CHAPTER 44
Palawan
Pagkatapos ng tawag naligo muna ako saka muling bumaba para uminom ng gamot. Wala sila nang lumabas ako, maybe in their respective rooms. I headed towards the kitchen and looked for their medicine kit.
Thankfully, the pain in my head subsided upon drinking the medicine. After that, I went back to my room again and lay on the bed. Base sa orasan sa cellphone ko it’s quarter to ten already. Hindi ko pa rin maramdaman ang gutom kahit magtatanghalian na.
Pinikit ko na lamang ang aking mata, umaasang makakatulog ako but the scene from earlier cease me.
Malakas akong napa-buntonghininga. Pumayag naman si mama na mauuna akong umuwi sa Dallas, bukas. She choose to understand me kahit hindi ko sinabi ang dahilan. Pinaalam ko rin kay mommy ang naging desisyon ko and she agreed. Kasalukuyan silang nasa Bicol ngayon.
I decided to book my flight this evening plus, I still need to tell my friends. Hindi ko naman na kailangan bumalik ng Laguna at sila Mama nalang daw ang magdadala ng mga gamit ko.
Nang sumapit ang hapon, doon lang ako nakaramdam ng gutom. Inayos ko muna ang sarili bago lumabas ng kwarto. I saw Micah eating pizza on the dining, siya lang mag-isa.
“Nasaan si, Zaph?” umupo ako sa harapan niya saka kumuha ng isang slice, dalawang kahon naman ang nasa lamesa eh.
Micah chewed the food first before answering my question.
“Sinundo ni, Ansel. I don’t know where they are right now.” sagot niya saka muling kumagat sa pagkain. I nodded.
“Hmm, sino nga pala ang kasama mo kagabi?” tanong ko, natigil ang akma niyang pagkagat ng pizza sa biglaan kong tanong.
“Sa bahay nga lang ako, babe.” she said before avoiding my gaze.
“Bakit ‘di mo kami pinagsabihan? I was so worried last night you know.” I narrowed my eyes at my friend whose face looks flushed.
“A-Ah ano kasi.. biglaan, alam mo naman yung kaibigan natin hindi ako papayagan nun kung magpaalam pa man ako.”
“But still you could’ve informed us.” I shrugged my shoulders. Napalunok siya at bigla nalang tumayo bitbit ang dalawang kahon ng pizza.
“Hoy gaga! Saan mo yan dadalhin? Kumakain pako dito, Micah!” I said in annoyance, my brows knitted together.
“Sa kwarto lang ako, Angel. Mag-order ka nalang nang sa'yo, kulang pa nga ‘to sa akin eh.” natatawa niyang sagot.
“Isa nalang, Mics. Damot mo naman, ang dami niyan hindi yan magkakasya sa tiyan mo.” hirit ko.
Sinamaan niya ako ng tingin. “Hindi pwede, kulang na kulang pa nga ‘to babe. Bawal akong magpagutom kaya um-order ka nalang diyan!”
Aba talaga! Dalawang kahon ng pizza kulang pa sa kaniya?
Nahahapong nagpangalumbaba ako sa lamesa. Nagugutom na talaga ako, ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko, because frankly I haven’t ate anything since this morning.
Kaya wala akong ibang nagawa kung ‘di ang um-order ng pagkain. And when the food arrived, I instantly devoured it. Hindi ko na inimbitahan si Micah since kumakain narin naman yun, isa pa hindi ko mauubos lahat ng ito so may makakain pa siya kung gustuhin man niya.
Bumalik akong muli sa kwarto pagkatapos. While sitting on my bed an idea pop into my head. I shut my eyes tightly, I’m just curious to this Prosecutor, wala namang masama kung susubukan ko ng isang beses right?
I sighed, I played with my phone first, looking at the screen from time to time, meditating whether to do my stupid idea or not. Pero sa huli, nanaig parin ang kuryusidad sa akin.
Pikit mata kong binuksan ang instagram app. My account was private, black background lang din ang profile picture ko habang may lima akong post all about nature. Misan bulaklak, o di kaya’y paglubog ng araw.
Sofia Grace Perez.
I typed his name on the search button at marami ang lumabas. Hindi ko alam kung saan ang totoo but I’ll go with the first option. The username is im_SofiPerez and it seems that this account was the one I am looking for.
She has fifty thousand one-hundred thirty followers, ang dami ah. She followed only one account though. Tinignan ko lahat ng post niya, kadalasan nakasuot siya ng formal dress and some were selfies. She’s really a beauty. Ang ganda niya at hubog na hubog ang katawan. Every post has a thousand’s of comments. Mostly, complements.
Nag-scroll pa ako pababa hanggang sa umabot ako sa panghuli niyang post which is a picture of her and her parents I guess. So far wala naman silang picture ni Drake na magkasama.
I groaned low. Ano ba itong pinaggagawa ko? I looked like a fucking stalker!
Isasara ko na sana ang application ng matigilan sa nakitang profile picture niya. It was only a silhouette.. a silhouette of two man on a beach. Sunset ang background nila at ang ganda ng pagkakakuha. Naningkit ang mga mata ko, sinusuri ng mabuti ang larawan. The two were standing sideward from the camera, nakayapos sa likuran ng babae ang lalaki.
Natigilan ako, nabitawan ang cellphone na hawak ng mag-sink-in sa utak ko ang dalawang bulto ng tao. It was them.. sigurado akong sila ‘yun. From his side profile, it was clearly them. Drake and Sofia.
My chest contracted in pain, bagay na bagay sila...
I close the application right away before I could even see more photos of them that will surely shatter my heart. I have to accept this. I need to accept the fact that he is no longer mine..
Kinagabihan, nag-aya si Zaph na mag movie marathon sa kwarto niya. I agreed since this will be our last bonding before I went home.. my new home.
“Zaph yung High School Musical panoorin natin.”
Micah requested when we’re all seated. Magkatabi lang kaming tatlo sa malaking kama niya, nasa gitna nila akong dalawa kaharap ang kaniyang malaking flat-screen tv.
“Nakailang beses na ba natin napanood ‘yun? Maiba naman tayo, Mics.” Zaph answered, hawak niya ang remote at pumipili ng palabas sa kaniyang Netflix.
“Eh yun ang gusto ko, Zaphanaih!” hirit ni niya pero binalewala lang siya nang huli.
“Eto maganda ‘to,” narinig ko nalang ang mahinang pagdaing ni Micah dahil hindi ang gusto niyang palabas ang panonoorin.
The Hows of Us
"I’m not a fan of KathNiel but this movie hits fucking different.” komento n Zaph. We fell into silence when the movie started.
Nakapatay ang ilaw at tanging liwanag na nagmumula sa tv ang bumabalot sa buong silid. We are all quiet, the attention were solely on the film. This feels nostalgic, noon ganito rin kami sa tuwing walang pasok. Minsan sa bahay nila Zaph o kaya kay Mics then sometimes in our house in Bicol. Ito ang pinagkaabalahan namin sa tuwing wala kaming ginagawa.
I somewhat missed Bicol. I didn’t got to visit the place since I went here. But maybe, bago ako bumalik ng Dallas, mabisita ko kahit sandali lang ang lugar na kinalakihan ko. Nandoon naman sina Mommy at Daddy..
Matapos ang halos dalawang-oras, nakatapos kami ng tatlong palabas. Nang tignan ko ang mga katabi ko, si Zaph nalang ang gising si Micah ay natutulog na nakasandal ang ulo sa balikat ko.
“Matutulog ka na, Angel?” Zaph asked, nakatayo na siya at pinapatay ang telebisyon.
“I’m not yet sleepy, ikaw ba?”
Nagtulungan kami para maiayos ang pwesto ni Micah sa higaan.
“Dito mo na siya patulugin, she looked so worn out.” ani ko.
Pareho kaming nakadungaw sa natutulog na kaibigan.
“Yun ang plano ko, I don’t have the heart to disturb her peaceful sleep.”
Ang weird na talaga ng kaibigan namin. Palaging antukin.
“Ah by the way, Zaph may sasabihin ako.” I said out of context.
Nakapagpa-book na ako ng ticket bukas ng gabi, alas-otso. Alam narin ito ni Mama at Mommy pero nangako akong bibisita bukas ng maaga sa Bicol.
“Ako rin may sasabihin.” sagot din niya.
“Sige ikaw na muna.”
I walked toward her leather couch and sat comfortably. Habang siya ay piniling umupo sa armrest nito. Inayos ko muna ang suot na pantulog, we are both in our nighties.
Zaph smiled, kumunot ang noo ko. Na-trauma na yata ako sa mga ngiti ng babaeng ‘to.
“Ansel’s birthday will be tomorrow. We’re planning to celebrate it in Palawan and you are invited. So pack your things now babe, mamayang alas- tres tayo aalis dito.” she’s smilig wildly. Natigilan ako.
“That was our dream when we were teens right? Kaso hindi nga lang tayo pinayagan ng mga magulang natin dahil malayo, but now we can finally visit our longest dream destination. Gosh, I can’t wait!” dugtong niya, malaki ang kaniyang ngiti.
She’s right, pangarap namin noon ang makapunta sa Coron Palawan, hence we’re not allowed since we are still young.
“This is actually the main reason why we brought you here, mabuti nalang at nakauwi ka rin sa wakas!”
“Hindi ako pwede, Zaph. Uuwi na ako bukas.” I trailed. I saw how her bright smile faded. Parang nawala ang kislap sa mata niya ng sandaling sabihin ko ang mga katagang iyon.
I nibbled on my lower lip. Dapat pala ako nalang ang naunang magsabi ng balita. Mukhang mahihirapan akong kumbensihin ang isang ‘to.
“Uuwi? Sa susunod na linggo pa ang uwi niyo diba? Isa pa, alam naman nila tita Abigail na kasama mo kami, if you’re worried about them ako na ang bahalang magpaliwanag.” napuno ng kalituhan ang mukha niya.
Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga. I closed my eyes before re-opening them again.
“I’ve already booked my flight tomorrow evening babe. To Dallas, Texas .”
Suddenly, both of us felt into a serene silence. Nakatingin lang ako sa mukha niya, umaasang mauunawaan niya ang rason ko. Pero alam kung mahihirapan akong mapapayag siya lalo’t isa ito sa mga pangarap namin noong kabataan.
Her face become stern. Nawala ang emosyong pinapakita niya kanina lang. We are just staring at each other’s eyes as seconds passed by.
“Okay, have a safe flight then.” malamig niyang sagot saka walang pasabing tumalikod at lumabas ng kaniyang kwarto.
I know I’ve hurt her. Base sa pagbabago ng ekspresyon ng kaniyang mukha, alam kong nasaktan ko siya. They knew my flight is due next week particularly Friday, and it’s still Thursday, may ilang araw pa sana kaming magkakasama pero dahil sa pansariling rason.
I sighed.
Am I being selfish?
Paglabas ko ng kwarto, hindi ko nakita ang anino ni Zaph sa bawat sulok ng kaniyang condo. May pag-iingat kong binuksan ang guestroom na tinutuluyan ko. I lay my back on the soft mattress of my bed before closing my eyes. Subalit, lumipas ang ilang sandali hindi parin ako dinadalaw ng antok.
Zaph pained expression bothered me. I frustratedly palmed my face. I can’t leave knowing that she is mad. They are my friends.. my sisters, at alam ko ang pakiramdam ng mabigo ng isang kaibigan.
Malakas akong napabuntonghininga. I grab my phone on the night stand, I have to do this.. or else I’m afraid I will lose one of my friend. Ilan nga lang sila, babawasan ko pa ba?
I set my alarm clock thirty minutes before three o'clock. Bahala na, hindi naman siguro muling magtatagpo ang landas namin. Base na rin sa kwento ng mga kaibigan ko, Drake is a busy person.
Bumalik ako sa pagkakahiga, nang subukan kong ipikit ang mata doon lang ako tuluyang kinain ng kadiliman.
Nagising ako kinabukasan dahil sa patuloy na pagtunog ng cellphone ko. Pupungas pungas akong tumayo saka ito pinatay. I grab my towel and robe before entering the comfort room.
When I was done with my morning routine, I took my luggage just below my bed. I brought three pair of clothes and two string bikini. I also put all of my necessities before finally zipping it. Nakasuot lang ako ng maong short paired with gray tank-top. I covered it with a blazer since it's early in the morning. Mahamog pa sa labas. My hair is tied in a messy bun and I didn’t bother putting any make-up.
Feeling satisfied, I take a grasp with my yellow baggage before heading towards the door. Just in time when my two friends get out of their respective rooms. Nasa iisang palapag ang kwarto naming tatlo.
Katulad ko ay may dala-dala rin silang mga bagahe.
“Uh, hi!”
I awkwardly greeted them. I saw how Zaph’s lips pursed. Si Micah naman ay nakangiti lang, probably Zaph didn’t tell her about our conversation last night.
“Tayo na?” alanganin kong untag. I was looking at Zaph, kinakabahan ako baka hindi na pala ako invited.
“Yeah, let’s go babe!” nakangiting saad ni Zaph. I chuckled, napahinga ng maluwag dahil akala ko hindi parin niya ako papansin.
Naunang bumaba si Micah habang nasa huli ako.
“Ilang araw tayo dun, Zaph?” kuryuso kong tanong.
“Maybe on Sunday ang uwi natin.”
Sunday? ‘Di kaya magkulang ang dala kong damit?
“Nasa baba na raw sila, all complete and ready.” biglang sabi ni Micah.
“Sino-sino ba ang kasama natin?” tanong kong muli.
“Tayo-tayo lang naman, yung apat na kaibigan ni Ansel since I’m sure hindi sasama si Atty. Busy yun eh.” sagot ni Zaph na nagpatigil sa akin.
“Atty.?” they both looked at me, wiggling their eyebrows.
“Of course sino pa ba, ‘di yung ex-cousin mong Attorney.”
Nang makababa kami sa condo ni Zaph may itim na van ang naghihintay. Bumukas ang pinto sa driver seat at lumabas doon si Ansel.
“Good morning ladies.” pagbati niya saka kinuha ang dalang gamit ni Zaph.
Napatingin ako sa loob ng sasakyan, umaasang makikita ang mga tao sa loob which is impossible since heavily tinted ang sasakyan.
Muling bumukas ang pinto ng van at lumabas ang isang lalaki. Saglit na umawang ang labi ko ng makilala kung sino siya.
“Wow, Miss Comfort Room, is that really you?” bumaha ang saya sa mukha ni Esguerra or Ruiz?
Inirapan ko siya na nagpahalakhak sa kaniya.
“Let me,” iniwas ko ang dalang bagahe ng tangka niya itong aabutin.
“Ako na,” I firmly said. He grinned.
“Sungit mo naman, Miss. Kulang ka pa ba sa tulog?”
Hindi ko siya pinansin sa halip pumunta sa likuran ng van para ipasok ang dalang gamit. However, I can still feel him tailing me.
Binuksan niya ang pinto, wala akong nagawa kung ‘di ayusin nalang ang bagahe. Micah also came and place her baggage. Nakayuko ako habang ginagawa ito.
“Morning, Micah. Carter is coming by the way.” Esguerra talked to my friend.
“Maaga pa sirang sira na ang araw ko dahil sayo, Patrick.” sagot agad ng kaibigan ko. The guy named, Patrick burst our into laughters.
“You’re mean, Micah. Masungit na nga ‘tong kaibigan mo, pati ba naman ikaw?”
Pabagsak kung sinara ang pinto ng masigurong maayos na ang mga bagahe namin.
“Fuck off, Patrick James ang pangit pangit mo!” bulyaw sa kaniya ng kaibigan ko.
Patrick looked offended as he watched Micah’s retreating back. Nakaawang pa ang labi nito habang hindi makapaniwalang nakatingin sa likod ni Micah.
“Micah! Bawiin mo yun, I’m fucking handsome!” para siyang pinagsakluban ng langit at lupa.
Then his gazed went to me. “Fuckshit! She just step on my ego.” bulong pa niya.
Napailing ako, tumalikod na ako bago pa man siya muling makapagsalita.
“Hop in babe, we’re leaving now.” sabi ni Zaph na nakadungaw lang ang ulo mula sa passenger seat.
Tumango ako saka humakbang papasok. I stop on my track when I saw a unfamiliar faces. Lahat din sila nakatingin sa akin na parang sinusuri kung sino ba ako o kung bakit ako nandito .
“Before anything else, she’s Angel Quijano our friend so better be good to her, okay?” napakurap kurap ako ng marinig ang boses ni Zaph.
“You look familiar, have we seen each other before, Miss Angel?” tanong ng lalaki na nasa likod ng driver seat. Una kong napansin ang dimple niya sa magkabilang pisngi.
I tilted my head, trying to remember them. Their voice also seems familiar. Magsasalita na sana ako ng maunahan ng tao sa likod ko.
“She was the woman from the bar, dude. Remember the one who’s looking for the Comfort Room?” mariin akong napapikit. Kailangan ba talagang sabihin ‘yun?
Two men uttered their surprised expression. Katulad nang nakita ko noon sa bar, may mga kasama rin silang mga babae. Perhaps their girlfriends.
“What a small world, Miss Cr!”
Umikot ang mata ko ng muling marinig ang sinabi ng kung sino sa kanila. Inilibot ko ang paningin sa buong van saka napahinga ng maluwag ng hindi ko makita ang isa sa mga kasama nila.
Naupo ako sa pinakalikod, katabi si Micah. Naupo naman yung Patrick sa harapan namin. Same with the other guy, may kasama rin siyang babae.
Mabuti nalang at kasama ko si Micah, hindi ako nag-iisa at may karamay.
“By the way Miss, I’m David.” the guy with deep dimple's said, nakadungaw pa talaga siya mula sa kinauupuan niya.
“That’s right boys, introduce yourself. Baka mamaya kung ano anong pangalan na ang itawag sa atin ni Miss CR.”
Ramdam ko ang pag-usok ng ilong ko sa sinabi ni Patrick. He looked at me behind his shoulder with a smirk.
Sinamaan ko siya ng tingin. Ako pa talaga eh sila na nga itong pinangalanan ako ng kung ano.
Dahil sa sinabi niya, isa-isang nagpakilala ang mga kasamahan niya.
“Nicholas Pearce Ruiz,” the one with a earring said. Siya pala yung Ruiz.
“Claus Damen Cy, Miss.” sabi naman ng pang-apat na lalaki. Sa kanilang apat, siya lang ang tahimik. Plus his voice, it’s unfamiliar. Sa pagkakaalala ko ay apat lang sila nang gabing makita ko sa club.
“And I am Patrick James Esguerra, Miss.” the man in front of me said, still grinning. Habang ang mga babaeng kasama nila ay pawang tahimik lang. Hindi naman siguro sila galit sa akin 'no?
After the brief introduction, they all attended their own business. Doon lang ako nakahinga ng maluwag lalo na’t busy na sa babae niya si Patrick. Yung katabi ko naman ay natutulog na.
Linabas ko ang dalang cellphone para I-text sila mama at mommy. I just tell them the sudden change of plans. Susunod nalang ako sa naunang plano. I also informed mommy na baka kapag umuwi kami galing Palawan ako makakabisita sa Bicol.
Sunod kong pinadalhan ng mensahe ay si Henry. I open my skype and message him with the same context. He's not online as of the moment but I'm certain he will receive my message. Pagkatapos sinara ko na ito saka binalik sa dalang sling bag.
“What about the other, dude?” naagaw nila ang atensyon ko sa biglaang tanong ni David, yung nasa likod ni Ansel. He was the one driving the van, while Zaph was on his side.
“Presumably at the airport already, doon nalang daw tayo magkita-kita.” sagot ni Ansel.
Nanlamig ang kamay ko. So may iba pa kaming kasama? Could it be..
No of course not! Sabi pa nga ni Zaph imposibleng kasama siya. Maraming appointments si Attorney para pumatol pa dito.
Sa gitna ng biyahe, hindi ko maiwasang mapaisip.
How come he become friends with this people? I mean, sa pagkakaalam ko hindi ganito ang mukha nang mga kaibigan niya noong nag-aaral pa kami sa SMU. How about, Isabel? What happened to her? Sila ang inaasahan kung magkakatuluyan, because I know Isabel like him. I can feel it, ngunit paanong napunta siya sa Sofia na ‘yon?
Nang huminto ang sinasakyan sa harap na malawak na Airport. My heartbeats tripled its pace.
“We’re here, guys.” Anunsyo ni Ansel.
Isa-isa silang nagsilabasan habang ako ay parang gusto nalang mag back-out. Lalo na ng makita ang nakaparadang magarang kotse sa harap mismo. May lumabas na makisig na lalaki mula sa driver seat, he jogged towards the other side before opening the door. Then a fine lady walk-out of it.
“The fuck, what is he doing here, baby?” nasa loob pa din pala si Zaph. Nag-iwas ako ng tingin ng makita ang pagsulyap niya sa akin.
“Last minute changes baby. We also didn’t expect him to join us since he refused my invitation. But he called me last night saying he will come.”
Para akong nabingi sa naging sagot ni Ansel.
“Angel,” Zaph called me, halata ang pag-aalala sa boses niya.
Tipid lang akong ngumiti.
“Bakit?”
I innocently asked.
“I swear hindi ko alam na kasama sila.” umiling-iling pa siya habang nakatingin sa akin.
“Ano kaba, ayos lang! This is not a big deal.”
Nagkibit balikat ako na parang maayos lang talaga. Kahit ang totoo ay hindi.. I can feel that I could pass out any moment. Never did I imagined being with him again after what happened on his penthouse. Worst sa loob pa talaga ng tatlong araw.
Pwede pa naman siguro ako mag back-out?
But that seems to be a bad idea.
“Ah baba na ako.” pagpapaalam ko. I avoided their cat-like gazes and decided to left the van.
Nauna akong lumabas sa kanila habang ang ibang kasama namin ay kinuha na ang kanilang mga bagahe. I also grab mine, napansin ko ang isang lalaki na agad na linapitan si Micah. My brows furrowed in bewilderment especially when the man take a hold of Micah’s waist before kissing her cheeks.
What the hell? So, ako lang pala yung walang kapareha sa trip na ito?
Napasimangot ako. Imbes na pagtuunan ng pansin ang nangyayari sa mga kasama tinignan ko nalang ang pangalan ng airport.
Esguerra Pacific Airways..
Napatingin ako kay Esguerra na ngayon ay busy sa pakikipag-usap kay Ansel.
“Parents ni Patrick ang may-ari nitong airport.”
Muntik na akong mapatalon sa kinatatayuan ng biglang may magsalita sa likod ko. Sinamaan ko siya ng tingin na ang tanging naging sagot lang ay tawa.
“Tatlong araw ba talaga tayo doon, Zaph? Baka pwede akong maunang umuwi?”
I asked and it is now her turn to glared at me.
“Just three days babe. Tatlong araw lang ang hinihingi namin sayo, after this you can leave anytime you like it. Gawin mo nalang ‘to para sa amin ni Micah, hmm?”
Three days will be a great torture for me, Zaph..
“Promise last na ‘to. I’m sure naman magkakasundo kayo ng mga kaibigan ni Ansel. They’re all good but yeah, may pagkapilyo.” she added.
It’s not them, Zaph. Mapakikisamahan ko pa sila, pero hindi yung isang tao diyan.
“We’re here naman if you don’t like the idea of being close to him, pwede tayong magsarili nalang.” aniya pa, the playfulness is clearly audible on my ears.
“Sira, ayos lang. Matagal na ‘yon!” I defensively answered.
Zaph wiggled her eyebrows, her lips forming into a sneering smile.
“Okay, basta ipikit mo nalang ang iyong mga mata kung ayaw mong mainggit!” she laughed and then placed her hand on my shoulder.
I pouted, “Anyway let’s go.”
Tinangay niya ako papunta sa kumpol ng kaniyang mga kaibigan. Iniwasan kong mapagawi ang tingin sa gilid kung saan naroon ang dalawa.
We all headed our way inside. Malaking pasasalamat ko nalang na hindi ako iniwan ni Zaph hanggang sa marating namin ang eroplanong sasakyan.
Ang ganda at ang lawak. The interior design yields extravagance and luxuriancy.
“Wait here, Angel. Puntahan ko lang si Ansel.” paalam ni Zaph.
I wanted to protest. Ayaw kong iwan niya akong mag-isa pero wala akong nagawa nang tumalikod na siya at hanapin si Ansel.
"This is the advantage of having a billionaire friend, lahat libre!" Sabi ni David
"Tangina inggit ako dude! Gusto ko rin ng pribadong eroplano, Esguerra baka naman may tira-tira ka diyan." Dugtong naman ni Nicholas
"Asshole, may bayad lahat ng ito baka akala niyo!"
Agad nagsiupo ang magkakaibigan katabi ang kanilang mga kasamang babae. Habang ako nanatili lang nakatayo sa isang sulok, having a hard time choosing which seat should I take. Gusto ko yung malayo kay Drake. Yung hindi ko sila makikitang dalawa.
I inhaled a large amount of breath seeing all of the occupying the seats comfortably with their partners. Ako lang talaga ang walang kasama, akala ko pa naman may karamay ako but I was wrong because exactly from where I was standing, kitang kita ko si Micah at ang lalaking may blonde na buhok na katulad ng iba ay nakaupo na.
I walked without making any noise. Yung sling bag nalang ang dala ko since yung mga cabin crew na ang umasikaso sa mga bagahe naming dala.
The structure were sofa-seat aisle access but the last seats caught my attention.
I sighed in contentment when my back rested on the soft cushion. Maganda ang pwestong ito since nasa pinakalikod siya. Yung kaharap ko namang upuan ay bakante at sigurado akong walang may gustong umupo sa parteng ito.
I massaged my nape. Napatingin ako sa orasan na nasa palapulsuhan ko and it’s 3:15 in the morning. Masyado pang maaga at ramdam ko ang kagustuhang ipikit ang dalawang mata.
Umayos muna ako ng pagkakaupo before closing my eyes. Babawi muna ako sa tulog since maaga pa naman.
Subalit, hindi pa man nag-iinit ang pwet ko sa upuan ng maramdaman ang paglapit ng kung sino. Natigil ang akma kong pagtulog ng marinig ang boses nang isang babae.
“Is this seat already taken?”
Napamulat ako ng mata at sumalabong sa akin ang mala-anghel na mukha ng nag-iisang Sofia Grace Perez.
I blinked, trying to absorb her words.
“Perhaps can we sit here instead? If you don’t mind.” she said before smiling.
Umawang ang labi ko, hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya.
Why here?
I thought to myself. Sa pagkakaalam ko, marami pa ang bakanteng upuan bago ako maupo sa pwestong ito.
Sasagot na sana ako para tumanggi pero naunahan niya ako.
“Love, here!”
Para akong tinakasan ng katinuan sa dalawang salitang lumabas sa bibig niya. I looked at her in disbelief but she choose to ignore my reaction. Nakatingin lang siya sa likod ko, waving her hand as if calling the attention of someone.
“I found a perfect seat. Let’s sit here, Love.”
Mula sa kinauupuan ko, I can hear someone's heavy footsteps. I close my eyes tightly and the moment I open them again, Drake came into view..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro