Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Diary 64

Mabilis lumipas ang araw at ngayon ang huling araw ng Intrams 2017.

Ang lahat ay narito sa Venue upang salubungin ang pag-anunsyo ng mga panalo sa sports.

Ang iba kong kaklase ay nabigyan ng award dahil isa sila sa mga sumali sa Basketball, Volleyball, Badminton at Mr/Ms. SPIST.

Sa Ms. SPIST ang kaklase namin ang nanalo dahil maganda ang sagot niya sa Q&A at dahil na rin sa tulong ng aming Guro na si Sir. Paredes.

Ang Cookery Strand ay nasa 2nd runner up. Okay na din dahil binigay din naman namin ang effort namin.

At tungkol kay Alexis, hindi ko siya kasama ngayon dahil masama parin ang pakiramdam niya.

Ayaw niya namang magpacheck-up dahil takot daw siya sa magiging resulta ng check-up.

"Pare, bakit wala kayo ni Alexis noong nakaraang araw?" tanong ni Bryan.

"Oo nga bro." pagsang-ayon naman ni Jeff.

"Ah, sumama kasi ang pakiramdam ni Alexis. Hanggang ngayon nga e, nag-aalala na ako sa kanya baka kung ano na yung nararamdaman niya."

"Eh bakit hindi mo dalhin sa hospital?" -Bry.

"Ayaw niya dahil natatakot siya sa maging resulta ng check-up."

"Paktay baka naman buntis 'yon bro. Magiging daddy kana! Araaaaay. Bakit ka naman namamatok Bryan."

Napaisip naman ako sa sinabi ni Jeff, siguro nga'y buntis siya dahil may mga sintomas ng isang buntis akong napapansin sa kanya.

Kagaya nalang ng morning sickness, laging inaantok at one time nagsuka siya dahil ang baho daw ng manok sa Jollibee. Panis raw.

Sumasakit ang ulo ko sa mga naiisip ko ngayon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro