Diary 35
"Anak, may bisita ka?"
Sino naman ang bibisita sa akin ng ganitong oras, masyado akong nalasing kagabi kaya tinatamad talaga akong tumayo. Ang gwapo ko kase.
Lumabas ako ng kwarto at hinarap ang sinasabi ni mama na bisita ko, dapat pala bwisita.
Umupo ako sa harap niya, syempre gwapo lang ako pero hindi ako snob.
May puso pa rin ako.
Humingi siya ng sorry sa akin dahil sa KASINUNGALINGAN niya. Sino ba naman ako para hindi magpatawad.
"Hindi porket pinatawad kita ay okay na tayo."
Iyan ang sinabi ko sa kanya bago siya umalis. Doon siya magaling ang umalis.
Sisimulan ko ang buhay ko ng wala sina Alexis at Bryan. Balik sa dati, nagawa ko ngang makalimutan siya bakit hindi ko ulit gawin lalo na't may rason na ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro