Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 9


Kabanata 9

Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang kaniyang mapupungay na tingin sa akin. Nilabanan ko ang titig na iyon. Hindi ako makapaniwala, na sa isang halik na iyon mula sa kaniya ay bumigay na ako. Kahit pa natatabunan na nang dilim ang kapaligiran ay nakikita ko pa rin ang kaniyang buong mukha lalo na ang kaniyang mga mapupulang labi. Para bang inaanyayahan ako nito sa isa pang mapusok na halik.

Pinilig ko ang aking ulo. Nagbabaka-sakaling mawala iyon sa aking isipan.

"S-sorry!" nasabi ko nalang na pautal at dali-daling tinanggal ang nakapulupot kong braso sa kaniyang batok.

Kinagat niya ang kaniyang labi bago nagpalinga-linga sa madilim na kagubatan. Rinig na rinig namin ang tunog nang paghampas nang panggabing alon mula sa dagat.

"Sorry, kung dinala kita dito, may kukunin lang sana ako sa kubo." Bahagya niyang tinuro ang kubo malapit sa akin.

Tumango ako. "Okay."

Akmang aalis na siya mula sa kintatayuan niya nang higitin ko siya pabalik. Nagtataka niya akong tiningnan.

"Why? Did you want another kiss?" sabi niya. Ang dalawang kilay ay nagtatagpo na dahil sa kalituhan sa kinilos ko.

"A-ano," umapoy sa pagkapahiya ang aking mukha dahil sa sinabi niya. "S-saan ka pupunta?!" nanginginig kong sabi.

"Sa kubo."

"Sama ako!" bahagya pa akong napasigaw. Hindi ko ikakaila pero takot na takot na talaga ako. Bumalik ulit ang takot na naramdaman ko kanina bago niya ako halikan.

"Halika na nga!" hinila niya na ako papuntang kubo.

Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa kubo ay napakapit na ako sa kaniyang braso at damit sa sobrang takot. Malaki ang kubo at walang nakatira pero halata namang ginagamit pa rin. Walang ilaw kaya binuksan na lang ni Nathan ang flashlight niya sa cellphone.

"Sandali lang, kukunin ko muna yung gas." Pilit niyang tinatanggal ang kamay ko na nakakapit sa kaniya pero mas lalo ko lang itong hinigpitan.

"S-saan?" nanginginig kong tanong.

"Multo!"

Napatalon ako sa gulat dahil sa biglaan niyang pagsigaw. Sa sobrang gulat ko'y napayakap na ako nang tuluyan. Ang aking mga binti ay nakapulupot sa kaniya. Nagsisisigaw ako sa sobrang takot at mas humigpit ang pagkapit sa kaniyang leeg.

"Binibiro lang kita," bulong niya at tahimik na tumawa.

Naglalakihan ang aking mga mata at napatingin ako sa kaniya. Hindi na niya napigilan pa, tumawa na siya nang malakas

"I hate you!" naiiyak kong sabi at bumaba na sa kaniya.

Akmang lalabas na ako sa pintuan pero pagpihit ko nito'y hindi mabuksan. Paulit-ulit ko itong ginawa pero hindi pa rin nabubuksan.

"Bakit?"

"Ayaw mabuksan nang pintuan." Ani ko.

Lumapit siya sa akin at sinubukan din pihitin ang pintuan pero ayaw talaga.

"Shit!" mahinang pagmumura niya nang mamatay din ang flashlight sa cellphone niya.

Napakapit ulit ako sa kaniya. "Nathan!" sigaw ko na sa takot.

"Wait lang, Tasia. . . aray! Yung buhok ko, huwag mo naman akong sabunutan!" sigaw niya rin dahil sa mismong buhok na niya ako nakakapit at hinihila siya para hindi siya mapalayo sa akin.

"Huwag mo 'kong iiwan!" paulit-ulit ko iyong sinabi.

Nasasaktan man siya sa nangyayari pero dahil sa mga sinasabi ko'y natatawa na lang din siya.

"Hindi kita iiwan. Dito lang ako, okay?" pangungumbinsi niya at bahagyang hinimas nang marahan ang aking pisngi nang maabot niya ito.

"Hindi mo ba talaga ako iiwan?"

"Hindi, kaya pikit ka muna." Naguguluhan man pero sinunod ko pa rin ang sinasabi niya. "Huwag kang mag-iisip nang iba. Isipin mo lang yung mga masasayang araw mo kahit ako, isipin mo ako."

Tumango ako at unti-unting huminahon. Tulad nang sabi niya, inisip ko ang masasayang araw na nangyari sa akin. Mga araw na tinanggap ako nang buong puso sa ampunan. Mga araw na naging masaya ako nang matanggap sa mga trabaho na aking napasukan. Mga araw na nakilala ako nang mga taong pagkakatiwalaan ko buong buhay. Mga araw kung saan, una kong nakilala si Nathan.

Ang kaniyang maangas at arogateng ngiti habang nakatingin sa akin. Ang pag-aalala niyang tingin at ang kaniyang matamis na halik. Doon ko mas naramdaman ang pag-usbong nang aking nararamdaman. Sa kaniya ko natutunan ang salitang pag-ibig na ni minsan hindi ko naramdaman sa iba.

Naramdaman ko ang unti-unti niyang pagtanggal nang kamay ko sa kaniyang leeg pero hindi niya ito tuluyang binitiwan. Hinawakan niya ito nang mahigpit bago ko naramdaman ang mahina niyang paghila sa akin sa kung saan.

Pinaupo niya ako nang dahan-dahan sa upuan nang kubo. Sumunod siya at tumabi sa akin. Hawak niya pa rin ang kamay ko at paulit-ulit itong hinihimas.

"Pwede ka nang dumilat." Bulong niyang sabi.

Unti-unti ko itong sinunod. Sa pagdilat ko ay mukha na agad niya ang nakita ko. Mayroong pumapasok na ilaw mula sa bilog na buwan.

Tumatama ito sa kaniyang mukha dahilan upang ang kaniyang abelyanang mga mata ay nagiging kulay itim. Wala sa sariling hinimas ko ang kaniyang mata at pisngi gamit ang aking hintuturo. Ramdam ko ang kaniyang paninigas habang nakatutok lang ako sa kaniya. Mula sa mga mata ko'y bumaba ang kaniyang paningin sa aking mga labi. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at tiningnan siya pabalik na napapalunok habang nakatingin doon.

"Inaantok na ako. . ." napahikab ako.

Umiwas siya nang tingin at inayos ang pagkakaupo niya. Sumandig na rin siya sa dingding.

"Dito mo na lang isandig ulo mo." dalawang beses niyang tinapik ang kaniyang balikat. Inaanyayahan akong doon na mismo ako matulog.

"S-sige, pero baka sumakit balikat mo." nahihiya kong sabi.

"Hindi 'yan. . ." tumango na lang ako at lumapit na rin sa kaniya.

Sumandig na ako sa balikat niya. Hindi pa siya nakuntento doon at mas lalo lang akong nilapit sa kaniya sa pamamagitan nang pagyapos sa aking bewang. Para na kaming mag-jowa dahil sa pagilid niyang yakap sa akin.

Hindi ko alam paano ako nakatulog sa ganung posisyon pero nagising na lang ako dahil sa paulit-ulit na ingay mula sa mga kabayo at ingay nang mga tao na mukhang may hinahanap. Malalim pa rin ang gabi at mas lumamig na dahil sa hangin na nanggagaling sa dagat.

"Nathan!" rinig kong sabi nang isang pamilyar na boses. Napalingon ako sa katabi ko na nakatulog din pero nanatiling nakayapos sa akin.

"Anastasia!" sigaw ulit nito. Doon na ako nagising sa katotohanan. Niyugyog ko ang balikat ni Nathan.

"Hmm," mahina nitong ungol.

"Nadyan na sila!" ani ko pa.

"Wala. . ." namamaos niyang ani. Mas hinigpitan niya pa ang pagkakayapos sa akin at ang kaniyang mukha ay tuluyan nang bumaba mula sa aking ulo at bumaon sa aking gitnang leeg.

"Nathan Montecarlos!" babala kong sigaw dahilan upang tumuwid na siya sa pagkakaupo. Inaantok pa rin.

"Tara na nga, uwi na tayo! Panira naman nang timing!" busangot niyang bulong. Hindi ko pa narinig ang iba niyang sinabi.

"Nathan. . . Tasia?" malapit na ang mga sigaw na iyon kaya hinila ko na si Nathan papuntang pintuan at pinaghahampas ito.

"Nandito kami!" sigaw ko nang paulit-ulit. Narinig ko na ang mga sigawan nang mga tao at ang mga tunog nang kabayo.

"Tasia?!"

"Nate, dito!" Sigaw ko. Naramdaman ko nang sinusubukan na nilang buksan ang kubo. Ilang saglit pa'y sa wakas ay nabuksan na rin ang pintuan nang kubo. Bumungad sa amin ang dami nang kanilang mga tauhan. Pinangungunahan ito ni Nate.

"Nathan!"

Napalayo ako kay Nathan nang biglang sumulpot si Melissa at tinulak ako palayo para makalapit at mayakap si Nathan. Nabigla naman ang huli dahil sa bilis nang pangyayari.

Bumuga na lang ako nang malalim na hininga at iniwan na lang sila sa loob nang kubo. Paglabas ko'y lumapit ako kay Nate na ngayon ay nagpapasalamat sa mga tauhang tumulong na mahanap kami.

Tinapos na niya agad ang pag-uusap nila nang mga tauhan niya bago nagpaalam at binigay na sa akin ang atensyon nang tuluyan. "Mabuti na lang talaga nahanap kita. Alam mo bang nag-alala ako?!" bungad niya sa akin. Halata sa kaniyang mga mata ang pag-aalala.

"Sorry, hindi ako nagpaalam sa 'yo,"

"Sising-sisi ako dahil nakipag-usap pa ako sa ibang babae. Sabay pa talaga kayong nawala ni Nathan!" ani pa niya. Napayuko ako. Ang boses niya'y punong-puno nang pagsisisi.

Galit man tingnan ang kaniyang ekspresyon pero ang kabaliktaran naman ito nang sinasabi nang kaniyang boses at mga mata.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong yumapos sa kaniya. "Salamat dahil dumating kayo, alam mo bang takot na takot ako." sabi ko at humiwalay sa kaniya.

"We? Mukhang hindi nga e. Nakatulog ka pa nga siguro, tingnan mo oh. . .may muta ka pa nga!" naglakihan ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

Kinapa ko ang aking mga mata at nang makumpirmang wala naman ay pinagsusuntok ko siya sa dibdib. Masyado siyang mataas para maabot ko ang kaniyang mukha.

"Bwesit ka, Nate!" sabi ko habang sinusuntok siya. Susulitin ko na hangga't wala pa kami sa trabaho. Doon kasi hindi ko siya mamumura at masusuntok dahil boss ko siya.

Napahinto kaming dalawa nang sabay na lumapit sa amin sila Melissa at Nathan. Tutok na tutok ang galit na mga mata ni Nathan kay Nate at sa akin kaya iniiwas ko lang ang aking paningin sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit na naman siya galit. Kanina lang okay naman kaming dalawa.

"Uuwi na tayo." Sabi ni Nate.

"May dala ba kayong sasakyan?" ani naman ni Nathan sa kapatid.

"Meron, pero kanila Melissa iyon na sasakyan at nasa bukana pa iyon nang gubat. Malayo-layo pa mula rito."

Umalis muna si Nate para kausapin ang mga naiwang tauhan. Naiwan tuloy akong nakatayo kasama si Melissa at Nathan.

"Baby, nilalamig ako!" reklamo ni Melissa habang nakalingkis sa braso ni Nathan.

Mula sa pagkakatingin ko kay Melissa, lumipat ito kay Nathan. Nagulat ako nang magtagpo ang aming mga mata. Sobrang talim nang kaniyang mga mata pero unti-unti itong lumambot habang patagal nang patagal ang pakikipagtitigan sa akin. Iniwas ko ang aking paningin at lumapit na lang sa may malaking bato at umupo doon.

Ilang saglit pa'y tinawag na ako ni Nate. Tumayo na ulit ako mula sa pagkakaupo at lumapit na sa kaniya. Nakit ko siyang mayroon nang hawak-hawak na tali nang kabayo.

"Dito tayo sa isa sasakay kung okay lang sayo." Nahihiya niyang sabi. Tumango naman ako at nginitian siya.

"Sige ba," Akmang magpapaalalay na ako sa pagsakay kay Nate nang may biglang humila sa kamay ko.

Kunot-noo kong nilingon ito. "Nathan, dito—" hindi na natapos pa sa pagsasalita si Nate nang sumingit na si Nathan.

"Sa akin siya sasakay." Tumawa ang kaniyang kapatid.

"Nathan, okay lang, dito na ako sasakay kay Nate." Singit ko na lang para hindi na sila mag away pa.

"No, I insist!" supladong sabi naman ni Nathan.

"Bro, sa akin na sasakay si Tasia. At saka, paano si Melissa?" nagtataka na si Nate sa inaasta nang kapatid.

"Ikaw na lang kay Melissa,"

"Nathan, ito ba ang kabayo na sasakyan natin?!" biglang sulpot ni Melissa.

"No Mel, doon ka sa kapatid ko sasakay." Matigas nitong sabi.

"Pero, Nathan!" tutol agad ni Melissa.

Hinila na ako ni Nathan at agad na sinampa sa kabayo. Tumili ako sa sobrang gulat.

"Nathan!" sigaw ko.

Akmang lalapitan na ako ni Nate nang bigla na lang din sumampa si Nathan sa likod ko at pinatakbo na nang mabilis ang kabayo.

"O my gosh!" sigaw ko. Narinig ko lang siyang tumawa.

"Nathan! Ibaba mo ko dito!" tili ko pa.

Halos hindi ko na makita ang dinadaanan namin dahil sa bilis niyang magpatakbo. Sobrang dilim nang daan at pakiramdam ko'y isang pagkakamali lang ay dalawa kaming mawawalan nang buhay. Sa ilang minuto kong kaka'tili sa pangalan niya'y sa wakas ay nakita ko na ang ilaw mula sa rancho nila. Ibig sabihin ay malapit na kami sa kanilang bahay.

Kahit na bumagal na ang kaniyang takbo ay hindi pa rin tumitigil ang aking puso sa pagtakbo nang mabilis. Para bang isang galaw na lang sa akin ay mahihimatay na ako. Pinikit ko nang mariin ang aking mga mata upang ikalma ang sarili. Naramdaman kong tuluyan na niyang itinigil ang kabayo nang makapasok na kami sa kanilang mansyon.

Bumaba si Nathan pero nanatili pa rin ako sa aking kinauupuan.

"Hey!" ani niya. At binuhat ako pababa sa kabayo.

Nagpapasalamat ako dahil hindi niya ako binitawan kahit na nakababa na ako. Nakatayo na ako pero naka-alalay pa rin siya sa akin.

"N-nathan. . ." nanginginig kong sinabi. Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata. Saktong tumama ito sa kaniya.

"May masakit ba sayo?!" Hinawakan niya ang magkabilaan kong pisngi. Unti-unti akong nanghina at napakapit na lang sa kaniya.

"G-gusto ko nang magpahinga." Bulong ko at niyakap siya. Hindi ko alam kung anong nangyari pagkatapos nun, ang huling ala-ala ko na lang ay ang unti-unting pagdilim nang aking paningin habang nakayakap sa kaniya.

Itutuloy. . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro