
CHAPTER 34
Friend
Naiwang nakaawang ang labi ni DenMark nang talikuran ko siya. Ayaw kong pinagsasalitaan ng masama si Drake lalo pa't sa harapan ko. In fact, totoo naman ang sinabi kong mas gago, mayabang at tarando pa siya kung tutuusin.
Napairap ako sa hangin at sinulong muli ang init ng araw. Tinaas ko ang kanang kamay para pang-tabon sa sikat ng araw habang naglalakad. Grabe, ang init talaga sa Pinas.
Nang may makitang puno na malapit sa field na may bleachers, walang pagdadalawang isip akong umupo.
I sighed deeply and brush the sweats on my forehead. Kinuha ko ang cellphone sa bag para sa isang tawag. Hindi din nakaligtas sa akin ang ilang text at tawag mula kay Drake. I didn't bother reading and replying to any of it and instantly called my friend who is probably waiting for me.
"Hello!"
Bungad ni Benj ng sagutin ang tawag.
"Benj, ahm mauna ka nang kumain, kita nalang tayo sa room after lunch." sagot ko,
Sinipat ko ang oras at nakitang 12:16 palang ng hapon, may oras pa.
"Huh?"
"Ano.. matatagalan pa kasi siguro ako dito. Kumain ka nalang diyan." tugon ko sa kabilang linya.
"Nag-order na ako ng pagkain para sa'yo, hintayin nalang kita." sagot naman niya.
I bite my lips as guilt rose up my chest. I'm planning to have lunch with Drake this time. Gusto kong sulitin ang mga araw para makasama ko siya. Hindi natin alam ang maaring mangyari, lalo na ngayong may nakakadiskubre na sa lihim naming relasyon.
"Sorry talaga.. ano bayaran nalang kita mamaya. I need to go." gustuhin ko mang magpaliwanag pa sa kaniya, nawawalan na ako ng oras.
Agad akong tumayo at sa pagkakataong ito, si Drake naman ang tinawagan ko. Hindi pa nakaka-isang ring, sinagot niya na agad.
Wala akong ibang narinig sa kabilang linya bukod sa malalim niyang paghinga.
"N-Nag lunch kana?" patuloy akong naglalakad
"Not yet, " he answered in a monotone.
"Kain tayo sa labas, gusto mo?"
Hindi naman ako naghintay ng matagal sa naging tugon niya.
"Okay, wait for me on the car."
Nang sabihin niya iyon, agad akong tumalima sa parking lot. Isang minuto lang siguro akong naghihintay nang makita ko na siyang papalapit. Nakabukas ang una hanggang tatlong butones ng kaniyang pulo. Nakarolyo ang manggas nito hanggang siko.
Walang salita niyang pinatunog ang BMW na itim at pumasok sa driver seat. Napabuntong hininga ako. I roamed my eyes and notice that no one is around except for the both of us. Good thing it's lunch break and most of the students is on the cafeteria, and that includes, Dwayne.
Binuksan ko ang pinto ng shotgun seat at saka may pag-iingat na umupo. I casted my head downwards and keep my mouth shut. I don't know what to say at halata namang wala din siyang balak kausapin ako. He is spitting a cold aura na lalong nagpapatahimik sa akin.
However, his manly perfume immediately invaded my nostrils. Every part of his car smells like him, na kahit itong inuupuan ko ay nagsusumigaw ng panlalaki niyang pabango.
And just like this.. I felt like home.. I find a solemn peace in the midst of the chaos I've made. Funny how my worlds turn up-side down with his presence alone.
Drake then maneuvered the car away from the parking lot. Awkward silence stretched in the air on the next minutes. Walang may balak magsalita na tanging mabibigat na hininga lang ni Drake ang naririnig sa buong sasakyan.
It was a complete torture in my part.
I miss him, alright. Ngayong narito na siya sa tabi ko, gusto ko nalang yakapin siya nang sobrang higpit. Baka nga kulang ang yakap lang...
But the cruel part is, I can't even move a muscle. Parang may pader na naghihiwaly sa aming dalawa, na sa kabila ng pagiging malapit niya.. ang hirap parin niyang abutin. And all I can do is to longed for him even more.
Pinaglaruan ko na lamang ang sariling mga kamay habang lumilipas ang segundong katahimikan.
Hanggang sa huminto ang kotse niya sa isang pamilyar na gusali, wala ni isa sa amin ang nagsalita.
Kumunot ang noo ko sa pagtataka. I looked up to him and saw that Drake is staring at me, probably waiting for my reaction.
"Why are we here? May pasok pa tayo ah."
I managed to asked him despite of my shaking voice. I tilted my head sideward and glanced at his condominium building. Pagkatapos, tinignan ko ang relo sa aking palapulsuhan at thirty minutes nalang ang natitira bago mag ala-una.
"We need to talk." baritonong boses na sagot niya. "If we have to ditched our class, then so be it" dugtong niya.
My lips parted, I blinked my eyes as I stare at his beautiful orbs. Walang pagbibiro doon.
Seryoso ba siya?
No, I mean hindi naman pwedeng um-absent kami dahil lang dito. We should prioritize our studies more.
"Drake.." umiling ako, tanda ng hindi pagsang-ayon.
"You've been a pain in the ass, Angel. Hindi ko gustong takbuhan mo na naman ako, you are not even answering my text." aniya sa isang buo at malamig na boses.
I gulped. He walked out of the car and slammed the door close. Hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin as my head started to wonder.
Paano si Dwayne? What if he finds out about this meeting?
Sigurado akong magagalit na naman iyon. At kung galit man siya ngayon, baka mas lalong mag-alburuto 'yon. Tapos si Benj.. he must be waiting for me now, konsensya ko pa kung hindi ako agad makakabalik katulad ng napag-usapan.
Binuksan ni Drake ang pinto sa gilid ko, he signaled his head for me to step-out, but me, being hardheaded one, didn't even move.
Pagkain lang ang sinabi ko sa kaniya uh, bakit kami napunta dito?
"Balik nalang tayo, Drake. Hindi pwede yang sinasabi mo, maari naman tayong mag-usap pagkatapos ng klase." Nakatingala kong untag sa kaniya.
Drake is holding the door while his other hand is on his hips. He arched an eyebrow.
"Gusto ko ngayon, Angel." pagmamatigas niya, umiling ako.
I can't missed a subject for my course. Lalo pa't palagi akong absent-minded nitong nakaraan, mabuti sana kung may recorder akong mahihiram kay Benj na maari kong mapakinggan.
"Pumasok ka na at nang makaalis na tayo, nagugutom na rin ako." I insisted.
However, Drake being Drake is more persistent now than he usually does. Bagay talaga kami eh, parehong matigas ang ulo.
"Lalabas ka o bubuhatin kita?" nawawalang pasensiya niyang tanong.
Still, I shook my head. Mariin akong humawak sa sandalan ng upuan kung sakali mang tutuhanin niya ang sinabi.
Napailing si Drake sa naging galaw ko. Pabalik balik ang tingin ko sa kaniya at sa labas. Hindi naman marami ang tao, this is a high-end condominium building kaya hindi nakakapagtaka. Tanging guard at ang babaeng receptionist ang nakikita ko.
"Stubborn woman," he murmured under his breath.
He take a step forward habang ako halos magsumiksik na sa upuan.
"Drake! Huwag kang magkakamali." pagbabanta ko saka siya pinandilatan ng mata.
Mariin kong hinawakan ang strap ng bag kong nasa kandungan.
Drake smirked "A whole night of punishment wouldn't be enough don't you think?" he playfully replied.
I instantly disregard the idea of the punishment he is talking about. It's been what? A week since we last did it?
And my core immediately reacted na kailangan ko pang pagdikitin ang dalawang hita ko. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko.
"Bumalik nalang tayo, Drake! Mag ala-una na oh!" ani ko sabay pakita sa relong nasa pulso ko.
Tumaas ang gilid ng labi niya. Drake eyes that is twinkling with naughtiness roamed around my face hanggang sa bumaba pa..
"Sige, subukan mo masasapak ka!"
I threatened him. I closed my legs tightly when his gaze stop there. Mas lalo yatang namula ang mukha ko.
Drake chuckled na parang hindi siya galit kanina. Saglit akong napatulala sa maganda niyang mukha. Kumikinang ang mata niya na kahit sa simple niyang pagtawa.
I miss seeing him smile, I miss the sound of laughter's. Gosh, I miss everything about him...
He bend over until half of his body were inside, naramdaman ko nalang ang pagpuluput ng braso niya sa baywang ko.. take note, pinipilit.
"Ano ba!" angal ko, subalit wala na akong nagawa nang sa isang iglap, karga niya na ako. Sa isang kamay niya ay ang yellow kong Gucci bag.
Napanguso ako ng maramdaman ang init ng kaniyang katawan. Okay, nagpapabebe lang naman ako, ah.
I honestly want this way, him carrying me in his muscular arm. Bahala na si Dwayne, bahala na sila.. Susulitin ko na muna ang tatlong araw na palugit na binigay ni DenMark, napakagago niya!
Siniksik ko ang sariling mukha sa kaniyang leeg at saka mahinang suminghot doon. Hmm.. ang bango ha.
Mahinang natawa si Drake sa ginawa ko. Hindi ko siya binigyan pansin , gusto ko nalang hindi umalis sa posisyon ito. With him, I feel safe. Parang nawala na parang bula ang lahat ng masasakit na salitang natanggap ko mula sa kapatid niya.
He is like my healing therapy which I would gladly take everyday.
At this juncture, we are like a free birds, hindi naman ako nababahalang may makakitang iba. Ang alam ng mga staff ng building na ito ay girlfriend niya ako at hindi pinsan.
Drake stayed silent all the way to his unit. Mas humigpit lang ang kapit niya sa akin at ako naman ay paminsan minsan hinihila pababa ang suot na saya. Though, safe naman akong hindi masisilipan dahil sa klase ng pagkakahawak palang sa akin ni Drake.
I take a glimpsed of his face when he reached his unit door. Mas lalo siyang nag mukhang suplado, ngunit pogi parin. I won't argue with that.
I looked away when he suddenly tilted his head, binaon ko na lamang ang mukhsa sa espasyo sa kaniyang leeg. Medyo nahirapan pa siya sa pagbubukas.
"Ibaba mo nalang kaya ako." I suggested
"No need, just stay still and don't move." he said with his raspy voice.
Napanguso ako, gaya ng sabi niya hindi nalang ako gumalaw. Instead, I stiffened his neck repeatedly. Ang bango bango niya!
Sa pagkagigil, hindi ko namalayang nakagat ko na pala siya sa leeg.
"Fuck!" malutong niyang mura kasabay ng pagbukas ng kaniyang pinto.
Mahina akong napahagikhik nang samaan niya ako ng tingin. Agad akong tumayo sa sariling mga paa ng pumasok siya sa loob. I palm my blouse and skirt dahil medyo nagusot na.
"I'll just order food for us." untag ni Drake.
Tumango ako. I walked toward his black leather couch and sat there. Sa katabi ko naman ay ang bag na siya mismo ang nagdala.
Inilibot ko ang paningin sa kabuuan at napansin walang pinagbago. Everything is well organized, walang mababakas na dumi.
Nakita ko si Drake na pumasok sa room niya habang may kausap sa telepono, siguro ang tungkol sa pagkain.
Napabuntong hininga ako, hindi naman siguro kami magtatagal at makakahabol pa ako sa klase. Hindi ko talaga gusto ang ideyang pagliliban, at ewan ko lang sa isang 'yon baka mamaya hindi siya maka-graduate.
Bumukas muli ang pinto ng kwarto niya at iniluwa nito si Drake na bagong palit. He is now wearing a white signature t-shirt and a khaki short. Halatang wala talagang balak bumalik sa SMU.
Nag-iwas ako ng tingin ng makitang humahapit sa katawan niya ang kaniyang damit. I am not exaggerating things, but Drake has a well built structure. Matikas at pasadong pasado bilang isang modelo. He has all the muscles in the right places.
"Matagal pa ba ang pagkain? Babalik pa ako sa school, Drake." nakaiwas ang tingin kong tanong.
From my peripheral vision, Drake walks with heavy footsteps. Hindi ko siya tinitigan man lang kahit mabali na ang leeg ko kakatingin sa paligid. Nakaiwas ang tingin na parang kanina lang ay hindi parang unggoy na nakalambitin sa leeg niya.
"Let's wait for thirty minutes or less. Darating din 'yun."
Nagpigil hininga ako ng maramdaman ang paglubog ng espasyo sa gilid ko, ibig sabihin lang nun naupo siya sa tabi ko.
"Pero, Drake may pasok pa ako.."
I moved my body sideward when his legs touched mine. Grabe akala mo naman sobrang sikip ng inuupuan namin na kailangan pa niyang makipagsiksikan sa akin.
"I've already told you, hindi na tayo babalik doon at mag-uusap nalang." sagot niya, nahihimagaan ko ang pagkairita doon.
Si Drake ba talaga itong kausap ko? Eh halos hindi na nga 'to makatulog ng maayos kakaasikaso ng mga paper works niya for school tapos ngayon, ayaw ng pumasok?
"Anong hindi?!" hindi ko mapigilang mapalingon sa kaniya at saka pandilatan siya ng mata.
Nang dahil sa biglaan kong paggalaw doon ko napansin ang posisyon niya. Drake is leaning on the backrest of the couch, habang ang kanang kamay ay nasa sandalan sa aking likod.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Yes, you have a lot of explaining to do. Sigurado naman akong hindi tayo matatapos sa trenta minutos lang." suplado niyang sagot.
Napasimangot ako, "Papasok parin tayo at hindi mag cutting class! Bad influence ka!"
Umayos ng upo si Drake, he even crossed his legs at saka pinagtaasan ako ng kilay.
"If you want to leave that bad, sige hindi kita pipigilan.."
Parang lahat ng paru-paru ko sa tiyan nagliparan. Madali lang naman pala siyang kausap eh. Well, kung wala lang talaga akong pasok baka hindi na ako humiwalay sa kaniya...
"Talk now, I want to know what happened to you yesterday, why the hell you are not answering my calls and why the fuck are you with Bautista, instead of me huh, Angel?" napalunok ako sa sunod sunod niyang tanong.
Damn, what have I gotten myself into?
Gusto ko lang namang kumain kasama siya at mawala ang pangungulila at sakit sa dibdib ko, bakit ginigisa na ako.
"Sasabay kasi sa'yo si Dwayne diba? At saka si Isabel din.."
Napakagat labi ako. Mabuti nalang din ang isahang tanong lang ang ginawa niya at malulusutan ko pa ang tungkol sa nangyari kahapon. Hindi pa ako handang sabihin sa kaniyang may nakakaalam ng iba tungkol sa amin. I will work and solve that first..
And this is my first step..
Mahirap man pero kailangan.
Tumayo siya bigla at nakapamaywang na humarap sa akin.
"Angel, my brother has his own damn car! Ikaw naman ang sinadya ko doon, I want to see and talk to you 'cuz you didn't even bother to reached out for me yesterday. Then what? Iiwan mo lang ako?" naghihimutok niyang bulyaw.
Guilty. Yes, guilty ako kasi sinadya ko talagang hindi sagutin ang mga tawag ang text niya kahapon. I was at the verge.. no I was already so broken last night. I was at my deepest vulnerability state, at hindi ko gustong masaksihan niya akong nagkakaganun.
"Saka si Isabel diba? Nagpapasundo sa'yo?" I tried diverting the topic of yesterday, I am not yet prepared for that.
Drake closed his eyes tightly, as if calming himself. Ang isang kamay niya naman ay nakahawak na sa may sentido.
"You are my girlfriend.. You really think I would ditched you for her?" malamig na sagot niya.
"She is your friend.. matagal mo na siyang kaibigan, naintindihan ko naman. Besides, nandoon naman si Benj so ayos lang sa akin."
"Exactly, she is just a friend and you're more superior than her. You are my damn girlfriend, Angel!" tinitigan niya ako ng mariin, na parang doon palang dapat alam ko na ang sagot.
Pero anong magagawa ko? Dwayne is keeping an eye on me, at halos kaladkarin na ako palabas ng bahay. As much as possible, I don't want to be in the same place with him. Sariwa pa sa akin ang pambabastos na ginawa niya at alam kung hindi pa 'yon ang huli hanggat hindi ko ginagawa ang gusto niya.
Umupo si Drake sa tabi ko, but this time he hold my hand and brought it to his lips.
"Baby you are my everything.. If I had to break my ties with her, just to be with you, I would gladly do it." napanganga ako sa sinabi niya.
I looked straight to his eyes, and I see nothing but sincerity. Ang maganda niyang mata ay seryosong nakatingin sa akin pabalik.
"Y-You cannot do that." umiling ako, sinubukan kong bawiin ang kamay pero kinulong niya lang iyon sa mga kamay niya.
Wow, parang hindi galit kanina ah? May pahawak hawak ng kamay na.
"Wanna bet?"
He raised an eyebrow at me, nanghahamon. Umiling parin ako.. of course hindi niya magagawa iyon, kahit ako. I just can't unfriend my friend.
Micah, Zaph including Benj was like a family to me. Hindi ko magagawang basta nalang silang hindi pansinin at layuan.
"I'm serious, Angel. I can easily find another friend if that what worries you. Pero ikaw? Hinding hindi kita pakakawalan, sa akin ka lang." he said , "Baby, binabaliw mo ako, literal."
Hindi naman kami sobrang lapit ngunit amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga. His minty breathe mixed with his perfume is damn addicting.
Hindi ako nakasagot at nakatulala na lang sa kaniya. Nag-aabang lang din siya sa reaksyon ko habang paminsan minsang hinahalikan ang likod ng palad ko. Ang init at pula ng labi ni-Angel!
I blinked my eyes and cursed in my head.
"Ayaw kong maulit muli ang nangyari kanina, naiintindihan mo? It should be only me that will drive you to your destinations." matigas niyang tinuran, wala sa sarili akong tumango.
Gosh, bakit ba ayaw pa niyang tigilan ang paghalik sa kamay ko?
"Sa akin ka lang dapat sumasakay, Angel. Ako lang dapat ang sinasakyan mo." he naughtily said then winked. My eyes widen in fraction.
Dahil saktong hahalikan na naman niya ang kamay ko, madali ko siyang nasampal. Malakas naman siyang natawa at balewala ang ginawang pagsampal ko.
"Bastos!"
Halos umusok ang ilong ko ng muli na naman siyang humalakhak. Umiwas ako ng subukan niya akong hapitin, pero wala iyong silbi dahil mas malaking tao siya sa akin.
He cuddled me in his arms in just a snap. Nasa dibdib niya ang ulo ko habang nakapalibot naman ang dalawang braso niya sa maliit kong katawan.
A moment of silence followed. I heaved a sigh before closing my eyes. I angled my head against his chest until his breathing is audible in my ear.
It was beating with the same ferocity as mine. Parang sumasabay lang silang dalawa. It's like our heart has its own rhythm, masarap pakinggan at... napakapayapa..
"I missed you.." he whispered.
Naramdaman ko ang paghalik niya sa ibabaw ng ulo ko at ang paghigpit ng kapit niya sa katawan ko. Para lang akong isang sanggol na nagkasya sa katawan niya.
"Hindi ka na galit?" mahina kong bulong.
Pinikit ko ang dalawang mata at mas dinamdam ang banayad niyang paghinga.
Drake grunted low, "I am not mad, Angel. Nakakatampo lang."
Sinubukan kong bumangon para tignan ang mukha niya subalit mas hinapit niya lang ako.
"I'm sorry na.." bulong ko. I traced my fingers on his chest.
Napabuntong hininga siya, bago ko maramdaman ang muling paghalik niya sa ibabaw ng ulo ko.
"Hmm.. what happened yesterday? Why did you leave without informing me? Alam mo bang halos mabaliw na ako sa kakahanap sa'yo?" mula sa banayad niyang paghinga, bumilis iyon.
"I was losing my shit thinking about the worst case scenario, mabuti nalang may nakakita sayong umuwi na!"
Natahimik ako. What am I going to say? Hindi ko naman maaring sabihin sa kaniya ang totoong rason but I don't want to lie either.
"Angel.." pagkuha niya sa atensyon ko ng hindi ako makasagot.
I pressed my lips together, dinambahan ng kaba ang sariling dibdib sa hindi malamang gagawin. Mas nagsumiksik pa ako sa dibdib niya ng subukan niya akong silipin. Nasa ganoon kaming posisyon ng biglang tumunog ang doorbell. Malakas akong napahinga ng malalim.
Save by the bell..
"That must be our food, teka kunin ko lang." tumango ako bago humiwalay sa kaniya.
Akala ko aalis na siya ngunit ganun nalang ang gulat ko ng bigla siyang yumuko at halikan ako sa labi. It was only a swift kiss and he hurriedly left before I can give him a punch.
Nanbibigla eh.
He was laughing while walking towards the door, ako naman ay nakasimangot lang.
Napailing ako, ginusto mo naman, Angel!
Tatayo na sana ako ng biglang mag-vibrate ang cellphone ko. Tumatawag si Benj.
Nagdadalawang-isip pa ako kung sasagutin, pero sa huli nanaig pa'rin ang konsensya ko.
"Benj.." ani ko,
"Uy beb! Saan ka?"
Napakagat labi ako.
"Ahm ano.." I stammer.
"Wala tayong pasok, may biglaang meeting ang mga professor." napahinga ako ng maluwag. Mabuti naman...
Nakabalik na si Drake, sinenyasan ko siyang huwag magsalita, nakuha naman niya iyon kaya tahimik nalang siyang tumungo sa kusina dala na ang mga pagkaing in-order.
"Ganun ba,"
"Oo, nasaan kaba? Maganda sanang gawin ngayon ang business plan natin."
Shoot! May business plan pa pala kaming dapat I-pass next week at Wednesday na ngayon. Napasapo ako sa noo.
"Mga one thirty, Benj. May importante lang kasi akong ginagawa at wala ako sa SMU."
Naglakad na ako papuntang kusina, una kong nakita ang likod ni Drake na inihahain ang mga pagkain.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya "Sige, hintayin nalang kita sa room." sagot ni Benj.
Agad akong nagpaalam, binulsa ko muna ang cellphone at saka tumulong. Kumuha ako ng dalawang pinggan.
"One plate will do, Angel." komento niya ng makitang dalawa ang dala ko.
I arched my left brow. "Hindi ka naman nagkukulang ng pinggan, pasaan pa't bumili ka pa nito kung titipirin mo lang din naman." I rolled my eyes.
Meanwhile, Drake shook his head and went near me. Hindi talaga nagpatalo at ibinalik ang isang pinggan sa lalagyan nito.
"Pasaway." I whispered,
Drake grinned but didn't say anything. Nang maayos na ang lahat, naupo na kami at nagsimulang kumain. He made me sit on his lap which I gladly obliged. Mas gusto ko nga 'to, at saka nasanay narin.
Simula yata naging kami ay palaging ganito ang set-up namin tuwing kakain. I would feed him like a baby, and he will do the same. Para lang kaming tanga pero masaya naman..
I must admit, this is one of the reason why I fall for him more... I will surely miss this bonding...
Ako ang nagpresentang maghugas ng pinagkain, si Drake naman ay bumalik sa living room at rinig ko pa ang ingay na nagmumula sa tv. Mukhang nanonood.
I wiped my hands with the towel when I'm done washing the dishes. Pagkatapos, nagtungo ako sa living room. Tama nga ako at nanonood siya.
Nag-angat ng tingin si Drake ng maramdaman ang paglapit ko. He tapped the space beside him, on the leather couch but I shook my head.
"Babalik na ako may kailangan lang kaming tapusin." ani ko bago kinuha ang bag.
Nagsalubong ang makakapal niyang kilay.
"Isabel texted me, walang pasok."
Tumango ako "Gagawa pa kasi kami ng business plan, it's due next week."
"I can make you one, just stay here with me and let's cuddle. Come here."
Napanguso ako, sounds tempting. Gusto ko ring dito na lamang, ngunit hindi pwede. Naghihintay na sa akin si Benj at nakakahiya naman kung hindi ako sisipot gayong nakapagbitaw na ako ng salita.
Drake give me an annoyed glare when he noticed my unmoved body.
"Angel.." pagbabanta niya
"Thank you, but we can manage, Drake. By partner naman 'yon at isa pa naghihintay na ngayon si Benj."
Drake looked at me now with an irritated look. Kinabahan naman ako ng bigla siyang tumayo at saka lumapit sa akin. Pero sa kabila nito, hindi ko nagawang ihakbang ang mga paa paalis. Para lang akong tuod na nakatayo.
"Bautista again, huh?"
The green monster is now visible on his eyes. Napailing ako, napakaseloso.
"Alam mo, ihatid mo nalang ako para maaga kaming matapos." sagot ko, ngunit hindi siya nakinig imbes ay tinawid ang distansya sa pagitan namin.
Napasinghap ako ng hapitin niya ako sa baywang. I put my palms against his chest when he leaned forward. Halos maduling na ako sa lapit ng mukha naming dalawa.
"Drake.."
Huminto ng halos isang pulgada ang labi niya sa labi ko, halos magkadikit na ang mga ito. Bumigat naman ang paghinga ko ng maramdaman ang kamay niya sa likod ko na humahaplos doon.
"Gagawan kita kahit ilan pang business plan ang gusto mo. Just stay.." he sexily whispered.
"Drake!"
I hissed when he suddenly grab my buttocks and palmed it with one hand.
"Uhuh?"
"Pwede ba! Kahit gaano ka pa kagaling at katalino, hindi namin kailangan ang tulong mo. Kaya nga kami nag-aaral para matuto eh, mabilis lang naman kami!" sunod sunod kong talak, nanlalaki ang mata ng mas dumiin ang paglalamutok ng kamay niya sa pwet ko.
"Damn, your mouth!"
Kasabay noon ay ang pagsalubong ng labi niya sa labi ko. Nanlaban ako noong una, dahil may taong naghihintay sa akin at may importante pa akong gagawin. Kahit gaano pa ako nasasabik sa kaniya..
Subalit, tao lang din naman ako. Nadadala sa sensasyon at aaminin ko.. marupok.
Ang init at lambot ng labi niya, kaya naman the next thing I know, I was shamelessly calling his name as waves of pleasure assaulted my entire body. I was straddling his lap, his thick and long manhood inside me. Drake's hot mouth ravishing my mounds and while we are both panting, full of sweat. Walang pakialam sa paligid..
* * *
Lakad takbo na ang ginawa ko ng makarating ako sa SMU. For the love of God, it is nearing four o'clock already. Kasalanan ito ni Drake eh, isang malaking tukso!
Sinigurado kong nakalugay ang buhok ko para hindi makita ang mga love marks doon. Drake is being a vampire again. I've lost count kung nakailan ba kami, basta ang sigurado ako late na late na ako sa usapan namin ng kaibigan ko.
Pagdating ko sa room wala nang tao. Naka-lock narin ang pinto at nakasara na ang mga bintana. Tahimik ang buong pasilyo, imposibleng nandito pa si Benj.
Of course aalis na 'yon, Angel. Napakatagal mo naman kasi!
Nanghihina akong bumalik sa ground floor. May ilang estudyante pa naman sa paligid, and maybe one of them is Benj. Nagpasya akong hanapin siya, nag text at tumawag na din ako pero hindi siya sumasagot.
Nilakad ko ang bahagi ng field kung saan kami madalas pumunta para manood ng laro. But Benj is nowhere to be found. Hindi parin ako sumuko at nagpatuloy sa pag-iikot. Malaki na ang kasalanan ko sa kaniya, baka pa sabihin nun paasa ako.
I walked, walked and walked. Halos sumakit narin ang mga binti ko Nagtanong tanong na din ako sa mag-aaral na nakakasalubong ko kahit hindi ko naman sila kilala, subalit pareho lang ang mga nagiging sagot nila.
Hanggang sa mamataan ko ang isang pamilyar na bulto nang babae. Nakaupo siya sa isa sa mga bench na nakaharap sa quadrangle. Nakapusod ang kaniyang buhok at kahit sa malayuan, kapansin pansin ang natural niyang ganda. Siya lang mag-isa.
Without thinking, I went near her to asked the same question. Hindi ko inaasahang sa ganitong paraan muli kaming magkakausap. Mas lalong hindi ko inaasahang makausap siya.
"Hi, Gwen right?"
Nakangiti kong untag ng nasa harapan ko na siya. Binaba naman ni Gwen ang hawak na libro bago nag-angat ng tingin.
Pinilit kong ngumiti at kinalimutan ang nakita noong nakaraan. It's not a big deal anymore. In fact, mukha talaga siyang mabait. Kung papipiliin ako sa kanila ni Isabel, I would choose her to be my friend than Isabel.
Hindi sa pagiging bias, ngunit base sa mga pinakita at inasal ni Isabel sa akin nitong nakaraan parang hindi niya din ako gusto. Lalo na sa tuwing magkausap kami ni Drake sa telepono at palagi siyang bumibida.
Hindi sumagot si Gwen at tinitigan lang ako. Okay, maganda talaga siya. As in, super!
Mukha siyang angel, hindi katulad ko... Angel lang sa pangalan.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, ah nakita mo ba si Benj? Benjie Bautista, yung pinsan mo?"
Matagal bago siya makasagot. Parang kinikilatis pa niya ako ng mabuti.
"Why? What do you want from him?"
Kahit ang boses niya ay mahinhin, hindi makabasag pingan.
"Ano, kaibigan niya ako. Angel Encinareal by the way, may kailangan lang kasi ako sa kaniya." ngumiti ulit ako.
Gwen blinked his eyes and squinted it to me.
"Oh are you the girl from my debut party?" she asked instead of answering my me.
Agaran akong tumango, mabuti at naalala niya. Matalas din pala ang memorya niya.
"I see. If I am not mistaken, kuya Benj is with kuya DenMark." nanlaki ang mata ko, paano kung sabihin niya din kay Benj katulad ng pagsasabi ni DenMark kay Dwayne?
"Nasaan sila?" atat kong tanong.
Nag-isip saglit si Gwen, at nang sinabi niya ang lugar walang pagdadalawang isip akong tumakbo.
"Hmm.. parking lot ba? I think yes, sa parking lot. They seeme-"
It may sound rude but I left her there before she could even finished her sentence. My hearts is hammering wildly inside my chest at the morbid thoughts floating in my mind.
DenMark can't tell Benj. Hindi pwedeng ibunyag niya din ako sa nag-iisang kaibigan ko dito. I can't lose him, I can't take it if Benj will also despise me. Hindi pa sa ngayon.
Siguro sa pagmamadali kanina, hindi ko na nabigyan ng pansin ang kabuuan ng parking lot. Basta nalang ako bumaba sa kotse ni Drake at dumiretso sa loob. Na malaking pinagsisihan ko, kung alam ko lang na nadoon lang sila....
I was catching my breath when my eyes landed on the two man, talking.. no they seemed to be arguing. Nakatalikod sa akin si Benj habang nakaharap naman sa gawi ko si DenMark, sa likod nila ay isang puting kotse. Nasa pinakagilid sila ng parking lot, sa hindi agad mapapansin.
Walang pag-aalinlangan kong tinahak ang distansya sa pagitan naming tatlo. Wala dito si Drake, pero may usapan kaming babalikan niya na lang ako.
I was only a few step apart... mga tatlong hakbang nalang ng matigilan ako sa narinig. Mukhang sinadya iyong iparinig sa akin ni DenMark dahil nakatingin na ito sa akin habang may mapaglarong ngisi sa labi.
"Ano pa ba ang gusto mong gawin ko? Dude, I already did you a favor. Ako na nga ang lumabas na kontrabida dito eh. Tapos ngayon ayaw mo pang sabihin kay, Angel ang totoo? Mas gusto mong isipin niya ako ang kumuha ng video na ikaw naman ang gumawa? Grabe ka naman sa akin, pare.."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro