Diary 78
December 9, 20**
"Pare?" tawag sa akin ni Bryan, ngayon nalang ulit kami nagkita dahil sa ibang bansa siya nagtrabaho.
"Oh, sino 'yang kasama mo?" tanong ko dito.
"Oo nga pala. John si Yunis girlfriend ko, Yunis si John barkada ko."
Nagpalitan kami ng "Hi" kaunting kwentuhan, lumapit sa amin si Alexis kasama ang mga anak namin.
"Hon, si Jeff parating na raw." Lagi namang late 'yon.
Ipinakilala ko si Alexis ka Yunis. Nagkapalagayan sila ng loob kaya nagkwentuhan lang sila.
Dumating na rin ang ibang mga bisita ko, Si Supervisor Ric at ang mga staff namin. Sunod na dumating ang mga classmate namin noong Senior high. Syempre andito si Presidente Maye.
At syempre ang paborito ko noon na si Prof. Christopher.
Huling dumating ang bestbuddy ko na si Jeff. Kups talaga ang lalaking ito.
"Sorry I'm late, sinundo ko pa si Bianca." sabi ni Jeff. Kasama niya si Bianca, yung ex-girlfriend ko.
"Okay lang, Happy birthday." bati nito, nagsimula na ang salo-salo.
Si mama ang nag-asikaso ng pagkain at si Alexis naman ay abala sa pag-kwekwentuhan sa mga kaklase namin noon. Ang mga anak naman namin ay abalang makipaglaro sa mga ibang bata.
"Ahem! Nais ko lang sabihin na maraming salamat sa inyong pagdalo sa aking kaarawan. Kay mama na nagluto ng mga putahe at kay Alexis na nag-ayos ng bahay. Maraming - maraming salamat na naging parte kayo ng mundo ko. Lalo kana Bryan, Still strong sa inyo ng girlfriend mo. Isa ka pa Jeff, kayo ni Bianca. Ingatan mo 'yan pare nanabunot iyan."
"Lakas! Sige pare noted." sigaw ni Jeff. Ang lahat ay nagtawanan.
Natapos ang sinabi ko at lumapit kay Alexis.
"Pagod na pagod ang hon ko ah?"
"Wala e, ganoon talaga kapag gwapo mahal."
Ninakawan ko siya ng halik, hindi ko talaga pinagsisihan ang bagay na ito.
"Ikaw ah! May mga tao o."
"Hayaan mo sila."
"Mamaya ah?"
"Pilyo mo."
"Please."
"Sige."
"Yes"
"Hahahahahaha."
Natapos ang araw na ito ng masaya at matiwasay.
"Hi Johny at Lexis, pagod ang daddy niyo. Kiss niyo ako." kiniss naman nila ako at nagpabuhat naman si Lexis.
"Oh, Johny halika dito." sabi ni Alexis.
"Tss." Johny
Tabi-tabi kaming matutulog ngayon, si mama kanina pa natulog dahil napagod daw siya.
Goodnight.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro