Diary 44
Simula ng mawala si tatay si mama ay naging tahimik na, iba ito ngayon at alam kong mahirap para sa kanya ang nangyari at kahit hindi siya magsalita alam kong isa ako sa mga dahilan kung bakit siya tahimik.
"Ma, aalis na ako."
"Sige!"
Hindi niya man lang magawang tignan ako, hindi kita masisise ma kahit naman ako ay may kasalanan.
"Pre, are you okay?" tanong sa akin ni G ng makarating ako sa room
"Kung sinabi ko bang oo, maniniwala ka?" wala sa sarili kong tanong.
"Bangag ka pre, syempre hindi kase halata naman sa'yong hindi ka okay nagtanong pa kase ako e."
"Okay lang, ano nga palang assignment?"
"Ah, tula lang kay sir Edwin."
"Sige, thanks."
Sinimulan ko ng gumawa dahil pangalawang subject namin 'yon kaya kahit may teacher pa ay ginagawa ko na yung tula para mamaya may maipasa ako.
Isip sulat isip sulat..
Tula tungkol kay Ama.
Tulang ngayon ko lang gagawin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro