Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologo

“Ariyah! Let down your hair.”

Dali-dali akong tumakbo papalapit sa bintana upang agad kong maibaba ang kulay ginto kong buhok at makaakyat na ang lalaking nasa baba ng tore.

Ito ang naging tirahan ko. Ito ang naging mundo ko.

Binuksan ko ang bintana at isinabit sa ginawang bakal ng lalaki upang maibaba ang aking buhok. Paulit-ulit kong itinatanong sa sarili kung ano kaya ang ibig sabihin ng mga katagang iyon, ngunit wala akong makuhang sagot. Hindi ko naman kayang tanungin ang lalaki dahil natatakot akong magalit siya.

“Ariyah! Let down your hair,” ulit nito sa naiinip na boses.

“Heto na po, saglit lang,” sagot ko at tuluyan nang ibinaba ang mahaba kong buhok.

Ilang saglit pa ay hinihila ko na ito pataas hanggang sa nakita ko kung sino ang lalaking nakasakay sa buhok ko.

“Sino ka? Anong ginagawa mo rito?” gulat kong tanong.

Ang mas lalong nagpagulat saʼkin ay ang biglaang pagkaroon ng nakasisilaw na liwanag at tila nagkaroon ng sariling utak ang aking buhok. Hindi ko na nasundan ang sumunod na pangyayari dahil nawalan ako ng malay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro