
Kabanata 40
Kabanata 40
Umuwi kami nung gabing iyon, gising ako buong magdamag kaka-iyak habang nag-eempake ng mga gamit. Nakuha ko rin kay Nate ang mga papeles ko pati na rin ang ATM card ko, hindi na ako mamomoblema sa opersayon dahil nakita ko naman ang laki ng mga naipon kong pera bago ako nawalan ng ala-ala. Nakatulong din siguro sa akin ang isang taong pananatili sa Hacienda ng mga Montecarlos.
Saglit akong nakaidlip at nagising lang ulit dahil sa pagtunog ng aking cellphone. Kumunot ang aking cellphone ng makita ang isang mensahe mula sa hindi kilalang numero.
Unregistered Number:
Wedding Preparation of Nathan and Zelena's at Nestled on a hill restau', sharp 8am.
Agad akong napatayo mula sa pagkakahiga at dali-daling naligo't nagbihis. Sobrang sakit ng pagkabog ng aking dibdib pero nagpatuloy pa rin ako. Tanging cellphone lang ang bitbit ko at isang envelope na dati ko pang gustong ibigay kay Nathan.
Hindi ako pupunta doon para manggulo. Pupunta ako doon at isaoli ito sa kaniya at kausapin siya. Gusto kong malinaw para sa amin ang isa't isa bago ako umalis ng bansa. Gusto kong humingi ng tawad at gusto ko rin marinig ang mga sasabihin niya. Wala akong balak sabihin sa kaniya ang tungkol sa kalagayan ko, ayokong bumalik siya para lang kaawaan ako.
"Congrats pre, magiging tatay ka na!" iyon ang bumungad sa akin nang makapasok sa restaurant.
"Thank you..." masayang tugon din ni Nathan sa kausap bago bumalik sa upuan. Kung saan nakaupo si Zelena at nakangiting pinagmamasdan si Nathan na masaya.
May pinag-uusapan sila at nakatingin sa isang folder na nasa harapan nila habang kumakain.
Ang saya niya at masaya rin akong nakikita siyang masaya.
Bumuga muna ako ng malalim na hininga bago napagdesisyonan na lapitan sila.
"Nathan," agad silang napalingon sa akin at parehas na nagulat nang makita ako.
"T-tasia, bakit ka nandito?" kinakabahang sabi ni Zelena.
"Busy?" tanong ko rin, hindi pinansin si Zelena.
"Yes," tugon din ni Nathan.
"Ah, wedding preparation..." damn, ang sakit palang nasa ganitong tagpo.
Ang sakit malaman na ang taong hawak-hawak mo ngayon, nasa ibang kamay na ngayon.
"Huwag kang mag-alala, hindi ko gagawin yung sinabi ko sayo kahapon. Andito lang ako para kausapin si Nathan sa huling pagkakataon." Sabi ko habang nakangiti.
"What do you mean?"
"Pwede bang hiramin ko siya kahit saglit lang?" nilingon ko si Zelena. Umawang ang kaniyang labi at wala sa sariling napatango.
Nilingon siya ni Nathan at hinawakan ang kamay. "Love, kakausapin ko siya saglit." Bulong niya sa aking kapatid.
"O-okay..." tugon din ni Zelena.
Nang tumayo si Nathan ay tumalikod na ako at lumakad na palayo roon. Dinala kami ng mga paa namin hanggang sa maabot namin ang lugar kung saan wala masyadong tao at kitang-kita ang malawak na parang paraisong mga bundok at may mga puno.
"Two minutes, Anastasia." Isang beses niya pang nilingon si Zelena sa loob bago binigay ang buong atensyon sa akin.
"Kamusta ka? Masaya ka ba ngayon sa kaniya?" Ngayon pa lang ay parang naiiyak na ako. "Iyon lang naman e, 'yon lang naman ang gusto ko...yung makita kang masaya, yung makita kang okay, makita kang mamahalin mo na yung isang taong tunay na nagpapatibok ng puso mo. Kahit hindi na ako iyon, masaya pa rin ako para sayo."
"Tas—" sinubukan niyang hawakan ang aking kamay pero hinawi ko lang iyon.
"Alam kong huli na para gawin ko ito pero sana pagbigyan mo ako." Kinuha ko ang papel na nasa loob nang envelope at pinakita ito sa kaniya. "I-I want to void our contract, dito naman talaga nagsimula ang lahat 'di ba? Napirmahan ko na 'yan at nasa loob din ng envelope ang checke, bayad ko dahil ako pa rin ang unang sumuko sa kasunduan natin dalawa." Sabi ko at ibinigay sa kaniya ang contrata kasama ang envelope.
Gulat niya akong tiningnan. "H-hindi mo na kailangan gawin ito, Tasia...wala na naman ito sa akin." Halos magkautal-utal na siya at hindi alam ang gagawin sa hawak.
Mahina akong natawa at kinagat ang pangilalim na labi. "Para sayo, wala lang 'yan pero para sa akin malaking bagay na ito. Ang contratang iyan ang nagpapatunay na nakilala ko ang isang Nathan Keir Montecarlos at minsan ko na rin naramdaman na akin ka. Dahil sa kontrata, minahal kita kahit parang bata ka minsan kumilos, sobrang immature mo at ang tigas ng ulo," hinawakan ko ang kamay niya at nilagay dito ang huling bagay na gusto kong ibigay sa kaniya.
Ang singsing na tanging dala ko lang sa anim na taon na nawalan ng ala-ala. Dati akala ko, nagpropose sa akin si Liam pero hindi pala, sa kaniya pala talaga ito galing. "Tama nga sila, masarap ang bawal dahil kahit hindi man tayo parehas nang nararamdaman sa isa't isa, masarap pa rin sa pakiramdam 'yung mga araw na magkasama tayong dalawa. Masaya akong nakilala ka, Nathan," napasinghap ako. "sana ito na ang huli para sa ating dalawa...best wishes para sainyong dalawa, sana pasayahin mo pa ang kapatid ko na higit pa sa mga pagpapasaya mo sa akin noon. I love you at balang araw ang tatlong salitang iyon ay makakalimutan ko na."
Nang wala siyang masabi ay tinalikuran ko na siya at lumakad na palayo sa kaniya.
To let go of the person I once loved, I suffered a lot...with all of things, I could replace Zelena, pero nung nagpakita siya at muling kinuha sa akin ang kasiyahang aking naramdaman. Doon ko lang napagtanto na, ako pa rin yung simpleng babae na wala lang para sa kanila. Kumpara sa isang tao, ako lang yung multo ng nakaraan. I could never compete with Zelena Santibastian, I need to work my ass to earn more money and get those accomplishments but Zelena can do it in better ways.
She is the one that Nathan Keir really needs to be with,
I've lost...
This time, I admit...I've lost.
Kinuha ko ang guitara at dinala ito hanggang sa makaupo ako sa sofa. Tinono ko ito at kinalabit ang mga string hanggang sa makuha ko ang tamang tyempo ng tonong tutugtugin at kakantahin ko.
" 'Di pala sigurado,
Bat mo hinayaan na, mahulog ako
Sana'y umpisa pa lang
Iniwasan na...Pinilit kong maging kalmado
Kahit pa alam ko nang malabo
Bakit ba kasi sinanay mo...
'Di lang naman ikaw ang nahihirapan
Ba't kailangan mong iparamdam,
Na para bang gusto mo nang lumisan,"
Sa pag-ibig hindi laging ikaw ang panalo. May pagkakataon talagang kailangan mong isuko ang nararamdaman mo upang sumaya ang taong mahal mo. Noong una, hindi rin ako naging sigurado para sa aming dalawa dahil akala ko siya yung tipong taong pang-isang araw lang kaya sinubukan kong iwasan siya pero sa tuwig nariyan siya, mas lalo lang akong nasasanay sa presensya niya, mas lalo lang akong nahihirapan na pakawalan siya. Kaya nung nagbago siya, hindi ko na rin nahanap ang dating ako...independent akong babae pero simula nang dumating siya naging depende na ako sa kaniya.
"Hawakan ang kamay
Sabi mo walang mag hihiwalay
Sana di nalang nag hintay
Kung di rin mag sasabay
Sana di nalang kita hinintay
'Di rin pala habambuhay..."
Hindi 'ko alam kung saan ba dapat ako magsimula, sa una ba kung saan kami unang nagkakilala. Sa gitna ba kung saan binago ang tagpo ng tadhana o sa dulo ba kung saan ko siya nakikitang unti-unting bumibitaw.
"Ba't kailangang lumayo
Pagmamahal mo'y biglang lumabo
Sana 'di nalang pinagtagpo...
Ba't lagi nalang nabibigo
Hindi nalang sana nangako
plano ay naglaho,
nung sumuko..."
Siya 'yung taong itinuring kong pag-asa, yung taong tinuring kong dahilan sa pagbangon sa umaga. Siya yung taong nangakong hindi ako iiwan at sasaktan pero sa huli'y siya pa rin yung taong dumurog sa pagkatao ko. Na ang akala ko, hinding-hindi maninira ng pangako pero ang totoo'y siya pa rin ang unang sumuko.
"Di lang naman ikaw ang nahihirapan
Bat kailangan mong iparamdam
Na para bang gusto mo nang lumisan,"
Alam mo yung pakiramdam na kayo pero parang hindi, ganun kasi yung pakiramdam kapag ikaw lang naman talaga ang nagmamahal sa inyong dalawa. Alam mo yung pakiramdam na parang yung relasyon niyo ay isang bubblegum na kahit nawala na yung tamis, ningunguya pa rin. Kasi kahit gaano na niyang gustong bumitaw, hahawak ka pa rin ng mahigpit para lang pagtibayin ang relasyon niyong wala nang kaibahan. Sa ala-ala ka nalang kumakapit, kasi alam mo kahit minsan doon sumaya siya kasama ka.
"Hawakan ang kamay,
Sabi mo walang mag hihiwalay
Sana 'di nalang nag hintay
Kung 'di rin mag sasabay
Sana 'di nalang kita hinintay...
Hawakan ang kamay,
Sabi mo walang mag hihiwalay
Sana 'di nalang nag hintay
Kung 'di rin mag sasabay
Sana 'di nalang kita hinintay,
'Di rin pala habambuhay..."
Alam mo yung pakiramdam na sasabihin niyang mahal ka niya pero hindi naman niya pinapadama. Alam ko kasi ang pakiramdam na iyon kasi segu-segundo, minu-minuto, araw-araw, gabi-gabi niyang sinasabing mahal niya ako pero kahit kailan hindi ko iyon naramdaman simula nang malaman kong mayroon pala...mayroon pala siyang iba.
Kumapit ako ng mahigpit para lang hindi mapag-iwanan. Naghintay ako araw at gabi para lang makasama siya kinabukasan, pero wala pa rin. Ang mga paghihintay ko'y balewala pa rin, kung siya pa rin...ang dadalhin mo sa harapan ng Altar. Sana hindi ka nalang lumuhod sa harapan ko kung hindi rin naman pala ako. Sana 'di nalang kita hinintay kung 'di rin pala habambuhay.
"Hawakan ang kamay,
Sabi mo walang mag hihiwalay
Sana 'di nalang kita hinintay,
'Di rin pala mag sasabay
Sana 'di nalang kita hinintay,
Bakit pa kasi pinaghintay?
'Di rin pala habambuhay."
Andito ako sa punto ng buhay ko kung saan gustong-gusto ko nang sumuko dahil kahit karamdaman ko'y binabalewala na ako. Kung babalikan mo ang mga sinabi ko noon, malalaman mo kung bakit ako patuloy na lumalaban at kumakapit, hindi iyon dahil sa mahal ko pa siya kundi dahil hindi ako nawawalan ng pag-asa. Madalas sa buhay na binigay sa akin ay maraming downs, kung saan ako nalulugmok...pero mayroon din ups, na kinakapitan ko. Alam niyo iyon, kung kanina lang okay ako, mamaya hindi na.
Ngayon masaya ako pero mamaya problemado na. Kaya ang naging paraan ko upang makawala ay ang bumitaw, umayaw. Binigay ko sa iba si Nathan para sumaya siya pero hindi lahat kaya kong ibigay sa iba. Hanggang ngayon yayakapin ko ang problema ko, hindi ko ito isusuko sa iba dadalhin ko ito hanggang sila'y unti-unting maresolba at hanggang sa ako naman ang guminhawa.
Ang karamdaman ko ngayon, ang aking sakit sa puso...ay hindi para sa mga taong mahihina. Para ito sa mga taong hindi nawawalan ng pag-asang lumaban.
●●●●
Thank you for reading Anastasia Nicole Alvarez's story up to this point, and I hope you enjoyed it. Thank you for all of your warm hearted support and encouragement. I know I'm still not good enough and I've made a lot of mistakes and errors, but I hope you learned something from this.
Sa susunod na pahina ay makikita natin kung sino ba talaga ang tunay na karapat-dapat kay Anastasia. After all, the last man standing always wins. See you on the epilogue!
THANK YOU AND GOD BLESS, KEEP SAFE♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro