CHAPTER 46
Missed
“Fuck off, Damascus!” inis na sigaw ko bago tangkang isarang muli ang pinto pero hindi ko nagawa nang may kamay at paa ang pumigil dito. Sa kagustuhang masara ito ng tuluyan, I put all of my energy pushing it but it was a wrong move.
Ano nga ba ang magagawa ng isang kagaya kong babae sa matipuno niyang katawan?
“Ang tigas parin ng ulo mo. Don’t try me, Angel.” his voice is so dangerous but I stand on my ground.
Wala siyang karapatang pagbawalaan ako sa mga isusuot ko.
“Umalis ka, Drake! Huwag mong pakialaman ang buhay ko!”
Bakit ba siya nandito? Nasaan yung pinagmamalaki niyang love at ako ang pinepeste?
Kinabahan ako ng bigla niyang buksan ang pinto. It was easy as pie for him given his strength, mabuti nalang at hindi siya pumasok, nanatili lang sa bungad ng pinto. His jaw is locked tightly, umalon din ang adams apple.
“Nahihibang ka na ba huh? Wala kang pakialam kung ano man ang susuutin ko kahit pa maghubad ako! This is my fucking body!” nangangalaiti kong sigaw.
Bumilis ang paghinga ko.
“Instead of meddling with my personal life, why don’t you just fuck off, Drake? Yung girlfriend mo yung pagbawalan mo, huwag ako!”
His eyes darkened. Ramdam kong galit na siya at nagtitimpi lang but who cares?
“Don’t give me that fucking bullshit reason. You will change your clothes into more decent one or you will stay in this fucking room? You choose.” his cold voice holds no remorse as if threatening me.
Ayan na naman siya sa pagpapapili sa akin, napaka talaga ng lalaking ito!
Mariin akong pumikit. Patuloy akong huminga muna ako ng malalim, pilit pinapakalma ang sarili.
“You know what, Drake. Isaksak mo sa baga mo yang banta mo, dahil kahit anong sabihin mo itong damit ang isusuot ko. Manigas ka diyan!”
He is giving me mixed cignals. Napaka bipolar. One minute he is mad then one minute he's like this, acting as if he really care. Nagugulahan na rin ako sa pinaggagagawa niya. Hindi ko siya maintindihan.
Wala dapat pakialamanan right? He made it clear to me how he loathed me. Tapos ngayon aakto siyang ganito? He will act as a possessive boyfriend when in the first place, he is not in the position. Matagal nang tapos ang sa amin pero dahil sa ginagawa niyang ito…
Since wala akong nakitang pwedeng itakip sa katawan ko, I can go out with this alone. I have a body to die for anyway.
Inirapan ko siya saka naglakad palabas. Subalit, hindi pa man ako nakakahakbang ng matigilan ako.
“Damn!”
Napasigaw ako sa gulat ng bigla niya akong kargahin na parang sako ng bigas. Ramdam na ramdam ko ang paglapat ng mainit niyang palad sa dalawang hita ko.
“What the fuck, Drake? Ibaba mo 'ko!”
Nagpumiglas ako sa hawak niya pero lalo niya lang itong hinigpitan. The heat from his hand is waking the devil in me. Tangina niya talaga!
I tried kicking both of my legs on the air, hinahampas ko rin ang likod niya gamit ang dalawang kamay ko.
“Ibaba mo ako sabi eh! Tangina mong hayop ka!” hindi ko mapigilang mapamura. He then muttered a curse, mas hinigpitan niya rin ang hawak sa mga binti ko.
The moment his skin touched mine, it brought me back to the time when we were fine.. when he was mine..
Nag-init ang magkabilang sulok ng aking mata. Why is he acting this way? He is damn hurting me so bad.
“Shit! Why are you damn cursing? Yan ba ang natutunan mo sa limang taong pagtatago?!” sigaw niya bago ako pabagsak na binaba sa kama.
Binaon ko ang mukha sa unan at tahimik na hinayang umagos ang mainit na luha sa mga mata. Sa nakalipas na taon, natuto akong itago ang totoong nararamdaman sa ibang tao. Mababaw lang ang luha ko pero dahil sa mga mabibigat na pinagdaan, I need to concile my true feelings. Since crying won't lighten what I am suffering. Subalit ngayon..
Naghalo na ang bigat na nararamdaman, feeling frustrated, the irritation and the greatest factor which is missing him.
Yes, I damn missed him. And now, looking at him with his new girlfriend.. saan ba ako dapat lumugar?
“So now you’re crying .” mapanuya niyang dugtong.
Mas binaon ko pa ang sarili sa unan. Wala nang pakialam kung nakikita man niya ang likod na bahagi ng katawan ko. He has seen me naked anyway.
Lumipas ang ilang minuto, hindi siya nagsasalita at tanging impit na tunog ng iyak ko ang namayani sa buong silid hanggang sa hindi ko mapigilan magsalita.
“I hate you.” bulong ko pero dahil sa katahimikan, hindi na ako nagtaka at narinig din niya ito.
Pagak siyang tumawa “Of course you do. You hate me to the point that you choose to leave me, and then what? You will comeback with the audacity to act innocently?” aniya.
Natigilan ako. Biglang huminto ang pag-agos ng luha ko. Even without looking, I can already picture his clenched jaw..
“Now get dressed, Angel. I will only give you five minutes. I fucking hate waiting.” pagkatapos niyang sabihin iyon ay narinig ko na ang mga yabag niya papalayo.
Nang marinig ko na ang pagbukas at sara ng pinto, doon lang ako naglakas ng loob na tumihaya. Akala ko babalik akong Dallas ng hindi napag-uusapan ang nangyari noon. I also thought he already forgot about what happened since he looked fine after those years. Nakamove-on na siya, nakalimutan na niya ang ilang buwang relasyon namin given that he has a girlfriend already.
I didn’t expect him to say those words…
Nanlulumo akong tumayo mula sa kama. I walked to where my clothes is and find a plain shirt and cotton short.
I hate how manipulative he is.
Hindi na ako nag-abalang hubarin ang suot na bikini at pinatungan nalang ng dalang t-shirt. I looked at my reflection once again and saw how my eyes instantly become puffy.
Sobrang bigat din ng dibdib ko. What does he mean by that?
Nang buksan ko ang pinto, nakasandal na siya sa kaharap na pader. His arms were crossed over his chest. Agad na nagtagpo ang mata namin and I immediately avoided his gaze. Dahil sa sinabi niya, nawala ang tapang kong sagot sagutin siya.
He just made it sound like it was my fault. As if leaving him that time was an impulsive decision.
Tumikhim siya bago nagsalita. “They’re at the cottage, Zaph told me to fetch y—”
“Mauna na ako.”
I turned my heels around and started walking. Naghintay ako ng ilang sandali sa labas elevator. Hindi ko siya binalingan ng tingin kahit nang maramdaman ang pagtabi niya sa akin.
Umusog ako ng kaunti. When the elevator dinged, napahinga ako ng maluwag ng makitang may dalawang kalalakihan ang lulan nito.
I step in and Drake followed. Si Drake ang pumindot sa numero ng ground floor. The two man was silent and so am I. I was staring at the changing number.
Paglipas ng ilang sandali, nagulat ako ng maramdamang hawakan ni Drake ang baywang ko. I can feel his presence at the back making me stood still. Nanuyo bigla ang lalamunan ko lalo na nang maramdaman ang paglapit ng bibig niya sa aking tainga.
“You’re showing much of your skin woman, those men were ogling at your legs. Dammit!” he whispered.
I pressed my lips together to prevent myself from talking which I am sure will put me in shame.
Hindi pinakawalaan ni Drake ang pagkakahawak sa baywang ko hanggang sa bumukas ang elevator saka lumabas ang dalawa. Mabilis akong lumayo sa kaniya, malaking pasasalamat ko nalang at binitawan din niya ako.
Mabilis na kumakabog ang dibdib ko. I am damn wipped! Tuwid lang akong nakatayo habang nakatingin sa harapan, pero kahit ganun ramdam ko parin ang paninitig niya.
Nang bumukas muli ang elevator nauna akong maglakad sa kaniya. I looked back and sigh in relief when I didn’t see him tailing me. Hindi ko alam kung saan siya nagsusuot.
Sa likod ng resort ako dumiretso, bumungad naman sa akin ang malawak na karagatan at pinong buhangin. May ilang naliligo na sa dagat at yung iba naman ay nanatili lang sa cottage. Some were also playing volleyball.
La Maria Hotel ang inuukupahan namin. Ang ganda ng ambiance plus their crew is very friendly. Hindi nakakasawang balikbalikan ang buong lugar.
Agad na namataan ko sa ‘di kalayuan ang kinaroroonan ng mga kasamahan. David wave his hand when he saw me approaching. Nasa unahan siya kaharap naman ay si Cy.
“Gising na ang mahal na reyna!” pambwebwesit agad ni Patrick.
He is holding a balloon. Hindi ko siya pinansin sa halip ay lumapit sa pwesto ni Zaph. As usual naka lingkis na naman sa kanila ang mga kapareha.
“Nasaan si Drake? Ang tagal niyo naman, kumanta nalang tuloy kami kahit wala kayo.”
Nilibot ko ang paningin sa buong cottage at doon ko lang napansin ang pagkakaayos niya. May mga lobo sa bawat sulok at may tarpoline din.
“Let me guess, si David at Patrick ang may pakanan ng lahat ng ‘to?” tanong ko sa kaniya. Kumuha ako ng paper plate saka naglagay ng pagkain na nasa lamesa.
Humalakhak si Zaph “Napakagaling mong manghula, babe! Ansel’s reaction when he saw this was fucking epic!”
Tumawa rin ako. The decoration was actually meant for kids. I mean, base sa napapanood at nakikita ko, kung sino man ang makakakita ng cottage namin ay iisiping bata ang may birthday.
Tahimik akong kumain habang paminsan minsan nakikipag-usap sa kaibigan. Nalaman kong buong araw lang muna kami sa La Maria. Mamayang gabi ay may bonfire and for now, maligo daw lang muna sa beach. Then bukas at sa makalawa, we’ll try different activities katulad ng scuba diving.
Hindi nagtagal ay dumating si Drake kasama si Sofia. Nag-iwas ako ng tingin ng mapagawi sa banda namin ang kaniyang mga mata.
The memory was still vivid on my mind how his hand connects on my skin.. at iba ang epekto nun.
“Zaph pasuyo ng tubig.” she’s looking down on her phone.
Inabot naman niya ang baso saka pitsel ng tubig.
“Where is Micah?” tanong ko.
Napansin ko kasing wala siya pati narin si Carter, wala din naman sa room namin.
“Masama daw yung pakiramdam. She was here earlier pero may nakain yatang bawal at ayun nagsusuka.”
“Huh? Wala naman siyang allergy sa kahit anong foods right?” I asked
Sa pagkakaalam ko, sa aming tatlo si Zaph ang may allergy sa pagkain which is the peanut.
“Yes, pero okay na rin 'yon. Nandoon naman si Carter.”
I was worried but thinking that Carter is with him, panatag akong aalagaan niya ang kaibigan ko. Nang sumapit ang alas-dyes ng umaga they decided to swim.
“Ano ba yang suot mo, babe! Wala ka bang dalang swimsuit? Sana sinabi mo at may extra ako, bago pa.” talak ni Zaph, hindi makapaniwala sa suot kong damit.
Napasimangot ako ng may maalala “Okay lang ‘to, Zaph.”
Nasa dagat na silang lahat at kami nalang ni Zaph ang natitira.
“Hindi yan pwede sa akin, halika magpalit ka muna.” pamimilit niya. She’s wearing a Plunge neckline swimsuit.
“Wag na, ayos na nga ‘to.” tanggi ko.
Dahil hindi sana ito ang isusuot ko kung hindi lang sa isang taong pakialamero.
Hinila ko na siya papuntang dalampasigan para hindi na niya ako mapilit. She was frowning as she gaze my whole body.
“Hindi naman required na magsuot ng bikini kapag beach ang pinupuntahan, Zaph.”
“Required sa akin magsuot, Angel. Bukas kailangan naka bikini ka, hindi ka lalabas ng kwarto kung hindi ‘yon ang suot mo.”
Agad na yumakap sa katawan ko ang malamig na temperatura ng dagat. May kaniya kaniyang gawain ang mga kasama ko. David and Patrick was fighting.. nakaangkas sa balikat nila ang kanilang mga girlfriend at 'yong dalawang babae ang nagtutulakan. Habang mula sa gilid ng aking mata, namataan ko sina Drake sa may malalim na parte nang dagat..
Nang makita kami ni Ansel ay agad itong lumapit.
“Hi, Angel!” Ansel run his finger on his wet hair.
Tipid lang akong ngumiti.
“Pwedeng mahiram itong kaibigan mo?” napatingin ako kay Zaph na busy sa pagkukuha ng larawan. Her phone was waterproof, hindi ko alam kung anong model ng iPhone basta ang segurado ako mahal yun.
“Paano kung sabihin kong hindi pwede?” Mag bebe time na naman sila at maiiwan na naman ako.
Nasaan doon ang hustisya?
Ito talaga ang mahirap sa tuwing may outing ang magbabarkada at dala nila ang kanilang mga jowa. Palaging kawawa yung walang madadala.
“Kidding, sige na go..” pagbawi ko, agad na lumiwanag ang mukha niya bago binuhat si Zaph. Napailing ako ng marinig ang malakas na tawa ng kaibigan.
Nang umalis sila sa harapan ko, lumapit naman si Ruiz.
“Dito ka lang, Angel? Mas masaya kung sa malalim ka.” sambit niya. Nasa mababaw lang kasi akong bahagi ng dagat habang karamihan sa kanila ay nasa malalalim.
Napatingin ako sa babaeng kasama niya at nakitang kasama ito ng natitirang jowa ng kaibigan niya.
I shook my head “Maayos na ako dito.”
Tumawa siya “Okay, but if you want we can go there. I’ll accompany you.”
Tumaas ang kilay ko while Ruiz was grinning.
“Hindi na kailangan, Ruiz. Hindi naman ako lumpo para magpasama pa sayo.”
Inirapan ko siya saka siya napahalakhak. Matapos ang halos sampong minutong pagbabad, umahan ako at saka bumalik sa cottage.
I sighed, I forgot to bring my towel. Wala tuloy akong maipupunas sa katawan ko.
Dumiretso ako sa lalagyan ng tubig saka nagsalin sa baso. Tumutulo pa ang dagat mula sa buhok ko pati narin sa damit ko. Nagbaba ako ng tingin at nakita ang paglantad ng bikini ko. I was wearing a white t-shirt plus the cotton short was light in color.
Napailing ako bago binaba ang basong hawak. Aalis na sana ako para bumalik ng hotel subalit natigilan ako ng makita si Drake na naglalakad papunta sa gawi ko.. no I mean sa cottage.
He’s only wearing a board short, topless. I gulped when my eyes witness how perfect his body is. Kung maganda ang katawan niya noon, mas nahubog na yata ngayon. His abs glisten with the sea water, and his V-line. Kumikinang iyon na akala mo..
Napakurap kurap ako. What actual fuck, Angel?!
It took me a lot of courage to move my feet that seems to be glued on the ground. Ngunit, sa kasamaang palad bago pa ako makaalis ay nakatayo na siya ilang hakbang ang layo mula sa akin.
I looked away but the ghost of smirk on his face didn’t missed my eyes.
Huminga ako ng malalim bago tumalikod, nakakailang hakbang palang ako ng tawagin niya ang pangalan ko.
“Angel…” aniya sa buo at malalim na boses.
Napalunok ako, nag-iisip kung ano ang dapat gawin. Should I answered him or not? His words is still bothering me, he technically left me hangging. Pero sa isipang hindi na naman maganda ang lalabas sa bibig niya.
“What?” suplada kong tanong.
Lumingon ako sa gawi niya saka siya pinagtaasan ng kilay. May hawak na siyang towel at nagpupunas ng katawan.
“Here, take this.” sambit niya bago naglahad ng tuwalya, iyong hindi pa nagagamit base sa pagkakatupi niya.
“Salamat pero ‘di na kailangan.”
Tumaas ang kaliwang makapal niyang kilay. I was just looking at his face that’s why when his eyes darted down on my body..
“You will walk back to your room with that kind of look?” dugtong niya, hatala na sa boses ang pagkakairita.
Ayan na naman siya, bakit ba lagi niyang problema ang mga suot ko? Eh yung girlfriend niya nga doon na halos kita na ang kaluluwa wala siyang reklamo.
“Yes,” I directly answered.
From my peripheral vision, I saw Sofia walking towards us. Nakatalikod si Drake sa kaniya kaya hindi nito namalayan ang paglapit ng kasintahan.
His eyebrows creased “Just accept—”
“Love..”
Natigilan siya ng marinig ang boses Sofia. She’s wearing a two piece string bikini, lantad na lantad ang makurba niyang katawan ngunit.
Bakit hindi siya ang pagbawalan ng lalaking ito?
He just let his girlfriend walked under the sun with those kind of clothes. Tapos kung makaarte siya sa akin?
Napailing nalang ako saka tumalikod ako bago pinagpatuloy ang paglalakad. When I reached our hotel room, I changed into maxi dress. Naglagay narin ako ng sunblock dahil ang sakit sa balat ng sikat ng araw. I also wore the brim straw hat, bigay ito ni Micah tig-isa kaming tatlo.
Nang makabalik ako sa cottage ay kompleto na sila.
“Miss Cr!” hindi ko pinansin ang pagtawag ni Patrick saka dumiretso sa katabing upuan ni Micah.
“How are you?”
I asked soon as I was seated beside her. She looks pale, para talagang may mali sa kaniya. Napapansin ko nitong mga nakaraang araw. Her obsession with foods, and her sleeping habit.
She smiled “Of course, babe. No worries.” sagot niya.
My eyes narrowed at her.
“Just want to make sure. We should always be mindful of our health, mahirap nang magkasakit sa panahon ngayon.” I answered
Nakita kong tumayo si Zaph mula sa kabilang bahagi ng cottage kung saan katabi niya si Ansel para lumipat sa pwesto namin.
“Nakakagutom maligo ng dagat!” she exclaimed, her mouth is still full with her food.
“Ikaw ba Mics, ayaw mong maligo?” tanong niya kay Micah ngunit wala sa amin ang atensyon niya. She’s looking at someone.. to Carter to be more specific.
“Hoy, hapon!”
Micah blinked her eyes before swallowing hard. She looks anxious.
“Micah are you sure you’re fine? Pwede tayong pumunta sa hospital and have you checked.” nababahala kong tanong.
Umiling lang siya saka tinawag si Carter. Nakatingin lang kami sa kanila lalo na nang tumayo sila sa unahan.
“Ah guys, we have an announcement to make.” Carter uttered with his serious voice. Nagkatinginan kami ni Zaph.
“Anong mayroon, Zaph?” bulong ko sa kaibigan.
“Don’t know either.” nagkibit balikat siya bago pinagpatuloy ang pagkain.
Pinanatili ko na lang ang tingin sa harapan. Mula sa gilid ng aking mga mata, napansin ko na naman ang paninitig ng isang tao. Masyado na talaga siyang creepy..
“Is that a giveaway, dude? Ako, gusto ko Austin Marin ah. Matagal ko nang hinihingi ‘yon, napakadamot mo lang!” nangungunang saad ni David.
“Ang dami mo nang sasakyan gago!” Carter fired back.
“That is what we called collection, dude!”
“Ulol!”
Napansin ko ang pagiging tensyonado ni Micah sa gilid niya. She’s avoiding our eyes, nakatingin lang siya sa buhangin.
“Shut it up, David. Be serious for once.”
Natahimik ang paligid ng magsalita si Cy. He’s voice is so low, lalaking lalaki pa rin.
“Thanks, dude. So here’s the tea..” sagot ni Carter habang nakangisi.
Napasimangot si Micah saka pinalo sa braso ang katabi. Carter then chuckled before wrapping his hand on her waist.
Ano ba kasi ‘yon? Napakatagal naman ah!
“So ahm..” he trailed. Napalingon siya sa amin isa-isa bago nagpatuloy.
“I’m going to be a father eight months from now.” he said, smiling widely.
Ilang segundong natahimik ang buong cottage hanggang sa makabawi sila at kaniya-kaniyang hiyawan.
Umawang naman ang labi ko, did I hear him right? Buntis si Micah?
“Woa, congrats dude! Ang galing mong mag shoot!” muli, sambit ni David.
“Tangina, pare sinagad talaga!” si Patrick saka tumawa.
Wala akong maintindihan sa pinagsasabi nila. I was still processing the information very well. So buntis yung kaibigan ko? I’m going to be a ninang soon?
That justify her weird cravings and mood. I’ve heard kapag buntis daw laging antukin at matakaw.
“Micah is six weeks pregnant with our first child.” Carter added with a triumphant smile on his face.
“Ay may plano pa palang dagdagan!” si Ruiz.
Nagsalitan sila sa pang-aasar kay Carter habang ako ay binalingan ng tingin si Zaph.
“So alam mo 'to, Zaph?” I asked since she doesn’t looked surprised.
Umikot ang mata niya. She grab first the glass of water and drank it straight before answering me.
“That’s basically obvious, babe. Kita mo yung kaibigan natin nagmukha nang baboy sa kakakain at tulog.” sagot naman nito.
She has a point..
“You’re so mean, Zaphanaih!”
Hindi ko namalayang nasa tabi na rin pala namin si Micah.
“Just giving my opinion, Mics.” kibit balikat na sagot ni Zaph. Napasimangot ang huli.
“Ah, congrats Micah!” pagbati ko.
Ngumiti siya sa akin ng malawak.
“Thank you, babe! Buti ka pa may pakiramdam.”
I laughed, “Pinaparinggan mo ba ako, hapon?” tanong naman ni Zaph.
“Why? Tinamaan ka ba, babe?”
“Actually no, may pakiramdam ako mga bebe. Ansel can attest to that.” she confidently rebutted.
The group was so overwhelmed about the news. Ngayon palang mahal na mahal na nila ang bata. Well their son or daughter will be the first baby of the group. So I am certain the kid will be spoiled by this men.
Nang sumapit ang gabi, nagkaroon nga ng bonfire. Nakapalibot kaming nakaupo sa harap ng apoy. The boys organized this, they even had to grilled some meat, hotdog and marshmallow. Katabi ko si Zaph, pati narin si Micah. So nasa gitna nila akong dalawa. Pero mukhang hindi maganda ang pwestong ito dahil nasa harapan ko lang si Drake.
“Let’s play guys.” si Ruiz habang dala dala ang bote ng beer.
I forgot to mention that they’ve been drinking since I can remember. Mga may tama na rin ng alak but they can still talk and walk straight. Mukhang hindi na bago ang pag-iinom.
“What game, Nicholas?” tanong ni Sofia, she’s leaning on Drake’s chest. His hand wrapped around her waist.
Nag-iwas ako ng tingin. I can feel the familiar ache in my chest as I watched how he secured her possessively. Napalunok ako ng ilang ulit.
“Truth or dare.” the girl Ruiz is with answered.
“Yikes, that’s too common. Something thrilling naman.” si Sofia
Tumawa ang kalalakihan.
“How about, shot or dare?” si Patrick
Napatingin ako kay Zaph at saka lumapit para bumulong.
“Pwede akong mauna na?”
I don’t want to join this silly game. Buong araw na din naman nila akong kasama, so tama na ‘yon.
“Maaga pa, babe. Dito ka muna.”
I shook my head.
“Ayaw ko, Zaph. Sunod nalang kayo sa akin.”
Wala na siyang nagawa ng tumayo na ako. But before I could even take a step, David halted me.
“Ang KJ ni Miss Cr, laro lang eh!”
Nasundan ng parehong hinaing ni Patrick at Ruiz. My eyes darted to Drake and like a constant reaction, I looked away. He’s stare is so severe, I might collapse.
“I’m sleepy David, bukas nalang ulit.”
Sa kabila ng sari-saring reklamo nila, nagpatuloy ako sa paglalakad. The cold blew of the wind makes me shiver. I almost forgot, I am still on my dress.
Nang marating ko ang lobby ng hotel, the receptionist greeted me and I greeted her back. Dumiretso ako sa elevator at naghintay hanggang sa bumukas ito. I tapped my foot on the ground and when it opens, I sighed in relief when I saw no one inside. Pumasok ako roon saka pinindot ang palapag ng room namin.
However, the door was half close, nang biglang may kamay na pumigil dito. My breathing hitched when the owner of it was revealed. Madilim ang mukha niya… umiigting na naman ang pangga pero namumungay ang kaniyang mata.
Siguro dahil sa kalasingan?
“You really think you could get away from me huh?” My brows furrowed in confusion.
Ano na namang pinagsasabi ng lalaking ‘to?
Tuluyan siyang pumasok at tuluyang sumara ang pinto ng elevator, leaving me with Drake..
Nakuyom ko ang magkabilang kamay ng magsimula siyang humakbang papalapit. His familiar perfume mixed with the smell of alcohol instantly invaded my nostrils.
Nagulat ako ng bigla siyang bumagsak sa katawan ko. Pero kahit ganun, hindi ko parin maramdaman ang bigat niya. Para lang akong tuod na nakatayo sa gitna ng elevator lalo na nang maramdaman ang pagyapos niya sa katawan ko.
“B-Baby..”
He murmured, pero hindi ko ‘yon narinig sa halip ay mas naramdaman ang paggalaw ng labi niya sa leeg ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko..
“Baby, I miss you… Come back to me now, hmm? I damn missed you so bad.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro