IX : A promise to keep
IX
A promise to keep
Third Person's POV
Matapos mapindot ang sampung kumbenasyon ng mga numero, biglang umalingawngaw ang pagpitikan ng mga metal mula sa kabilang dulo ng pinto. Makalipas ang ilang sandali, napahawak si Axel sa pinto at walang kahirap-hirap na niya itong natulak at nabuksan.
Napalingon si Axel sa kanyang kasamahan at nakita niya ang labis na kalungkutan sa mga mukha nito lalo na kay Cielo na nakatitig lamang sa bangkay ni Dana na ngayo'y karga na ni Raze. Sa pangunguna ng binatang si Axel, tinungo nila ang itaas na bahagi ng tahanan kung saan ay ligtas sila mula sa kasamaang taglay ni Astaroth.
*****
Napakagat na lamang si Wena sa kanyang labi at mangiyak-ngiyak na napatitig sa sahig habang pinapangaralan ng nakatatatandang kapatid. Gusto niyang magsalita, gusto niyang mangatwiran, gusto niyang magbigay ng dahilan upang maibsan ang galit nito ngunit sa takot niya'y halos hindi na niya alam anong sasabihin lalo pa't minsan lang kung magalit sa kanya ang kapatid.
"Paano kung may nangyaring masama sayo?! Paano kung naging mas matindi pa yang tinamo mong sugat?!" Bulyaw pa ni Axel habang hinahalungkat ang maalikabok na medicine box na nakakabit sa dingding.
"S-sorry... Kuya sorry..." Umiiyak na sambit na lamang ni Wena.
"Yan ang hirap sayo eh! Ang linaw-linaw ng sinabi ko na wag kang sasama! Mahirap ba talagang intindihin yon?! Sa tingin mo ba talaga nakakatuwa yang pagiging makulit mo?! Tangina naman Wena!" Bulyaw pa ni Axel at marahas na sinara ang kahon nang matagpuan ang hinanap na mga kagamitan upang malunasan ang mga tinamong sugat ni Wena mula sa aksidente.
"A-axel ako na ang bahala kay Wena." Biglang pumasok si Pinky sa silid na kinaroroonan nila. Naglalakad man papalapit kay Axel upang kunin ang mga benda at betadine mula sa mga kamay nito, animo'y natatakot si Pinky kay Axel dahil hindi niya ito magawang tingnan sa mga mata, hindi gaya ng dati. Hindi nag-iisa si Pinky, kasunod niya namang pumasok ang ngunguto-ngutong si Gino na halata na ang pagod at lito sa mga pangyayari. Kapwa hindi komportable sina Pinky at Gino na pumagitna sa magkapatid lalo pa't ito ang unang pagkakataon na nakita nilang ganito katindi ang galit ni Axel.
"Pasensya na talaga kayo at dinamay kayo ni Wena dito. Pangako, ihahatid namin agad kayo—" Hindi na na natapos pa ni Axel ang sinasabi dahil kay Gino.
"Pre, kami ang nagkusang sumama kay Wena. At isa pa, ayoko rin sa bahay kasi lagi lang akong inuutusan doon, mas gusto ko dito." Pagbibiro na lamang ni Gino sabay pasimpleng akbay kay Pinky, dahilan para agad siyang sikuhin ng dalaga. Napatingin si Gino kay Wena na animo'y hinihintay itong matawa dahil sa paniniko sa kanya ni Pinky pero nanatili lamang na umiiyak si Wena.
Napabuntong-hininga na lamang si Gino at napatingin muli kay Axel, "Yung isang lalake na kasama mong dumating, yung may matinong mukha, sabi niya magsitulog nalang daw muna tayong lahat. Mamaya nadaw kayo magplano ng gagawin."
"So you mean hindi matino ang mukha nung boy na may yellow helmet? Wow ha nahiya ako sa mukha mo." Nakangiwing singit ni Pinky at muling siniko si Gino.
"Malay ko bang na-expose yun sa sobrang chlorine noong bata pa. Sino bang matino ang papayag sa photoshoot na ganun? Yayakap ng bote ng tubig na parang timang." Pagpapasaring pa ni Gino habang hawak ang sikmura niyang makailang ulit nang siniko ni Pinky.
Napabuntong-hininga na lamang si Pinky at kahit naiilang man, pinilit niyang tumingin kay Axel, "Th-that girl... Yung may blue scarf mukhang kailangan ka niya ngayon." May ngiti man ang mukha, bakas ang kalungkutan sa boses ni Pinky bagay na agad napansin ni Gino.
Napatingin si Axel sa direksyon ng nakababatang kapatid at nakita itong umiiyak parin.
"Pre, kami na bahala sa utol mo. Baka nakakalimutan mo, medic ako noong high school." Pagmamayabang ni Gino.
"Ako yung part ng medic noong highschool." Pagtatama ni Pinky at nang muli sana niyang sisikuhin si Gino ay dali-daling nakailag ang binata at naglabas ng dila bilang pagmamayabang.
Napabuntong hininga na lamang si Axel at nagsimulang maglakad palabas ng silid ngunit sa isang iglap ay bigla siyang nahinto, muling napabuntong-hininga at naglakad pabalik sa direksyon ni Wena. Wala mang pinapakawalang salita, niyakap ni Axel ng mahigpit si Wena at hinalikan ito sa noo bagay na lalo pang ikinaiyak ni Wena na agad yumakap pabalik sa kapatid.
Kung kanina ay nagtatalo, nagkatinginan sina Gino at Pinky at nagpalitan ng ngiti. Hindi pinalampas ni Gino ang pagkakataong inisin si Pinky kaya naman agad niya itong kinindatan.
"Inaatake ka na ba ng Epilepsy?" Pasimpleng pasaring na lamang ni Pinky bilang ganti.
"You make my heart Epileptic." Pagbibiro ni Gino at mas binilisan pa ang pagkindat.
"Masira sana mata mo gago." Ganting muli ni Pinky.
"Mas sira ang mata mo." Pasaring pa ni Gino na patuloy parin sa pagkindat at pagngisi sa dalaga.
*****
Hindi maiwasan ni Axel na makaramdam ng matinding awa kay Cielo nang madatnan niya itong nakatulala lamang habang nakaupo sa sahig, sa harap ng katawan ni Dana na wala na namang buhay; nakalubog ang katawan nito sa isang bath tub na puno ng malamig na tubig na nagmula sa mga yelong nagsitunaw na mula sa cooler. Nakatulala man, hawak-hawak ni Cielo ang kamay ng kaibigan.
"Kailangan mo ring magpahinga." Napabuntong-hininga si Axel at naupo sa tabi ni Cielo. Pinagmasdan niya ang mukha ni Cielo at marahang hinawi ang buhok na humaharang na sa mukha nito.
"Her brain is intelligent but her heart isn't... Why would she even do that? She was alive again, she would've seen her parents again. " Walang kaemo-emosyong sambit ni Cielo kaya napatingin si Axel sa direksyon ng bangkay ni Dana.
"Minsan may mga desisyon tayong ginagawa na kailanma'y walang magiging katumbas na rasong maiintindihan ng kahit na sino, minsan may mga rasong kailanma'y hindi matutumbasan ng kahit na anong salita... Yung pagsasakripisiyo ni Dana, desisyon niya 'yon." Paliwanag ni Axel at muling napalingon sa direksyon ni Cielo.
Nanaig ang katahimikan sa pagitan nila, hindi kumikibo ang labis paring nanlulumong si Cielo kaya napabuntong-hininga na lamang ulit si Axel at hinawakan ang kamay nito. Pinagmasdan niyang muli ang animo'y bato nang mukha ng dalaga.
"Hindi masamang umiyak kung sobra ka nang nasasaktan." Giit ni Axel.
Napabuntong-hininga si Cielo at nagawa nitong tumingin pabalik sa mga mata ni Axel, "I've been crying ever since I was young but I got tired of being pathetic and being the one who always needed protection.... I decided to build my wall and cry tears no one could see."
"I'm here now... break the wall, you're not alone anymore." Sabi pa ni Axel dahilan para unti-unting pumatak ang luha mula sa mga mata ni Cielo na nakatitig parin sa kanya.
"If I didn't put up my wall... if I didn't play this stone cold persona, siguro ako parin ang gustong kunin ni Astaroth... Siguro hindi niya na gugustuhing kunin si Dana, siguro ako parin ang gugustuhin niyang kunin kasi mas magiging malakas siya dahil sa matindi kong kahinaan." Dere-deretso man ang malamig na pananalita, panay naman ang pagtakas ng luha mula sa mga mata ni Cielo.
"Ganito nalang," Bahagyang ngumiti si Axel at pinunasan ang luha ng dalaga gamit ang kanyang hintuturo, "Magpapahinga tayong lahat, matutulog tapos oras na tayong lahat ay may sapat nang lakas, makakahanap tayo ng paraan at magiging okay ang lahat." Dagdag pa ni Axel na animo'y nililihis ang usapan upang lumakas ang kalooban ni Cielo.
"I want everything to be okay... without anyone sacrificing or dying... could that happen?" Tanong ni Cielo at mariing tinitigan ang mga mata ni Axel na animo'y tinatantya ang katotohanan ng magiging susunod nitong salita.
Muling ngumiti si Axel at pinisil ang pisngi ni Cielo, "Everything will be okay and you will end up happy."
"Stop it. False hope is a real killer." Sambit ni Cielo at nauna nang tumayo.
"Pangako ko 'yon." Giit naman ni Axel at agad ring tumayo upang sundan ang dalaga palabas ng banyo.
****
Napabuntong-hininga si Axel nang makitang tuluyan nang nakatulog na si Cielo sa kanyang tabi. Nang masigurong komportable na ang dalaga ay lumabas na si Axel mula sa silid at nadatnan si Wena na nakaupo sa sahig at animo'y hinihintay siya.
"Are you spying on us?" Kunot-noong sambit ni Axel sa kanyang kapatid na magang-maga ang mga mata at mukhang antok na antok na. Nilapitan niya ito at inakbayan.
"I need to tell you something." Sambit ni Wena at magkasabay silang naglakad papunta sa silid na pagmamay-ari nila mula pagkabata.
"Hindi ako magso-sorry sa mga sinabi ko kasi tama—"
"You were just looking out for me, I know. Kuya Gino and Ate Pinky already told me that older siblings are like that, I understand the concept of 'tough love' when it comes to siblings. You only want me to be safe, I know." Napabuntong-hininga na lamang si Wena, "What I want to say is that I want to help save ate Dana...again."
Nahinto si Axel sa paglalakad at agad na napatingin sa kanyang kapatid, gulat ang rumehistro sa mukha ng binata, "Hindi... uuwi ka kasama nina Gino at Pinky mamaya pag nakapagpahinga na tayong lahat." Giit na lamang nito.
"I want to destroy Astaroth for how he terrorized you and all of us back when we were kids... I want to destroy that demon for causing the fire and causing Dad's death... For causing our grandparents death... But how do we really kill a demon right?" Bumakas ang mapait na ngisi sa mukha ni Wena.
"I caused the fire that killed Dad... S-si Lolo, namatay sa katandaan at si Lola naman, hindi kinaya ang lungkot nang mawala si Lolo kaya—"
"I know everything, you don't have to pretend as if everything about our life has been normal. You don't have to protect me from the truth... I'm not a little kid anymore" Pilit na pinigilan ni Wena ang kanyang luha sa pamamagitan ng pagngiti, "It was Astaroth's fault and not yours. You suffered ever since we were kids—"
"Dahil sakin matagal bago ka nagkaroon ng normal na buhay." Unti-unti, namuo ang luha sa mga mata ni Axel.
"It's my fault why I never got to be like any normal teenager, not yours!" Giit ni Wena at agad na napayakap sa kapatid, "I was the one who kept telling my peers how real the demons are... I kept on revealing the darkest truth that made me an outcast. It was my fault and not yours... Hinayaan kong maapektohan ako ni Astaroth... I pushed people away."
Huminga ng malalim si Wena at unti-unting napabitaw sa kanyang kapatid, napatingala siya rito at tiningnan sa mga mata, "It was you and the girl with the blue scarf right? It was supposed to be the both you but Astaroth took Ate Dana and that guy instead. Granmami did whatever she could to learn about Astaroth.... about what to do if Astaroth succeeds in taking you," Tumango-tango si Wena at pinunasan ang kanyang luha, "I think I can find answers here and I think I'm the only one who can. I just need you to trust me and allow me to help..."
****
Pilitin man ni Mira na mariing ipikit ang kanyang mga mata, hindi parin niya magawang makatulog kaya naman napaupo na lamang siya at marahas na ginulo ang kanyang buhok. Ilang sandali siyang nanatiling nakaupo habang nakatingin sa kawalan.
Unti-unting tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata, nang maramdaman ito'y agad niya itong pinunasan at napatayo na lamang.
Tatlong magkakasunod na katok sa pinto; nang marinig ito ay agad na binuksan ni Mira ang pinto at agad tumambad sa kanyang harapan si Harper dala ang isang backpack.
"I need you to come with me, we have to talk." Tahasang sambit ni Harper dahilan para agad makunot ang noo ni Mira.
"Talk?" Sarkastikong ngisi ng dalaga, "The knife you stabbed me with is still stuck on my back."
"We have the same goals so just shut up or I'll stab you, this time physically." Pagbabanta pa ni Harper at marahas na kinaladkad si Mira patungo sa pinakamalaking banyong nasa pangatlong palapag.
Hindi nagtagal, tumambad sa harapan nina Mira at Harper ang bathtub kung saan naroroon ang bangkay ni Dana na nakalublob sa mga yelong unti-unti nang natutunaw.
"Baka naging ice na yung mga hinanda namin, kunin mo, idagdag mo dito sa bathtub nang may magawa ka namang matino." Walang emosyong sambit ni Mira at maglalakad na sana ulit pabalik sa kanyang silid ngunit muli siyang hinila ni Harper upang manatili.
"Do you want to see Dana live again?" Tanong ni Harper at sa puntong ito'y hindi na niya maitago ang inis kay Mira.
"That's a no-brainer." Agad na winakli ni Mira ang pagkakahawak ni Harper sa kanya.
"Then you have to stop making this about me! This is about saving Dana!" Marahas na ibinagsak ni Harper ang kanyang backpack sa sahig at naupo. Binuksan ni Harper ang kanyang backpack kaya kahit naguguluhan man si Mira, naupo na lamang rin ito sa harap ni Harper.
"C-can we really trust you?" Unti-unti namuo ang luha sa mga mata ni Mira na nakatuon lamang sa bawat galaw ni Harper. Maingat si Mira sa bawat pagtantya sa kilos at reaksyon ni Harper, gusto niyang malaman ang totoo, gusto niyang wag magkamali ulit.
"You can trust that I'm willing to do whatever it takes to undo what I caused Dana..." Inilabas ni Harper ang isang baril mula sa kanyang bag dahilan para agad na mapatayo si Mira sa sobrang gulat, "If you want Dana to live again, are you willing to do whatever it takes to get her back?"
"H-harper anong gagawin mo?" Sa takot, labis na nautal si Mira.
"I'm going back to the bridge and try to enter Dana's hell. But this gun... this is for you... You're going to do what Churchill can't." Tahasang sambit ni Harper habang hawak parin ang baril at inihahabilin kay Mira.
"W-what?" Kunot-noong sambit ng naguguluhang si Mira.
"You're going to kill Wacky." Giit ni Harper.
"Ano?! Nababaliw ka na ba?! Kailan ka ba talaga titigil?!" Bulyaw agad ni Mira na hindi na naitago pa ang naramdamang galit sa nasabi ni Harper.
"Kayo na mismo ang nagsabi! Nanghina si Wacky nang tapunan siya ni Church ng asin! Wala siyang ipinamalas na kahit na anong lakas! Na-corner kayo at kusang nagpaiwan si Dana at sumama kay Wacky kasi sabi niya si Dana lang ang pakay niya! Nagpakita lang si Wacky matapos mabuhay ulit si Dana. It all adds up to the fact that Wacky—Astaroth was weak because Dana wasn't in her hell! He's her strength! Once Dana wakes up again, Astaroth will come for her until he gets her back and you're not going to let it happen again! Dana is the strength and Wacky is the vessel, without strength, Astaroth is vulnerable. Without a vessel—"
Tuluyang pumatak ang luha mula sa mga mata ni Mira nang mapagtanto ang punto ni Harper, "And without a vessel, Astaroth will be nothing once again."
"Astaroth won't be destroyed but atleast, we'll get Dana back." Hindi mapigilan ni Harper na mapangiti lalo pa't mukhang naiintindihan na ni Mira ang gusto niyang ipahiwatig.
Napatingin si Mira kay Harper ngunit agad na nawala ang ngiti sa mukha ni Harper nang makita ang galit sa mga mata ni Mira, "Y-you haven't changed at all have you?"
"I'm helping you, hindi mo parin ba naiintindihan yon?" Naguguluhang sambit ni Harper.
"No Harper, it's you ..." Lalo pang tumulo ang luha mula sa mga mata ni Mira, "You still don't get it... You're still the same selfish girl who caused our deaths... You haven't changed at all.... You only want Dana to live so you can get rid of that guilt in your heart and it doesn't matter who dies just as long that its not someone you care about. "
"I'm trying to help you! This is for the greater good! Someone's going to have to die! It's inevitable!" Giit ni Harper.
"Then why can't it be you?!" Bulyaw ni Mira sa labis na galit, "Why can't you just die since you were the one who caused those skunks to kill us?! Do you know how it feels to see your parents die right in front of you?!" Tuluyang nauwi sa mas maraming luha ang galit ni Mira lalo pa't sariwa pa sa kanyang alaala ang karahasang dinanas dahil sa kagagawan ni Harper.
"Papa anong ginawa mo?!" Bulyaw ng luhaang si Harper habang pilit na ginigising ang inang hindi na gumagalaw, at may dugo ng lumalabas mula sa bibig.
"Anak ito nalang ang paraan para maisalba ang pamilya natin... Hindi nila masisira ang pamilya natin." Sambit ng tila ba wala sa sarili niyang ama habang hawak ang isang baso ng wine na may lamang lason.
"Pa! Pa please tumawag ka ng ambulansya! Pa hindi na humihinga si Mama!" Pagmamakaawa ni Harper ngunit imbes na gawin ito ay inabot lamang ng ama ang isang baso ng wine.
"Anak, sige na... Inumin mo na..."
"Alam ko." Tuluyang pumatak ang luha mula sa mga mata ni Harper nang bumalik sa isipan niya ang nakaraan. Sariwa pa sa kanyang alaala ang kinahinatnan ng pamilya dahil sa eskandalong kinasangkutan, at sariwa pa sa kanyang alaala ang kamatayan ng taong labis niyang minahal ng higit pa sa kanyang buhay.
"Harper I'm going to kill anyone!" Muling bulyaw ni Mira dahilan para mahimasmasan si Harper. Imbes na sumagot, ibinaba na lamang ni Harper ang baril sa sahig at kinuha ang mga syringe at bote ng gamot mula sa kanyang bag.
"H-harper what are you doing?" Gimbal na tanong ni Mira lalo na nang isa-isang isinalin ni Harper ang mga gamot sa syringe.
"Trying to save her!" Sagot ni Harper at walang ano-ano'y isinaksak ang syringe sa leeg ni Dana.
"No stop! Do you even know what that does?!" Dali-daling lumapit si Mira kay Harper upang pigilan ito ngunit patuloy si Harper sa pagsaksak ng gamot kay Dana.
"Morphine! Codeine! Amphetamine! I don't fucking care!" SIgaw ni Harper na patuloy lamang sa ginagawa.
"What?! Wait! Stop!" Sa gulat ay napasigaw rin si Mira at agad na sinugod si Harper at nakipag-agawan upang mapigilan ito sa ginagawa.
Halos sabunutan na ni Mira sa Harper upang maagaw lang ang syringe. Ayaw namang papigil ni Harper na gumaganti rin sa paraan ng paniniko at pawawasiwas ng kanyang ulo. Sa tuwing may pagkakataon, binabasag ni Mira ang mga natitirang bote ng gamot sa pamamagitan ng paghagis ng mga ito, pati narin ang mga syringe. Sa gitna ng kaguluhan ng dalawa ay bigla na lamang natigil si Harper sa paggalaw kaya naman tuluyang naagaw ni Mira ang hawak nitong syringe.
"Eh kung sayo ko to isaksak! Hindi ba—" Nagtaka si Mira nang hindi siya pinansin ni Harper. Nakatitig lamang ito sa direksyon ni Dana kaya hindi niya mapigilang mapalingon rin sa direksyon nito.
"Dana!" Otomatikong nagsigawan sina Harper at Mira nang makita ang munting paggalaw ng daliri ni Dana. Sa gulat ng dalawa ay dali-dali nila itong nilapitan at pilit na ginising.
Habang nasa loob ng sasakyan kasama sina Pip, Shem, Churchill at Mira ay unti-unting nawawalan ng lakas si Dana. Unti-unting nanlalabo ang kanyang paningin habang nag-aagaw ang kanyang kamalayan at kawalan ng lakas.
"She's starting to wake up! It's working!" Bulalas ni Harper at agad na nilibot ang kanyang paningin na animo'y may inaabangang dumating.
"Dana! Dana sweetie, wake up..." Paulit-ulit na sambit ni Mira habang tinatapik ang pisngi ng kaibigan, "Harper anong ginagawa mo?!" Bulyaw pa ni Mira nang makitang bigla na lamang pinulot ni Harper ang baril.
"Once Dana becomes completely anxious, Wacky will appear and try to take away Dana again!" Giit ni Harper na pilit na nililibot ang kanyang paningin.
Labag man sa kanyang kalooban, napatingin si Mira sa mga dalang gamot ni Harper at labis siyang nadismaya nang makitang nasira na ang mga syringe at bote dahil sa kanya.
Unti-unting nabawi ni Dana ang kanyang kamalayan at natagpuan ang kanyang sariling karga ni Shem habang tumatakbo patungo sa bahay ni Cielo. Kasama sina Churchill, Pip at Mira, nagtago sila sa loob ng bahay, walang kamalay-malay sa kapahamakang mangyayari.
"She's not waking up..." Mahinang sambit ni Mira nang mapagtantong hindi na ulit gumalaw ang daliri ni Dana. Pinakiramdaman niya ang pulso nito at naiyak na lamang siya ulit dahil wala na naman itong buhay.
"Inject her with the meds again!" Sigaw ni Harper.
"We're out of meds and materials! I broke it!" Napahagulgol na lamang si Mira at nasapo ang kanyang mukha sa labis na dismaya.
Ngunguto-ngutong naupo si Harper sa sahig at napabuntong-hininga na lamang dahil sa dismaya ngunit imbes na panghinaan ng loob, pinunasan na lamang ni Harper ang kanyang luha at muling iniabot kay Mira ang baril na pagmamay-ari ng ama ni Raze.
"Dana can't do it and I'm sure as hell that Churchill can't too... You've only met him once so you're the most rational among the three of you. Wacky is a goner now and Astaroth will do whatever it takes to take Dana even if it means killing all of us. Mira, I'm not asking you to kill Wacky, I'm asking you to do whatever it takes to protect Dana and Churchill." Pakiusap ni Harper habang pilit na pinipigilan ang kanyang luha, "This wouldn't solve all of our problems but getting rid of Astaroth's vessel is the beginning... Astaroth is weaker when Dana is alive so one bullet is enough to destroy his vessel."
Pilit na pinunasan ni Harper ang kanyang luha at gamit ang nanginginig niyang mga kamay, pilit niyang iniabot ang baril sa dating kaibigan gamit ang mga kamay na nagsisimulang manginig.
"Mira gusto mong makabawi kay Dana dahil sa ginawa mo noong highschool tayo diba? Mira you have to do whatever it takes to save her."
Luhaan, unti-unting napalingon si Mira sa direksyon ni Harper at tinanggap ang baril gamit ang nanginginig na mga kamay, "For Dana."
END OF CHAPTER 9!
NOTE: This chapter is parallel with Book 2's chapter 16 :)
THANK YOU!
VOTE AND COMMENT <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro