IX: Beneath the seams
CHAPTER IX:
Beneath the seams
Cielo
"O-okay ka lang?" Nauutal na sambit ng lalake dahilan para tuluyang matapos ang tila ba walang hanggan at nakakailang naming titigan.
Biglang inapakan ng lalake ang likod ng matandang babaeng nakabulagta sa sahig. Gamit ang dalawang kamay, hinugot niya ang palakol sa pamamagitan ng hawakan nito ngunit laking gulat naming dalawa nang imbes na palakol lamang, kasama niyang nahugot ang ulo ng matandang babaeng nakakapit parin sa talim ng palakol. At ang masaklap, nagtalsikan pa sa amin ang dugo't-laman ng matanda.
Napasinghap ako ng paulit-ulit habang nakapikit. Sukang-suka ako dahil amoy na amoy at nalalasahan ko pa ang dugo na tumalsik sa mukha ko. Hindi nakakatulong na nakikita ko pa ang bangkay ng matanda na nakabulagta. Wala na ang itong ulo kaya naman kitang-kita ko ang natirang umbok ng buto sa leeg nito at tila ba isang gripo na umaagos ang dugo mula sa dating kinaroroonan ng ulo niya.
"S-sorry! Pasensya na hindi ko sinasadya!" Natatarantang sambit ng lalakeng at nang akma siyang lalapit sa akin ay dali-dali kong itinaas ang kamay ko at pinunasan ang mukha ko gamit nito.
"Just get your axe and let's go!" Giit ko na lamang dahilan para tumango siya sabay punas ng dugong nagtalsikan rin sa mukha niya. Sinubukan niyang iwinasiwas ang palakol niya ngunit sadyang ayaw matanggal ng ulo ng matanda. Ang malala, sa pagwasiwas niya sa palakol ay lalo pa tuloy nagtatalsikan sa amin ang dugo't laman ng matanda.
"You have got to be kidding me!" Napasigaw na lamang ako kaya dali-dali na naman siyang humingi ng tawad. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at tuluyan ko nang naisuka ang mga kinain kong oreos kanina.
"Guys tara na! Andito na sila!" Bigla naming narinig ang sigawan nila Harper at Dana na kapwa natataranta. Nasa bungad na sila ng eskinita, kinakawayan kami na animo'y sinisensyasan kami na tumakbo na.
"Tara!" Sabi pa ng lalake at agad na hinigit ang braso ko kaya naman nang tumakbo siya ay napatakbo narin ako.
"Asan sila?!" Bulalas agad ni Dana nang makalapit kami sa kanila ni Harper. Ngunit hindi ko na nagawa pang sagutin ang tanong niya nang bigla na lamang sumigaw si Harper.
"Skunks!" Sa sigaw pa lang na iyon ni Harper ay nagsigawan at nagsipagtakbuhan na agad kami. Habang tumatakbo ay napalingon ako at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mahigit sampu sa kanila na humahabol sa amin. Nanlilisik ang mga mata, duguan at silang lahat, wala sa sarili.
"Lighter! Harper ang lighter!" Natatarantang sigaw ni Dana at nagtaka ako nang mapansin kong may bitbit siyang dalawang malilit na bote ng softdrink samantalang isang bote lang ang dala ni Harper. Hindi Lalo pa akong nagtaka nang mapansin kong may nakalagay na tela sa loob ng mga bote at imbes na softdrink ay tila ba tubig ang laman nito.
Biglang tumigil si Dana sa pagtakbo nang tuluyang maiabot ni Harper sa kanya ang lighter, maging kami ay napahinto rin.
Nakita naming dali-daling sinindihan ni Dana ang tela na nakausli mula loob ng bote. Biglang nagsimulang magliyab ang tela hanggang sa magliyab narin ng bahagya ang loob ng bote. Walang ano-ano'y bigla na lamang hinagis ni Dana ang bote patungo sa direksyon ng mga skunk.
Napasinghap kaming lahat nang bigla na lamang umalingawngaw ang isang pagsabog. Oo nga't hindi natamaan ni Dana ang mga skunk pero sa harapan naman nila tumama ang bote kaya saglit silang natigil sa pagtakbo.
"Ako na!" Giit ng lalakeng kasama namin at siya na mismo ang naghagis ng isa sa mga bote. Hindi namin mapigilang mamangha nang tinamaan niya ang kumpulan ng mga skunk dahilan para magliyab ang ilan sa kanila at ang ilan ay magkalasog-lasog.
Sinamantala namin ang pagkakataon na wala pang humahabol sa amin at muli kaming kumaripas ng takbo. Nauuna sa pagtakbo ang lalake kaya naman sunod lang kami ng sunod sa kanya habang lumiliko siya sa bawat eskinitang madaanan namin.
"Pharmacy! Pharmacy!" Bulalas ko nang mapadaan kami sa isang Mercury drug store na nakasara. Nagtatakbo ang lalake patungo sa direksyon ng Mercury Drug store kaya agad kaming sumunod sa kanya.
"It's locked! Let's go! We have to go!" Giit ni Harper pero agad na umiling ang lalake na animo'y hinahanap ang padlock na nasa sahig lamang.
"No wait! We can be safe here!" Giit naman ni Dana at agad na tumulong sa paghahanap ng padlock sa sahig.
"May ulo pa sa palakol! We can't use it to break the lock!" Katwiran pa ni Harper kaya naman dali-dali kong inagaw mula sa lalake ang hawak niyang palakol.
"Oh yes we can." Giit ko at saka huminga ng malalim. Tinatagan ko na lamang ang sarili ko at sa abot ng makakaya ko ay hinampas ko ng napakalakas ang palakol sa sahig dahilan para magtalsikan sa amin ang utak at pati na ang mga mata ng matandang babae.
"Oh my God!" Narinig kong napahiyaw at napasinghap sina Harper at Dana dahil sa matinding pandidiri pero hindi ko na lamang sila pinansin.
Nakakadiri man, dahil sa ginawa ko ay tuluyang nawasak sa dalawa ang ulo ng matandang babae at tuluyan na itong natanggal mula palakol. Oo nga't tumalsik sa amin ang piraso ng mga malalapot na utak, pero dahil sa ginawa ko ay muli naming magagamit ang talim ng palakol kahit pa may mga laman at utak ring natirang nakadikit dito.
"Dito! Andito ang padlock!" Giit ng lalake kaya naman dali-dali kong iniabot sa kanya ang palakol na agad rin naman niyang ginamit para wasakin ito. Nang dahil sa ginawa niya ay nagawa naming maingat ang harang na gawa sa yero.
"Pasok! Bilis!" Sigaw ko kaya kahit hanggang bewang pa lamang ang naiaangat namin, dali-daling gumapang sina Dana at Harper hanggang sa tuluyan silnag makapasok sa loob ng pharmacy.
"Pumasok ka na!" Sigaw naman sa akin ng lalake kaya naman dali-dali akong sumunod kay Dana at Harper. Nang tuluyan kaming makapasok ay tulong-tulong naming iniangat ang harang upang siya naman ang matulungan naming makapasok.
****
Kaming apat, bagsak sa sahig habang hinahabol ang hininga. Kaming lahat ay pagod na pagod, tagaktak ang pawis, at may bahid pa ng dugo at piraso ng utak.
"Is everyone okay?" Narinig ko ang tanong ng lalake.
"No." Sabay-sabay naming sagot nina Harper at Dana.
Ilang sandali kaming nabalot ng katahimikan. Well, naririnig parin namin ang mabigat na paghinga ng isa't-isa dahil sa matinding pagod at tensyon pero ni isa sa amin ay hindi nagsasalita.
Huminga na lamang ako ng malalim at pinilit ang sarili kong gumapang hanggang sa mapaupo. Itinaas ko ang kamay ko dahilan para tumama sa kanila ang liwanag na kanina pa nanggagaling sa relo ko.
"Buksan na natin ang mga ilaw." Narinig kong sambit ni Harper.
"The lights here are too bright, they might see us. Magtiis nalang tayo sa relo ni Cielo at maghanap nalang tayo ng flashlight." Sabi pa ni Dana na hindi na halos makapagsalita dahil sa sobrang hingal.
Naaninag ko ang pagtayo ng lalakeng kasama namin kaya agad kong itinutok sa kanya ang ilaw. Sinisiguro pala niya na nakasara ang lahat ng pinto lalo na ang harang ng mga ito. Nang masiguradong nakasara na ng maayos ang dinaanan namin ay nakita ko siyang lumapit sa isang malaking estante na gawa sa kahoy, ito ang nagsisilbing estasyon ng guard. Mula rito ay nakakuha siya ng flashlight na agad rin naman niyang pinaandar.
Nanginginig man ang mga tuhod ko, pinilit ko ang sarili kong tumayo. Napakabilis parin ng tibok ng puso ko dahil sa matinding tensyon at kaba. Oo nga't hindi na ako natatakot mamatay pero nakakatakot parin talagang mahabol ng mga skunk.
Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ko ang isang estante kung saan nakalagay ang sandamakmak na mga bottled water. Dali-dali kong kinuha ang isang galon ng tubig at binuhos ito sa mukha kong napakarumi dahil sa dugo.
"Tulungan na kita." Narinig kong sambit ng lalake at siya na mismo ang kumarga ng galon para sakin dahilan para tuluyan kong mapunasan ang nangingnig kong mga kamay.
"Shit." Lalong nanginig ang mga kamay ko habang pilit kong tinatanggal ang bahid ng dugo't-laman sa kamay ko. Tila ba iniinis ako ng mantsa sa kamay ko at ayaw pa talaga nitong matanggal.
"Nangingnig parin ang mga kamay mo..." Kalmadong sambit ng lalake at bigla niyang ipinulupot sa mga kamay ko ang isang piraso ng maliit na tuwalya at siya na mismo ang nagpunas nito.
"I-it was you..." Bulalas ko na lamang habang pinapanood siya sa pagpunas ng mga kamay ko.
"Naalala mo ako?" Nag-angat siya ng tingin sakin kaya muling nagtama ang paningin namin. Mahirap ipaliwanag at mahirap hanapan ng paliwanag pero minsan ko na siyang nakita sa mga panaginip ko. Pero sa kabila ng lahat, hindi ito ang tamang oras para sa kung ano-anong kalokohan kaya tumango-tango na lamang ako.
"You were that guy from the accident." Bulalas ko na lamang kahit pa hindi lang ito ang natatandaan kong pagkikita namin.
"Ah.. Oo." Aniya at tumango-tango rin.
"Paano ka napunta rito? Hindi ba't may iba kang kasama?" Napalunok ako nang bigla kong maalala ang aksidente at sumagi sa isipan ko si Papa, "Y-yung kasama ko sa sasakyan, S-si Papa... Asan siya? Kasama mo ba siyang pumunta rito?"
"Nagsidatingan ang mga pulis at ambulansya matapos kang umalis, sumama sa kanila ang papa mo at ang mga kaibigan ko." Aniya kaya bahagya akong nakahinga ng maluwag. I hate my Dad and nothing's ever going to change that but I don't want him to be here either.
"Anong ginagawa mo dito?" Muli kong tanong pero nagpatuloy lamang siya sa pagpupunas ng mga kamay ko.
"I just wanted to make sure you were okay." Aniya kaya bahagyang nakunot ang noo ko.
"Why would you want to make sure that I'm okay?" Tanong ko pa ulit pero bahagya siyang tumawa.
"Dami mong tanong." Pabiro niyang sambit.
"Why would you want to make sure that I'm okay?" Pag-uulit at pagdi-diin ko sa tanong ko.
Muli niya akong tiningnan sa mga mata, "I don't know."
May nararamdaman akong kakaiba habang tinititigan ko ang mga mata niya kaya umiwas na lamang ako ng tingin at ako na mismo ang pumunas sa mga kamay ko.
"Cielo. My name's Cielo." Pag-iiba ko na lamang ng usapan.
"Axel." Aniya at nagawa pa akong ngitian ng tipid, "Nakatadhana nga siguro kami nitong palakol na napulot ko." Aniya pa na para bang nagbibiro.
Nakita kong kumuha siya ng isang rolyo ng tissue at ginamit ito upang linisin ang palakol niyang balot parin ng dugo at mumunting piraso ng utak na animo'y nanigas na. Tinulungan ko na lamang siya sa pagbubuhos ng tubig rito.
"Guys you need to listen to this!" Bigla naming narinig ang boses ni Harper kaya naman dali-dali kaming nagtungo sa kinaroroonan nila.
Nagtaka kami ni Axel nang makita namin sina Harper at Dana habang hawak ang isang radyo na pagmamay-ari ng isang guwardya. May kung ano kaming naririnig na mahinang boses mula rito at nahahaluan lamang ng static kaya hindi namin maintindihan. Pilit itong kinakalikot ni Dana hanggang sa tuluyan naming marinig ang boses ng isang lalake mula rito.
"Utang na loob, parang-awa niyo na, kung naririnig niyo man kami, tulungan niyo kami. Magtatlong-araw nang patay itong kasama namin. Hindi na namin kaya ang amoy. Parang-awa niyo na, kung may tao man diyan, tulungan niyo kami. Pagod na pagod na akong umihi sa mineral bottle! Jebs na jebs na ako! Sawang-sawa na ako sa araw-araw na chichirya at tubig! Gusto ko na ng kanin! Gusto ko na ng softdrink! Gusto ko ng matinong ulam at Gustong-gusto ko na ng matinong CR!!!!"
Kuno't-noong nagkatinginan sina Harper at Dana. Sila na nga talaga ang matalik na magkaibigan ngayon.
"Is anyone out there?! We can hear water pouring! Please, is anyone out there?! You're all we've got, we need your help! Please! We're in the basement! Please! We can't take it anymore! We're running out of supplies, please get us out of here!" Narinig namin ang boses ng isa pang lalake.
Nagulat kami nang bigla na lamang kinuha ni Axel ang isang bote ng gatas at bigla itong itinapon sa sahig.
"Dude do you want those skunks to find us?!" Sarkastikong giit ni Dana kay Axel ngunit agad na itinaas ni Axel ang kamay na animo'y pinapatahimik si Dana.
"What if they're skunks too? What if they're just fooling us like what Mr. Razon did to me?" Hindi ko mapigilang mapatanong.
Nagkatinginan kaming apat, naguguluhan at ramdam kong muli na namang bumabalot ang ulap ng kaba sa aming lahat habang pinapakinggan ang boses mula sa kabilang linya ng radyo.
"Narinig mo yun?!"
"Ang alin?!"
"May tao! May tao sa taas!"
"Pucha, tatlong araw na tayo rito at araw-araw mo yang sinasabi pero wala naman diba?!"
"Aba gago, ano gusto mo magmukmok ako at umiyak ng umiyak?!"
"Bwisit! Paghilom nalang gud diha! Makasurok kaayo kag dugo!"
"Ayan ka na naman sa bisaya mo! You are a fucking Caucasian but even the simplest sentence you hear is too complex for you! You've been exceedingly using the word Kigwa and what does that bloody hell even mean?!"
"Ikaw! Ikaw ang kigwa! Mura kag kigwang animal ka!"
Nagtatalo na ang dalawang lalake sa kabilang linya kaya naman inagaw ko na ang radyo mula kay Dana at pinatay ito. Nakakairita, nag-aaway na nga sila, gumagamit pa ng magkakaibang lengwahe. Mas mabuti pang mag-suntukan nalang sila.
"I think I know who those boys are." Kunot-noong sambit ni Dana, "Skunks or not, trust me, they're both despicable."
Biglang nagtatakbo si Axel patungo sa dulo ng kinaroroonan namin dala ang flashlight at ang kanyang palakol. Hinahanap niya na siguro ang daan patungong basement para matulungan yung dalawang humihingi ng tulong mula sa radyo.
Agad kaming sumunod ni Harper kay Axel pero nagulat ako nang biglang hinigit ni Dana ang braso ko.
"Bakit?" Agad kong tanong sa kanya.
"Cielo ba't nag-iisa ka lang? Anong nangyari sa inyo? A-asan sila?" Tanong ni Dana at nakita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata niya.
"We.. We need to get some medicine for Shem's wounds." Sabi ko na lamang. Susunod na sana ako kanila Axel ngunit hindi bumitaw si Dana sa braso ko.
"Cielo where's Raze? What happened?" Muling tanong ni Dana.
"I don't know." Sabi ko na lamang at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
"You don't know?!" Nagulat ako nang biglang sumigaw si Dana, "You don't know or you don't care?! Ganyan na ba talaga ang lahat sa'yo?! Sarili mo nalang ba talaga ang iniisip mo?! Why would you keep on leaving us behind?!" Bigla akong sinigawan ni Dana dahilan para makunot ang noo ko't maikuyom ko ang kamay ko.
"W-why are you still mad at me? I went back for Shem didn't I?" Hindi ko mapigilan ang pangangatog ng labi ko at tila ba paghina ng tibok ng puso ko. Truth is, I really hate it when Dana and I fight.
"Cielo you went back for Shem!" Nakita ko ang tuluyang pag-agos ng luha mula sa mga mata ni Dana, "Si Shem na hindi mo naman kilala! Pero ako? Ako na bestfriend mo mula pagkabata, ako na naging kasama mo sa lahat ng bagay, hindi mo binalikan! Cielo you have no idea how much I went through for the last three years! I needed a friend to be with me pero asan ka?!" Marahas na pinunasan ni Dana ang pisngi niya, "Shit, why do I even bother." Dagdag pa niya at sumunod na lamang kay Axel at Harper.
Napabuntong-hininga na lamang ako at pinunasan ang luhang tuluyang umagos mula sa mga mata ko.
THIRD PERSON'S POV
Sumunod ang tila ba walang kaemo-emosyong si Cielo sa kinaroroonan ng tatlo at nakunot ang noo niya nang madatnan ang mga itong tila ba naghahanda bago buksan ang pintong patungo sa basement.
Sa unang pagkakataon, tinanggal ni Axel ang gitara sa kanyang likuran at isinandal ito sa pader. Huminga siya ng malalim at hinawakan ng mahigpit ang palakol na ngayo'y malinis na at tila ba kumikislap dahil sa talim.
"Stay behind me. If anything happens, run." Ma-otoridad na sambit ni Axel kaya naman agad na napatayo sina Harper at Dana sa kanyang likuran samantalang ang kunot-noong si Cielo ay nakatayo lamang sa isang tabi.
Binuksan ni Axel ang pinto at agad na bumungad sa kanila ang isang hagdanan at isang napakasangsang na amoy dahilan para agad nilang takpan ang mga ilong. Madilim ang paligid ngunit dahil sa dala nilang flashlight ay nagawa nilang makababa rito hanggang sa tumambad sa kanila ang isang maliit na selda.
Itinutok ni Axel ang liwanag ng flashlight sa direksyon nito at agad na umalingawngaw ang napakalakas nilang sigawan nang makita ang dalawang lalakeng wala nang pang-itaas na saplot at nababalot ng makapal na tela ang buong ulo at mukha maliban lamang sa mga mata.
"Teka! Ceasefire! Hold your fire!" Biglang nagsisigaw ang isa sa dalawang lalakeng nakatakip ng t-shirt ang mukha. Ngunit bigla na lamang siyang binatukan ng kasama.
"Pre ligtas na tayo! Ligtas na tayo!" Sabi pa isa pang lalakeng may takip rin ang mukha.
"Wacky? Churchill?" Bulalas ni Harper dahilan para mahinto sa pagtatalo ang dalawang nasa loob ng selda.
Nang mahanap ang switch ng ilaw ay agad itong pinaandar ni Dana lalo pa't nasa basement lamang sila. Laking gulat nilang apat dahil nang tuluyang magliwanag ang paligid ay tumambad sa kanila ang bangkay ng isang guwardya sa sahig. Naagnas na ito at tila ba kinain na ng mga uod ang mukha nito.
"Teka magpapaliwanag kami! Magpapaliwanag kami!" Bulalas ng binatang si Wacky at dali-daling tinanggal ang t-shirt na nakatakip sa kanyang ulo at sinunot na lamang ito.
"What the hell are you doing here?! Ba't kayo nakakulong?! Nang-shoplift kayo no?! Shit, tama talaga ako! Mga jejemon kayo nagfe-feeling gangster when truth is, mga batang hamog lang kayo!" Bulalas ni Dana.
"Tong mukhang to batang hamog?! 'Tong si Church oo! Papasa siyang batang hamog pero ako hindi! At mas lalong hindi kami kriminal!" Giit ni Wacky kaya dali-daling hinila ni Church pababa ang telang nagtatakip sa kanyang bibig.
"Wow pre! Ang bait mo talagang kaibigan! Grabe pre!" Sarkastikong sambit ni Church habang sinasamaan ito ng tingin.
"Pakawalan niyo na kami rito, hindi na namin kaya ang amoy! Tatlong araw na kaming nakakulong rito!" Pakiusap naman ni Wacky kaya agad nakunot ang noo ni Axel.
"Tatlong araw na kayo rito? Paanong..." Naguguluhang sambit ni Axel ngunit tila ba nasagot ang katanungan niya nang makitang katabi lamang ng selda nila ang isang kahong puno ng bottled water, biskwit at mga chichirya.
"Jebs na jebs na ako! Pakibuksan niyo na!" Pagmamakaawa naman ni Churchill pero agad na umiling-iling si Dana.
"Prove us that you're not skunks first!" Giit ni Dana dahilan para kapwa makunot ang noo nila Wacky at Churchill.
"Anong skunk?" Naguguluhang sambit ni Wacky.
"Diba hayop yan na may makapangyarihang utot?!" Tanong pa ng naguguluhan ding si Church.
"He' s not one of them." Tahasang sambit ni Cielo sabay turo kay Wacky.
"Are you sure?" Naguguluhang sambit ni Harper.
"He's not. His neck is clean and his eyes aren't all black." Sabi pa ni Dana at saka napalingon kay Church, "Tanggalin mo yang t-shirt na nagtatakip sa ulo't-leeg mo." Maotoridad nitong sambit.
"Pero ang baho ng bangkay!" Giit ni Churchill ngunit nang pinanlisikan siya ni Dana ng mga mata ay wala na siyang magawa kundi ipakita ang leeg niya.
"Let them out. They look harmful but they're actually harmless." Sabi na lamang ni Dana kaya agad lumapit si Axel sa padlock ng selda.
"Teka teka!" Biglang sigaw ni Churchill kaya naman hindi muna gumalaw si Axel.
"Bakit?" Tanong na lamang ni Axel habang nakaangat na ang palakol.
"Y-yun bang parang ugat na itim ang sinasabi niyo? Kasi yang guwardyang 'yan, pagkatapos niya kaming maikulong dito, bigla siyang inatake sa puso. Akala namin patay na pero nagulat kami kasi biglang nag-itim ang buong mata niya at parang lumitaw ang maitim na leeg niya. Para siyang biglang nabaliw, tinangka niya kaming patayin, mabuti nalang at tinulungan kami ng cashier kaso napatay niya 'yang guard. Sa takot niya dali-dali siyang umalis at iniwan kami dito, hindi na kami binalikan." Isa-isang tiningnan ni Churchill sina Cielo, Harper, Dana at Raze na may takot sa kanyang mga mata, "B-bakit may bahid ng dugo ang mga damit niyo? A-anong nangyayari sa labas?"
"Look Church we don't know too! All we know is that everyone is being crazy and they won't stop until they kill us all! It's like a virus or something! Yung itim sa leeg, it's like a sign that something's wrong." Paliwanag na lamang ni Dana. Gustuhin man niyang sabihin ang lahat ng karahasang nangyayari sa labas, hindi niya magawa lalo't nakakaramdam na siya ng awa para dito.
"Nababaliw na ba kayo?!" Napasinghal si Wacky at sarkastikong natawa, "Ano yun? Parang sa horror movies? Parang virus?" Dagdag pa nito habang nakangisi ng nakakaloko.
"P-paano namin masisigurong hindi kayo kagaya nila?" Nauutal na sambit ni Churchill na bakas ang takot sa pagmumukha.
"We were running for our lives since the night after your goddamn birthday party! We saw Mira die and turn into something horrible! And for God's sake Churchill?! Wala ka namang nakikitang ugat sa leeg namin diba?! We're trying to help you, 'wag mo nga kaming pagbintangan!" Katwiran ng naiinis nang si Dana.
Isa-isang tiningnan ng naguguluhang sina Wacky at Churchill ang apat na tila ba kinikilatis ang balat ng mga ito. Huli silang napatingin kay Cielo at napakunot ang noo ni Churchill nang makitang nakasuot ito ng kulay asul na scarf at animo'y nagbibingi-bingihan sa pamamagitan ng pagtitig sa sahig.
Nang mapansing nakatitig ang kunot-noong si Churchill kay Cielo ay agad na napalingon sa direksyon ni Cielo ang mga kasamahan.
"Churchill that's Cielo. We were classmates in high school. Hindi mo ba siya natatandaan?" Tanong ni Harper pero imbes na sumagot ay unti-unting itinuro ni Churchill si Cielo.
"Pero natatakpan ang leeg niya. Paano kami makakasiguro?" Kunot-noong sambit ni Churchill na animo'y natatakot kay Cielo.
"Tama na nga 'tong kalokohang 'to. Bilis na! Palabasin niyo na kami! Jebs na jebs na ako! Lalabas na 'to!" Giit na lamang ni Wacky na hindi parin magawang paniwalaan ang mga sinasabi ng mga ito.
"Cielo?" Nakunot ang noo ni Axel nang makitang biglang napalunok ang dalaga habang nakatitig sa sahig. Napahawak ito sa dulo ng suot na scarf na animo'y may inaalala.
"Cielo alam kong mabait ka kasi minsan mo akong pinakopya ng assignment mo noong highschool, pero pakiusap, ipakita mo muna ang leeg mo." Giit ni Churchill na nagsisimula nang pagpawisan dahil sa kaba.
"Churchill naman, kasama kaya namin si Cielo kanina—" Natigil sa pagsasalita si Harper nang biglang mapalingon sa kanya si Dana.
"No, let's see it." Giit ni Dana at unti-unting nagtaas ng isang kilay, "Those people— I mean, skunks up there, they can talk. They can act like one of us, God! The other one even acted like my mom! Even si Chief Razon or the skunk version of Mr. Razon, nakikilala nga niya si Cielo diba? Look, wala sa ating nakakaalam ng lahat ng nangyayari dito so let's see what's beneath that scarf! After all, ibang-iba siya sa Cielo na kilala natin. Malay natin diba? Isa na pala siyang skunk at nagpapanggap lang." Dagdag pa ni Dana at napalingon sa direksyon ni Cielo na hanggang ngayon ay nakatitig parin sa sahig.
"Cielo, Cielo take your scarf off." Sabi pa ni Churchill na animo'y nakikiusap.
"Oo nga naman, sige na, tanggalin mo na ang scarf mo nang maka-jebs na ako!" Sabi pa ni Wacky na halos mapayakap na sa rehas dahil sa kunsomisyon.
Nakatuon lamang ang atensyon nilang lahat sa walang kaemo-emosyong si Cielo habang nakatitig sa sahig at animo'y napakalalim ng iniisip hanggang sa unti-unti siyang mapahawak sa asul na scarf.
"'Wag mong gawin kung ayaw mo." Biglang giit ni Axel kaya agad na napalingon ang kunot-noong si Dana sa kanya.
"Are you serious?! Paano kung skunk siya?!" Katwiran pa ni Dana at tiningnan ng masama ang binata.
"At Dana paano kung skunk nga siya?! Sa tingin mo mapapatay mo siya kahit wala naman siyang ginagawang masama?!" Biglang katwiran ni Harper kaya lalong bumakas ang inis sa mukha ni Dana.
"I-It's okay." Biglang bulalas ni Cielo dahilan para matigil ang tatlo sa pagtatalo at muli itong mapalingon sa kanya.
Napabuntong-hininga si Cielo at nag-angat ng tingin sa mga kasamahan. Isa-isa niyang tiningnan ang mga ito at nahinto lamang siya nang magtama ang mga tingin nila ni Dana.
"Will you kill me if I turn out to be one of them?" Tahasang sambit ni Cielo dahilan para agad mapangisi si Dana at bigla na lamang kunin ang palakol na hawak ni Axel.
"I will. You can count on that." Nakangising sambit ni Dana habang nakataas ang isang kilay at hinawakan ng mahigpit ang palakol.
"Well then, I hope you'll have the decency to look me in the eyes when you do so." Walang emosyong-sambit ni Cielo.
"Oh, I will." Tumango-tango pa ang nakangising si Dana.
Nangingilid man ang mga luha, pinipilit ni Dana na pangatawanan ang galit na pinapakita kay Cielo. Taas-noo niyang pinapanatili ang matalim na tingin sa dating kaibigan. Samantalang si Cielo naman ay walang ibang ginawa kundi tumitig sa mga mata ni Dana na animo'y may gustong patunayan.
Sa isang iglap ay namayani ang nakabibinging katahimikan sa kanilang lahat, tila ba kinakabahan sa maaring matuklasan kay Cielo. Unti-unting tinanggal ni Cielo ang asul na scarf na nakapulupot sa kanyang leeg hanggang sa unti-unting tumambad sa kanilang lahat ang isang nakapanlulumong imahen ng karahasan.
Napatakip sa bibig ang gulat na gulat na si Dana nang makita ang isang mahabang pilat sa leeg ni Cielo na tila ba dulot ng isang kutsilyong ginamit upang gilitan ng leeg ang dalaga.
"Oh my God." Biglang napakit si Harper na animo'y diring-diri.
"Cielo anong nangyari diyan?!" Agad na bulalas ng gulat na gulat ring si Churchill.
Agad na lumapit si Axel kay Cielo at siya na mismo ang nagtakip ng scarf sa leeg nito. Samantalang si Cielo ay nanatiling nakatitig sa mga mata ni Dana na nagsismula nang lumuha.
END OF CHAPTER 9!
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro