IX : Discrepancy
CHAPTER IX:
Discrepancy
THIRD PERSON'S POV
"Bwisit, ang swerte ko nga naman talaga." Sambit ni Wacky habang tinitigan ang kanyang sarili sa salaming nakalagay loob ng kanyang locker. Napadila si Wacky sa kanyang daliri at hinimias ang kanyang kilay. Bahagya niyang itinaas ang kanyang ulo at hinaplos-haplos ang kanyang panga habang kagat ang ibabang labi.
Mula sa salamin ay nakita niya ang isang babaeng dumadaan sa kanyang likuran. Kunot ang noo ng babae ng magtama ang kanilang mga tingin na animo'y labis na naguguluhan ang babae at nandidiri dahil sa kinikilos ni Wacky.
Dali-daling humarap si Wacky sa dalaga at ipinamalas ang kanyang mapanghamong ngisi.
"Miss Ganda! Gusto mo nito no? Tara sa rooftop!" Alok ni Wacky sabay hip-thrust ng paulit-ulit habang nakataas ang dalawang nakakuyom na kamao sa direksyon ng babae. Habang kagat parin ang labi ay kinindatan pa niya ito sabay muling labas ng dila.
"Ewww!" Napatili ang babae at sa sobrang gulat ay agad itong namutla at nagtatakbo palayo.
"Arte." Natawa na lamang si Wacky at ibinalik na lamang ang tingin sa kanyang locker. Muli niyang pinagmasdan ang sarili sa salamin at inayos ang kanyang buhok. Hindi gaya noon ay hindi na siya mukhang puyat at nangangayayat. Bakas ang sigla sa kanyang pangangatawan lalo na sa kanyang pagmumukha.
Isinara ni Wacky ang kanyang locker at laking gulat niya nang bumungad sa kanya si Churchill.
"Pre alam ko na yung kanta sa cartoons! May nag-bluetooth na sakin ng buong kanta! Yo-kai pala yon!" Buong galak na bulalas ni Churchill sabay paandar sa kanyang cellphone. Walang ano-ano'y kasabay ng pagsisimula ng kanta ay agad na sumayaw si Churchill ng bigay todo. Habang itinataas ang kanyang mga kamay at eksaheradong gumagalaw ay panay ang pagtaas-baba ng kanyang kilay na animo'y inuudyukan si Wacky na sumabay sa kanya.
Agad na napangiwi si Wacky na para bang diring-diri.
"Nakalimutan mo na agad yung steps?!" Bulalas ni Churchill. Naguguluhan man sa kinikilos ni Wacky ay nakanganga parin si Churchill na animo'y tuwang-tuwa habang sumasayaw.
Makaraan ang ilang sandali ay unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ni Churchill at napako siya sa kinatatayuan nang makita ang dugong unti-unting umagos pababa ng ilong ni Wacky.
"Hindi naman ako nag-english ah?" Mahinang sambit ni Churchill dahilan para agad na punasan ni Wacky ang kanyang ilong.
"Pag-minamalas ka nga naman." Walang emosyong sambit ni Wacky habang pinagmamasdan ang dugong nasa nanginginig niyang mga palad.
"Sige pre, una na ako." Paalam ni Churchill at agad na na naglakad palayo mula sa animo'y nanghihinang si Wacky. "May mali nga." Mahinang sambit ni Churchill na ngayo'y wala ng ngiti sa kanyang pagmumukha.
****
Habang bumababa ng hagdan ay agad na inilabas ni Churchill ang kanyang ballpen. Pinagmasdan niya ang palad at binasa ang isinulat dito.
1. Gutom
2. Baliw
3. Adik
Napabuntong-hininga si Churchill at agad na nilagyan ng ekis ang nasa unang numero, "Tangina mo naman Wacky, mas madali sanang maso-solusyunan ang gutom. Ano ba talagang nangyayari sayo?"
Aalis na sana si Wacky nang bigla niyang mamataan si Mira na nakatambay sa harapan ng opisina ng guidance councelor. Dahil nag-iisa lang, naisipan niyang lapitan na lamang ito.
"May bente ka?" Tanong ni Churchill.
"Nasa bahay ang bentelador ko cherchell." Pambabasag agad ni Mira sa magiging biro sana ng binata dahilan para agad itong mapangiwi.
"Nagkapalit-palit ba kayo ng mga ugali? Ikaw yung tahimik noon, ngayon si Dana na. Si Dana naman yung nambabasag ng trip, ngayon ikaw na." Paghihimutok na lamang ni Church saka naupo sa bakanteng upuan, "May mali siguro sa water supply ngayon." Dagdag pa nito.
"Near death experience is a bitch, maybe that's why." Pagbibiro na lamang ni Mira.
"Nga pala anong ginagawa mo dito?" Pag-iiba na lamang ni Churchill ng taong.
"Dana exploded and Harper was facebooked. Get it? Facebooked?" Natatawang sambit ni Mira ngunit hindi tumawa ang naguguluhang si Churchill. "Okay you don't get it." Bulong na lamang ni Mira sa kanyang sarili.
"Hay, ewan ko nalang sa inyo." Napabuntong-hininga na lamang si Churchill at inilabas mula sa kanyang bag ang kulay asul na librong pagmamay-ari ni Cielo.
"Wait is that faceless Dondy?" Bulalas ni Mira bago pa man mabuklat ni Churchill ang libro.
"Nabasa mo narin 'to? Ang bangis ni Dondy!" Manghang kwento ni Churchill dahilan para agad mapangiwi si Mira.
"Dondy's creepy! The guy was born with no face! Just holes where his nose and mouth is supposed to be!" Giit ni Mira na animo'y labis na kinikilabutan sa kanilang pinag-uusapan.
"Wala nga siyang mukha pero gamit ang kutsilyo, nilalas niya ang mukha niya para magkaroon siya ng butas para sa mata, bibig—"
"I can deal with ghosts but not that! Tumahimik ka na nga lang! I didn't read that book because it was gross, don't tell me the story!" Giit muli ni Mira pero tumawa lamang si Churchill na animo'y umiral na naman ang pagiging pilyo.
"Hala ka Mira! Diba malapit ka sa sementeryo nakatira? Balita ko tambayan din 'yon ni Dondy! Pero malay mo isama ni Dondy yung kalabang matanda na may baston." Pananakot ni Churchill pero imbes na matakot ay napakunot lamang ang noo ni Mira.
"Matandang may baston? Si Dondy lang kaya yung antagonist sa kwento!" Giit ni Mira pero agad na umiling-iling si Churchill habang nakakunot ang noo.
"Hindi ah! Si Dondy ang main villain pero may matandang lalake rin, may mga ahas nga at marami pa!" Giit naman ni Churchill.
"Ba't wala akong matandaan? That's Cielo's favorite story. Seatmates kami noong grade 5 at wala siyang ibang bukambibig kundi 'yan! Wala akong choice kundi makinig sa mga kwento niya. Diba nga yung story niyan ay may tatlong travelers na nakarinig ng feed mula sa radyo na humihingi ng tulong, dahil malapit lang sila eh pinuntahan nila yung pinakamalapit na town para mag-sumbong pero it turns out patay na ang lahat—Okay, I forgot the whole story pero I'm pretty sure si Dondy lang ang main monster-antagonist." Pagmamatigas pa ni Mira na animo'y handang makipag-debate kay Churchill.
"Hindi mo naman pala binasa eh, malamang nalimutan mo na or di lang binanggit ni Cielo. Pero grabe 'tong librong 'to, weird pero nakaka-hook. May isa nga ditong character na—" Natigil sila sa pag-uusap nang bumukas ang pinto at lumabas rito mula si Dana.
"Hey guys!" Bati ni Dana sa kanila habang may malapad na ngiti sa kanyang labi. Namumula man ang mukha, gulong-gulo ang buhok at may mga kalmot pa sa kanyang mga braso at leeg, bakas ang matinding sigla hindi lang sa mukha kundi pati narin sa kilos ni Dana.
"A-are you okay?" Pilit na ngumiti si Mira at saglit silang nagkatinginan ni Churchill.
"Harper isn't so I'm very much okay now. Smacked the bitch with a book like her face was a roach, she tried to fight but she still ended up unconscious on the clinic. I'll probably get suspended but other than that, I feel a lot better." Hindi matanggal ang ngiti sa mukha ni Dana habang nagk-kwento. Animo'y nakalimutan niya ang lahat ng sakit na nararadaman at problemang pinagdadaanan.
"So you facebooked her?" Natatawang sambit ni Churchill sabay taas-baba ng kilay niya.
"Yes I did and it felt so freaking good!" Natawa naman si Dana at agad na nakipag-high five kay Churchill.
Habang tumatawa ay humarap naman si Churchill kay Mira upang makipag-high five. Walang kaemo-emosyong Itinaas ni Mira ang palad at bintukan si Churchill imbes na makipag-high five.
****
Habang naglalakad palabas ng unibersidad ay hindi mapigilan ni Dana na muling mag-alala lalo pa't nakikita niya ang mga litrato nina Raze sa mga paskilan. Walang katao-tao sa paligid kaya naman nilapitan niya ang isa sa mga paskilan kung saan nakadikit ang litrato nila Raze, Axel at Cielo.
Napayakap si Dana ng mahigpit sa kanyang libro at napatitig sa litrato ni Cielo, "Would've been fun if you were there to see me beat the shit out of that bitch."
"Dana... Y- You're Dana right?"
Agad na napalingon si Dana at nagtaka siya nang makita ang isang dalagitang nakasuot ng kulay dilaw na uniform. Ito ang unang pagkakataong makakita siya ng ganitong klaseng uniform dahilan para mapagtantong hindi ito taga rito. Kumakawala ang ilan sa mga buhok nitong nakatali pero sa kabila nito ay bakas parin ang inosenteng aura sa pagmumukha nito. Mula sa pangangatawan ay hindi maikakailang mas bata ito kumpara sa kanya at mistulang nasa high school pa.
Naguguluhan man, tumango-tango si Dana at napatingin sa babae at lalakeng nakatayo sa rin likod ng babaeng kausap.
"Ako pala si Wena, I saw your name on my brother's memo pad left at the house. My brother... he won't just disappear like that..." Sa puntong ito ay nagsimulang umagos ang luha mula sa mga mata niya at napaturo sa litrato ni Axel, "Diba kaibigan mo si Cielo? Ang hinahanap lagi ni kuya... nagtanan lang naman sila diba? wala namang—" Natigil ito sa pagsasalita nang hinila siya ng babaeng nasa kanyang likuran.
"Sorry.. she's just worried about her brother." Sambit ng babaeng tila ba kaedad lamang ni Dana at niyakap ang umiiyak na si Wena.
"Nabalitaan naming nawawala din si Cielo. Paano ba siya nawala? Baka kasi may koneksyon rin sa pagkawala ni Axel." Sambit naman ng lalakeng maraming piercing sa pagmumukha sabay lahad ng kamay kay Dana, "Gino nga pala, barkada ni Axel. 'To naman si Pinky at kapatid ni Axel na si Wena. Pasensya na kung sa'yo pa kami nagtanong, nalaman kasi naming ikaw ang matalik na kaibigan ni Cielo."
"I don't know where Cielo is. I haven't seen her for three years." Sagot na lamang ni Dana at agad na naglakad palayo.
"Three people can't disappear just like that." Sambit ng binatang si Gino.
"That Cielo must be a real bitch huh?" Sambit naman ni Pinky.
"Selos lang yan." Biro pa ni Gino dahilan para irapan siya ng dalaga.
Narinig ni Dana ang mga ito pero mas pinili niyang ikuyom na lamang ang mga kamay at magpatuloy sa paglalakad, taas-noo at pilit tinatago ang bahid ng kalungkutan.
Habang nag-aabang ng masasakyan ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nagtaka siya nang makitang si Shem ito kaya agad niya itong sinagot.
"Hey..." Sambit ni Dana.
"Andito ako sa coffee shop." Sabi ni Shem kaya agad na napatingin si Dana sa coffee shop na nasa kabilang kalsada, sa tapat ng mismong kinatatayuan. Nakita ni Dana si Shem sa loob, nakapuwesto na ito at animo'y hinhintay sya.
"You heard about their disappearance right?" Tanong ni Dana habang naghihintay ng tyempong tumawid.
"I think I know what's happening." Aniya.
END OF CHAPTER 9!
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro