Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 39


Kabanata 39

Nagising ako sa hindi pamilyar na kuwarto, pagtingin ko sa gilid ko'y nandoon ang aking tunay na ama at hawak-hawak ang aking kamay. Parang ako tuloy ang nahihirapan sa position niya. Hindi ko ginagalaw ang aking kamay para hindi siya magising, nanatili lang akong nakatingin sa kaniya at hindi maiwasang mapangiti.

Sa ilang taon akong nanirahan sa mundo, ngayon ko lang naramdaman ang tunay na kaligayahan. Akala ko, wala na akong pamilya pero nandito pa rin pala ang ama ko at mga kapatid ko na makakasama ko sa buhay. Huli na sila dumating pero hindi naman sigurong huli para tanggapin namin ang isa't isa.

Nakatulugan ko ang matagal na pagtingin sa aking ama. Muli lamang akong nagising ng maramdaman kong may nakatingin sa akin. Nagulat pa ako ng pagdilat ko'y nasa harapan ko si Nathan at tutok na tutok sa akin.

"N-nathan?" napapaos kong sabi. Bago dahan-dahang tumayo sa kama.

"Kamusta ka? May masakit ba sayo? anong gusto mo?" sunod-sunod niyang tanong. Umupo siya sa kama at pinirmi ang kaniyang mga kamay sa pisngi ko. Paulit-ulit niya itong hinihimas habang nakatingin sa akin.

"Nathan, bakit ka pa pumunta dito?" imbes sagutin ang mga tanong niya'y nagtanong pa rin ako.

"Gusto ko lang na makita ka." Tugon niya rin.

Hindi niya pa rin inaalis ang kamay niya sa pisngi ko kaya ako na mismo ang nagtanggal nito at lumayo sa pisngi ko. "Bakit pa, Nathan? Bakit pa, kung pwede namang ituring mo nalang akong hangin sa paligid mo tulad nang ginagawa mo noon." Bumagsak ang mga balikat niya ng marinig iyon.

"I'm sorry..." bulong niya.

"Lagi nalang ba sorry, Nathan? Nakakasawa na 'yung sorry mo. Ilang beses na akong naumay sa mga paghingi mo ng tawad. Huwag kang magso-sorry kung hindi mo naman kayang panindigan." Iniiwas ko ang aking paningin sa kaniya upang hindi lang niya makita ang pait sa akin.

"Please, huwag ka namang ganito Tasia," Hinawakan niya ang dalawang kamay ko na hindi ko namalayan ay nakakuyom na pala. "Magpapaliwanag ako tungkol sa nangyari, nung gabing iyon."

"Anong ipapaliwanag mo, kung paano ako tinakot ng girlfriend mo, sa gitna ng gabi at kagubatang iyon? Dahil lang sa letseng selos-selos na iyan, nag-agaw buhay ako ng dahil sa inyo tapos hindi niyo man lang akong nagawang hanapin nung gabi ding iyon!? Alin doon ang ipapaliwanag mo, Nathan?!" Sigaw ko.

"Tasia..." tumayo siya't hinawakan ako sa magkabilang-balikat.

"Ilang beses akong nagdusa dahil sayo, mahal na mahal kita pero ginago mo lang ako!" sigaw ko pa.

Sunod-sunod akong napahikbi at napasapo sa dibdib dahil sa sakit at panghihina.

"Calm down, Tasia...shh." Niyakap niya ako pero sinampal ko siya at pinagbabato ng mga gamit na nahahawakan ko habang nanatili pa rin nakaupo sa kama. Tinanggal ko ang dextrose na nakakabit sa kamay ko at tinumba ito sa kama.

"Sabi mo, mahal mo ako pero bakit nasa kaniya ka ngayon?! Ilang beses mong pinakita sa akin na ako lang ang mahal mo at nag-iisa lang ako sa puso mo pero iyon pala nag-iisa lang ako dahil sa atin dalawa ako lang naman 'tong nagmahal. Ako lang iyong umasa na sana, sana tayo pa habambuhay! Tuwing sinasabi mong uuwi ka kahit hindi naman talaga, kaya ako naman si tanga...naghihintay pa rin. Bakit Nathan? Kasi may iba ka naman talaga, kasi para sayo siya ang mas worth yung oras mo? Ganun ba iyon? Kaya ngayon nandito ka na naman...umaarte na parang walang nangyari, sasabihing gusto mo 'kong makita...Nathan, maawa ka naman sa akin o, kung talagang wala kang gusto sa akin hayaan mo 'kong walain ka sa puso ko at tatanggalin ko ang salitang mahal na tinatak mo sa puso ko!"

Natandaan ko rin pala kung paano akong naghintay sa kaniya, nagbabakasakaling sa araw na iyon ay umuwi siya. Pero sinasayang kulang pala ang mga gabi na dapat ay tulog ako, kasi kahit ilang beses ko mang hintayin ang bawat bukas kung ang totoo'y gusto na niya nang wakas...ang relasyon pa rin namin ang magwawakas.

Lumalakas na ang mga hagulgol ko habang pinipigilan ako ni Nathan na magwala. Nasa ganun kaming tagpo nang magsipasukan sila Liam kasama si Emma at ang iba pang nurse.

"Hawakan niyo siya." Utos agad ni Liam sa mga kasama. Nataranta ako.

Hindi na ako nakawala pa nang sabay-sabay na nila akong hinawakan sa kamay at paa.

"N-nathan, huwag mo akong iiwan please!" sigaw ko habang nagpupumiglas.

Akmang lalapitan na niya ako ulit nang tulakin siya palayo ni Liam at samaan ng tingin. Kinausap niya ito saglit bago ako nilapitan ng magkapatid.

"Huwag niyo siyang paaalisin please, iiwan niya ako ulit." Halos ibulong ko na iyon kay Emma.

Malungkot niya akong nginitian at pinilit akong pinahiga.

"Emma," humikbi ako.

"Sorry, kung gagawin ko ito...para din ito sayo," kasabay ng pagtatapos ng kaniyang sinabi ay ang pagtusok sa akin ng isang matalim at manipis na parang karayom. Nagpumiglas ako habang patuloy na umiiyak.

"Ang sakit... Liam!" sigaw ko pero unti-unti na rin naging bulong ang mga ito ng maramdaman ko ang matinding antok at panghihina. Hanggang sa bumagsak na nga ako ng tuluyan sa kama at nandilim ang paligid.

Unti-unti ko muling idinilat ang aking mga mata. Naramdaman ko muling may taong nakatitig sa akin.

"Nathan," bulong ko habang nakangiti. Ngunit nang dumapo ang mga mata ko sa taong nasa harapan ko. Agad akong nanlumo ng makitang si Zelena pala ito.

"Nathan? So inaasahan mo talagang hindi ka iiwan ni Nathan pagkatapos nang pagwawala mo kanina," pagak siyang tumawa. "Ang kapal din nang pagmumukha mo nuh!"

"Mahal ko si Nathan," imbes ay iyon ang nasabi ko. Pinagsalikop niya ang kaniyang mga braso at inirapan ako.

"May magagawa pa ba ang pagmamahal mo kung ikakasal na kami?" hindi nawawala ang kaniyang ngisi habang sinasabi iyon.

Dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga.

"Mayroon, kaya ko ngang agawin siya sayo noon paano pa kaya kung sa mismong kasal niyo?" doon na unti-unting nawala ang ngiti sa kaniyang mukha at napalitan na nang matinding pagkamuhi.

"Subukan mo lang nang mawalan ka ulit nang pamilya. Akala mo ba dahil lang sa dumating ka ay sayo na papanig ang pamilya ko. Tasia, nasa baba ka pa rin hanggang ngayon...huwag kang magmataas." Mariin niyang sabi.

Ako naman ngayon ang natawa. "Sino ba sa atin ang legal na anak? Sa pagkakaalam ko, kinuha ka lang naman sa ampunan para palitan yung mga ala-ala ni Talia Amore e."

"Pinakasalan ni daddy ang mommy ko at hindi ako galing sa ampunan!" galit niyang sigaw.

"Ows, talaga ba?" panuya kong sabi at mahinang humagikhik.

"Huwag mo nang lalapitan si Nathan!" gigil na niyang sabi. Halos pumula na ang kaniyang mukha dahil sa matinding pagpipigil ng galit.

"Hindi ko na kailangang lapitan siya kasi siya naman ang lumalapit sa akin." Sabi ko rin.

Kung hindi lang siguro kami nasa hospital at naka-dextrose ay baka kanina pa ako sinabunutan ni Zelena.

"How dare you!"

"Aagawin ko siya sayo." Mariin kong sabi.

"I'm pregnant, Anastasia!" parang bombang sumabog ang sinabi niya.

Buntis siya? Nagkakamali lang naman ako 'di ba? Mali lang ang pagkakarinig ko.

"A-anong sinabi mo?"

"Buntis ako at si Nathan ang ama, kung ayaw mong mawalan ng ama ang pamangkin mo. Huwag mo nang subukang gawin ang binabalak mo. At saka—" Napatigil siya sa pagsasalita ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok doon si Nate na may bitbit na basket ng mga prutas.

"Nate," nakangiti kong sabi kahit ang kaloob-looban ko'y purong sakit pait ang nararamdaman.

Magkakaanak na silang dalawa pero hanggang ngayon andito pa rin ako't umaasa na sana balikan niya ako.

"Good evening, kamusta ka?" lumapit siya sa lamesang nasa gilid ng kama ko at nilapag doon ang bitbit bago ako nilapitan at umupo sa tabi ko.

"Okay lang, nahihilo lang dahil sa baho ng hospital," nilapit ko ang aking bibig sa tenga niya at doon bumulong. "Gusto ko nang umuwi." Sabi ko pa.

Napatawa siya doon at napailing-iling. "Magkapatid nga kayo ni Uno, hindi nga iyon nagmalakas na bumisita sayo dito kasi nahihilo agad kapag nakakaamoy ng hospital. Hihintayin ka nalang daw umuwi para makapag-usap kayo." Ani nya.

Tumango-tango ako. "Antagal na pala, simula nung huli kaming nagkausap." Ani ko. Napalingon ako kay Zelena na nasa likod ni Nate at tahimik lang na nakatingin sa aming dalawa ni Nate. Napalingon din tuloy si Nate sa kaniya at nagulat pa.

"Nandyan ka pala, Zelena. ..nasaan si Nathan?" sabi niya.

"Nasa baba lang, aalis na rin ako." Malamig na tugon ng huli at tumalikod na.

"Sandali, may pinag-uusapan ba kayo ni Tasia? Pwede akong lumabas para mas makapag-usap kayo ulit ng maayos." Pagpipigil ni Nate sa kaniya.

"Hindi naman importante, aalis na ako." Tuluyan na siyang lumabas ng kuwarto ko.

Nang makita kong wala na siya'y napayuko nalang ako at napasapo ng ulo. Pinipigilan ko ang sariling umiyak dahil narito pa si Nate at ayokong makita niya akong mahina.

Bakit naman ganun, mahal ko siya e...pero pamangkin ko rin ang nasa loob ng tiyan ni Zelena. Hindi ko man kayang tanggapin pero dapat pa rin.

Kumain ako ng panghapunan kasabay ni Nate. Sa sobrang gutom ko'y halos maubos ko na ang dala niyang pagkain. Nagpahinga lang kami saglit pagkatapos ay nagpaalam na rin siya, kasama ko naman ngayong gabi si Emma kaya walang problema kung sinong maiiwan.

At saka may batas dito sa hospital na isang tao lang kada pasyente tuwing gabi para magpalipas. Lalabas na naman ako agad bukas kaya okay na ako kahit mag-isa lang.

Patulog na sana ako ng pumasok si Emma at Liam kasama ang doktor ko sa puso. Napaupo ako ulit at yumuko bilang pagbati.

"Good evening po." Nakangiti kong sabi. Pero binigyan lang nila ako ng isang malungkot na ngiti na ikinawala ng ngisi sa aking labi. "B-bakit?" utal kong sabi.

"Dederetsuhin na kita, Anastasia," Ani ng aking doktor. "As of now, your life is in serious risk, and you may give up one day due to your heart failure. Anastasia, you need a surgery as soon as possible, hanggang kaya pa."

Napapikit ako at sunod-sunod na napahikbi. Ang kaninang pinipigilan kong iyak dahil sa mga nalaman ay tuluyan nang nabuhos.

Lord, mabait naman akong tao 'di ba? Pero bakit sumosobra na yata.

"K-kailan ako pwedeng ma-operahan?" halos maibulong ko na iyon dahil sa pag-iyak ko.

"I schedule our flight tomorrow afternoon, pagdating natin sa Amerika...dederetso na agad tayo sa hospital para i-admit ka at hintayin hanggang oras para operahan ka." Sabi ni Liam at nilapitan ako para yakapin ng mahigpit.

Binaon ko ang aking mukha sa kaniyang leeg at doon umiyak. Pumunta naman sa likod ko si Emma at hinimas ang aking likod.

"Nandito lang ako, Nicole." Bulong ni Emma sa akin.

Humihikbi pa rin ako ng inangatan ko ulit ng tingin ang aking doktor.

"Ilan ang porsyento kayong sigurado na magiging successful ang operasyon?" tanong ko. Nagsihulugan ang aking mga luha ng umiwas siya ng tingin sa akin. "Please, g-gusto kong malaman."

"Eighty percent ang tansya namin—"

"At twenty percent ang tansya niyong maaari akong mamatay habang nasa gitna ng operasyon." Dugtong ko sa sinasabi niya.

Sunod-sunod siyang tumango. "I'm sorry, mahina na ang puso mo at nagdurugo pa. Hinihintay lang talaga namin ang pahintulot mo bago kami gumawa ng mga hakbang." Sabi niya.

Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Liam at pinunasan ang aking mga luha sa pisngi.

"Alam ba ito ng pamilya ko?" tanong ko sa kanila.

"Hindi," si Emma ang naglakas-loob na sagutin ang aking tanong.

Tumango ako. "Sige papayag ako, twenty percent lang ang persyento na maaari akong mamatay, mataas pa rin ang eighty kaya alam kong kakayanin ko."

Sa pagkakataong ito, pamilya ko naman ang iisipin ko. Si papa, matagal na niya akong gustong makasama kaya sana matagumpay ang operasyon para mas matagal ko pa siyang makasama. Lalaban ako.


Itutuloy. . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro