CHAPTER 47
Win
Napasandal ako sa dingding, pilit kinakapa ang cellphone pero naalala ko wala pala akong bulsa and I left my phone in the room. Great!
I let out a deep sigh. When I looked at the person, his eyes were already close as if sleeping.
Ano ba ang trip sa buhay ng lalaking ito?
I tried moving his drunken body but he only grunted and tightened his hold on my waist. Mas binaon pa ang mukha sa leeg ko.
“Drake,” tawag ko pero hindi man lang sumagot.
I know he’s awake. Kasi kung totoong tulog na siya, bakit kung makayakap parang linta?
“Umayos ka, Drake.” nauubusan ng pasensya kong dugtong.
Ginalaw galaw ko ang aking balikat ngunit wala iyong silbi. Kailangan na niyang umalis sa posisyong ito bago pa man may makakita sa amin. Subalit, bumukas nalang ang elevator hindi pa rin siya kumikibo. Nasa tamang palapag na kami at hindi ko alam ang gagawin.
Should I leave him here? But I doubt if makakawala ako.
“Drake,” muling pagpukaw ko ng kaniyang atensyon.
I tapped his cheek, hence it was futile. Paulit-ulit kong tinawag ang pangalan niya pero walang sagot. Nakapikit pa rin na akala mo talaga tulog.
Napakagaling!
Hindi ko talaga makuha ang ugali ng lalaking ito. He’s like a code or riddle, I am having a hard time to decipher.
Kahit mukhang imposible, sinubukan kong ihakbang ang dalawang paa palabas ng elevator. Doon ko nalamang hindi nga siya tulog nang sandaling magpalit siya ng posisyon. I glared at him pero ang hudyo mas hinapit pa ang katawan ko sa kaniya. He is now standing beside me, nasa balikat ko ang ulo habang nasa baywang ko naman ang braso.
“Stand up, Drake. Huwag mo akong gawing alalay.” I said through my gritted teeth. Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya.
Malakas akong bumuntonghininga. I don’t have other choice but to bring him with me to our room. Iyon nga ang ginawa ko, dahan-dahan lang akong naglakad, hindi ko rin kaya ang bigat niya. Kung kanina halos parang bulak lang ang pasan ko, ngayon naman…
“B-Baby..” irritation rose up in me when I heard him whisper.
“Don’t baby me, Drake. Napakalaking tao ko para diyan at may pangalan ako hindi si Baby!” Hindi ko magawang kiligin o maging masaya sa mga lumalabas sa bibig niya. He is obviously intoxicated kaya kung anu-ano nalang ang sinasabi.
Mas lalo lang niya akong pinapahirapan.
Sa awa ng Diyos, nakarating din kami sa sofa ng hotel room namin at doon ko siya nilagay. Nahirapan pa ako dahil ang bigat niya plus may mga sinasabi siyang malabo sa pandinig ko. Naguguluhan ako kung paanong naging ganito siya gayong kung makayapos sa jowa wagas.
Lumuhod ako sa gilid niya saka pinakatitigan ang mukha. I can easily judge if he is drunk and sleep or if he's only pretending to be. Pagkalipas ng ilang minuto, doon ko napagtantong lasing nga at ang ganda ng tulog.
Napailing ako. I though they’re a busy couple. Kakatayo lang ng firm nila yet they had the nerve to go on a vacation ang be a drunken ass.
Agad kong hinanap ang cellphone saka tinawagan si Zaph. Naka ilang subok ako bago niya tuluyang sagutin ang tawag.
“An—”
“Zaph punta ka nga dito, sama mo si Ansel.”
Nakatayo lang ako sa paanan ng sofa na kinahihigaan ni Drake. Mukha siyang lasing na lasing, namumula ang buong mukha pati na rin ang bandang leeg. He is wearing a cargo short and short-sleeved polo.
“Bakit kasama si Ansel?”
“Basta, emergency lang.” agarang sagot ko. Bago pa siya makapagreklamo, pinatay ko na ang tawag.
Nakatingin lang ako sa natutulog na lalaki sa harapan hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng pinto.
“Mukhang may naliligaw ah.” sabi ni Zaph nang makita si Drake, nakasunod sa kaniya si Ansel who doesn’t looked surprised seeing his friend.
“Naliligaw nga, Zaph.”
Tumawa ang kaibigan ko “Sa room na ba ako ni Ansel matutulog ngayon, babe?” she teased me.
Nagrolyo ang mata ko “Pakilabas nga ng kaibigan mo, Ansel.” sabi ko, narinig ko ang pagtawa ng dalawa.
“Dito mo na patulugin ‘to, Angel kawawa naman.”
“May sariling kwarto 'yan, Ansel.”
“Yeah, I know. Pero tignan mo naman ang isang ito, Angel. Lasing na lasing.”
“Hindi ko sinabing maglasing siya at hindi ko na iyon problema.” ani ko habang kumukuha ng damit na pamalit. I felt sticky and decided to take a half-bath. Napansin ko na mukhang kulang ang mga dalang damit ko.
“Sungit, parang walang pinagsamahan.” mahinag dugtong ni Ansel pero narinig ko pa rin.
Kumunot ang noo ko sa iritasyon “Sige na, lumabas na kayong dalawa.” pagtataboy ko kahit nakatalikod sa gawi nila.
Nang makakuha ako ng t-shirt at short ay saka ko sila muling liningon. Hindi pa rin nagbabago ang kanilang posisyon. Ansel and Zaph were standing, looking at Drake weirdly.
“Tara baby, alis na daw tayo.” sagot ni Ansel saka hinapit sa baywang ang girlfriend.
Sinamaan ko siya ng tingin, “Kayo nitong kaibigan mo, hindi kasama ang kaibigan ko.”
Tumawa si Zaph. “Go, hinahanap na rin 'yan ni Sofia. The girl might be paranoid now.” Sumimangot si Ansel sa na narinig.
Right.. Sofia, the girlfriend.
Muli kong binalingan ng tingin si Drake na mahimbing parin ang tulog. Lalasing-lasing hindi naman pala kaya. Dumiretso ako sa banyo kahit hindi pa rin sila nakakaalis. I did my evening routine and when I came back, Ansel and Drake were already gone. Si Zaph nalang ang naabutan kong nakaupo sa kama.
“What?” tanong ko. She’s staring at me as if I just did a crime.
Tumaas ang kilay niya “Nothing, masyado kalang maganda. Kabog ang beauty ko.”
Napailing ako saka nahiga sa tabi niya. Micah won’t be staying here since she still doesn’t feel good.
“I was just wondering, babe.” Nahiga siya sa patagilid sa tabi ko.
“I know you’re not yet over him, ho—”
“You’re mistaken, Zaph. Nakalimutan ko na siya... matagal na.” I quickly answered .
Umirap siya “You know babe, it’s fine to be honest once in a while. Tayo lang din naman ang nandito. Your secret is safe with me.”
Lumalim ang gatla sa noo ko. “Wala akong sekreto, tanga! Nagsasabi ako ng totoo.” She rolled her eyes.
“Okay, if you insist then, fine. Move-on ka na sa kaniya, matagal na.” parang labag pa sa loob niyang sagot.
“Yes, matagal na.”
“Pero minsan ba sumagi sa isip mo ang bumalik sa kaniya?” hirit pa niya.
“Hindi.” I directly answered.
I'm contended with the memory of him, alone. Kung nalulungkot ako, binabalikan ko lang ang mga araw na kasama ko siya.. the things we did, romantically. Masaya na ako doon.
“If not because of the tragedy, I wouldn’t leave Dallas. Texas is my new home, Zaph.” seryosong sambit ko.
Humiga ako patihaya saka piniling tumitig na lamang sa kisame.
“Alam ko pero alam ko ring na-mimiss mo ang Pilipinas, especially Bicol. Doon tayo lumaki, doon ka natutong lumandi kaya alam kong mahirap na kinakailangan mong tumalikod at piliing ibaon sa limot ang lahat.”
Kumunot ang noo ko sa narinig.
“For the record wala pa akong linandi sa Bicol.”
Tumawa siya “Grabe sa haba ng sinabi ko ‘yon lang talaga ang pinansin. Napaka mo, Angel!”
I laughed “But seriously, I’m perfectly fine living abroad. I’ve meet a lot of people and received numbers opportunities in line with my career. Maayos na ako ro'n.”
Mahirap noong una, pero habang tumatagal natutunan ko na ring mapamahal sa lugar.
“The problem is, are you happy Angel?” natigilan ako sa naging tanong niya.
Oo naman, I’m happy and contented. I have everything that I need. Financially stable and the conflicts between my family was long solved.
But, at some point.. there’s still a hallow feeling in my stomach. Na kahit gaano pa ako kasaya kasama ang pamilya ko, parang may kulang pa rin.
Naramdaman ko nalang ang pagyakap sa akin ni Zaph matapos ang ilang minutong pananahimik ko.
“I know I’ve said this for I don’t know how many times already and I will repeat this again.” she trailed as she hugged me while lying on the bed.
“Karapatan mo ring maging masaya kasama ang taong nagmamay-ari ng puso mo. Alam kong natatakot ka muling sumugal pero ayos lang. It’s fine as long as you tried.. nakikita ko rin namang mahal ka pa ni Attorney, so why prolong the agony kung pareho naman pala kayo nang nararamdaman.” dugtong niya, hindi ako sumagot.
He already has a girlfriend .
“Pinapahirapan niyo lang ang mga sarili niyo. Feel niyo kasi mga teenagers pa na nagtataguan ng nararamdaman? Girl, ilang taon nalang lagpas ka na sa kalendaryo. Naunahan ka pang magkapamilya ni hapon!”
Pagkatapos ng naging pag-uusap namin natulog na rin kami. Grabe alas-onse na pala ng gabi.
When the sun rises, Zaph informed me of the activity for today which is Scuba Diving. Lumabas muna saglit si Zaph para puntahan si Ansel habang naiwan ako sa kwarto namin. Ilang minuto mula noong makaalis siya, nakarinig ako ng katok sa pinto. Nagdalawang isip pa ako kung pupuntahan ko ba at bubuksan o hindi. Thinking that it might be Drake again…
Agad kong tinawagan ang kaibigan upang tanungin kung kasama ba nila si Drake.
“O’o gaga, nandito siya. Bilisan mo ang pagkilos diyan at kakain na, ikaw nalang ang hinihintay.” she said, doon lang ako napahinga nang maluwag.
“Sige, salamat.”
Sinuklay ko muna ang sariling buhok habang nakaharap sa salamin. I was wearing a rash guard and a dolphin short pahiram sa akin ni Zaph. The clothes was new, may tag-prize pa nga.
Hindi halatang pinaghandaan ng kaibigan ko ang okasyong ito. Pinipilit niya kasing mag swimsuit ako pero hindi ako sumang-ayon.
Patuloy sa pagkatok ang tao sa likod ng pinto. Nang makuntento sa ayos ng kabuuan ko, I walked to the door before twitching the doorknob. My lips parted in complete shocked when I saw the person behind my close door.
“Henry?” gulat kong untag sa pangalan niya. He smiled, opening his arm on the air as if asking for a hug. Gulong gulo kong sinalubong ang yakap niya.
Bakita siya nandito? Saka paano niya nalamang narito kami?
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko ng sandaling kumalas ako sa kaniya.
Nakapusod pa rin ang mahaba niyang buhok. Nakasuot lang siya ng white t-shirt, at denim short. Litaw ang kwentas niyang may pendant ng crescent moon.
“Do I looked like a mess, ate?” tanong niya sa halip na sagutin ang tanong ko.
I closed the door behind me before leaning on it, eyeing him.
“No, but seriously Henry, what brought you here?”
Nasa Dallas siya ah.
“Doesn’t matter, didn’t you missed me?” he added, grinning.
Napasimangot ako.
“Hindi,” sagot ko habang nakatingin sa kaniya.
Henry cockily chuckled. He then placed his hand on my shoulder and we started walking. Nalilito pa rin ako kung paano siya napadpad dito. I mean, ang layo ng Pilipinas sa Texas.
“Zaphanaih invited me, and I was surprised that you're in Palawan. Beside, I frankly needs some rest, mabuti nalang at tumawag 'yong kaibigan mo.”
Naalala ko yung ginawang pagtawag ni Zaph noong unang araw namin dito. Wala akong alam na siya pala iyon.
“Ang layo ng bakasyunan mo at sa pagkakaalam ko one week lang ang leave mo.”
“You're always against everything that I’d do.” sabi niya saka pinindot ang ground floor nang sandaling makapasok kami sa elevator.
“Anong kontra ro'n? Sinasabi ko lang naman ang totoo, matagal nang tapos ang leave mo kaya nakakapagtakang nandito ka ngayon sa tabi ko.”
Hinayaan ko ang kamay niya sa balikat ko. I’m used to this anyway, napaka clingy niya as a friend. Kaya nga minsan naiisip ko na baka ako ang dahilan kung bakit hindi pa siya nag gi-girlfriend. Iniisip siguro ng mga babeng nagkakagusto sa kaniya na taken na dahil sa padikit-dikit sa akin .
“Ate, your baby is not a robot. Syempre kailangan ko rin ng pahinga, I can even stay here for a moth or even a year. I also need to visit my grandmother in Iloilo.”
Totoo naman 'yon, sa nagdaang taon grabe rin ang mga naging trabaho niya. His projects and appointments was no joke, idagdag pa ang pagpapatayo namin ng cafe. Back when he was still studying, nag mo-model din siya sa ilang sikat na brand ng mga damit. Minsan din nag endorse ng ilang mga produkto, iyon nga lang sa loob lamang ng L.A.
Well, lahat naman tayo deserve ng pahinga lalo na kung iniisip mong hindi mo na kaya at sobrang hirap na. It’s okay to rest for our own peace of mind.
Nang marating namin ang restaurant kompleto na sila. Ako.. kami nalang talaga ang kulang.
“Henry! Thank God, you made it!” sabi agad ni Zaph saka tumayo. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Ansel nang makita ang girlfriend na yumakap sa ibang lalaki.
Right, hindi pa nila kilala ‘to.
“You literary threatened me.” sagot ni Henry saka tumawa.
Napansin kong nasa amin ang lahat ng atensyon. Nasa isang lamesa sina Ansel, Drake, Zaph at Sofia. Hindi rin nakaligtas sa akin ang pagsalubong ng kilay ni Drake.
Naalala niya kaya ang ginawa niya kagabi?
“Baby..” tawag naman ni Ansel. Zaph then introduced Henry to everyone.
Nagpunta ako sa katabing lamesa nila Ansel kung nasaan sina Micah. I sat beside her, wala namang nakaupo so I assumed the seats belonged to us.
“Charles, dito!” sabi ni Micah.
Agad namang tumalima sa pwesto namin si Henry saka naupo sa katabi kong upuan. Ramdam ko pa ring pinagmamasdan ng isang tao ang bawat galaw ko.
“Kadarating mo lang?” tanong ni Micah, hindi na ako nagtakang puno na naman ang plato niya ng pagkain.
“Obviously, Micah..” ako ang sumagot, napasimangot siya.
“Yea, I head straight here, Mics.”
Nagtawag si Carter ng waiter na agad lumapit sa amin. Nag-order lang ako ng salad at crab sandwich since I am not a heavy eater especially in the morning.
“You can take a nap, Charles. Sigurado akong may jetlag ka pa.” Nagsimula akong kumain habang nag-uusap sila.
“I’m fine, Mics. I want to join them, tagal na rin noong huling bisita ko sa Pinas. I better enjoy this while it lasts.” paliwanag ni Henry.
“Ikaw ang bahala.” pagsuko ni Micah.
When the breakfast was over, I decided to went back to my room first. Kasama ko si Henry dahil magpapalit daw muna siya. He get the room next to ours, mabuti na rin 'yo at malapit lang siya.
“Henry samahan mo ‘ko mamaya, ah?” ani ko
I remember I still need to buy some clothes. Nauubusan na ako ng damit, baka mamaya wala na akong maisuot.
“Where?” Pareho kaming lulan ng elevator na maghahatid sa amin sa tamang palapag.
“Huwag nang magtanong, sumama ka na lang.”
Siya ang nakikita kong pwede kong isama since busy sa mga sariling jowa ang dalawa kong kaibigan. Hindi rin naman kami nag-uusap ng ibang babae.
“Always the grumpy one, ate.” aniya saka natawa.
Nang makabalik kami, nasa dalampasigan na sila at naghahanda para sa scuba diving na gaganapin. Nasa limang bangka ang naroon at may sariling mga coastguard.
“Babe, you’ll go with Henry right?” tanong ni Zaph, halata ang excitement sa mukha.
“Hmm, kasya ba tayo sa limang bangka lang?” I asked because we are actually fourteen. Kinakabahan ako baka lumubog ang bangka.
“Yes, tayo nila Attorney ang magkakasama sa pinakamalaking bangka. See that one?” turo niya sa nasa panghuli na may kulay asul. Mas malaki nga iyon kumpara sa natitirang apat.
“It’ll accommodate us six, don’t worry.” dugtong niya, hindi ako sumagot.
“Tara na guys! We’re missing the thrill here!” sigaw ni Patrick.
Naunang sumampa sa bangka si Zaph and I followed. Maganda ang sikat ng araw, perfect for the sea-sports we’re about to do.
“Let me give you a hand, ate.”
Henry hold my waist, helping me out and I didn’t complain. Mas mabuti na ‘to at mapapadali pa. Nang masigurong nasa maayos na posisyon na ako, sumunod siya. Sunod na sumampa ay si Sofia. Katulad ng ginawa ni Henry, Drake also held her waist..
“Ilang oras kaya ang biyahe, Zaph?” tanong ko.
“Thirty minutes, babe.” nag-uusap sina Ansel at ang kasama naming lalaki na sa tingin ko tutulong sa amin.
Hindi nagtagal nagsimula na ring gumalaw ang aming sinasakyan. I choose to stare in front.
“This is nice..” manghang tinuran ni Henry na nasa tabi ko.
Tumango ako. Ang ganda ganda nga ng lugar, masarap sa pakiramdam ang pag-ihip ng malamig na simoy ng hangin sa balat. After thirty minutes we stopped in the middle of the vast ocean. Nasa paligid lang din sina David.
“Aren’t you nervous?” tanong bigla ni Henry.
Zaph and Ansel were setting their scuba gear. Hinihintay lang namin matapos sila para kami na ang sumunod.
“Not really..” sagot ko.
This will be my first time, pero panatag naman akong magagawa ko ito ng maayos. Isa pa, na-excite ako sa mga makikita ko sa ilalim. I’m curios about the fishes that lived underwater. Ang alam ko lang kasi ay ang kumain..
Nang matapos sila at kami na ang sumunod, I patiently followed the instruction. The mask, snorkel and the fins. Kumaway sa amin si Zaph bago lumusog sa tubig. When we’re already secured, sabay kami ni Henry na lumusog sa ilalim ng dagat. At first I was conflicted with the equipment I was carrying, pero kalaunan nasanay na rin ang katawan ko.
Hindi nalalayo ang distansya namin ni Henry, na katulad ko’y natutuwa sa mga nakakasalubong naming isda. Sobrang dami, different size and colors and it was so fascinating.
Super worth it!
Sunod na ginawa namin ay snorkeling hangang magsawa kaming lahat. All the while we’re doing the activities, hindi ko pinapansin si Drake. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya kagabi and it seems he forgot about his shit. Well who cares.
“Let’s do the parasailing!” sabi bigla ni Zaph habang kumakain kami ng pananghalian.
“Game!” si David, halos nagkakasundo lang sila ni Zaph sa kung ano ang gagawin namin.
“Count me in!” si Ruiz.
“Your friend is so energetic. ‘Di ba siya napapagod sa ginawa natin?” sambit ni Henry. Magkatabi kaming dalawa sa cottage.
“Parang siya ang may birthday.” sagot ko.
Iyon nga ang ginawa namin matapos kumain at makapagpahinga. Sa kabila ng mainit na panahon, hindi pa rin napigilan ang mag parasailing. However, Carter and Micah choose to rest. We understand since Micah’s carrying their child. Sabi pa nga, better to be safe than sorry.
Nang sumapit ang hapon, nagpaalam na ako kay Zaph at Micah. I was seating in the lobby of the hotel, waiting for my companion. Binalikan niya ang wallet at kanina pa ako naghihintay. Around 20 minutes long.
Sobrang bigat yata ng wallet niya at hindi niya madala?
“Waiting for someone?” muntik na akong mapatalon sa gulat ng biglang may nag salita sa likuran ko.
Napatingin ako sa likod at nakita si Drake. Nakasuot ng sleeveless tee at khaki short. Lantad na lantad ang maugat na braso habang may pinaglalaruang susi sa kamay. Sa halip na sagutin, kinuha ko nalang ang cellphone ko para sana I-text si Henry ng bumungad sa akin ang limang text galing sa kaniya.
From: Henry
Ate.
'How the fuck did I end up being trapped in the elevator?'
'Is the power still not on?'
'I think, matatagal pa 'ko rito. You can go first, hahabol nalang ako..'
'I called Zaph and told her my situation. May pupunta raw riyan para samahan ka.'
“Wala bang kuryente dito? O generator?” wala sa sariling tanong ko subalit wala akong natanggap na sagot. Nag-aalala ako para sa kaibigan ko. Sa lahat ng pagkakataon ngayon pa talaga nawalan ng kuryente.
I answered him at sinabing kaya ko na ring mag-isa na lang. Sinubukan kong tawagan si Zaph pero hindi sumasagot, that only means I will go by myself.
Tumayo ako, napansin kong hindi pa umaalis si Drake sa kinatatayuan. Nakatitig pa rin sa mukha ko.
Kinunutan ko siya ng noo bago naglakad palabas. Pero ‘di pa man ako nakakalayo ng maramdaman ang presensya niya sa likod ko.
“Are you following me?” I asked before raising him a brow.
Tumaas ang sulok ng labi ni Drake “Precisely no, Miss Quijano. May pupuntahan ako and it happened that the entrance of the hotel is only one.”
Napairap ako sa hangin bago ipagpatuloy ang paglalakad. Doon ko lang napagtantong hindi ko alam kung saan pupunta at kung ano ang sasakyan. Wala rin akong nakikitang pwedeng masakyan bukod sa mga niyog at ilang bahay sa malapit ng La Maria.
Right, I could’ve ask some folks.
Linakad ko ang distansya ng unang bahay na malapit sa inuukupuhan namin. The problem is it was closed. Wala akong nakikitang pwedeng mapagtanungan, mga taong nasa labas ng bahay gano'n..
Napatingin ako sa malawak na daan. I don’t have any idea what is waiting for me at the end of the road kung lalakarin ko man..
May grab kaya dito?
I sighed. Ang lakas kong lumabas ng mag-isa tapos ngayon ito ang problema. Ngayon ko pinagsisihang kunti lang ang nadala kong mga damit.
Kaya sa huli, wala akong ibang pinagpilian kung ‘di ang maglakad. Nakatingin lang ako sa paligid na napapailibutan ng mga puno ng niyog. Iba rin talaga kung nasa probinsya ka.
Fresh air, no traffics, less expenses…
Hanggang sa magulat ako ng biglang may bumisina sa tabi ko. The windows in the driver seat rolled down.
“It will take a lot of your energy if you’ll just walk, malayo ang lalakarin mo hanggang katapusan.” sabi ni Drake.
I didn’t mind him and resumed on walking.
“Lower your pride for once, Angel. Sinasabi ko sayo, aabutin ka sa paglubog ng araw bago ka makapunta sa bayan.” sabi niya muli.
So what does he mean by that? Gusto niyang sumakay ako sa kotse niya at ihatid sa pupuntahan ko?
Aba, no way! I’d rather walk all by myself than to be with him in a closed space. Akala talaga niya maayos na kami.
“I heard there are wild animals circulating in this place. Have you notice why there are no houses built in this space?”
Natigilan ako, napatingin ako sa paligid at tama nga siya. Wala nang bahay sa parteng ito. It’s all tall grasses mixed with the coconut tress. Hindi ko alam kung nagloloko lang itong lalaking ‘to para mapasakay ako sa kotse, o sadyang totoo ang sinasabi niya..
Nagkibit balikat ako saka nagpatuloy sa paglalakad. His treats couldn’t change my decision. There is no way I would come with him. Bakit ba naman kasi ginosht ako ng kasama ko!
“Yes, Welbert?”
Hindi pa rin pala ako linulubayan ni Drake. Parang sinasabayan lang niya ang bawat lakad ko. Sinubukan kong bilisan ang bawat hakbang pero ‘di pa rin ako nakalayo sa kaniya.
“Oh, that must be awful, kawawa naman pala ang biktima.”
Kumunot ang noo ko, kausap niya si Welbert. Iyong binatilyong naghatid sa amin sa hotel.
“Alright, thank you for the information. Don’t worry I’m in my car right now, if anything I’m sure I could get away easily.”
Nang ibaba niya ang sariling cellphone, tumaas ang kilay niya ng makitang nakatitig ako sa kaniya. Hindi ko namalayang nakatigil na rin pala ako sa paglalakad.
“Si Welbert, pinapaalala lang sa akin na mag-ingat." Sabi niya, saka umarko ang gilid ng labi. "Lately daw kasi ay may natuklaw nang ahas, a sixteen year old girl.”
Umawang ang labi ko kasabay nang panlalaki ng sariling mata. What the? Seryoso ba? Napatingin ako sa paligid, binalot ng matinding kaba ang sistema ko.
“I better go ahead, Angel.” I heard him say, but my mind was occupied with the snake.
Ahas? Wala namang sinabi si Zaph na mayroon nga ah.
“Huwag kang magbiro ng ganyan, Drake.” pigil hininga kong untag.
He licked his lower lip, “Who says I’m kidding? You know I am not a liar. Who knows if there are worst than snake leaving in this area.” he said before shrugging his shoulder.
Ramdam ko ang pagtayo ng balahibo ko sa katawan. Worst than snake?
“Paano ba 'yan, mauna na ako. Ingat nalang sa paglalakad.” aniya pa.
Hindi ako nakapagsalita. I was rotted in place, thinking about morbid thoughts with the wild animals roaming around.
Umaandar nang muli ang sasakyan ni Drake, doon lang ako natauhan.
“Drake stop!” sigaw ko.
Ramdam ko ang paglakas ng tambol sa aking diddib sa isipang may mga hayop sa paligid. Hindi ko pa gustong mamatay, marami pa akong gustong gawin sa buhay!
I quickly jogged until I was next to the shotgun's door. He stopped the car and I hastily climbed off the seat. My breathing was uneven. Tangina, paano kung ako yung sunod na makagat ng ahas?
“Told you..” aniya may himig ng tuwa sa boses.
Hindi ko ‘yon pinansin dahil para akong mabibingi sa lakas ng kabog ng dibdib ko. I was trying to calm myself down since I am already secured. Paulit-ulit akong nagpakawala ng malalim na buntong hininga hanggang sa bumalik sa normal ang tibok ng puso ko.
Fuck, that was hell!
Hindi ako nagsalita buong biyahe hanggang sa huminto kami sa isang mall. Bago ako lumabas ay nagpasalamat muna ako. Wala akong alam kung paano niya nalamang dito ang pakay ko since hindi naman siya nagtanong. Pero siguro, dito rin ang sadya niya.
Pumasok ako sa loob ng mall, hindi ko napansing nakasunod pala si Drake sa akin.
“Zaph told me to accompany you, so stop complaining and get this done.” sabi niya bago pa man ako makapagsalita.
“Hindi na, kaya ko na ang sarili ko.” I replied.
Hindi ko siya pinansin hanggang sa mamataan ng mata ko ang botique na nagbebenta ng mga damit. I grab five pairs of clothes including my undies. Tahimik lang na nakasunod si Drake. Nang mabayaran ko ang mga pinamili, agad din akong lumabas. Alam kong may masasakyan na ako ngayon pabalik. Hindi ko na kailangan makisabay kay Drake.
Hawak ko sa kanang kamay ang mga paper bags habang sa kaliwa naman ay ang dalang pouch. Hindi pa man ako nakakalayo ng maramdaman ang paghawak ng kung sino sa kamay ko.
“Let’s have dinner first, I’m starving.”
I didn’t have the chance to complain because he dragged me without hearing my answer. Siya ang nagbukas ng pinto sa passenger seat pagkatapos nilagay ang mga pinamili ko sa backseat.
“Hindi pa ako gutom, Drake. Ibaba mo muna ako sa hotel bago ka mag dinner.” I put my seabelt on but I received no response from him. Instead he maneuver the car away from the parking lot.
Sa halip na sundin ang gusto ko, huminto ang sasakyan niya sa isang kaninan. Nagtataka ako kung paanong may kotse siyang nagagamit dito gayong hindi siya tiga rito.
“I said I am no yet hungry, bingi lang?” nagrolyo ang mata ko.
Drake glanced at me from the driver seat. Mahigpit na nakahawak siya sa manebela ng sasakyan.
“Angel,” he said my name out of nowhere.
“Ano?” kunot noo kong sagot.
Binasa niya ang pang-ibabang labi habang nakatingin pa rin sa akin, namumungay ang dalawang magaganda niyang mata.
“You are mine from the very beginning. Sa akin ka noon, sa akin ka pa rin ngayon. You understand, baby?” aniya sabaritonong boses , natigilan ako.
“I'll win you back in no time.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro