit ni Gino na hindi makapaniwala sa nakikita.
"Okay this is nuts! Have you even seen the movies?! Moral of the film, don't speak to the dead. NE-VER!" Protesta naman ni Pinky na hindi halos magawang pumasok ng tuluyan sa silid.
"Edi huwag kayong sumali!" Giit ni Churchill at agad na napatingin kay Mira at Wena na para bang kinukumbinsi ang mga itong sumang-ayon sa kanya.
"But this floor is protected by enchantments, will it still be possible?" Kunot noong sambit ni Mira habang pinagmamasdan ang lumang Quija board na balot pa ng mga sapot at alikabok.
Lumingon si Mira kay Wena at naghintay ng sagot ngunit laking pagtataka nilang lahat nang imbes na magsalita ay naglakad lamang si Wena patungo lumang mesa ng kanyang lolo.
"What are you doing kiddo?" Tanong ni Gino pero muli, nanatiling tahimik si Wena.
Ilang sandali pa ay binuksan ni Wena ang isang compartment ng mesa at inilabas mula rito ang isang lumang radyong pang-komunikasyon na kahugis ng isang de-antenna na cellphone. Sa sobrang kalumaan ay halos kumupas na ang kulay itim nitong katawan na nababalot ng makapal na electrical tape. Tinitigan ito ni Wena ng maigi habang hinahaplos nang sa gayon ay matanggal ang mga alikabok na dumikit rito.
"Wena ano yan?" Tanong ni Mira.
Unti-unti nag-angat ng tingin si Wena sa kanilang lahat, "Granpapi got it from his kin. Noong bata pa kami, lagi niya itong ginagamit para makipag-usap sa mga kaluluwa upang makakuha ng kahit na anong impormasyon tungkol kay Astaroth... And for the longshot, he prepared this just in case Astaroth succeeds in taking my brother. Granpapi tried hard to protect my brother from Astaroth... but he also prepared for the worst and what to do just in case..."
"S-sa tingin mo makakausap natin si Wacky?" Nauutal na sambit ni Churchil kaya tumango si Wena bilang sagot.
*****
Habang bumubuo ng bilugang hugis habang nakaupo, bakas ang kaba at pag-aalinlangan sa mukha ni Pinky, taliwas sa lahat na animo'y determinado at buo na ang isip sa gagawin.
"Wag kang matakot, hawak lang sa kamay ko." Pang-aasar ni Gino nang mapansin ang kaba sa mukha ng kaibigan.
"Kaya nga ako takot kasi hahawakan ko ang kamay mo! Like eww! Baka mamaya galing ka pa sa cr at di naghugas ng kamay!" Sa kabila ng lahat, pilit paring tinago ni Pinky ang kaba sa pamamagitan ulit ng pagtataray at paniniko kay Gino.
"Lagi kang nags-spirit of the glass mula pagkabata diba?" Tanong ni Churchill kay Mira.
Tumango-tango si Mira at napabuntong-hininga, "I used to play with my sister but we never really got to talk to any spirits. We were just fooling ourselves by making the glass move with our fingers. Being young and immature, we just did it thinking it would be cool but we never really became serious with it. We were still scared and we weren't stupid enough to perform a real séance." Pag-amin pa nito.
"See! This is a stupid idea and we're not stupid to do it! Diba may plano naman yung mga kaibigan niyo? Hintayin nalang natin!" Tuluyan nang hindi napigilan ni Pinky ang nararamdaman at naibulalas na ang nasa kanyang isipan.
Napatingin si Wena sa kaibigan at hinawakan ang kamay nito, "Ate Pinky pangako magiging ligtas tayo sa gagawin natin. We don't have to go downstairs, dito lang tayo sa office ni Lolo." Isa-isang tiningnan ni Wena ang mga kasamahan, "This place protects us from demons and not spirits and because of that, once we use the quija board, never tayong maka-kausap ng isang demonyo, spirits lang."
"Pero may bad spirits rin..." Hindi rin maiwasan ni Mira na mangamba.
"Tatawagin natin ang kaluluwa nung Wacky gamit ang Board. Oo may risk parin na baka may mga kaluluwang magpapanggap bilang siya kaya that's when we ask the spirit to talk to us through Granpapi's radio. That way, magkakaroon si Kuya Churchill ng paraan para ma-distinguish kung si Kuya Wacky ba talaga." Paliwanag ni Wena dahilan para pansamantalang mamayani ang katahimikan sa buong silid.
Makalipas ang ilang sandali, napabuntong-hininga si Pinky at siyang bumasag ng katahimikan, "Okay fine... Let's just do this once and for all nang matapos na."
****
Hindi umiimik ngunit tagaktak ang mga luha, pilit na tinatakpan ni Wacky ang kanyang mga tenga gamit ang nanginginig na mga kamay. Paulit-ulit niyang naririnig ang tila ba walang hanggang mga palahaw na pagmamay-ari ng daan-daang mga kaluluwang hindi niya nakikita.
"Tama na! Tama na!" Tila ba wala na sa sarili ang binatang si Wacky, napapasabunot na siya sa kanyang buhok at marahas na hinahampas ang kanyang ulo sa pader na kanyang sinasandalan.
Sa gitna ng masidhing kadiliman, dalawang bagay lamang ang nakikita ni Wacky, ang pader na sinasandalan at ang malaking fountain hindi malayo mula sa kanyang kinauupuan. Imbes na dalisay na tubig, naglalagablab na apoy ang dumadaloy mula rito, dahilan para magkaroon ang binata ng kakahayang makakita dahil sa binibigay nitong liwanag.
Nag-iisa man, napakaraming boses ang naririnig ni Wacky ngunit hindi niya alam kung saan ito nanggagaling. Para sa kanya, wala itong binibigay kundi matinding paghihirap at pasakit na animo'y sumisira sa kanyang katinuan at katauhan. Ngunit sa gitna ng kanyang walang paghihirap, may isang boses na animo'y lumulutang sa lahat, isang boses na animo'y pilit na hinihigit ang kanyang atensyon.
Hindi nagtagal ay tila ba nawala sa isipan ni Wacky ang mga boses na nagpapahirap sa kanya. Sa isang iglap, iisang boses na lamang ang kanyang naririnig hanggang sa natagpuan niya ang kanyang sariling naglalakad patungo sa direksyon ng fountain.
END OF CHAPTER 10
THANK YOU!
VOTE AND COMMENT <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro