Kabanata 37
Kabanata 37
"T-tasia..." nabigla ako ng biglang kunin ng lalaking gwapo ang aking kamay at hinawakan ito ng mahigpit. Hinawakan niya rin ang pisngi ko.
"H-huwag mo 'kong hawakan!" hindi ko maiwasang hindi tumaas ang aking boses. Hinihingal kong tinapik palayo sa akin ang kaniyang kamay at lumayo sa kaniya ng bahagya. Tinago ko ang sarili kay Liam dahil sa takot. Agad niya akong nilingon at niyakap.
"Please, huwag kayong umakto ng ganiyan kung ayaw niyong masira ang gabing ito." Rinig kong sabi ni Liam.
"Antagal na naming hinahanap si Anastasia tapos alam mo pala kung asan siya, naglolokohan lang ba tayo dito doc?!" ani ng lalaking humawak sa akin kanina. Pabulong lang iyon.
"Stop it, Nate, mag-uusap tayong lahat pagkatapos ng party," Nilingon ko ito at nakitang hindi man lang nawawala ang paningin niya sa akin.
Pumunta na kami sa isang lamesang bakante. Hindi muna sila umimik at hinayaang dumaloy ang programa na walang gulo. Sobrang sama ng klema sa aming lamesa. Nag-uusap man ang dalawang magkasintahan pero lahat ng iyon ay tungkol lang sa kuya ni Zelena na napag-alaman kong si Uno na dinala sa Hospital.
Gustong-gusto kong tanungin kung anong koneksyon ko sa kanila pero hindi ko magawa dahil sa hiya at kaba. Kinakabahan ako dahil baka mamaya magwala na naman ang sakit sa aking ulo at dibdib.
"Anastasia..." rinig kong sabi ni Nate.
Hindi ako lumingon at nanatili lang nakayuko ang aking ulo at hindi siya tiningnan.
"She lost her memories, so please...huwag niyo siyang tanungin na makakatrigger sa kaniyang pagiisip."
"S-she what?!" lahat sila napasinghap ng marinig iyon kay Liam.
"Liam," tawag ko sa kaniya at hinawakan ang kaniyang braso upang pigilan.
"Wala siyang maalala kahit isa sa inyong lahat kaya hindi siya nakauwi agad sa inyo."
"Liam, ano bang pinagsasabi mo?" bulong ko sa kaniya.
May ideya na ako kung anong ibig niyang sabihin pero natatakot ako sa magiging resulta nito sa akin. Patuloy pa rin sa pagsakit ng ulo ko pero nanatili pa rin akong kalmado para hindi kami umuwi agad ni Liam.
Alam kong masama sa akin ang piliting makaalala agad pero siguro dinala talaga ako dito ni Liam para malaman ang lahat.
"Sila yung kasama mo nung nakita ka namin sa gubat." Kumunot ang aking noo ng marinig ang tugon ni Liam.
Sila 'yung kasama ko?
"Kilala niyo 'ko?" humina ang aking boses ng itanong ko iyon habang nililingon ang mga taong nasa harapan namin. Umigting ang panga ni Nathan bago dahan-dahang tumango.
"Oo,"
Nahugot ko ang aking hininga at napapikit ng mariin. Ang sakit ng ulo ko!
"A-anong totoo kong pangalan?" tanong ko ulit at idinilat ang aking mga mata sa pagkakataong iyon ay kay Nate naman tumama ang aking paningin.
"A-anastasia Nicole Alvarez..." tugon niya.
Tumulo ang aking luha. Ito iyon, ito yung pangalan na sa buong pangalawang buhay ko ay gusto kong maalala pero pinagkait iyon ng diyos sa akin at mas binigay ang buhay kung saan tanging Nicole lang ang alam ko. Siguro ang plano talaga ng diyos ay yung masaktan ako, pero yung sakit na ito dumodoble pa.
"H-hindi niyo ba ako hinanap? Six years...six years akong nawala pero wala man lang nakahanap sa akin kahit na ang lapit-lapit lang naman natin lahat. Family doctor niyo si Liam at Nurse si Emma pero bakit ngayon niyo lang sinasabi lahat ng ito sa akin?" sunod-sunod akong humikbi. Walang pakialam kahit dumungis man ang aking make-up sa mukha.
"Akala namin patay ka na." malamig na tugon ni Zelena.
"Patay? May nakita ba kayong katawan ko doon?! May nakita ba kayong Anastasia na nagaagaw-buhay?!" sigaw ko.
"Calm down," bulong ni Liam sa akin.
Taas baba na ang aking dibdib dahil sa paghahabol ng aking hininga. Ayokong dalhin ulit sa hospital pero gusto kong matapos ang gabi itong alam ko na kung sino ako at ang buong pagkatao ko.
"Wala kaming nakita pero tinigil na agad namin ang gabing iyon ng wala na kaming makita sa gubat kundi dilim. Paano ka namin makikita doon?!" tumataas na agad ang boses ni Zelena. "Sino ka ba sa akala mo ha?"
"Shut up!" sigaw ni Liam sa babae. Umalis siya sa harapan ko at lumuhod sa gilid ko, ang isang kamay niya ay dumeretso sa aking kamay at ang isa naman sa aking likod upang pakalmahin ako. Puno nang pag-aalala ang kaniyang mukha.
"Tumigil kana Zelena, hindi pa ako pumapatol sa babae buong buhay ko pero talagang makakatikim ka sa akin." Madiin at malamig na sabi ni Nate.
"I-ikaw Nathan, sino ka ba talaga sa buhay ko? Ayokong paniwalaan ang sarili ko pero ikaw yung laging nasa panaginip ko,"
Paano nangyari iyon, paanong nangyari ang lalaking ikakasal na ngayon ay ang lalaking minahal ko sa panaginip. Yung lalaking sinasabihan ako ng matatamis na salita kahit ang totoo iba naman ang kasama sa totoong buhay.
"N-napanaginipan mo ako?" tanong niya. Ang kaniyang maangas na ekspresyon ay nanlalambot na.
"Ayokong binabalik sa akin ang katanungan, sagutin mo ako...s-sino ako sa buhay mo?" malamig kong sabi. "Please, I have to know the truth, so I can get out of this nightmare."
Tell me. Don't lie to me.
"Y-your my ex-girlfriend..." bulong niya at napayuko.
Umawang aking labi at agad napatingin kay Zelena nang biglang tumawa ito ng malakas. Agad siyang napatahimik dahil sa pagtingin ng mga taong nagkwekwentuhan lang sa mga lamesa nila habang kumakain.
"Ex-girlfriend o kabit? Alin sa dalawa, Love?" nahihimigan ko ang ang sarkastimo at mapang-asar sa kaniyang boses.
"Zelena." Madiin na sabi ni Nathan at may babala.
Kabit? Ako ba ay naging kabit ni Nathan? Kasi kung hindi, hindi iyon sasabihin ni Zelena.
Pagod na pagod na ako ng marating namin ang bahay nila Liam. Halos umabot rin kami ng isang oras sa pag-uusap tungkol sa akin. As in lahat. Mahihimatay na nga ako sa mga nalalaman ko kung wala lang doon si Liam ay baka kung napaano na ako.
Nagpapasalamat lang talaga ako kay Liam na hindi niya sinabi kanila Nathan tungkol sa karamdaman ko. Tanging ang amnesia ko lang at hindi ang sakit sa puso. Two months nalang din ang itataggal ko dito sa manila bago ako umalis para magpa'opera.
Kinabukasan, ay nabigla nalang ako ng makita kong nakaabang si Nate sa harapan ng bahay nila Liam. Nilapitan niya ako ng makita akong palabas ng bahay nila Liam.
"Hi!" nakangiti niyang sabi. Lumabas tuloy ang kaniyang dalawang biloy na kagabi ko pa gusto-gustong tingnan. Malalim talaga ito kaya umaamong kaniyang mukha kapag ngumingiti na.
"H-hello," Ilang kong sabi at nginitian din siya pabalik. "Bakit ka nga pala nandito?" sabi ko pa.
"Gusto ko sanang ayain ka mag-lunch kung okay lang?" tugon niya.
"Pasensya na, may trabaho kasi ako ngayon, hapon pa ang out ko." Agad kong pagtanggi at akmang lalampasan na siya nang hawakan niya ang braso.
"Hatid nalang muna kita ngayon...mamayang dinner nalang din kita aayain," napaisip ako sa kaniyang sinabi.
Siguro kung papayagan ko siya, titigil na rin siya sa pangungulit.
"Sige," tugon ko.
Agad lumawak ang kaniyang ngiti at lumiwanag din ang kaniyang mukha dahil sa pagpayag ko. Inakay niya ako papunta sa kaniyang sasakyan, agad akong sumampa sa passenger seat. Pagsarado niya sa pintuan ay agad na rin siyang umikot at pumasok sa driver seat. Nang makalabas na kami ng village ay doon na siya nagtanong.
"Saan ka nga pala nagtatrabaho?" tanong niya at bahagyang binilisan ang pagtakbo dahil hindi naman traffic ngayon.
"Sa Hills convenience store," tugon ko.
"Hills? Teka, pumupunta ako doon ah...bakit hindi kita nakikita?" sunod-sunod niyang tanong na ikinatawa ko.
"Umaga lang kasi ako hanggang ala-singko,"
"Sabagay mga alas-diyes na ako ng gabi napapadpad doon dahil malapit lang sa kumpanya, mabuti't hindi ka napapagod sa trabaho...'di ba ikaw lang naman mag-isa doon?" tumango ako sa sinabi niya.
"Kailan ba ako napagod pagdating sa trabaho? Okay lang nga kahit magwalis lang ako sa kalsada basta may kikitain," Tugon ko. Agad akong napalingon sa kaniya ng bigla siyang tumawa. Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Bakit ka tumatawa?"
"S-sorry," tumawa ulit siya. "Kahit pala nawalan ka nang ala-ala, trabaho pa rin ang iniisip mo."
"Gaano ba ako kababad sa trabaho nung nasa inyo pa ako?" Nalaman ko rin kasi kagabi na doon pala talaga ako nanirahan sa mansyon nila sa Isla Amore.
"Sobra pa sa babad, pati nga pagmamaniko pinatulan mo pa e!" sabay kaming napatawa doon.
"Seryoso?" ani ko sa gitna ng tawanan namin dalawa. Ang gaan pala talaga kasama ni Nate, para lang siyang si Liam kung kasama ko.
"Oo, then alam mo ba dati umihi ka sa kotse ko sa sobra kalasingan?!" humagalpak siya sa tawa habang hinihinto na ang sasakyan sa gilid ng Hills.
Naglakihan ang aking mga mata at dali-daling tinanggal ang seatbelt sa pagkakalagay sa akin at lumuhod sa upuan para maitabon ang aking kamay sa kaniyang bibig. "O my gosh, sinungaling ka! Bawiin mo sinabi mo!" sigaw ko. Impit na siyang napahalakhak habang pilit na binabawi ang kaniyang bibig sa aking pagkakahawak.
"Paano mo nasabing sinungaling ako e, wala ka ngang naalala!" ani niya pa tuluyang inilayo ang bibig sa aking pagkakahawak pagkatapos ay bumaba ng kotse, agad akong sumunod sa kaniya at lumabas na rin ng kotse.
"Agh!" ungot ko sa sobra ka'pikon. "Epal ka talaga Nate kahit kailan! Panget na nga, wala pang jowa!" napapagyak kong sabi nang tuluyang makababa. Nilapitan ko siya at sinapok ang kaniyang braso, napansin ko ang pagkakatigil niya.
"A-anong sabi mo?" tanong niya.
"Epal?"
"No, yung pinakalast." Napaisip ako sa aking sinabi at bahagyang natigilan.
"Ang panget-panget ni Nate Keirron, wala siyang jowa!"
"Bumaba kana nga diyan!"
"Hanap kana kasi, andaming babae diyan o,"
"Mamaya na, kapag ready na yung babaeng hinihintay ko."
Kasabay ng pagdagundong ng kay bilis nang puso ko ay ang pagsingahap ko at ang paglagay ng aking mga kamay sa aking ulo. Sobrang sakit nito at parang pinipiga. Andami pang mga ala-ala na aking nakita nasa sobrang bilis ay halos hindi ko na masabayan pa pero ang tanging alam ko lang na ang imaheng naroon ay ang mga araw na kasama kami ni Nate Keirron. Siya yung pinakaunang tao na nakita kong kompleto at hindi puro blurred. Lahat ng mga ala-ala ko kasama siya ay alam kong siya dahil kitang-kita ko ang guwapo niyang mukha at ang peklat niya sa noo.
"Naalala mo..." rinig kong mabigat na sabi niya ng makalapit siya sa akin at inalalayan akong tumayo ng matuwid at hindi bumagsak sa sahig.
"N-nate Keirron," bulong ko sa narinig at inangat ang aking paningin sa kaniya dahilan upang magkatagpo kami ng paningin. "ikaw si Nate Keirron." Buong boses na sabi ko at nginitian siya ng malaki.
Tumango siya na parang bata bago marahan na nilayo ang sarili sa akin. "Ako lang naman ang Nate Keirron na kilala mo, mayroon pa bang iba? Ako lang naman siguro ang pinakagwapong Nate sa buong mundo." Kumindat pa siya na ikinatawa ko.
"Bubuksan ko lang yung store, anong oras na kasi e," tukoy ko sa Hills. Ako kasi ang magbubukas nito ngayon dahil wala ang mga boss ko't nagbakasyon.
"Tulungan na kita." Tumango nalang ako at dumeretso na sa pintuan para tanggalin ang lock nito, pati na rin ang lock sa bawat gilid. Nang matanggal ko na ang mga lock ay tinulungan naman ako ni Nate na-itaas ang mga harang. Nang matapos namin iyon ay doon ko na siya hinarap.
"Sige na Nate, salamat sa tulong mo. Baka ma'late ka pa sa trabaho mo." Ani ko.
"Hindi naman, ayan lang naman ang kumpanya...hindi ako mala'late at kung ma'late man ay wala rin namang magagalit." Tugon niya rin.
Doon na ako napatawa. "Imposibleng walang magagalit sayo, 'yung boss mo pala?!"
"I'm the Boss, Anastasia." Ani niya sabay ngisi sa akin.
Namilog ang aking mga mata at tinitigan siya mula ulo hanggang paa. Ah, kaya pala naka-suit siya! Akala ko pa naman may dadalawin siyang lamay kaya siya naka-itim na suit! Hay, nako naman Anastasia.
Itutuloy. . .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro