Twenty-third Page / December 25, 2016
December 25, 2016
Christmas day supposed to be a normal day for me.
Tulog lang ako sa pagsalubong sa christmas eve tuwing pasko. Tambay lang ako sa k'warto, at palaging kausap si Sandy sa telepono-- ito ang tipikal na salubong ko sa pasko.
Pero iba ngayon.
Ngayong araw ko kasi nalaman kung bakit palaging masaya ang tatay ko recently.
Nahanap niya kasi ang matagal na niyang hinahanap.
Hindi bagay, kundi tao.
Pinakilala pa niya sa akin.
Kaya nasira ang pasko ko.
Sirang-sira.
He introduced me my sister.
Anak niya sa kabit niya.
May kapatid ako.
May kapatid ako na dulot ng kalandian niya. Yet, he seemed so happy.
But me? Nah.
Kahit mukhang mabait 'yung babaeng kapatid ko sa kaniya? Kahit palangiti? Kahit mukhang anghel? Hindi ako natutuwa. Dahil sa kabit ni daddy, kaya nagawa ni mommy magpakamatay. Nagkaro'n pa siya ng anak sa kabit niya!? Hindi ko kayang tanggapin.
I'll be the living demon on Earth, if needed.
Zandaya, that's her name hmm?
The Angel Zandaya, meets the Demon Matteo.
Merry Christmas to you.
***
Matteo.
Si Zandaya!
Ang kapatid kong halos isang taong hinahanap ni daddy. Isang taon lang ang tanda ko sa kaniya, pero todo kuya siya sa akin noon. Naaalala ko pa lahat ng kasamaang ginawa ko sa kaniya. Pero wala lang sa kaniya 'yon. Gano'n siya kabait, pero hindi ko na maalala ang kwento niya. O baka hindi naman talaga niya nakwento sa akin?
I turned the pages of the diary.
Mas lalo akong na-excite magbasa dahil alam kong marami pang nangyari sa 18 years old self ko noon.
My ups and downs.
My downfall, and how I succeed.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro