Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 36

Kabanata 36

"Aray ko naman, Emma!" impit kong sigaw ng mapaso ng sopas na kaniyang sinusubo sa akin.

"Pucha, tanga mo naman. Sinabi ko bang huwag mo ihipan?!" ani niya at humagalpak ng tawa.

Mahina kong tinabig palayo sa akin ang lamesang may nakapatong na isang bowl ng sopas at humiga sa kama.

"Ayoko na, wala namang lasa!" nakasimangot kong sabi. Mas lalo lang siyang natawa at tinabi na ang maliit na lamesa.

"Kaka-cellphone mo 'yan..." rinig kong sabi niya.

Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga at binato sa kaniya ang aking unan.

"Nagtatrabaho ako magdamag hindi puro cellphone!" inis kong sabi sa kaniya at inirapan siya. Gumanti naman siya ng irap sa akin.

"May I rephrase it for you..." pumikit siya at bumuga nang malalim na hininga bago muling dumilat at dinapo ang matatalim na mga mata sa akin. "FYI lang mahal na Nicole, maghapon kang nagtrabaho sa Hills at umuwi kang basang-basa sa ulan dahil lang bumaba ka pa ng bus para lang kunin ang bente pesos na nakita mo sa daan!" masungit niyang sabi.

Napangiwi ako. "Alangan naman pabayaan ko iyon? Dagdag ko na rin iyon sa ipon ko nuh."

"My gosh Nicole, puputi nang maaga buhok ko sayo e! Bente pesos lang 'yan, kung gusto mo naman pala ng bente e bakit hindi ka lumapit sa akin o kay Kuya Liam?! Bigyan pa kita kahit isang milyon!" sabi niya sa masungit na boses.

Napangiwi ako sa pinagsasabi niya. Para tuloy siyang nanay ko na pinapangaralanan ako.

"Nicole...Emma?" sabay kaming napatingin sa pintuan ng kuwarto ko nang marinig ang boses ni Liam. Kumakatok siya sa pintuan kahit na bukas naman iyon, ganun talaga siya. Ayaw niyang pumapasok sa kuwarto ng may kuwarto kung walang pahintulot sa may-ari.

"Pasok!" halos magkasabay namin na sabi ni Emma.

Agad naman bumukas ang pintuan at pumasok mula doon si Liam na nakabihis na nang pang-alis pero puti pa rin ang pang-itaas.

"Gusto mo daw ako makausap?" tanong ni Liam at umupo sa tabi ko.

"Oo sana," sabay kaming napatingin kay Emma na napangiwi lang nang tingnan namin.

"Oo na, aalis na ako. Ihahanda ko nalang ang hapunan natin dalawa Kuya." Nakasimangot na niyang sinabi at lumabas na.

Tapos na kasi akong maghapunan, pinauna na ako nilang pakainin para makainom na agad ng mga gamot ko.

"Tungkol saan naman?" tanong niya at umayos nang upo paharap sa akin. Napabuga ako ng malalim na hininga at nagpasyang paglaruan ang aking kumot para maiwasan ko ang kabahan.

"May pumasok na mga imahe sa utak ko pero sobrang labo," kumunot ang kaniyang noo.

"Saan mo una naranasan ang mga iyan?"

"Kanina, yung pasyenteng tinakbo sa ER. Pakiramdam ko pamilyar ang mga taong naroon. Lalo na yung nakabangga kong lalaki, iba yung pakiramdam ko habang naririnig siyang magsalita...para bang nangungulila ako."

Nathan...

Napahawak ako sa aking ulo ng maramdaman ang pagkirot nito.

"You mean the Santibastians'?" saad niya.

Automatikong dumapo ang aking paningin sa kaniya at tumango-tango. "Mayroon din pumuntang matandang babae sa Hills at umiiyak. Sa sobrang awa ko, nilapitan ko siya at binigyan ng tubig pero pagkakita niya sa akin ay bigla nalang niya akong hinawakan at sinabing ako daw ang nawawalang apo niya, si Talia Amore. Kamukhang-kamukha ko raw ang anak niyang namayapa. Akala ko nung una, baliw siya pero sobrang layo ng katauhan niya doon. Mukha siyang elegante at yayamanin, halos masakop na nga ng mga alahas niya ang buong leeg niya." napatawa ako at agad din nalungkot.

"Sa tingin mo may koneksyon ba sayo ang mga taong nakita mo?" napabuntong-hininga ako at umiling.

"Hindi ako sigurado. Malay mo, iba pala ang hinahanap nila at hindi talaga ako. Magmukha pa akong masama, alam mo naman ang mga isip ng mga mayayaman 'di ba?" saad ko.

Napahawak ako sa aking puso ng bahagyang sumakit ito. Napansin naman ito ni Liam kaya tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa kama at hinawakan ako sa aking dalawang balikat upang mapahiga sa kama. Kinumutan niya rin ako bago hinalikan sa ulo na ikinapikit ko.

"Pahinga ka na, bukas huwag ka munang pumasok, kakausapin ko nalang boss mo."

"P-pero. . ." agad kong sabi. Gusto kong tumanggi pero dahil sobrang dilim ng mga mata niya'y tumahimik nalang ako.

"May pupuntahan din tayo bukas kaya dapat gumaling ka agad okay?"

Kumunot ang aking noo at mas lalo lang gustong makausap siya upang makapagtanong pero tumalikod na siya at pinatay ang ilaw ng aking kuwarto bago lumabas. Naiwan akong gulong-gulo pa rin sa nangyari.

Saan kami pupunta?

Kinabukasan, ay nakakaramdam pa rin ako ng konting sakit sa katawan dulot ng aking pagkakasakit pero kaya ko namang makapaglakad-lakad. Magaling na nurse at doktor ang mga kasama ko sa bahay kaya malabong hindi ako gagaling agad. Ang kaso nga lang hindi pa rin ako makakapagtrabaho ngayong araw dahil nga pinaalam na ako ni Liam sa boss ko at nagtawag rin ang boss ko na huwag na muna akong papasok at magpaggaling nalang.

Habang nanonood ng telebisyon ng makuha ng pansin ko ang guitara ni Emma. Mahilig siyang tumugtog pero kaso nga lang kinulang lang siya sa boses. Pinatay ko ang telebisyon ko at kinuha ang guitara sa tabi nito at nakatayo sa stand.

Hinimas ko ang guitara at pinatunog ito. Kasabay ng pagpikit ko ay ang pagtindig ng balahibo ko at ang pagdaloy ng mga imahe sa isip ko. Tulad kahapon, ganun pa rin ang mga nakikita mo. Malabo ang mukha pero ag pigura nito'y kitang-kita.

"Baby, turuan mo ako." Boses ng isang lalake ang narinig ko.

"Ayoko nga, hindi ka naman madaling matuto e!" tugon ng babae sa lalake. Niyakap naman siya nito sa likod at hinalik-halikan ang pisngi sa madidiin ngunit malambing na paraan.

"Baby ba!" pamimilit nito.

Pabiro naman siyang inirapan nito pero humagikhik rin naman kalaunan. "Kapag sinabi kong ayoko...ayoko." Madiin na sabi ng babae.

Bumitaw sa pagkakayakap ang lalake at hinarap ang babae.

"Paano na 'yan kung ikakasal na tayo edi, under ako sayo? Understanding." Napapailing na sabi nito.

"Oo naman, kapag ikakasal tayo ako dapat masusunod. Syempre magtatrabaho ka at mananatili ako dito sa bahay para maging housewife mo, hihintayin ka namin dito ng mga anak mo." Tugon ng babae sa malambing na boses.

"Hindi ka naman excited masyado, nuh!"

"Hindi naman...slight lang." pabebeng sabi ng babae.

Parehas silang humagalpak ng tawa pagkatapos ay kiniliti naman ng lalake ang babae. Todo iwas ang babae dito, kahit saan na parte na sila nang bahay umabot kakahabulan nilang dalawa. Minsang napapayakap sa kaniya ang lalake pero agad siyang bumibitaw dito para muling tumakbo.

"Nathan, tama na!"

"Anastasia Nicole, yieee...andito na si Nathan Keir gwapo!"

Agad akong napadilat ng mata at sunod-sunod na tumulo ang aking luha. Hindi ko alam kung anong espesyal sa naalala ko pero hindi iyon naging dahilan para patigilin sa pag-agos ng luha ko. Bakit ganun? Masaya naman ang dalawang tao at halatang nagmamahalan sa ala-ala ko pero bakit ako nasasaktan ngayon? Bakit ansakit sa puso kapag naalala ko iyon.

Masakit siya, para akong pinagpipiraso.

Binalik ko nalang ang guitara sa stand niya at umakyat ulit para muling ipagpatuloy ang pagpapahinga. Ang dapat na idlip lang ay naging malalim at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako ng ilang oras. Nagising lang ako ng maramdam kong may humihimas sa aking buhok. Pagdilat ko'y nakita ko si Liam na nakaupo sa tabi ko at tinititigan ako. Nagtagpo ang aming mga mata kaya doon ko nakita ang lungkot doon, napatayo ako at kinuha ang kaniyang kamay para hawakan ito ng mahigpit.

"May problema ba?" tanong ko.

Nginitian niya lang ako at kinurot ang aking pisngi.

"Wala naman, gusto lang kitang makita." Pigil akong napatawa at hinampas siya sa braso. Napatingin ako sa bintana at ganun nalang ang gulat ko ng makitang madilim na ang labas. Tumutunog din ang sikmura ko sa gutom.

"Anong oras na? Antagal ko palang nakatulog."

"Past Six o'clock," tugon niya. Nabigla ako ng hapitin niya ako palapit sa kaniya at niyakap ng mahigpit. "Kahit anong mangyari ngayong gabi, huwag mo kaming kakalimutan. Andito si Liam at Emma na tatanggapin ka ng buong-buo, na walang hinihinging kapalit galing sayo."

"Liam, ano bang pinagsasabi mo diyan?" kunot-noo kong sabi. Pero nginitian niya lang ang ako ng pilit. Napabuntong-hininga nalang ako at bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya. "Huwag nalang kaya tayong tumuloy ngayong gabi? Parang pagod na pagod ka pa galing duty mo."

"H-hindi na, tutuloy tayo ngayong gabi. Nasa baba na damit na susuotin mo pati na rin ang make-up artist na kinuha ko." Doon ako nagulat.

"Bakit may pa make-up artist pa?! Saan ba tayo pupunta?" gulat ko pa rin na sabi.

"Party, inimbitahan kaming magkapatid sa isang party pero ayaw ni Emma kasi OT siya ngayon kaya ikaw nalang ang dadalhin ko." Tugon niya rin.

"Naku, ayoko...baka mayayaman lang ang nandoon, hindi ako bagay dumalo sa ganiyang handaan!" agad kong pagtanggi. Umani naman ako ng tawa mula sa kaniya.

"Hindi ah, date kita sa gabing ito kaya no choice ka!" tumayo na siya at pinitik ang aking noo na ikinasimangot ko.

"Bwesit ka talaga." Sabi ko nalang.

May tinawagan siya sa kaniyang cellphone. Ilang saglit pa'y may kumatok na sa pintuan ko at nang buksan ito ni Liam ay pumasok naman ang dalawang babaeng pinagtutulungang buhatin ang isang manikin na may suot na kulay pulang gown. Kasama rin nilang pumasok ang dalawang bading na may tig-iisang bitbit na shopping bag galing sa sikat na designer na nakikita ko lang sa mga magazine ni Emma.

"Sila ang mag-aayos sayo," Malamig na sabi ni Liam.

Gulat ako doon, "Teka, bakit parang ang bongga naman yata?!"

"Ganiyan talaga 'yan sis, syempre may mga midya doon...gusto mo bang mapahiya ang boyfriend mo?" natawa ako doon.

"Hindi ko nobyo si Liam!" agad kong pagtanggi. Nagkibit-balikat lang sila at hindi na ako pinansin.

Kinausap sila ni Liam tungkol sa magiging ayos. Maya-maya pa'y puro tango nalang ang naitugon ni Liam bago nagpaalam sa akin para maumpisahan na akong ayusan.

"Alam mo na ba kung saang party kayo dadalo?" pagkausap sa akin ng isang bading habang minemake-upan ako.

"Parang hindi niya alam Sis, gulat pa ngang narito tayo e!" tugon din ng isa na inaayusan naman ang aking buhok.

"H-hindi ko po talaga alam, hindi naman niya po sinabi kung saan kami pupunta basta party, iyon lang." ani ko at idinilat ang mata pero muling napapikit dahil nilagyan naman ako ng foundation.

"Naku, hija...doon kayo sa Montecarlos pupunta!" aniya. Natahimik ako dahil doon at parang biglang nawalan ng mood.

Nagpapasalamat ako dahil hindi na nila ito dinugtungan pa. Natahimik na rin sila at nagseryoso na sa pag-aayos sa akin dahil na rin sa nalalapit na oras. Halos makatulog na nga ako ulit kung hindi lang masakit ang paghila-hila sa aking buhok dahil sa pagkukulot nito.

Isang oras din ang nagtagal bago nila natapos ang pag-aayos sa akin. Una silang lumabas sa kuwarto ko para makaalis na habang ako naman ay nanatili lang sa aking kwarto't tinitingnan ang buong sarili ko mula sa salamin. Sa sobrang dami na nangyari sa buhay ko, hindi ko alam makakapagsuot pa pala ako nang ganito kagandang damit.

Para akong prinsesa sa suot ko, ang kurba ng aking bewang ay humahapit sa damit kaya para akong isang inumin at ang gandang tingnan. Ang kinulot kong buhok na tinali ang itaas na bahagi at inulugay ang ibaba palikod lahat. May konting buhok na kumaklat sa aking mukha pero sinadyang iiwan.

"Nicole?"

Mula sa salamin ay nilipat ko ang paningin sa pintuan ng makita si Liam na nakasilip doon.

"Tuloy ka." Tugon ko.

Ngumiti naman siya at pumasok na, napangiti rin ako ng malaki ng makita ang ayos niya. Nakaputi siyang suit at sobrang bagay ito sa kaniya. Para siyang koreano na nakikita ko sa mga drama. Maiitim ang ibabang bahagi ng kaniyang mata na mas lalong bumagay sa itim niyang panlabas na kaanyuan.

Bandang Alas otso ng gabi ng tuluyan namin narating ang hotel kung saan gaganapin ang party. Nasa labas pa lang pero sobrang dami na nang mga midyang nakakalat. Sa gilid ng hotel ay may nakalagay pang billboard para sa ginaganap na party ngayong gabi.

Engagement Party. . .

"Are you ready? Namumutla ka." Bulong ni Liam sa aking tabi nang makalapit na siya sa akin matapos ibigay sa valet ang susi ng kaniyang sasakyan.

"Kinakabahan lang, ngayon lang kasi ako nakasama sa ganitong handaan,"

"Huwag kang mag-alala, nandito lang ako." Ani niya pa. Kinuha niya ang aking kamay at nilagay ito sa kaniyang braso.

Sabay kaming pumasok ni Liam sa hotel, panay naman ang kislapan ng mga camera ng midya. Mayroon pang nagtatangkang kausapin kami pero agad din silang napapaalis ng tauhan ng pamilya ni Liam na hindi ko alam na narito pala.

Akala ko hanggang labas lang ang mga midya pero nasakop na pala nila ang buong lobby ng makapasok kami hanggang sa malaking kuwarto kung saan ang party. May harang sila sa gilid kaya hindi sila nakakatapak sa red carpet na dinadaanan namin.

"Invitation, Sir." Ani ng isang babae ng nasa pintuan na kami. Agad binigay ni Liam ang isang envelope na maliit na kanina niya hawak sa kabilang kamay. Tumango ang babae at sinenyasan na kaming pumasok.

Muling binuksan ang malaking pintuan, itinakip ko ang aking kamay sa aking mata ng masilaw ako dahil sa biglang pagtama nito sa aming dalawa. May iilan din midya sa loob at kinukuhaan kami ng litrato pero sila yung tipong reporter na hindi magulo at parang personal pang inimbitahan sa party na ito. Nang masanay ako sa ilaw ay doon ko lang nakitang halos lahat nang tao'y pinagtitinginan kaming dalawa.

Sa sobrang hiya ko'y napabitaw ako mula sa pagkakahawak sa braso ni Liam at napa-hakbang paatras. Agad naman pumulupot ang braso ni Liam sa maliit kong bewang nang makita ang reaksyon ko.

"Easy..." bulong niya sa akin.

Napahugot ako ng malalim na hininga at napapikit ng mariin. Kumikirot na naman ang ulo ko sa pamilyar na pakiramdam. Sunod-sunod akong napalunok at muling dumilat ang mga mata. May sinasabi pa si Liam sa akin pero halos hindi ko na iyon marinig pa ng saktong paglihis ko ng aking mga mata ay dumapo iyon sa isang lalakeng nakatayo ilang metro lang mula sa aking kinatatayuan.

Kitang-kita ko kung paanong rumehistro ang gulat sa kaniyang pagmumukha lalo na nang dumapo ang paningin namin sa isa't isa. Humapdi ang bawat tibok ng aking puso habang hindi bumibitaw sa tingin niya. Nawala lang ang kaniyang paningin sa akin ng may lumapit na babaeng matangkad sa kaniya at hinawakan ang kaniyang braso. Napatingin siya doon at bumuka ang kaniyang bibig na parang may sinasabi. May lumapit pang isang lalakeng sumisigaw ang kagwapuhan at naka-kulay pulang suit. Magulo ang kaniyang buhok kaya mas lalo lang siyang naging guwapo sa paningin ko. Bago pa man ako mawalan ng ulirat sa mga nangyayari sa aking paligid ay naramdaman ko nalang ang pagakay ni Liam sa akin papunta sa tatlong tulala lang habang ang mga mata ay nasa akin.

"Doc. Liam Anderson." Bati agad ng babae kay Liam ng makalapit kami sa kanila pero ang mga mata ay nasa akin.

"Zelena, this is Nicole..." Tiningnan niya ako at nginitian. "Nicole, Zelena Santibastian, future wife of Nathan Keir Montecarlos." Ani niya pa sabay senyas sa kaharap namin na lalaki.

Tama siya iyon, 'yung nakabangga ko kahapon sa hospital.

Itutuloy. . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro