Diary 61
Mabilis lumipas ang buwan dahil wala namang masyadong ginagawa sa school.
Month of October ngayon kaya naman puspusan ang practice para sa Intrams 2017 namin.
Dahil dito nais naming talunin ang Junior dahil sila ang nagwagi sa Cheerdance 2016. Ibinigay pa namin lalo ang best namin para sa Intrams na ito kaya minsan late na akong nauwe.
Hindi naman nagagalit si mama dahil kasama ko naman si Alexis. Still going pa rin ang relasyon namin, more love, more surprises.
"Alexis, pasuyo naman ng speaker sa bag ko." -Presidente Maye.
Kinuha ko naman sa bag niya at ibinigay sa kanya, andito kase kame ngayon sa Court para magpractice dahil last na 'to ngayon at ngayon ang bigayan ng Jersey namin.
"Go! Go! BPP. We were rock you! Lalalalala." panimula namin, sabay tungo.
Tumugtog ang musika kaya nagsimula na kaming sumayaw.
"Ahhh." sigaw namin ng paulit-ulit kada tatalon.
Nakailang ulit din bago nagkayayaang magpahinga at dumating naman ang jersey namin na pang'USA ang design.
Maganda ang Jersey kaso walang laba laba na ito dahil bukas na ang Intrams. Nagkayayaan na ang lahat na mag-uwian at nagsabay kami ni Alexis, may ilang kaklase kaming nakasabay kaya maingay sa Jeep.
"Para po!" sigaw ko, bumaba kami ni Alexis at hinatid ko siya sa kanila bago ako umuwe.
Pagkadating ko sa bahay nakita ko si mama na nagpapahinga,
"Ma, tutulog na ako ah?"
"Kumaen ka muna. Ano 'yang dala mo?"
"Jersey, kapag ba ma nilabhan ito matutuyo bukas? gagamitin ko po kase bukas."
"Sige nak, ilagay mo nalang d'yan at mahinga kana dahil mukhang pagod na pagod ka."
Oo ma, pagod talaga ako. Ngumuti ako kay mama bago pumunta sa kwarto ko. Pagkapasok ko palang ay agad akong naghubad ng damit at nahiga. Kailangan ko ng lakas para bukas, agad din naman akong nakatulog.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro