Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Diary 68

December 9,
(HAPPY BIRTHDAY JOHN)

Umuwe ako sa bahay ng pagod dahil sa trabaho, marami kasing tao kanina.

Pagkapasok ko sa bahay ay nakapatay ang ilaw at parang walang tao.

Hinanap ko ang switch ng ilaw at pagkabukas ko nito ay nagulat ako dahil.

"HAPPY BIRTHDAAAAAAAAAY." sigaw ng mga taong naging parte ng buhay ko.

Nakita ko si mama na may hawak na mga balloons at si Alexis naman ay may hawak na cake, (medyo malaki na ang tiyan niya) samantalang si Bryan at Jeff ay may hawak ng mga pompom. Ang iba naman ay may mga hawak na lobo.

Nagulat ako, dahil hindi ko ito inasahan na mangyayari. Labis akong naging abala sa trabaho kaya sarili kong kaarawan ay nakalimutan ko na.

Salamat dahil may mga pamilya akong ganito, ngumiti ako sa kanila kasabay ng pagkatumba ko, narinig ko pang tinawag nila ang pangalan ko pero pumikit na ang mata ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro