CHAPTER 41
Comeback
"Good Morning, Madame!"
"Morning, everyone."
I smiled as my employees greeted me in unison. It was seven thirty in the morning when I arrived at The Grind.
My five staff were already present including my manager. Dumiretso ako sa opisina para asikasuhin ang ilang papeles na naiwan kahapon. I was removing my gray coat when the door swung open.
"Miss, I'd like to talk to the owner of this cafe. I have a lot of complaints regarding the cafe's poor service and your pastries taste awful. Where is she?" baritonong boses ang narinig ko mula sa likod, sinundan ng pagsara ng pinto.
I released a deep breath. I hang my coat neatly as I folded my sleeves up to my elbow. I was wearing a pencil skirt and white blouse.
"You came in the right room Mister. I am Angel Encinareal Quijano, the owner of this cafe." humarap ako sa kaniya habang tinutupi pa ang manggas ng suot ko hanggang siko.
"I'd like to extend my apology, Sir because my partner cannot attend to your concerns as he is sick in the head! Baliw yun.."
Mula sa gilid ng aking mata, nakita ko ang paglakad ng lalaki papuntang sofa at saka pasalampak na naupo.
"I will be handling your complaint, since my partner is not on his proper state of mind. He needs to re-"
"Five years, and you're still the same. You haven't changed at all. Damn, ate!" natatawa siya habang hinihilot ang sintido.
I arched my brow.
"What sir? I didn't get what you said. Honestly, we could settle your complaints in the precinct and let my partner received the punishment for your heavy accusations."
Nagrolyo ang mata ko ng malakas siyang humalakhak.
"Alright, Miss Quijano. I yield! I'm just playing with you, masyado ka namang seryoso diyan!" I shoot him daggers. Sumandal ako sa lamesa habang naka-krus ang mga braso sa ilalim ng dibdib.
"Get your shits together, Mr. Evans I don't tolerate sluggish employee like you, plus your late!"
"Two minutes late, Ms. Quijano! Don't be too hard on me. Ang aga-aga ang sungit mo naman!" pabalik niyang bulyaw, hindi parin nawawala ang ngiti.
Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Your face alone is enough for me to be grumpy. Pinapainit mo agad ang ulo ko, Henry. Kaya please lang, lumayas ka na at magtrabaho sa sarili mong opisina!"
Henry released a bark of laughter's as he looked me from the couch.
"You're a fraud, babe. Girls flocked over just so they could get me a picture with them, you're lucky you got to see this authentic and jaw-dropping scenery without sweats." his green eyes flickered with mischief. I snorted.
Umalis ako sa pagkakahilig sa lamesa saka umupo sa swivel chair. I have loads of paperwork's to attend and here is my business-partner, pestering me early in the morning.
"Fine! Miss, Grumpy, I'm leaving." parang labag pa sa loob siyang tumayo sa couch. Nakasimangot siya habang tinatanaw ako.
"But before that, have you eaten?" pahabol niya pa. Tumikwas ang kilay ko.
"Henry!" I called his name with a warning.
He shook his head as he bite his lower lip. Nakasuot siya ng black trouser at gray button-down shirt tucked on inside his blue trouser.
Chuckling, he finally walks towards the door. Pero bago siya tuluyang makalabas may binulong pa siyang hindi nakaligtas sa pandinig ko.
"Suplada, nagtatanong lang eh!" he murmured, I smirked.
After three years, Henry and I pursue in constructing the coffee shop we co-owned. Sa Dallas, Texas namin ito napagdesisyunang itayo. It was hard at first for me. New environment, meeting unfamiliar faces and being miles away from my parents. Pero kalaunan, nasanay rin ako sa pamumuhay dito. Sina mama at mommy ay paminsan minsan ding bumibisita dito at minsan ako ang pumupunta sa Los Angeles.
After a year, my request to change my surname was finally granted. Hindi naging mahirap ang proseso dahil narin sa connection ni tito William. Tatlong buwan pagkatapos ng graduation ko, umuwi sila mommy sa Pinas.
Though they would visit me when they have the chance. Isa pa, may social media at gadgets naman na pwedeng gamitin para makipag-usap sa kanila. I have a newly made accounts for my SocMed. Ilan lang silang may alam..
Sa loob ng limang taon kong paninirahan sa L.A at dito sa Dallas, naging maayos din naman ang lahat. Everything falls on the right place.
Micah and Zaph stayed in the Philippines for good just last year. Though we sometimes video call and they would end up convincing me to go back too. Sapat na daw ang limang taon kong pag-iiwas.
Sapat na nga ba?
I am Angel Encinareal Quijano, don't get me wrong. I didn't do that just so I could be with Drake again. I'm sure he hated me now. Wala na akong naging balita tungkol sa kaniya. Siguro, isa na siyang sikat na abogado ngayon.. I'm certain he already win a lot of cases by this time... he already made a name in the industry. Hindi na nga ako umaasang magkikita pa kami. I even doubt if he still recognize me.
Our ill-fated love story has ended a long time ago. We are not in some fictional books where ex-lovers tend to have their happy ending. We are in reality, kung saan hindi kailanman nagkakabalikan ang dating magkasintahan. Kung sa iba pwede pa, pwes sa amin malabong malabo na.
We aren't meant to be together since then, sadyang mapilit lang kami.
Kung babalik man ako iyon ay hindi dahil sa kaniya. I want to go back not for him but for his parents. Sa nakalipas na limang taon, hindi parin mawala ang guilt sa puso ko. Binabagabag parin ako ng konsensya sa tuwing naiisip ko ang sakit sa mukha ni tita Clarries.
In fact, my apology was long-overdue.
A call on my phone snapped me from my reverie. Napakurap kurap ako, saka napabuga ng hangin bago kinuha ang cellphone sa lamesa. Micah's name appeared on the screen. Muli ko iyong binalik at hindi nag-abalang sagutin. Paniguradong ku-kumbensihin na naman nila akong umuwi.
Piles of paper were in front of me. Sa halip na intindihin ang patuloy na pagtunog ng telepono ko, tinutok ko nalang ang atensyon sa trabaho.
At exactly twelve in the afternoon, bumukas muli ang pinto ng opisina ko. Base sa naamoy kong pabango, may kutob na ako kung sino ito.
"You can put those on the center table." boses ni Henry.
Hindi ako nag-angat ng tingin at nagpatuloy sa ginagawa. I was facing the monitor of my laptop, my fingers fidgeting on the keyboard.
"You may leave, thank you." baritonong boses na saad muli ni Henry.
Narinig ko ang mga yabag ng papalayong inutusan niya. While I can feel him walking towards me. Naramdaman ko ang pagpunta niya sa likod ko.
"Jesus, it's lunch break stop working!" he rested his hand on the backrest of my swivel chair.
"Mauna kana, Henry. I need to finish this first."
"You are the owner of this, cafe. You don't actually need to work on that. May manager naman tayo dito."
"That's the point, Henry. Ako ang may-ari kaya dapat maging ehemplo tayo sa kanila." I eagerly said.
I moved my chair a little.
"The fuck, ehemplo? Is that even a word?" he asked irritated.
Nanatili ang kamay niya sa likod ko, tumatama pa nga ang hininga sa may bandang tainga ko.
"Yes, dear. It means move your ass out of here so I could focus on my work properly."
"Not going to happen, Angel. You should be the one moving your ass away from this chair, I'm fucking starving!" naiinis na niyang tinuran.
"Then go eat! Hindi ko naman dala-dala ang pagkain." I rolled my eyes as I continue with my work.
Mula pa kanina akong nakaupo dito. Nangangalay narin ako sa halos apat na oras na pagtratrabaho. I can also feel my eyes sting because of too much exposure to my laptop. But I can't stop yet, plano kung tapusin ito ngayong araw. This is not that heavy anyway. Dahil bukas at sa makalawa, I will visit my parents. Darating na bukas sila mommy at sa L.A sila tutuloy. Nami-miss ko rin sila mama, mahigit isang buwan na simula noong huli ko silang nakita.
I have a condo here, para iwas hassle kung kina tito Rome pa man ako titira. Kaya naman sa budget kaya why not, diba?
"Bubuhatin kita diyan, makikita mo."
Natigil ang akma kong pagpindot ng marinig ang pagbabanta niya. I arched him my left brow. Nasa baywang niya ang kanang kamay habang ang isa ay nakahawak sa sandalan ng upuan.
"Is that a threat Mr. Evans?"
I cross my arms. Nakataas ang kilay ko habang mariin siyang tinitignan.
The corner of his lips curled up.
"Nah, takot ko lang Miss Quijano." sagot niya na may mapaglarong ngiti sa labi.
"Mabuti, ngayon lumayas ka sa harapan ko at naririndi ako sa boses mo." I fired back.
He deeply sighed. Naghilot pa siya sa sentindo na parang stress na stress sa akin. Aba!
"If you're hungry, you can eat now, Henry. Huwag mo kong alalahanin." pagpupumilit ko.
Sinubukan kong i-ikot ang swivel chair pero bigo ako dahil sa mala-bakal niyang kamay na pumipigil sa akin.
"At least ten minutes, give yourself a break, ate. If you're worried about your works, I can finished them all for you. Kumain ka muna, it's bad skipping meals especially that you are working non-stop."
Mariin akong napapikit. OA naman kasi nitong si Henry, eh hindi pa nga ako gutom.
"Henr-"
"Sssh."
I pressed my lips together when his thumb touch my lips. Sa paraang pinapatahimik ako. I glared at him but he only grinned.
"You will eat. Or you want me to call tita Abigail? You choose, ate."
Sinamaan ko siya ng tingin bago tinabig ang kamay niya. Ngayon ko pinagsisihang pumayag akong maging kaibigan siya. Nagmukha na siyang tatay sa akin. Dapat kumain ako, dapat ganito, ganyan. Because if not, he will report me to mama. At ako naman ang sesermunan.
One time in the past years, hindi lang ako nakakain ng lunch dahil sa sobrang busy nagulat nalang ako kinabukasan na mabungaran si mama at mommy sa labas ng apartment ko. They both flew from L.A to Texas only to lecture me! Sabi pa, papauwin ako kung mangyari man ulit 'yun. Like seriously, I looked like a kid being scolded by my parents.
Kaya sa huli, wala akong nagawa kung 'di ang sumabay na kumain sa kaniya. He has a cocky smile as he served my foods. I fight the urge to knock off her face, nakakagigil.
Sa nakalipas na tatlong taon na naging kasama ko siya, hindi naman maipagkakailang naging malaking bahagi siya sa buhay ko. If not because of him, it would be difficult for me to move forward.
He became my brother.. my bestfriend.. my partner.
There are just times na nanggigil ako sa kaniya, katulad na lang ngayon.
"You know what, Henry. Why don't you find a girlfriend to pester instead of me? Nagsasawa narin ako sa mukha mo."
I said almost laughing when he suddenly choked on his water. Umiinom kasi siya at muntikan ng mabulunan ng sabihin ko 'yun. He glared at me, lightly touching his chest.
"You're not getting any younger, you must be settling down at this age. "
"The fuck, Angel? I'm just 28 and my love-life shouldn't be your concern, ikaw nga diyang walang boyfriend."
I rolled my eyes
"Pero wala ka man lang bang balak mag jowa? I mean, a lot of girls tried to steal your attention. Ikaw lang naman 'tong akala mo gwapo kung maka-snob!"
Binaba niya ang hawak ng mga utensils saka pinag-krus ang mga braso sa dibdib.
"They're all doesn't meet my standards." Seryosong saad niya.
"If I had to enter in a relationship, I want that to be my first and last romance. I don't just play around, ate. I believe woman shouldn't be taken for granted. Kung papasok man ako sa isang relasyon gusto ko panghabang buhay na, wala nang hiwalayan." baritonong boses na dagdag niya.
His green eyes was so severe. Nakatitig lang siya sa akin na parang pinapaintindi ang gusto niyang iparating.
"Well you have a point. Love can wait anyway." kibit balikat kong sagot.
Humahanga rin ako sa kaniya. Henry is a man of principle. May isang salita at dedicated. Sigurado akong hindi siya mahihirapan magkaroon ng jowa.
"Nag-enjoy pa ako sa pagiging young and hot bachelor." He said then chuckled afterwards.
I rolled my eyes for countless of times already. Sa tuwing siya talaga ang kasama ko, hindi lang nakaka-isang beses iikot ang mata ko. Kinuha ko nalang ang baso na may lamang tubig saka uminom.
"I'm still figuring things out, plus... she's still not ready."
Bago matapos ang working hours, I'm glad I've finished all of my works before I took my three days leave. It's true that it is not necessary for me to do all of these and let my employees do the work. I can just sit all day. Our business would progress without me, but of course it is still my job. Gusto ko rin naman ang ginagawa.
Tumayo na ako saka nag-inat. I massaged the back of my head. Sinuot kong muli ang coat na tinanggal ko kaninang umaga bago lumabas ng office. Just in time when the room beside me opens, revealing Henry.
"Hindi ka pumunta sa site buong araw?" I asked, umiling siya.
Henry is a Civil Engineer, hindi lang halata dahil may pagka-gago rin. But yeah, he's an Engineer. Hati lang sa oras niya ang pag-ma-manage ng cafe, in fact siya pa ang umasikaso sa pagpapagawa ng buong coffee shop. Nakalibre pa.
"Nah, I filed a leave for one week." nagulat ako doon. Nakapusod parin ang kaniyang mahabang buhok.
"Huh? Bakit?"
Alam ko kasi may bago siyang project ngayon. Mall ba yun o simbahan? Ewan ko, hindi naman kasi ako interesado sa mga ganun.
We stared walking, nasa second floor ang office namin.
"Basta." napailing ako, basta huh!
Hinatid niya ako pauwi. Well, technically dahil nasa isang building lang ang condominium naming dalawa. We're on the same floor, neighbors. Kumain lang ako ng noodles. After doing my night routine, I sleep immediately.
When the morning came, tumawag muna ako kay Anne, ang manager ng cafe. Pinaalala ko sa kaniya ang mga dapat gawin hanggang sa pagbalik ko. I am not threatened with the thoughts that she might betrayed me. Matagal na siyang nag-tatrabaho sa amin. Simula noong naitayo ang cafe, naging waitress lang muna siya. Kalaunan, we decided to promote her. Masipag siya at mapagkakatiwalan. She deserved her position.
Nang dumating ang alas-dyes ng umaga, nakaayos na ako. I have my one yellow baggage with me. I wore a tube dress and covered it with a long belted coat and paired it with a black boats. With my aviator on, I open the door of my unit. Ten thirty ang flight ko papuntang L.A, probably by now nasa bahay na sila Tyrell, mommy at daddy. It's the peak of winter here in Dallas, Texas. Month of January
Tumaas ang kilay ko ng makita si Henry, nakasandal sa kaharap kong nakasaradong pinto which happened to be his place. Nakaayos din siya na parang aalis. From his face, I looked down and notice his black luggage.
"Saan ang punta, Mister?"
Sinara ko ang pinto saka binalingan ang kaharap na lalaki.
"What about you? Where are you going, Miss?" he licked his lower lip as he gazed down at my body.
"Uuwi ako, darating ngayon sila mommy."
"Oh, cool! Doon din ang punta ko, eh!" Napasapo ako sa sariling noo. Is this the reason why he took a leave?
Seriously, Henry?
Napabuntong hininga nalang ako. Napakakulit parin talaga! I was not surprised when I found out that we have the same flight number. Magkatabi pa.
"You plan this all, huh?" I asked irritably, he looked at me innocently.
"What? Of course not!" he replied in an instant.
"I plan to take my leave in Los Angeles, just so happened that you're going there too. So why not come with you in the first place? Mas mapapanatag ka pa." he answered defensively.
Pinag-ikutan ko sya ng mata. Sa halip na pansinin ang presensiya niya, I choose to close my eyes. Tatlong oras ang flight from Dallas, Texas to Los Angles. Mas mas gugustuhin ko pang matulog nalang kaysa intindihin siya.
And I did, nagising nalang ako dahil sa tapik sa aking pisngi. I blinked my eyes before brushing the sleep off of it. Nang maging malinaw na sa aking mata, nakita ko si Henry na ngingiti habang nakadungaw sa akin.
"Wake-up sleepy head, tayo nalang po ang natitira dito." his voice came out husky.
Nanlaki ang mata ko, agad akong napaayos ng upo saka tumingin sa paligid. Tumawa naman si Henry.
"Kidding."
Sinamaan ko siya ng tingin na lalong nagpahalakhak sa kaniya. Maloko talaga!
It took us thirty minutes before finally leaving the Seijan Airport. May sumundo sa aming driver dahil hindi naman lingid sa kaalaman nila mommy na darating ako. Sinabay ko narin si, Henry. Nakaawa naman...
"And where do you think you're going?"
Akmang bababa na rin si Henry ng pigilan ko siya sa noo gamit ang hintuturo ko. Nasa harapan na kami ng bahay nila mama, sa pagkakaalam ko kasi sa isang kanto pa siya.
"Damn, babe! I'm going with you of course!"
I narrowed my eyes to him. He then pouted his crimson lips as he touched his forehead, akala mo naman masakit.
"Aba't hindi pwede! Uwi, uwi!"
Nakapamaywang ako sa harapan niya, nanatili siyang nakaupo sa loob ng van habang si kuya Ronald ay nasa gilid lang namin. Nagkakamot pa ng leeg. He's the driver by the way.
"Seriously, ate? Won't you even invite me for a coffee?"
"Wala na kaming kape, kaya umuwi ka nalang. Sa inyo ka nalang magkape."
Nagpaawa siyang nadungaw sa akin. I don't get this guy, it's like he can't live without me. I mean, halos magkasama na kami araw-araw, oras-oras tapos pati ba naman sa bakasyon niya pipiliin niyang kasama ako?
"At least allow me to great your parents."
"No, I'm sure your parents missed you already, Henry. Kuya Ronald, pahatid na nga po sa kanya."
Kuya Ronald is a Filipino. Noong muling bumalik dito sila daddy, kasama na siya. He needs a job to sustain his family needs. Magkakilala din naman sila ni daddy kaya hindi naging mahirap sa kaniyang mapasok sa trabahong ito.
"You're so cruel, ate. Nagugutom na nga ako eh."
Aba talaga!
"Then go, kumain ka sa in-"
"Honey, don't be like that." Natigilan ako ng marinig ang boses ni mommy.
"Halika hijo, pumasok ka muna. Huwag mong intindihin itong dalagita na 'to."
Mula sa nakasimangot na mukha ni, Henry gumuhit ang mapang-asar niyang ngiti. Lumalaki ang ulo lalo't alam niyang palagi siyang kinakampihan ni mommy.
Mabilis pa sa alas-kwatrong lumabas siya ng sasakyan at agad na kumapit sa braso ni mommy.
"Pasok ka narin anak, naghihintay na sila sa'yo." sabi niya pagkatapos agad na umalis.
See? Mas sabik pa yata siya kay Henry. Yung lalaki naman ayun malaki ang ngiti habang nagkwekwento ng kung ano.
I sighed.
"Kuya, pasuyo nalang po ako sa bagahe ko."
"Sige po ma'am. Yung kulay dilaw po ba?"
"Yes po, thank you."
Habang naglalakad papasok, tinanggal ko na ang coat ko. Hindi naman na siya malamig.
My eyes easily recognize the people in the living room. Si tito William nakaupo katabi si Mama sa isang pahabang couch, sa harapan naman nila ay sina mommy at daddy. While Tyrell and Henry were talking or more likely whispering.
Natuon ang mata ko sa babaeng nag-iisang nakaupo sa one seater sofa. She smiled at me while I smiled in return.
"Welcome home, anak!" humalik ako sa pisngi nila isa-isa.
"How was your flight? Magpahinga na muna kayo, anak, Henry." si mama na nakangiti.
Despite of her age, she still looked so young. Parang same lang sila ni mommy na tumatandang paatras.
"I'm good mama, pauwin niyo nalang po yung isa diyan at nang makapagpahinga na." she laughed. Narinig ko naman ang pagrereklamo ni Henry.
"May ulam sa kusina, gusto niyo kumain? Ipaghahanda ko kayo."
Umupo ako sa armrest na inuupuan ni Gwen. Looked how small our world is. Gwen Velasco, the cousin of DenMark and Benj who happened to be my future sister-in-law. I don't know their story, basta nalaman ko nalang na mula noong bumalik si Tyrell galing sa Pinas, nabaliw na sa babaeng 'to.
He visited the Philippines three years ago. Sumama siya kay Daddy na bumisita kina lola at lola. They're together for quite a long time now. Akalain mo yun, may pumatol pa pala sa kasungitan ng kapatid ko.
"I'm good mama." I answered
"Busog pa po, tita." Si Henry
Mama nodded her head and resumed talking to them. While I looked at Gwen who's looking at her nails.
"Hey,"
I snapped at her. Nag-angat siya ng tingin. Right, she's really beautiful, mas nag mature lang siya mula noong huli kong kita sa kaniya. Mas lalong gumanda..
We're civil to each other naman. Through the years we hadn't talk personally, I mean sa tuwing ganito lang na pagtitipon. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa nila sa nakaraan. Their lunch together, how she blushed because of Drake in front of my face.
"Hi!"
My lips twitched.
"How are you with Tyrell? I mean, good thing nakakayanan mo lang yang kasungitan ng kapatid ko." she laughed, ang hinhin parin talaga. Hindi makabasag pinggan.
"He's sweet, Angel. Hindi naman siya masungit sa akin, well noon lang pero nang naging kami na. I rarely saw that side of him."
Napatingin siya sa gawi ni Tyrell kaya napatingin din tuloy ako. Masama ang tingin sa akin ng kapatid ko na akala mo inaaway ko ang bebe niya habang kausap si Henry. Both of them were staring at me like I just did a crime.
"Aw, that's good to hear."
Matapos ang kumustahan at kunting pag-uusap, umidlip muna ako. Tomorrow, well visit one of the beaches here in L.A. this is like a family bonding to us. Mabuti narin 'to since once in a blue moon lang kaming nagkasama.
When the evening came, we had a dinner in the garden. Hindi na ako nabigla ng makita si Henry.
"Talaga naman, wala bang pagkain sa inyo?" supladong tanong ko ng makalapit siya sa kinaroroonan ko. Pababa na ako ng hagdan habang siya ay nakatayo sa gitna ng living room.
Henry chuckled.
"Na miss kita eh, isa pa tita Beatrice invited me. Who am I to declined such precious offer?" I leered. He then put his hands over my shoulder. Sabay na kaming naglakad papuntang garden.
May pahabang lamesa na puno ng iba't-ibang pagkin. The garden were also decorated with lights making it more pleasant to the eyes. Naka skirting pa!
Bumati ako sa kanila pagkatapos pinaghila ako ni Henry ng upuan.
"Thank you."
Ngumisi lang ang loko saka umupo narin sa katabi ko. Nasa kanang bahagi ko si Tyrell na busy sa jowa.
While my parents were both sitting parallel to us.
The food were instantly served. Sa ganitong mga okasyon, kumukuha talaga sila mama ng mga maids.
"Kailan ang balik mo sa Dallas, anak?" napatingin ako kay mama ng magtanong siya.
"Sa makalawa, mama. Two days lang ang leave ko."
"Isn't that too early, honey? One week kami dito ng daddy mo." si mommy
"May trabaho po kasi mom, mama." I answered, ramdam kong nasa akin lahat ng atensyon.
"Hon, you owns the cafe. Kahit nga hindi ka na pumunta ay lalago parin yang negosyo niyo." dugtong ni mommy.
"You're right, tita. I've already discussed this matter with her, halos pagurin na nga niya yang sarili niya at kahit pagkain hindi nagiging maayos." mahabang litanya ng katabi ko. Napasimangot ako.
Mommy smiled at him.
"Thank you for being there, Henry. Salamat sa patuloy na pag-aalaga kay, Angel. If not for you, I don't think we would permit her living independently away from us." mommy added.
Napailing ako, heto na naman sila. Kaya hindi rin nag-aasawa 'tong si Henry dahil dito eh.
"Beatrice is right, hijo. Thank you for not leaving her side, for not giving up on her. Ikaw lang bukod sa mga kaibigan niya ang pinili niyang pagkatiwalan. If not because of you, I doubt if our Angel would be like this." dugtong ni mama. "Malaki ang pinagpapasalamat namin sa iyo."
Narinig ko naman ang mabinong pagtawa ng katabi ko.
"It's nothing tita. Masaya naman po akong kasama siya, no need to thank me po."
Palihim na nagrolyo ang mata ko.
"Sinabi ko nga po sa kaniya na mag-asawa na, baka dahil sa pagdidikit niya sa akin kaya hindi maka-porma sa ibang babae." sabi ko.
Tumikhim si Henry habang natawa sila mommy at mama. The rest of the people on the table were just listening.
"Bakit ka nga ba hindi pa nag-aasawa? Or perhaps girlfriend? Wala ka bang natitipuhan man lang?" tanong ni mommy, dumako ang tingin niya sa akin.
I shrugged and continue eating.
"Ah, HAHA! Wala pa po, tita." tumaas ang kilay ko. Tito William and daddy were looking at us, may tipid na ngiti.
"Mama, stop interrogating him. Pakainin niyo muna si, Henry at mamaya na ang mga tanong." masungit na saad ni, Tyrell.
Ganun nga ang nangyari. We ate the food in silence. Nang matapos, tinawag ni mama ang dalawang katulong saka linigpit ang pinagkainan.
May plano yatang mag-inom nila daddy dahil sa naglabas sila ng wine. Tito William and daddy were talking as well as both of my mother. Si Tyrell at Gwen naman ay nauna na sa loob, ewan ko lang kung ano ang ginagawa.
"Tito, tita." pagkuha ni Henry sa aming atensyon.
"Thank you po for the food, it was scrumptious and as far as I want to stay a bit longer, I need to go na po." he said politely.
"Sure hijo, drive safely." si mama
"Balik ka bukas, Henry." Dugtong naman ni mommy.
"Opo"
Dumako ang paningin ni Henry sa akin, tumango lang ako. Tumayo na siya saka lumapit sa kinaroroonan nila daddy. I saw how he bid his goodbye to them before returning back to my sit.
"I gotta go, ate. See you tomorrow, then?" he asked showing his smirk.
"Nope, banned ka na dito, Henry." I answered, he just chuckled.
Nang makatalikod siya sa akin doon ko lang napagdesisyunang pumasok narin sa loob. Tatayo na sana ako ng matigilan sa tunog ng telepono ni daddy.
"Jerick is calling." matigas na saad niya ng makita kung sino man ang tumatawag sa ganitong oras.
Si Jerick ang nurse na nag-aalaga kay lola, ina ni daddy at mama. They're both staying in Laguna, with lolo Andres her husband. Lola Celine is suffering from heart disease recently. Kaya din umuwi sila daddy para alagaan sila.
Mama and mommy stopped talking. Bumalik rin ako sa pagkakaupo habang hinihintay kung ano ang posibleng balita ni kuya Jerick. He seldom calls, only when it is emergency.
"What is it, Jerick?" daddy asked on the other line.
Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni daddy habang nakikinig sa sinasabi ni Kuya Jerick. Not long after, he put the phone down as he palm his face.
"Bakit daw, kuya?" si mama na ramdam ko rin ang kaba.
Daddy faced us with a horrible expression. Umalon ang kaniyang adams apple na parang nahihirapan bago kami sagutin.
"Papa is dead, Abigail." He broke the news like a bomb. Namayani ang katahimikan sa paligid.
"Na-aksidente ang sinasakyan nilang kotse, he was rushed in the hospital, but it was too late." Mariing napapikit si daddy
"Papa was dead on arrival." malakas akong napasinghap. Para akong nabingi sa sigaw ng pag-iyak ni mama.
"Pack your things, we're heading back to the Philippines."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro