CHAPTER 15
Couple
Words are indeed powerful. It can break someone easily without sweat. It can tear them apart slowly but abrasively. That's why the words that comes from our mouth should be analyze carefully. Kasi hindi na 'yon mababago pa. The number of sorry and apologies couldn't compensate to the pain they'd be feeling.
Napapikit ako. Habang tumatagal mas lalong nagiging tahimik ang buong kotse. Hindi siya nagsasalita so hindi rin ako nagtangkang mag bukas ng usapan. I was too guilty to even talk to him. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, nag-iisip kung saan na naman niya ako dadalhin. Noong huli naming labas hindi naging maganda ang nangyari at ayaw ko nang isipin pa iyon.
Naririnig ko ang minsan pagbubuntong hininga niya ng malalim. It's like the world is on his shoulder. I patiently waited until we stopped. Kumunot ang noo ko nang makitang huminto kami sa isang condominium building. Binalingan ko siya nang may pagtataka.
"Why are we here?" nag-aalangan kong tanong.
Hindi siya sumagot sa halip lumabas ng walang pasabi. Umawang ang labi ko sa pagtataka.
What the fuck? Dinala niya ako rito para lang iwanan?
Para akong nabunutan ng tinik ng sandaling umikot siya at buksan ang pinto sa side ko. Nakahawak siya sa pinto ng sasakyan. I then lazily unbuckled my seatbelt before jumping off my seat. Bumababa ako habang bitbit ang bag. Inayos ko ang suot na dress, nakita kong bumaba ang tingin niya doon.
His forehead crease. "What?" Ani ko saka siya inirapan.
Ano pagbabawalan niya akong mag dress? Last time I check, na scam niya akong hindi raw nagpapapasok sa University ang mga nakasuot ng dress. Hindi naman pala!
He only sighed. "I'm planning to buy a condo unit. I want you to decide on this."
Natigilan ako, hindi naman ako ang titira kaya bakit ako ang kailangan mag desisyon? Nagsimula siyang maglakad kaya sumunod nalang ako.
"Bakit ako ang papapiliin mo? Ako ba ang titira?" Kunot noong tanong ko habang nasa likuran niya ako. Tumigil kami sa harap ng receptionist.
"Hello Ma'am and Sir! How can I help you?" tugon ng babae.
Napalingon ako sa paligid, sobrang elegante at halatang isang high-end condominium building.
"I'll be checking your available unit. I've already talk with your boss about it."
Napanguso ako, he's always using his power. Kung gano'n ano pa't nandito ako kung nakausap naman niya na pala ang may-ari nito?
"Are you perhaps Mr. Drake Damascus?" sagot naman ng receptionist.
Nakapamulsang tumango si kuya Drake. Ngumiti ulit ang babae bago kami giniya sa elevator. Napahinga ako ng malalim, nagmukha na akong bodyguard ng pinsan kong 'to.
But then, feeling guilty hindi nalang ako nagrelamo.
Tahimik lang akong sumunod. Tumigil kami sa panghuling palapag. May tatlong pinto ang bumungad sa amin. In-asist siya ng receptionist habang ako nasa likod lang nila. Hindi nagsasalita si kuya at kadalasang napapatingin sa mukha ko na parang may dumi doon.
"What do you think?" tanong niya sa akin sa unang pintong pinasukan namin.
Total naman wala na akong mapagpipilian, mas mabuting sumunod nalang. I roamed my eyes in the whole room. It was spacious. May second floor na may tatlong kwarto. The interior design looks manly. May mga muweblas at malaking chandelier sa gitna. Nagmukha na siyang bahay sa laki. Malawak rin ang space sa kitchen na may island shape.
Nagsusumigaw nang karangyaan ang buong unit.
I shrugged my shoulder "Okay naman. It feels cozy and besides malapit lang 'to sa school. Less hassle for you."
Umupo ako sa sofa na nasa living room. I crossed my legs and look at him. Na imbes sa kwartong lilipatan niya pagtuunan ng pansin, sa akin siya nakatingin.
"You can always change the interior design anytime Sir." The receptionist said.
"Huwag mong isipin ang lapit nito sa pinapasukan ko. Do you like it?" Naninimbang na tingin ang ginawad niya sa akin. Tumango ako.
Naglakad siya papalapit. Ngayon, nakatayo na siya sa gilid ko. Since single sofa itong kinauupuan ko.
"How 'bout the furniture's? You wanna add or change something?" tanong niyang muli.
Nilibot ko ang paningin at nakitang wala namang kailangan baguhin. Maybe may mga kulang pa pero hindi na ganoong karami.
"Bakit ka tanong ng tanong? Ikaw naman ang titira rito." Napailing ako.
The woman laugh. Tumingin ako sa kaniya bago ngumiti. While kuya Drake faced the receptionist making her stop from laughing. I rolled my eyes. Always the intimidating him!
Sa huli, iyon na nga ang kinuha niyang condo. Lumabas siya saglit para mag pirma ng iilang dokumento at naiwan akong mag-isa sa loob ng unit.
Instead of sitting and doing nothing, I decided to check the kitchen area. Kompleto ang mga gamit panluto, may dalawang refrigerator at mayrooon ding oven. His dining area has a round table with five chairs. Sinubukan kong buksan ang kaniyang ref. Katulad ng inaasahan ko walang laman ang dalawa.
Pagbalik ko sa living room saktong bumukas ang pinto.
"Let's go. Kumain na muna tayo." Sabi niya. Tumango ako bago kinuha ang bag.
Paglabas namin ng building madilim na ang paligid. Gano'n pala kami katagal sa loob.
"So hindi ka uuwi ngayong gabi?" I asked.
He's already driving to our destination. Bakit ko pa iyon tinatanong kung alam ko naman ang sagot? Of course uuwi pa siya pero hindi na katulad ng dati na halos buong araw siyang namamalagi roon. Well, hindi naman na ngayon dahil may pasok na.
"No, I'll be moving out next week. Hindi pa nila alam ang plano kong 'to." Natigilan ako sa sinabi niya.
"Bakit hindi alam nila tita? Hindi ba sila pabor na humiwalay ka sa kanila?" I bit the inside of my cheeks.
I have a feeling na ako ang dahilan nito. Kasi bakit ngayon lang niya naisipang bumukod? Ngayon kung kailan tumira ako sa kanila. Napabuntong hininga ako. You are making this more complicated kuya.
"Or is it because of me?" I added.
Tumigil ang sasakyan sa isang sikat na restaurant ng bayan. Sa halip na bumaba, pinili kong hintayin ang magiging sagot niya.
I looked at him in the eye. His eyes were so expressive and deep. Nakatingin lang din siya sa akin.
Please don't say yes.
Pipi kong bulong. Hindi ko alam ang mararamdaman kung sakali mang ako ang dahilan. Hindi ko gusto sirain ang masaya nilang pagsasama. Like me, I don't want to be apart from my family. Mabigat sa dibdib.
"What makes you think you're the reason behind this?" Pabalik niyang tanong, napahinga ako ng malalim.
Salamat naman...
"Matagal ko ng gustong gawin 'to. I was thinking about my mother since she wouldn't like the idea of it. But since you came, alam kong hindi na siya malulungkot." he is so serious.
Hindi nalang ako sumagot pa. Nauna siyang bumaba ng kotse. Bubuksan ko na sana ang pinto sa side ko ng nauna niya itong gawin. I just sighed in defeat. Pumasok kami sa isang mamahaling restaurant. We were immediately assisted by one of the staff. I've ordered light meal since it's already dinner.
When the food was served, we ate in silence. The only sound of our utensils can only be heard. I can feel his eyes on me the whole time. Hindi ko nalang 'yon pinansin. Though, I felt uneasy.
Nagpunas ako ng tissue matapos kumain. Nagtawag si kuya ng waiter at humingi ng wine. Mukhang matatagalan pa yata kami.
I check the time. It's quarter to 8 and I doubt if tita knows about this. "Huwag na tayong magtagal. Baka nag-aalala na sila tita." I said while the waiter was pouring the wine on the glass.
Hindi ko magawang labanan ang titig niya kaya naman pinili kong tumingin sa basong nasa harapan.
"Alam nilang kasama kita." seryosong ani niya.
Napabuntonghininga ako. Ngumiti ako sa waiter bago paglaruan sa kamay ang wine glass. This is not my first time drinking wine. Kaya hindi problema sa akin ang pag-inom. In fact, hindi naman ako malalasing sa isang baso.
"How was your first day?" he asked softly.
Muntik na akong mabulunan ng maalala ang naging sagutan namin nong Jayson. Napailing ako at pilit winaksi iyon sa isipan. He's not worthy of my time.
"Fine, how about you?"
Nilipat ko ang baso sa labi at marahang sumimsim. Hmm... taste good.
"Just some digest and recitation." bored na sagot nito. Nilapag niya ang baso ng wine glass habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
Nanlaki ang mata ko. First day na first day may recitation agad?
Sabagay, hindi naman 'yon nakakapagtaka. We're no longer an elementary nor high school students na pa chill, chill lang.
Tumikhim ako "Nakasagot ka naman ba?" I teased and he smirk.
I purse my lips. Patuloy ang paglalaro sa hawak na baso. I moved my hand in a circular motion.
"Don't belittle me. Ikaw lang naman ang hindi ako sinasagot." Nasamid ako sa narinig.
Seryoso siyang nakatingin sa akin habang may multo ng ngisi sa labi.
Binaba ko ang basong hawak bago punasan ang bibig. Inikutan ko siya ng mga mata.
"Yea—"
"Oy, Miss sungit!"
I stopped midway when someone sat beside me and hold the back of my chair. Kumunot ang noo ko bago balingan ang nagmamay-ari ng boses na 'yon.
Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makitang ang lalaking may kulot na buhok na kasama ni Jayson. Walang pasabi siyang umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko, hindi man lang nagtanong kung ayos lang na sa akin.
Kumindat ito bago ngumiti ng nakakaloko. Kinilabutan ako bigla.
"Hey dude," Tumingin siya kay kuya na ngayo'y may masama ng tingin.
Nanatili pa rin ang kaniyang braso sa likod ko. Umusog ako papalayo. Masiyadong malapit ang upuan naming dalawa.
"What are you doing here Velasco?" kuya Drake asked dangerously. The guy beside me chuckle.
Umusog pa ako pero dahil nasa upuan ko ang kamay niya, hindi na ako nakagalaw. Sinamaan ko ng tingin itong tinatawag na Velasco.
"Back off," inis kong tinuran.
But instead of distancing himself, he only smile like an idiot.
"In case you forgot, my parents owned this place." Pagmamayabang niya. Binalingan niya ng tingin si kuya habang nakangisi.
Napabuntong hininga ako, mas mabuting umalis nalang kami dito. Total naman tapos na kaming kumain. Kung alam ko lang na sa kanila ito, hindi na dapat kami pumunta dito.
"Kuya let's go now." I interrupted.
Kuya Drake look at me with his darkened eyes. Tumingin siya sa brasong nasa likuran ko. His jaw clenched. Tatayo na sana ako ng biglang magsalita na naman itong katabi ko. Gusto ko na siyang suntukin ng matahimik. Feeling close naman siya.
"Wow! Who would have thought you have a beautiful sister Damascus?" Mapang-uyam na saad nito. I close my eyes tightly.
Lumapit siya sa akin na nagpaatras sa mukha ko. He's smiling widely again.
"He's not my brother, at pwede ba! Don't come near me!" I tried to stand up, but he hold my shoulder.
Nanlaki ang mata ko. Sinong may sabing may karapatan siyang hawakan ako?
Mga alagad ni Jayson!
Lumapit pa siya "Then can I have her Damascus?" he playfully asked before looking at my cousin.
Napaigtad ako ng biglang tumayo si kuya Drake at walang pasabing hinaklit sa kwelyo ang katabi ko. My eyes widen in fraction. Nanlilisik ang mga mata ni kuya Drake habang nakangisi naman ang huli.
Baliw ba siya?
Dahil sa ginawa ni kuya, natanggal ang hawak nitong Velasco sa balikat ko subalit, nanatili itong nakaupo. May ilang sumigaw at ang iba'y nakalabas ang cellphone. Agad naman akong pumagitna sa kanilang dalawa.
"You fucking stay away from her Velasco!" Madilim ang anyong ani ni Kuya Drake. Seryoso ang boses nito at umiigting ang panga tanda na galit.
"What if I don't huh? What will you do?" Nakangising tugon ni Velasco.
Imbes na matakot sa pagkwelyong ginawa ni kuya, pinagkrus pa nito ang binti. Nanatili itong nakaupo habang nakatayo sa kaniyang harapan si kuya Drake.
Baliw na nga siya.
"Kuya let him go." Hinawakan ko siya sa braso.
Natatakot ako at baka magsampa ng kaso ang lalaking ito. Lalo pa't anak pala siya ng may-ari nitong restaurant.
Ang mga staff ay nakapalibot na'rin sa amin. Pansin ko ang paghigpit ng hawak ni kuya sa kwelyo ni Velasco. Nagsukatan sila ng titig.
May lumapit na lalaki which I think is the manager. Aawat na sana ito ng samaan siya ng tingin ni Velasco na parang nagsasabing huwag na itong mangialam.
"Kuya tama na," nanginig ang boses ko.
Especially that I can clearly saw someone documenting them. I'm afraid this will reach tito and tita, or worst sa school. He's becoming a law student and this will surely affect him.
"Fucker," Bulong ni kuya saka pabalyang binitawan ang lalaki. Napangiwi ako ng muntik nang mahulog si Velasco dahil sa lakas ng impact. "Don't try me. Alam mo kung paano ako magalit." he firmly said before dragging me.
Narinig ko pa ang mapang-insulto nitong tawa. Mariin akong napapikit. Damn him! Akala ko talaga iba siya sa Jayson na 'yon, it turns out mas malala pa pala siya.
Mabibigat ang hakbang na tinungo namin ang kaniyang kotse. I can feel his raging body. Padabog niyang binuksan ang pinto ng passenger seat.
"Get in," Napalunok ako. Madilim ang kaniyang anyo na anumang oras sasabog. My hands started sweating.
"Kuya—"
"Get inside the fucking car Angel!" his voice thundered. Naglabasan ang ugat sa noo niya. Mabigat rin ang kaniyang paghinga.
Napakislot ako at parang tuta na dahan-dahang pumasok sa sasakyan. I'm not ready to face his wrath. Pinagdaop ko ang mga palad ng sandaling nakapasok na siya sa sasakyan. Agad naman niyang pinaharurut ang sariling kotse. Dali akong nagsuot ng seatbelt.
I'm nervous as hell!
"Huwag mong subukang makipag-usap sa lalaking 'yon Angel." matigas ang boses na aniya.
Agad akong tumango, na parang takot na mapagalitan. Samantalang kanina, ang lakas ng loob kong sigawan siya!
"H-How did you know him?" I still managed to ask him
I close my eyes. Stupid! Of course he'll know since they study in the same University. May napansin akong kakaiba sa kanila. It seems like they already know each other before. Mukha silang may pinagsamahan.
"He's my block-mate." Matagal bago siya makasagot. Napatango ako.
"Listen to me Angel, just stay away from . He's not someone whom you can befriend with." he whispered.
Block-mate? So it only means..
"He's dangerous.. so please.. please listen to me baby.. Huwag matigas ang ulo." Kuya Drake added.
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Baby?
I've heard him calling me baby countless of times. Pero hindi pa rin ako nasasanay. Dapat magagalit ako sa tinawag niya sa akin. I should be shouting at him now pero umurong bigla ang dila ko.
Hindi ako sumagot. Pinikit ko na lamang ang mata hanggang marating namin ang bahay.
---
The next day, I did my usual morning routine. Hindi pa rin ako nakasuot ng school uniform. Maybe next week. Last night, I talk to my parents for almost an hour. I really miss them so bad.
Pagkatapos mag-umagahan, dumiretso kami sa SMU. Of course sa sasakyan pa rin ako ni kuya Drake nakasakay.
"Angel," Napahinto ako sa pagtangkang bumaba ng kotse dahil sa tawag niya. Nagtataka ko siyang nilingon.
"Yes?" Tumikhim ako.
Nakatingin siya sa akin ng seryoso. Napalunok siya na parang kinakabahan.
"Good morning," he said with his husky voice.
I smiled, yep. Hindi pala niya ako binati kanina.
"You too kuya. Good morning." kumunot ang noo niya. It's like he didn't like my answer.
What? Tama naman ang sinabi ko. I greeted him back!
Napakagat labi ako ng may maalala. Right, tinawag ko siyang kuya na ayaw na ayaw niya!
Napahagikgik ako bago kumaripas ng takbo.
"Angel! You naughty woman!"
Mas lumakas ang halakhak ko sa sinigaw niya. Napalayo na ako sa kaniya't lahat lahat, hindi pa rin maawat ang tawa ko. Some students were looking at me weirdly but the hell I care.
Humahangos akong nakarating sa room. Nandoon na si Benjie na malaking pinagpasalamat ko. Pagka-upo ko, agad siyang sumatsat ng sumatsat. Napapatawa nalang ako. Ang sarap niyang kasama. Mabuti nalang at linapitan niya ako, hindi magiging boring ang pag-aaral ko.
He only stopped when Dwayne entered the room. Gusot pa ang buhok at nakasuot siya ng blue long sleeve na bukas ang unang tatlong butones.
Ngumiti ako sa kaniya ng dumako ang tingin niya sa gawi ko. Napailing ako ng hindi man lang nito nagawang suklian ang ngiti ko. Naramdaman ko na naman ang paglapat ng kamay ni Benjie sa braso ko at maharot niyang tili.
I sighed, kawawa naman ako.
Dumating ang professor. He immediately discussed our lesson. Nakahanda na ang recording sa tabi ko, at nag take down notes na rin ako.
When the morning class ended, hawak na ang palapusuhan ko ni Benjie. Itong baklang 'to, hindi man lang ako tinanong kong kakain ba ako o hindi. Basta nalang niyang hinila ang kamay ko.
"Don't you have other friends?" Tanong ko habang naglalakad. He rolled my eyes at me.
"I once have a group of friends. But eventually, I distanced myself. They become toxic." Mapait siyang ngumiti.
I was stunned. How can someone like him..
"Most of the time, whenever I'm with them they will only make fun of me. They'd always teas me." he sounds in pain. But he still managed to share this with me, without a second thought.
Who wouldn't be if you experienced such. Much worst, in the hands of your so called bestfriend.
I hold his hands tightly. Tumingin siya sa akin bago ngumiti. I noticed his eyes getting red. Ang hirap siguro na sa isang iglap, wala na ang tinuring mong pamilya.
"Yes, I know they are only joking. Pero masakit eh, I've felt like I don't belong. Halos oras-oras tinutukso nila ako kasi ganito ako ganiyan." at this moment, I wanted to jump on his so called friend and beat them.
"Hindi ka nila tanggap is that it?"
We entered the elevator, since the cafeteria in not in low ground.
Tumawa siya, isang pekeng tawa. Mabuti nalang at kami lang ang lulan nang elevator.
"Sinasabi naman nila na tanggap nila ako. But you know, there are really times when you couldn't accept it anymore. Their jokes hurts like daggers.. I felt like anytime sasabog ako, kaya ako nalang ang kumalas."
Napabuntong hininga ako. He is smiling but I know better. "Don't settle with those kind of mindset. They must know how to separate jokes from insult. Hindi lahat ng biro nakakatawa. You just did the right thing." Ngumiti ako, tumawa naman siya.
But I can still feel his grief.
"Lukaret 'to! Ang drama mo."
I pouted when his hand landed on me again. "Nandito naman ako. Hindi ako plastic, slight lang!" Ani ko pa, tumawa siya.
Pagdating namin sa canteen, medyo marami na ang tao. But since malaki ang buong lugar, nakahanap pa kami ng mauupuan.
"Anong gusto mo? Ako na ang oorder." I shook my head.
"I'll come with you." Tatayo na sana ako ng pandilatan niya ako ng mata. I laughed.
"Ako na, bantayan mo nalang itong mga gamit natin." He has a point.
Sa huli, kung ano ang sa kaniya iyon nalang din ang akin. Hindi ko pa naman alam kung ano ang mga nasa menu..I was scanning the whole place when a group of students caught my attention. Three boys and two girls. Kahit kumakain, may dala silang makakapal na libro. Nakalatag sa kanilang harapan. Naningkit ang mga mata ko ng mamukhaan ang isa sa kanila. Paminsan minsan itong nakikipagtawanan sa mga kasama.
I was to engrossed with them, that I didn't notice Benji's presence.
"Anong tinitignan mo?" He put my tray in front of me. Umupo siya bago silipin ang kanina ko pang tinitignan.
"No, nothing! Let's just eat." Pinilig ko ang ulo. Pero ang bakla, pinanganak nga talagang echusera!
I sighed when he spotted them. Since magkatabi kami, madali niya lang silang makikita. Nakapwesto sila sa gilid, na may glass wall.
"Oy girl! Diba kasama mo siya kahapon? Si Drake!" excited na tanong niya. Napapikit ako ng hampasin na naman niya ang balikat ko. He looked at me with wide eyes.
Yes, isa si kuya Drake sa grupo. Katabi niya ang isang babae na short hair. And they looked close. Nilingon ko ulit sila. Paminsan-minsan, sinusubuan ng babae si kuya na parang wala itong kamay. At hindi man lang niya ito inawat! Na kung tutuusin ang tanda na niya para magpasubo pa!
"Ang sama ng tingin mo." Natatawang ani ni Benjie.
I rolled my eyes. "He's my cousin." I can taste the metal on my tongue.
Damn! He is so malandi! And here I thought wala siyang girlfriend dahil siya mismo ang nagsabi nun.
But wait, diba dapat masaya ako para dito? Finally, hindi na niya ako guguluhin. May iba na siyang babae..
"You mean Drake? Aw ang swerte mong lukaret ka!" I sighed.
If you only knew.. I'm not that lucky.
Sa halip na tignan ang paglalandi ni kuya Drake at nang short hair pinili ko nalang na kumain.
"Ang sweet nila talaga! You know, they are well known couple in this University."
Muntik na akong mabulunan sa narinig. Agad naman niya akong binigyan ng tubig.
"Okay kalang? Dahan dahan lang kasi." Sinamaan ko siya ng tingin. Hinagod hagod pa niya ang likod ko.
"C-Couple? Who?" tanong ko kahit my ideya na ako kung sino.
Kinikilig siyang ngumiti bago balingan sila kuya ng tingin. Wala sa sariling tumingin rin ako sa kanila. Umawang ang labi ko sa nakita. Kuya Drake was removing something on the girls mouth! Ang lapit ng mukha nilang dalawa! The girl was even smiling widely.
Putol lang?
"Them, the sweetest couple here. Si kuya Drake mo at Isabel."
I can feel my heart clenched.
Damn you kuya!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro