Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

V : Pay Attention


V

Pay Attention

Third Person's POV



"D-do you think Shem's okay?" Balisa, panay ang titig ni Mira sa kanyang cellphone sa pag-asang ano mang oras ay makakatanggap siya ng magandang balita mula sa mga kasamahang naiwan.


"It's been an hour, if Shem's okay, they should've called by now." Sambit pa ni Mira at muling nagpadala ng mensahe kay Raze at Cielo matapos itong paulit-ulit na sinubukang tawagan.


"Kanina mo pa yan tinatanong, matulog ka nalang nga diyan." Sambit na lamang ni Churchill. Gaya ni Mira, labis rin ang kanyang pag-aalala sa kaibigan ngunit alam niya ang bigat ng responsibilidad na nakaatas sa kanya kaya naman mas pinipilit na lamang niyang ituon ang pansin sa pagmamaneho.


"We all suffered and almost died because of the skunks, Dana Died, Wacky's in hell and now Shem could be dead too! Churchill sa tingin mo ba makakatulog pa ako knowing andami nang napapahamak?" Giit na lamang ni Mira habang pinupunasan ang kanyang luha.


Imbes na sumagot, nanahimik na lamang si Churchill at ibinigay na lamang ang buong atensyon sa daang kanilang tinatahak.


Makaraan ng ilang sandaling pamamayani ng katahimikan, bigla na lamang umalingawngaw ang ringtone ni Mira sa saliw ng isang kundiman, dahilan para agad mapapitlag ang dalaga at tarantang mapasagot sa labis na pananabik.


"How's Shem?! Is he okay?" Bulalas ni Mira sa pagsagot pa lamang ng telepono kahit pa hindi niya tiningnan kung sino ang tumawag.


"I-loudspeaker mo!" Giit naman agad ni Churchill pero hindi siya pinansin ni Mira.


"Guys ano? Did you find him—" Natigil si Mira sa pagsasalita nang ibang boses ang marinig mula sa kabilang linya.


"Hi uhm, si Wena po 'to, kapatid ni Axel. Ikaw yung kaibigan niya diba? My brother called me, he says you guys need to get to the villa right?" Tanong ng dalagitang may manipis at nag-aalangang boses mula sa kabilang linya. Sa puntong ito'y napabuntong-hininga na lamang si Mira at inilagay ang tawag sa loudspeaker.


"Hi this is Churchill, you're on loudspeaker. Sabihin mo nalang sa'min ang eksaktong address para 'wag ka na naming maabala, salamat." Kalmadong sambit ni Churchill saka napatingin kay Mira na animo'y sinasabihan itong kumalma lamang.


"Kuya that would be a problem, medyo malayo-layo rin ang villa mula sa mismong siyudad. You're from Drayton right? The villa is located here in Holloway City which is 3 hours away from Drayton. Plus another hour na naman patungo sa private resort and I'm telling you, getting to that resort is impossible para sa hindi locals na gaya niyo. Just meet us sa nag-iisang 7/11 sa Holloway and call me para mahatid namin kayo." Sambit pa nito at bago pa man makasagot si Churchill ay agad na niyang pinutol ang tawag.


"Is it just me or that kid sounds really excited?" Kunot-noong sambit ni Mira kaya napabuntong-hininga na lamang si Churchill. Nang akmang ibabalik na sana ng binata ang cellphone ay muli na naman itong tumunog dahilan para aligaga itong sagutin ni Mira.


"If this is not the team of body snatchers, I will kill you!" Biglang napasigaw si Mira bagay na ikinabigla at ikinangiwi ni Churchill.


"It's Cielo..." Sambit ng boses mula sa kabilang linya dahilan para agad na maihinto ni Churchill ang sasakyan at kapwa sila taimtim na nakinig ni Mira sa kabilang linyang naka-loudspeaker.


"Is Shem okay?!" Bulalas agad ni Mira habang inilalapit ang receiver ng cellphone sa kanyang bibig.


"When he was rescued he was no longer breathing, luckily they got to revive him and we're now at the hospital. He's still unconscious but the doctors say that he'll be okay." Pamamalita ni Cielo bagay na agad nakapawi sa bigat ng pag-aalala nina Churchill at Mira sa kaibigan.


"Thank God!" Napabuntong-hininga si Mira, "We're still hours away from Holloway City, we'll just text you when we get to the villa. Just follow us when you can so we can finally resurrect Dana.


****


"Miranda, uy Miranda gising na..." Paulit-ulit na sambit ni Churchill sa pisngi ng dalaga hanggang sa unti-unting kumurap ang namamaga at mamula-mula pa nitong mga mata.


Napahikab si Mira at agad na napasilip sa bintana, napabuntong-hininga na lamang siya at muling isinuot ang kanyang university sweatshirt. Naunang lumabas mula van si Churchill samantalang si Mira naman ay saglit na napalingon sa kinaroroonan ng nakasarang cooler na naglalaman ng bangkay ni Dana.


"You'll get to live again Diana... Just hang in there." Mahinang sambit ni Mira at ngunguto-ngutong lumabas mula sa van.


Dahil madaling araw na, dama ang ubod ng lamig na ihip ng hangin sa paligid. Mangilan-ngilan na lamang ang mga nagdaraang tao at sasakyan sa kalsada, kahit ang pinasukan nilang 7/11 ay mabibilang na lamang ang mga tao sa loob.


"I so need a coffee right now." Mahinang sambit ni Mira at dali-daling bumili nito samantala, si Churchill naman ay dali-daling bumili ng mga pagkaing mababaon nila habang naghihintay ng reply mula sa kapatid ni Axel.


Sa isang iglap ay biglang tumunog ang cellphone ni Mira na ngayo'y si Churchill ang may hawak. Dali-dali niya itong sinagot ngunit bago pa man tuluyang makausap ang nasa kabilang linya, bigla niyang napansing may kumakaway sa kanya mula sa direksyon ng pinto.


"Axel's sister here!" Biglang sigaw ng dalagitang kumakaway kay Churchill. Abot-tenga ang matamis nitong ngiti na bumabagay sa mukha nitong may inosenteng aura. Suot ang kulay dilaw na mabulaklak na bestida, yakap-yakap pa nito ang isang salbabida na may disenyo ng donut at ang isang unan na may mukha ng artistang si Kanye West habang nakasimangot. Sa suot pa lamang nito, halatang handang-handa na ang dalaga para sa isang bakasyon, dagdag pa ang sabik na sabik nitong kilos bagay na agad ikinangiwi ni Churchill.


****


"I'm going to tag along in your vacation ha? Super tagal na kasi naming hindi nakakapunta sa resort ng grandparents namin. Ever since they died, we hardly go there anymore." Paliwanag ni Wena habang sumusunod kay Churchill at Mira habang binabayaran ang kanilang pinamili.


"A-actually hindi kami magba-bakasyon or magpupunta sa villa para mag-enjoy. Alam ba ng kuya mo na sasama ka mismo sa amin?" Nakangiting sambit ni Mira na animo'y nag-iingat sa bawat sinasabi upang huwag itong mainsulto.


Nakunot ang noo ni Wena at isa-isang napatingin kay Mira at Churchill, "Y-you're going to make babies in my granpapi's villa?" Inosenteng tanong ni Wena ngunit dahil dito agad na mabuga ni Mira ang kanyang iniinom samantalang si Churchill naman ay dali-daling umiling.


"No! Eww! Eww!" Panay ang sigaw ni Mira habang pinupunasan ang kanyang mukha.


"Kung maka-eww ka!" Biglang sigaw ni Churchill kay Mira dahilan para agad manlisik ang mata ng dalaga.


"W-wena i-loveteam mo nalang ako sa kahit na sino, wag lang sa jejemong yan!" Giit agad ni Mira dahilan para matawa lalo si Wena at mainis lalo si Churchill.


"Ako miss, di ako Jejemon." Biglang sabat ng lalaking cashier na may edad. Nakuha pa nitong kindatan si Mira dahilan para lalong mapangiwi dalagang animo'y diring-diri na at matutunaw na sa kahihiyan.


****


Habang naglalakad palabas ng 7/11 ay tanging si Wena lamang ang tawa parin ng tawa. Hindi nagkikibuan sina Churchill at Mira na nagpapalitan ng mga mapagbantang tingin sa isa't-isa.


Napabuntong-hininga na lamang si Mira at napatingin sa direksyon kung saan naka-park ang van ni Shem at laking pagtataka niya nang matanaw ang isang binatang nakatayo sa tabi ng tarpaulin ni Shem. Suot ang isang kulay violet na Jersey, yakap-yakap ng may katangkarang binata ang isang walang lamang bote ng tubig na animo'y ginagaya ang litrato ni Shem. Hindi ito nag-iisa dahil kasama niya ang isang babaeng may animo'y bagot na bagot at napipilitan lamang sa pagkuha sa kanya ng litrato.


"What the—" Hindi na natapos pa ni Mira ang sinasabi lalo na nang biglang inagaw ng lalake ang cellphone ng babae at nagsimulang kumuha ng selfie kasama ang tarpaulin ni Shem.


"They're not crazy don't worry." Agad na sambit ni Wena nang mapansin ang tingin nina Churchill at Mira sa dalawa, "They're kuya Axel's friends and they're coming too. Okay lang naman diba since alam naman to ni Kuya? Hehe."


Muli, nagkatinginan sina Mira at Churchill, kapwa naguguluhan at hindi na alam anong gagawin.


****


"Teka sasakyan niyo 'to?! Tangina sino yang nasa tarpaulin? Lakas ng tama!" Hindi matigil sa pagtawa ang binatang nakasuot ng jersey. Marami man siyang piercings sa tenga at mukha, hindi naman ito astang barumbado.


"Were you taking selfies on Shem's tarp?" Hindi na napigilan pa ni Mira na magtanong.


"Pang-tumblr rin 'to!" Muli, sambit nito habang tawa parin ng tawa.


Napabuntong-hininga na lamang si Wena at tinuro ang kaibigan ng kapatid, "That's Kuya Gino, my Kuya Axel's best buddy and hindi ko alam bakit," Itinuro naman ni Wena ang babaeng kasama nito na bitbit ang isang camera, "And this is Ate Pinky, my Kuya's long time suitor." Dahil sa sinabi agad na sinamaan ni Pinky ng tingin ang nakababatang dalaga.


"Ang sabihin mo, leader ng banda at captain ng basketball team. Troy Bolton ng Holloway City, we're all in this together baby." Pagmamayabang ni Gino sabay akbay kay Pinky, "You ma Gabriella, Pinkeh."


"You're so Pathetic!" Sigaw ni Pinky at agad na itinulak palayo ang kaibigan, "Wait, that guy's name is Shem? What kind of name is that? Plema na expression?" Tanong na lamang ni Pinky sabay turo sa larawan ni Shem habang yakap ang isang bote ng tubig.


"Anak yan ni Noah." Sabay-sabay na sagot nina Churchill, Mira, Wena at Gino.


"Noah who?" Naguguluhang tanong ni Pinky.


"You don't Noah him?" Biglang bulalas ni Churchill na animo'y hindi na napigilan ang kanyang sarili na magbiro.


"Nice one bro!" Bati ni Gino sabay pabirong suntok sa balikat nito, ngumisi naman si Churchill at animo'y nagkasundo agad ang dalawa.


"Uhm, Earth to Alien world! Who the hell is Noah?!" Tanong ni Pinky na nagsisimula nang mainis.


"Basta sa bible yan!" Sagot na lamang ni Gino bagay na agad ikinangiwi ni Pinky.


"Wow naman! May alam ka sa bible? Eh kahit nga divided by, pino-pronounce mong Dibay-dibay!" Ganti na lamang ni Pinky sa kaibigan.


"They're my brother's friends, not mine." Biro na lamang ni Wena kay Churchill at Mira.


****


Nag-aalangan man, kapwa walang magawa sina Churchill at Mira kundi hayaan ang tatlo na sumakay sa van ni Shem at sumama sa kanila lalo pa't sila ang nakakaalam kung saan naroroon ang villa na kanilang pagtataguan.


Matapos mai-unlock ang mga pinto, nauna si Gino sa pagpasok sa backseat.


"Ayos! May cooler! Sana may pulang kabayo!" Biglang sigaw ni Gino dahilan para agad ding magsigawan sina Mira at Churchill lalo na nang makitang akmang lalapitan na ito ni Gino at bubuksan. Sa sobrang taranta animo'y nawala na naman sa sarili si Mira at dali-daling hinigit ang buhok ni Gino at hinila ito palabas. Inunahan niya itong makapasok at dali-daling pumatong sa ibabaw ng cooler.


"Ba't mo ginawa 'yon?!" Sigaw ni Gino sabay hawak sa buhok niyang gulong-gulo.


Imbes na magpaliwanag, napangiwi na lamang si Mira at napatingin sa kamay niyang may nahawakang malapot-lapot, "Umubos ka ba ng isang boteng gel?!"


"Yan! 'Wag kasing makialam sa gamit ng iba!" Pang-aasar agad ni Wena sa halos ituring na niyang pangalawang kapatid na si Gino.


"Ilang manok ang nangitlog sa ulo mo Gino? Buhok-Pugad!" Pang-aasar naman agad ni Pinky rito.


Upang masigurong hindi basta-bastang mabubuksan ang cooler, agad na pinatong ni Mira ang lahat ng mga pinamili sa ibabaw nito at pasimpleng binantayan si Gino. Magkakasama sina Mira, Churchill at Wena sa front seat, si Wena ang nasa gitna na siyang nagbibigay sa kanila ng direksyon. Samantala, nasa likuran naman nila sina Gino at Pinky na siyang pinakamalapit sa cooler na naglalaman ng bangkay ni Dana.


Panay ang kwentuhan nilang lahat habang binabagtas ang ubod ng tahimik na daang napapaligiran ng sakahan. Halos wala silang madaanan na poste ng ilaw kaya naman tanging sa headlights ng sasakyan lamang sila kumukuha ng liwanag upang gabay.


"Did my brother find the girl with the blue scarf?" Biglang tanong ni Wena dahilan para agad magkatinginan sina Churchill at Mira.


"May pusong nabasag! Aray!" Biglang sigaw ni Gino dahilan para agad siyang hinampas ni Pinky.


"I think my brother has finally found her in Drayton kasi wala naman kaming kilalang taga doon eh. Paano niyo ba nakilala si Kuya? Dahil sa girl na may blue scarf no?" Pang-uusisa ni Wena sabay pabirong sundot sa tagiliran ni Mira upang umamin.


"Guys ano palang laman ng cooler?" Biglang tanong ni Pinky dahilan para agad na mapahalakhak si Gino, at matahimik naman lalo sina Churchill at Mira.


"Change topic kasi nasasaktan na!" Pang-aasar pa ni Gino rito.


"Hindi kaya! Listen carefully, pay attention, may tumutunog mula sa cooler oh?" Giit naman ni Pinky.


"Weh?!" Magkasabay na pang-aasar nina Wena at Gino sa dalaga.


"Church?" Mahinang sambit ni Mira kay Churchill dahilan para muli silang magkatinginan, kapwa nalilito.


"Teka..." Biglang bulalas ni Gino at agad na napalingon sa direksyon ng cooler, "Hala oo nga! Teka ano ba talagang laman ng cooler? May hayop ba kayong nilagay para iihawin?"



Sa isang iglap, bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Mira kaya dali-dali niya itong sinagot kahit pa nakita niyang numero ni Harper ang rumehistro dito.


"And why is the she-devil calling—"

"Mira, you need to listen. According to Shem, Dana's subconscious could still be in tact! I think Dana could still hear and feel us, I think she is still connected to her body in some way and wherever she is, I think we're affecting her." Bulalas ng natatarantang si Harper, "You guys need to be careful okay? Shem says Wacky spotted him so—"


"Churchill si Wacky!" Halos huminto ang mundo ni Mira sa sobrang gulat nang mapasulyap siya sa kalsadang kanilang binabagtas at makita ang nakangising si Wacky sa mismong gitna ng daan.


Agad na umalingawngaw ang ubod ng lakas nilang sigawan nang makitang sasalpok na sila kay Wacky.


END OF CHAPTER 5!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro