
CHAPTER 8
Bracelet
Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi ko alam na sikat pala itong pinsan ko. Sabagay, hindi naman ‘yon nakakapagtaka with his background and looks.
"Good morning Ma’am!" I broke the awkward silence with a greeting.
Tumingin si Miss Flor sa akin, still wearing her signature smile. But that didn’t even last for a second. Agad siyang tumingin sa katabi ko. Humigpit naman ang hawak ko sa braso niya.
"Pinsan mo?" She asked. Her voice sounded so angelic but her features and gestures says otherwise.
Napalingon ako kay kuya ng hindi niya ito nagawang sagutin. His bored expression welcome my gaze. "Yes po. I’m his cousin." I answered on his behalf.
Ngumiti ako sa ginang. She then, laughed like we are some sort of clowns on a birthday party. We are still standing outside. Wala ba siyang balak papasukin kami?
"I thought siya na.... anyway come in. Good thing naabutan niyo ako."
Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto, urging us to enter. Napailing ako bago hilain ang katabi ko.
"Go inside, I’ll wait for you here."
Natigil ang akma kong pagsunod kay Miss Flor ng magsalita siya. I looked at him completely annoyed. Here we are again. Nakakalimutan sigurong siya ang may alam sa lugar na ito. He, then sighed na parang talong talo siya. Wala pa nga akong sinasabi eh.
I smiled widely when he leads the way. Natanggal ang hawak ko sa braso niya since nauna siyang maglakad.
Unlike the first room that my foot landed in this university. Wala siyang cubicles. May isang mesa malapit sa bintana and a set of sofa in the center. Plain white and gray ang interior designs. Naglakad ako patungo sa harap ni Miss Flor na prenteng nakaupo sa swivel chair niya. While my kuya sat on one of the single couch.
"Good morning again Ma’am. Magpapa-enroll po sana ako." Paunang bungad ko.
I want this to end immediately. Kahit wala akong plano sa araw na ito, who knows baka biglang may magyaya sa akin kahit wala naman akong kakilala pa.
Tumango siya bago may hinugot na kung ano sa drawer na nasa kaniyang likuran. "Here, fill out this form." simpleng sagot niya bago ilahad ang papel.
Nakangiti siya. Tinanggap ko agad ang papel bago gumanti ng ngiti. "Saan ko po ito ipapass?" I curiously asked.
"You can pass that to me. Pwede kang mag sagot dito. I will wait until you’re finished." The smile on her face never faded.
So I guess mali ako sa part na akala ko another Analiese siya. Well what do I expect? She’s a teacher in the first place. Hindi katulad ng Analiese na parang linta kung maka dikit kay kuya. Except that, nakaka-intimidate ang awra niya.
I nodded in response. Tumayo ako at lumapit sa sofa where my cousin was sitting. Na ngayon nakaharap sa cellphone. I sat in front of him. Hindi man lang nagawang mag-angat ng tingin. He's too engrossed with his business.
Kinuha ko ang dalang ballpen at nagsimulang magsagot. I was silently answering, nasa ika-dalawang pahina na ako ng maramdaman ang marahang paglapit ng guro. Nag-angat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang malawak niyang ngiti. She’s always smiling. Parang wala siyang problemang dinadala.
It's somewhat, creepy.
Tinignan ko si kuya na hanggang ngayon nakatutok pa rin ang mukha sa cellphone. Obviously not giving a piece of care on his surrounding. I just shrugged and continue writing.
"Your cousin is so adorable Mr. Damascus. I bet boys in this university will surely want to get on her pants." Untag niya at dinugtungan ng pagtawa.
Kumunot ang noo ko. Her choice of words are damn the opposite of her profession.
"Shut up!" My cousin answered.
I can sense the annoyance in his voice. Malakas naman na tumawa ang guro. Hindi tuloy ako nakakapag concentrate sa ingay nila.
"I mean look at her. Ang ganda niyang dalaga. It is impossible kung walang magkakagusto sa kaniya." she continued. May nanunuksong tinig.
I inhaled a large amount of breath.
Focus.
Mabuti na lang at hindi na muling sumagot si kuya, and they remained silent. Siguro naramdaman ni Miss Flor na walang balak makipag-usap itong pinsan ko.
Pagkatapos kong mag fill-out, binigay ko sa kaniya agad. May-iilan pa siyang naging katanungan, na wala sa form.
Paglabas namin, marami na rin ang mga mag-aaral. May bumabati kay kuya, na hindi naman niya pinapansin. Napaka snob!
I even saw some girl's wearing a damn designer dress. And here I thought it's forbidden! Pasalampak akong umupo sa passenger seat when we reached his car. I remained my gaze on the window. Narinig ko ang malalim niyang buntonghininga. Hindi pa niya pinapaandar ang sasakyan. We are still on the schools enormous garage.
"Where do you want to go?" he asked softly.
Napanguso ako. Wala pa akong alam sa mga lugar na pwedeng puntahan. Magre-research nalang ako mamayang gabi if hindi maging busy.
"Let's go home kuya. Pagod ako." Kahit ang totoo. I want to explore the city. Gusto ko mag beach! Nakakamiss maligo sa dagat.
Seconds later, I felt the car moving. Inabala ko ang sarili sa pagtitingin sa labas. Unlike in Bicol, Tacloban looks more centered and modernized. May iilang nagtataasang gusali akong nakikita, na hindi ko rin alam kung ano ang binibigay na serbisyo.
Kumunot ang noo ko ng mapansing hindi daan patungo sa bahay ang tinatahak namin.
"Saan tayo pupunta?" I asked in curiosity, since obviously hindi patungong bahay ang dinadaanan namin.
He looked at me once. Katulad ng lagi niyang ginagawa. Nasa may bintana ang kaniyang siko and his thumb was on his lips. I fought the urge to mock his face. Nang-aakit ha!
"Somewhere." He answered shortly.
Napairap ako. May lugar bang somewhere for heaven’s sake?
"Iuwi mo nalang ako sa bahay. I’m not in the mood to explore that somewhere of yours." Supladong ani ko.
I crossed my arms over my chest. Hindi ko gusto ang ideyang makakasama ko siya sa mga susunod na oras. Naalibadbaran ako sa pagmumukha niya. Pagkatapos niyang makipaglandian sa school! Doon kay Analiese, although hindi niya pinatulan. Dadalhin niya ako sa somewhere niya, na I bet pinagdadalhan niya ng mga babae!
Hindi siya sumagot na lalong nagpainit ng ulo ko. I have a long patience but not with this guy. Akala ko maayos na kami eh, akala ko okay na.
I sighed and decided to just close my eyes. Wala akong makukuhang matinong sagot sa kaniya. Mabuti pang matulog na lang. Kahit tutol ako sa planong ito, wala akong magagawa since nakasakay na ako dito! Wala akong matatakasan.
Truth to be told, nakatulog nga ako. When I woke up, nasa harap kami ng isang beach. Only that, nanatili ako sa loob ng sasakyan but the door in my side were wide open. Nakasandal sa gilid ko si kuya Drake na nakatanaw sa karagatan. I think he didn’t know na gising na ako.
I purse my lip before sitting properly. Inayos ko ang nagusot kong buhok. Hindi pa rin ako komportable sa suot na pantalon. Thanks to my epal cousin. Oh right, may isa pang kasalanan ang lalaking ito. Sabi niya hindi pinapasok ang mga naka-dress sa University. Pero karamihan sa kababaihan, nakasuot ng dress!
I was about to burst at him when he suddenly shifted his weight to my direction. Nanlaki ang mata ko sa biglaan niyang paglingon. Hinihipan ng hangin ang kaniyang may pagkahabang buhok. While his eyes looks so sad. Na parang may mabigat siyang dinadala. His brows were perfectly furrowed. And his lips were in a grim line.
Ano na naman ang kasalanan ko sa kaniya?
I cleared my throat "Where are we?"
Despite the loud beating of heart, I still managed to ask him a question. Nakalimutan kong galit pala ako sa kaniya.
Yes, maganda ang lugar. Mula sa pino at puting buhangin, asul na karagatan na sa tingin ko masarap liguan. Sa banayad na hangin na naglilipad sa kaniyang buhok, and to the clear sky above. Kung nasa mood ako, malamang kanina pa ako nagtatampisaw sa dagat. I really miss the vitamin sea! Hindi ko alam kung kailan ako huling nakaligo ng dagat. Idagdag pang iilan lang ang tao sa paligid.
Nanatili akong naka-upo. Habang siya ay seryosong nakatingin sa akin. His perfectly angled jaw was a fvcking big distraction! Umiwas ako ng tingin.
I heard him sighed. "Nasa La Grenda tayo. You can enjoy your vacation here. Nakakabagot kung sa bahay ka lang sa mga natitira mong bakasyon." he huskily said. Parang siya ang kagigising lang.
I pouted and played with my finger. I want to go out and somehow enjoy the view. But I can’t, lalo pa’t nakaharang siya sa pinto.
I licked my lower lip before glancing at his oozing eyes. "As if I have a choice. Nandito na ako, the least I can do is to enjoy." Umirap ako sa kaniya bago marahas na lumandag. He immediately sway his body to the side.
Huminga ako ng malalim. Mas mag-eenjoy sana ako if I’m wearing a summer dress or a bikini perhaps. Lumingon ako kay kuya na ngayon ay nakatingin na rin sa harap. Where I can see two kids. May dalawang batang naghahabulan. They looks so carefree.I closed the door behind me before resting my back on it.
"You’re boring." sabi ko matapos ang ilang minutong pananahimik. Dinala niya ako dito, so at least may pagkain din siyang dala.
He chuckled at my remarks. Pinaningkitan ko siya ng mata na ngayon umiiling-iling. "What do you want me to do? Makipaghabulan rin katulad nila?" he pointed the kids using his lips.
Napatitig ako saglit doon. They’re reddish. I immediately shook my head.
"It’s your choice kung makikipaghabulan ka." Umirap ako dito at pinagkrus ang braso sa dibdib. Ang init ng sikat ng araw. Dito niya pa talaga naisip mag park.
"Kung ikaw ba naman ang hahabulin, why not?" I rolled my eyes. Itinaas ko ang kanang kamay para protekta sa sikat ng araw.
"I’m no longer a kid."
Noon I bet para akong sisiw kung makapaglaro. Ang dungis dungis ko siguro ng mga panahong iyon. Sino ba naman ang hindi sa kabataang stage.
It somehow saddened me. Ang bilis lumipas ng panahon. Tipong hindi mo aakalaing aabot ka sa punto kung nasaan ka ngayon.
I envied those children who laughs without hesitation, without problems and worries. Kasi ako, kahit hindi ko sabihin. There were nights of breakdowns and agony… we all have that.. mga sekretong hindi natin kaya ibahagi kahit kanino man. Even in our own family.
Kasi takot tayo.. we are scared in our own deepest scars.
He grinned "You’re still my baby right? Nakalimutan mo na ba?"
I fake a coughed. Hindi makayanan ang lumalabas sa bibig niya. Parang biglang nawala ang inis ko sa kaniya. From him, manipulating my supposed schedule, to commanding me as to what wear and his flirting habit!
I shifted my body. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Ilan kaming baby mo? Me, Analiese and Miss Flor?"
Gusto kong sampalin ang sarili. I sounded so jealous right now. My voice sounds bitterness. But the hell I care! Lumingon rin siya sa akin. Looking at his hazel brown eyes, parang may malalim siyang pinagdadaanan. Maraming nakatago… na hindi ko gugustuhing matuklasan.
Ever since then, I am fan of nature. I like the color green which symbolizes our mother earth. Pero ngayon, sa paraan ng pagtitig niya sa mga mata ko. Nagugustuhan ko na rin ang kulay kayumanggi.
"Huwag kang mag-alala, ikaw ang pinaka-cute sa kanila." he smoothly said before smirking.
Uminit ang pisngi ko. He said it casually, na parang sanay na talaga. Well sanay, nga naman siya… sanay manbola.
Napailing ako bago iniwas ang tingin. He’s so serious. Baka mapaghalataan niyang namumula ang pisngi ko sa sinabi niya. Yes, I received a lot of compliments. Pero iba iyong sa kaniya eh, para akong dinuduyan sa sarili niyang mundo.
"I’m hungry, wala bang makakakin man lang dito?" I said out of context. Trying so hard to avoid the topic. Na ako mismo ang nagbukas. Ngumisi siya bago magsimulang maglakad. Sumunod naman ako.
Bumisita kami sa iba’t-ibang stall na may mga pagkain. Which is worth buying for. May fresh buko juice, shrimp and other seafood’s na ngayon ko lang din natikaman. We kill our time by exploring the beach. May mangilan-ngilang dumadating. Some foreigner with their revealing and daring outfits were all over the sun lounger. Ang iba ay naliligo na sa dagat.
Sa panghuling tindahan na nagbebenta ng souvenir, I can’t help but to be in shocked. Their designs are exquisitely beautiful! Hatak+hatak ko sa braso si kuya, dahil ayaw pang sumama. Napaka-kj! Siya nga ang nag-envite sa akin dito, tapos siya itong magrereklamong mainit.
Malawak ang ngiti kong tiningnan ang mga polseras sa harap. Bukod dito, may mga damit rin printed with La Grenda at shells with various schemes .
"Ate, magkano po ito?" I asked the vendor, showing her the Shell Tassel Bracelet .
Ngumiti siya, medyo may pagkatandaan na rin habang nanatili si kuya sa gilid ko, not saying anything. Hindi ko naman siya binibigyang pansin.
"Singkwenta lang hija, bagay sa iyo, at nang jowa mo." my eyes widened in fraction at her statement.
How can she conclude that easily na mag-jowa kami? Dahil ba magkasama ang babae at lalaki, mag-jowa na?
Umiling ako, mabuti nalang at hindi nagsalita itong kasama ko. "No po, he’s not my boyfriend. Pinsan ko po siya." I smiled at her and showed her the bracelet. Baka kung saan pa mapunta ang usapang ito.
"Nako! Pasensya na hija, hijo. Ang akala ko’y magkasintahan kayo." Paghingi niya ng paumanhin.
I heard my cousin deep sighed. Tumingin ako sa kaniya at pinadilatan ng mata. He only raised his eyebrow in response.
Tumawa ako sa ginang. "It’s okay po. Bilhin ko po ito, tyaka ito." Tukoy ko sa dalawang bracelet na halos magkapareho.
Ang isa ay color pink ang lace with shell in the center. Ang isa naman ay color blue. It was cute. Pagkatapos magbayad, we immediately left the store. Pumunta kami sa sasakyan at agad akong pumasok. Nakakapagod rin palang maglakad-lakad lalo na’t mainit ang panahon. Hindi ko lang napapansin kanina sa sobrang kaaliwan.
Bumuntonghininga ako at pinahinga ang likod sa upuan. Pumasok rin si kuya na may dalang mineral water.
"Thanks," sabi ko ng ibigay niya sa akin ang tubig.
Agad akong uminom. Hindi nga nakapagtatakang halos maubos ko ang laman nito. I wiped my mouth using my handkerchief.
"Give me your hand." Inilahad ko ang kamay sa kaniya. He looked at me, clueless. Nakaharap akong nakaupo sa kaniya. "Dali, akin na." I urged him.
Napanguso ako ng hindi man lang siya gumalaw. His hands were resting in the stirring wheel. Nakakunot ang noo habang nakatitig sa mukha ko. Bumuntong hininga ako bago kunin ang kanang kamay niya. Wala naman siyang sinabi, except for his intense gaze.
I reached for the pocket of my pants. Kinuha ko ang isa sa dalawang bracelet na binili ko kanina. Iyong may kulay blue. Nakatutok lang ang mata ko sa kamay niyang dahan dahan kong sinuotan ng bracelet. Bagay na bagay naman sa kaniya. I don’ know, pero nang makita ko ito. Siya agad ang naisip ko. Na bagay ito sa kaniya, at hindi nga ako nagkakamali.
"Bakit mo ako binigyan nito?" he
whispered in his hoarse voice .
Nag-angat ako ng tingin at sumalubong ang malamlam niyang mga mata. He is looking at me like I am the only person that matters.
I gave him my smile. "You’re right kuya, nakalimutan ko man ang mga pangako natin noon. Hindi pa naman huli ang lahat para matupad iyon." I uttered. Mabuti na lang at hindi ako nautal.
I’ve realized it upon watching the children at the seashore earlier. Maiksi lang ang buhay. Kaya habang maaga pa, habang may panahon pa. Mainam nang gawin ang dapat gawin bago pa mahuli ang lahat.
"Let’s make it happen."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro