Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 8

Kabanata 8

Sa sobrang pagod ko dahil sa nangyari'y pagkatapos ko pa lang maligo ay nakatulog na ako. Sa sahig ako natulog dahil basa pa ang buhok ko at masyado rin malambot ang kama, hindi ako sanay.

Buong buhay ko naging kama ko lang ay isang kahoy na makapal at banig na gawang dahon sa niyog, kaya hindi ako naging komportable sa isang higa ko lang doon. Nagising na lang ako kinaumagahan nang nasa kama na ako. Hindi ko alam paano ako napunta dito. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tiningnan ang tinulugan ko kagabi.

"Nasa baba pa naman ang mga gamit ko pero bakit ako nandito?" bulong ko sa sarili. Hindi naman siguro ako lumipat nang ako lang habang tulog 'di ba?

Ginulo ko ang aking buhok at tumayo na. Dumeretso ako sa cr para maghilamos. Pagak akong napatawa sa sarili nang makita ang maga kong mga mata. Tutok na tutok pa rin ako sa mga iyon kahit nakahilamos na ako, nakamumog at naka-toothbrush. Naaawa ako sa sarili ko dahil sa mga nangyari pero alam ko sa sarili kong hindi pa panahon para sumuko. Masyado pang maaga para sumuko.

Kung pinaglalaruan man ako ni Nathan, gagawin ko rin ang lahat para siya naman ang paglaruan ko.

"Hija, Tasia. . ."

Napalabas ako sa banyo nang marinig ko ang boses nang mayordoma sa labas. Binuksan ko ang pintuan at hinayaang makapasok ang mayordoma.

"Magandang umaga po." Bati ko.

Ngumiti lang siya sa akin bago dumeretso sa mga gamit kong nakakalat sa baba nang kama at niligpit ang mga iyon. Nataranta akong kinuha iyon mula sa kaniyang mga kamay.

"Pasensya na po!" Tiniklop ko ang ginamit na kumot at maingat itong nilagay sa kama. Umupo siya sa aking kama at tiningnan akong nagliligpit nang aking mga gamit.

"Alam mo ba ngayon ko lang nakita si Nathan na nag-alala nang husto sa isang babae." Napatigil ako at kunot-noong tiningnan ang mayordoma.

"May nangyari po ba?" binitiwan ko ang mga bitbit ko at tumabi nang upo sa kaniya.

"Ikaw dapat ang tinatanong niyan. May nangyari ba kahapon?" Hindi ako nakaimik at napayuko na lang.

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya ang nangyari kahapon o tatahimik na lang ako. Ayokong palabasin si Nathan na masama sa sariling kasambahay nila.

"Mukhang alam ko na ang sagot." Naiiling niyang sabi. "Mabait na tao si Nathan, napabayaan lang kaya naging matigas ang ulo. . . kagabi, nagulat talaga ako nang makitang binisita ka sa kuwarto ni Nathan na hindi naman niya ugali." Nangingiti niyang sabi.

"Binisita niya ako. . .bakit daw po?" gulat kong sabi. Kung binisita niya ako, ibig sabihin siya ang naglipat sa akin?!

"Ewan ko, pero pagpasok ko dito para sundan siya'y nakita na lang kitang kinakarga ni Nathan at nilapag ka sa kama mo. Bakit ka nga pala sa sahig natutulog?"

"Nakasanayan na po kasi, masyadong malaki at malambot ang kama dito." Tumawa ako at nahihiyang napakamot sa aking batok.

"Okay lang 'yan, masasanay ka rin. At saka, kung pwede lang hija huwag kang matutulog nang basa ang buhok. Naku, kung hindi ka nakita namin baka sumakit na nang husto ang ulo mo ngayon." Naiiling niyang sinabi, pinangangaralan ako.

"Ah, kayo po ba nagtuyo nang buhok ko?"

"Hindi hija, si Nathan pa rin ang nagpatuyo nang buhok mo. Ang tanging inutos niya lang sa akin ay kunin ang blower sa banyo pagkatapos nun, wala na pina-alis niya na ako para makapagpahinga na."

Hindi talaga ako makapaniwala na kayang gawin iyon sa akin ni Nathan. Akala ko talaga marahas siyang tao at walang puso pero lahat pala nang iyon ay tinatago niya lang. Tinuyo niya rin ang mga buhok ko. Hindi ko tuloy alam kung hanggang anong oras siyang nanatili dito.

Nakita niya ba akong nakanga-ngang matulog? Tumulo ba laway ko?!

"Oo nga pala, bilisan mo na diyan at magbihis ka na! Pupunta tayo sa dagat ngayon dahil may konting salo-salo para sa kaarawan ni Nathan kahapon." Tumayo na siya at handa nang lumabas.

Ngayon ko lang tuloy napansin ang suot niyang pangligo at ang sunglasses niya sa ulo. Mukhang pinaghandaan nila ang araw ngayon. Ako lang talaga ang walang alam.

"Sige po, mauna na po kayo susunod na ako."

Nang makalabas na ang mayordoma ay madalian ko nang nilinis ang mga kalat ko bago dumeretso sa kabinet ko para makahanap ng susuoting damit. Buti na lang talaga at naka-ayos na lahat ng damit ko doon sa kabinet kaya madali ko lang nakita ang mga magaganda kong damit.

Napansin ko pa ang ibang mga damit dito na mukhang ibinigay nila sa akin. Nakuha nang atensyon ko ang isang sun dress na kulay pula at may mga bulaklaking disenyo. Kinuha ko ito at napagpasiyahang ito nalang ang susuotin ko. Pinarisan ko ito ng kulay brown na thong sandals na iniregalo sa akin ni Bakla.

Sinuot ko ito at nagpapasalamat ako nang magkasya sa akin. Bagay na bagay ito at sakto lang sa aking katawan. Mas lumalabas ang maputi kong kutis dahil sa pulang damit na aking sinuot. Itinali ko naman ang aking buhok sa isang French braid dahilan kung bakit ang iba kong baby hair na kulot ay nagsisilaglagan sa aking noo.

Nang masigurong naayos ko na nga ang sarili ay lumabas na ako sa aking kwarto at lakad takbo ang ginawa ko para lang mas mapabilis ang paglabas ko sa malaking pasilyong iyon.

Nang tuluyan na akong nakalabas ay napahinga ako nang makitang kakalabas lang din ng mga yaya sa kusina dala-dala ang mga pagkaing dadalhin. Nakita ko ang isang maid na mukhang nahihirapan dalhin lahat ng pagkain dahil marami-rami ang bitbit niya.

"Tulungan na kita!" ani ko at kinuha na ang pagkain sa kamay niya.

"Naku, Ma'am!" gulat niyang sabi na nagpatawa sa akin.

"Tasia na lang. Parehas lang naman tayong trabahante dito." Sabi ko at nagsimulang maglakad na kasabay siya.

Pagdating namin sa labas ay naroon na ang ibang yaya pati na rin ang mayordoma. "Naku hija, bakit ka pa tumulong." Kinuha niya ang pagkaing bitbit ko at nilagay ito sa sasakyan.

"Okay lang po, maliit na bagay." Tumawa ako at tumingin sa sasakyan. Nagbabakasakaling naroon sa loob ang magkapatid na Montecarlos.

"Sila Nate at Nathan ba ang hinahanap mo?" sabi niya.

Tumawa ako. Simpleng tingin ko nga lang sa sasakyan ay nabasa na niya kung anong iniisip ko.

"Ganun na nga po." Pinanood namin ang sasakyang puno nang mga pagkain, nagsisimula na itong umandar.

"Nauna na sila, kasama ang iba para ihanda ang lamesa. Tara magsimula na tayong maglakad." Imbes sa gate kami dumaan ay doon kami sa bakuran. May pintuan doon at may nakabantay din.

Pagkalabas na pagkalabas pa lang namin doon ay nabigla na ako nang makitang dagat na ito. Nasa kaliwang bahagi ko iyon at sa kanan naman ay mga pananim na bulaklak. Sa aming dadaanan ay mayroong tulay. Sapagkat, sa ilalim nito ay mayroong isang maliit ngunit malinis na sapa. Papunta ang tubig nito sa dagat.

"Wow. . ." wala sa sarili kong sabi. Napatawa naman ang mayordoma sa aking reaksyon bago nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi ko alam na mayroon palang ganito sa Isla Amore.

Tumawid kami sa tulay. Madulas ang dadaanan namin pababa kaya may sasalubong sa amin pero nagulat ako nang makitang halos lalaki ang naroon. Inalalayan nang isa ang mayordoma. Nabigla ako nang halos ang lahat sa kanila ay inalahad ang kamay sa akin.

"O-okay lang ako," Namumula kong sinabi.

Humawak ako nang mabuti sa gilid nang tulay bago dahan-dahang bumaba. Kahit na sinabi kong umalis na sila dahil okay lang naman ako at hindi na kailangan nang alalay, nandyan pa rin ang kanilang mga kamay at nakaalalay sa akin.

"Maraming salamat." Ani ko.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad kasabay nang mayordoma. Ilang saglit pa'y tuluyan na naming nakita ang aming mga kasama. Nakita ko rin sa wakas ang magkapatid at parehas na itong nakahubad baro.

Marami-rami rin ang mga tao dito. Mukhang isa itong pampublikong paliguan. Napapalingon pa ang ibang babaeng naka-bikini lang sa magkapatid. Nagulat pa si Nate nang paglingon niya'y naroon ako sa likod niya.

"Tasia!" tawag niya sa akin at kumaway.

Napalingon na rin si Nathan at nakita ko kung paanong kumuyom ang kaniyang panga pagkakita sa akin.

Hindi ba niya gustong narito ako?

Lumapit ako sa kanila at tiningnan ang kanilang ginagawa. Nagiihaw pala sila nang mga karne at sea foods.

"Tulungan ko na kayo?" tanog ko pagkatapos ibaba ang gamit na dala ko.

"Ikaw bahala!" tumawa si Nate at inakbayan ako.

Napailing-iling na lang ako at tumulong na rin sa paglalagay at pagbabaliktat nang mga karne.

"Kamusta pakiramdam mo?" biglang sabi ni Nathan.

"Okay lang naman," Naiilang kong sabi.

Sinubukan ko pa na tingnan siya pero nang hindi makaya'y iniiwas na lang ang paningin.

Habang nagiihaw kami ay biglang may tumawag kay Nathan. "Nathan, baby!" Sabay-sabay namin itong nilingon.

"Mel?" gulat na sabi ni Nathan nang makita ang babae.

Nilingon niya pa ako nang isang beses pero agad ko nang iniiwas ang aking paningin. Lalo na nung paglapit pa lang niya sa akin ay hinalikan na siya nang babae sa pisngi.

Mel, yung kahapon na tumawag at yung kahapong humalik sa kaniya.

Sumipol si Nate dahil sa nakita. Ngising-ngisi sa kapatid na panay ang tingin sa akin bago kausapin ang babae.

"Tutulong lang ako sa ibang maid." Sabi ko kay Nate. Tumango naman siya.

Akala ko, maiiwan lang siya doon at ipagpapatuloy ang niluluto namin pero sumunod pa rin siya sa akin.

"Ipagpatuloy mo na lang niluluto natin doon, baka masunog!" ani ko at bahagyang tumawa.

"Kaya na 'yon nila Nathan, kamusta ka na pala? Hindi na kita nakakausap nitong mga nagdaang araw." Sabi niya. Habang patuloy na naglalakad.

"Okay lang naman, nahihirapan lang konti dahil sa makulit mong kapatid pero kaya naman!"

Tumawa naman siya. "Pasensya ka na sa kapatid ko. Hindi ko talaga alam bakit pa siya kumuha nang Assistant." Naiiling niyang sabi.

"Oo nga e. . .ikaw?" pinagtaasan ko siya nang kilay.

Sa pagkwe-kwentuhan naming dalawa'y hindi ko man lang namalayan na nasa dalampasigan na pala kami. Biglang humampas ang malakas na alon kaya nung umiwas ako'y nabangga ako sa kaniya. Akala ko pa nga matutumba na ako pero nabigla ako nang pumulupot ang kaniyang mga bisig sa bewang ko at inalalayan ako patayo.

"Ano ba 'yan!" pabebe kong sabi, dahilan upang tumawa siya nang malakas. Namumula akong umiwas nang tingin. Pilit hindi pinapakita sa kaniya ang mga ngiti ko.

"Destiny?" inosenteng sabi niya dahilan upang lumakas ang tawa ko.

"Ang corny mo naman, Sir Nate!" pinalo ko siya sa braso.

"Wala tayo sa trabaho, Tasia. . .Nate na lang."

"Ikaw bahala, Nate." namumula kong sabi.

Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad. Busy kami sa pagkwekwentuhan nang may lumapit sa kaniyang mga kababaihan. Hindi maitatangging lapitin talaga ang magkapatid ng mga babae. Sobrang gwapo nila. Gwapo rin naman si Ferry pero iba talaga ang charisma nang magkapatid.

"Hi Nate, maliligo rin pala kayo?" ani nang isang babaeng lumapit.

"Ah, oo. Birthday ni Nathan kahapon, ngayon lang kami nakahanda kasi busy kahapon."

"Oo nga pala, nasaan si Nathan?! Hindi ko siya nabati kahapon." Maarte na sabi nang isa.

"Ano ka ba girl, hindi mo ba nabalitaan. . . nasira yung surprise party para kay Nathan kahapon dahil nagwala siya."

"Akala ko ba, success yung party kahapon?" kunot-noong sabi ni Nate.

"Hindi. Meron kasing babaeng sumira sa keyk ni Nathan. Hindi ko alam kung anong totoong nangyari pero sabi-sabi nila galit daw yung babae tapos may gusto kay Nathan kaya sinira yung keyk na dala ni Jordan."

"Totoo ba 'yan girl?!" sabi nang isa pa.

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Seryoso akong nilingon ni Nate kaya lumayo ako sa kanila nang bahagya. Nagpapasalamat ako na hindi ako kilala nang mga babae. Kasi kung sakaling kilala ako, baka kanina pa ako nalampaso sa buhangin. Hindi ko alam kung saan galing ang mga sinasabi nila. Alam ko sa sarili kung ano ang tama at lahat ng mga paratang nila sa akin ay walang katotohanan. Pero hindi ko pa rin maiwasang pangilidin nang luha dahil sa harap-harapan nila akong sinisira.

Hindi ko gustong masira yung keyk at lalong hindi ko ginustong masira ang surprise party nila para kay Nathan nang dahil sa katangahan ko. Oo, nasaktan ako nang dahil sa halik na iginawad ni Melissa kay Nathan at pambabalewala agad ni Nathan sa akin, na para bang hindi niya ako kasama pero hindi pa rin ako magwawala at sisirain ang mahalagang araw niya. Hindi ako ganung klaseng babae. Hindi.

Lumipas ang hapon at nasa dalampasigan lang ako't pumapasyal. Naglalakad hanggang saan ang kaya. Masarap ang hangin kaya kahit mainit ay amoy dagat pa rin ang hangin. Nagulat ako nang biglang may humila sa aking braso palayo sa lugar kung saan kami nakatayo kanina. Sa sobrang gulat ko ay hindi ko agad nabawi ang aking kamay.

"Nathan!" sigaw ko nang matauhan. Hindi niya ako nilingon.

Patuloy pa rin siya sa paghila sa akin hanggang sa umabot na kami sa kung saan wala nang tao. Puro damo na at mga puno ang aming nadadaanan. Kami lang ang tao dito. Hindi pamilyado sa akin ang dinadaanan namin.

"Nathan, saan mo ko dadalhin?!" takot kong sabi.

Malay ko ba na sa sobrang galit niya sa akin ay dinala niya ako dito para iwan at iligaw.

"Nathan, please. . . iuwi mo na ako!" sigaw ko.

Sa pagkakataong ito ay hindi ko na maiwasang mapaluha. Pagabi na pero nandito pa rin kaming dalawa. Konting liwanag na lang ang nagsisilbing liwanag namin.

Huminto siya. Nabigla ako nang paglingon niya'y siniil niya agad ako nang malalim na halik. Hindi agad ako nakagalaw. Parang tumigil ang buong mundo ko sa biglaan niyang galaw. Sa bawat malalalim niyang halik ay mas lalo lang tumitindig ang balahibo ko. Kasabay nang paghapit niya sa aking bewang ay ang pagpikit nang aking mga mata. Pilit tinutugon ang kaniyang malalim na halik kahit hindi ako kaggalingan.

Mas lalo akong natakot, sa pagkakataong ito hindi na dahil sa kadiliman. Natatakot ako dahil baka bukas sa paggising ko. Mahal ko na siya.

Itutuloy. . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro