Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Diary 15

Bakit ang buhay napakakumplikado?

Iyan ang paulit-ulit na gumugulo sa isip ko, Bakit nga ba? Hindi ko makuha ang tamang sagot.

Isang buhay para sa pera.
Isang trabaho para sa mga nakapagtapos.

Isang inosente na inaapi.
Isang mahirap na naghihirap.
-

Nasa kwarto lang ako magdamag, Saturday ngayon kaya walang pasok.
Hawak ang isang malinis na papel at panulat. Iniisip ang isang magandang tula para sa aking ina.

Habang sinasariwa ang paghihirap ni Ina ay hindi ko maiwasan mapaluha. Sa tula kong ito, dito lahat nakasulat ang mga naranasan ni ina sa akin. Mga saya't lungkot na sabay namin pinagsasaluhan.

Happy Mother's Day Mama.
Mahal kita, ikaw lang sapat na!

-
John Ruiz Valdez.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro