Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 34


Kabanata 34

"Nicole!" Inis kong idinilat ang aking mga mata at nilingon si Emma na kanina pa sigaw ng sigaw habang pilit akong pinababangon sa aking kama.

"Emmanuelle Beatrix, tigilan mo na nga ako!" inis kong sabi at binato sa kaniya ang dantay kong unan.

"Hindi kita titigilan hangga't hindi kita mapapayag na sumama sa akin sa hospital!" saktong pagbangon ko ay ang pagtama ng unan sa aking mukha. Tinaliman ko siya ng tingin ng mawala sa aking mukha ang unan.

"Ayoko nga magpagamot, Isang taon na nga mula ng magising ako hindi pa rin ako nakakaalala! Nagsasayang lang tayo ng pera!" sigaw ko.

Totoo iyon, anim na taon na daw ang lumipas simula nang makita nila ako na nasa gilid ng dagat. Malalim na ang gabi basi sa kanilang kwento, ng makita nila akong nagaagaw-buhay. Mabuti nalang daw at doktor si Liam kaya napaunang-lunas nila ako bago dinala sa malapit na hospital.

Limang taon akong nasa comma, sa limang taong na iyon wala man lang nagtangkang hanapin ako. Wala rin daw humahanap sa akin sa hospital kaya wala nalang silang nagawa kundi ang dalhin ako dito sa Maynila para mas mabilis ang proseso ng paggaling. Kulang kasi sa gamit ang probinsya kung saan nila ako dinala at nakitaan din nila ako ng komplekasyon sa puso kaya minabuti nalang nilang dalhin ako, imbes na mas lalo lang humina ang puso ko at hayaang mamatay doon.

Isang taon na rin simula nang magising ako. Si Liam ang naging doktor ko, tinutulungan niya akong bawiin ang aking nawalang ala-ala pero siguro talagang ang utak ko na mismo ang ayaw makaalala kaya hanggang ngayon wala pa rin talaga. Tanging pangalan ko lang an alam ko.

Nicole...

'Yon lang ang naalala ko, wala nang iba.

"Tasia, pagdating sa kalagayan mo walang pera-pera sa amin ni Kuya Liam. Gumaling ka lang mapapanatag na kami."

"P-pero ayaw kong patuloy kayong gagastos para lang sa kalagayan ko."

"Tasia, si Kuya Liam ang doktor mo... wala ka namang babayaran." Sabi niya pa at pilit akong kinukumbinse.

Ilang beses na ba niya akong pinipilit pumuntang hospital kapag tinatamad ako pero hindi pa rin siya nagtatagumpay. Kapag kasi alam kong wala na talagang pag-asa, mas lalo lang akong nawawalan ng gana.

"A-ayoko nang maka-alala pa," paulit-ulit akong umiling. "Mas gusto kong hindi maka-alala, hindi ko alam kung bakit ganito ang sinasabi ng isip ko pero gusto ko pa rin sundin."

Bago pa magsituluan ang aking mga luha ay muli na akong humiga sa kama at binalot ang sarili ng aking makapal na kumot.

"Sasabihin ko nalang kay Kuya Liam na masama ang pakiramdam mo, ipapadala ko nalang din sa maid ang pagkain mo para hindi na kayo magkita ni Kuya."

Hindi ako umimik at nanatili pa rin sa aking hinihigaan. Nang marinig ko ang pagbukas at sarado ng pintuan ng aking kuwarto'y, tinanggal ko ang pagkakabalot ng kumot sa akin at tiningnan ang pintuan kung saan lumabas si Emma.

Hindi ko na hinintay pang hatiran ako ng pagkain ng maid. Lumabas na agad ako ng aking kwarto para bumaba at kumain. Ayokong pinagsisilbihan ako, gusto kong sila ang pinagsisilbihan ko. Hindi naman ako yayaman kung tatamad-tamad ako dito. Ewan ko ba, siguro sa unang buhay ko, masipag talaga akong tao at hindi umaasa sa iba.

Pagdating ko sa kusina ay naabutan ko ang magkapatid na hindi pa nagsisimulang kumain. Pagkakita sa akin ni Emma ay nginisihan niya ako na ikinairap ko nalang. Tsk!

"Sabi na nga e, hindi mo talaga kayang pilitin ang sarili mong magpahatid sa mga maid ng pagkain mo." Inirapan ko siya.

"Bakit pa ako magpapahatid, kung mayroon naman akong dalawang kamay para kumuha ng pagkain." Pabalang kong sabi. Agad naman sumingit sa aming usapan si Liam.

"Akala ko ba masama ang pakiramdam mo?" kunot-noo niyang tanong. Siya naman ang inirapan ko.

"Nandito ba ako kung masama ang pakiramdam ko?" sinamaan ko ng tingin si Emma na palihim lang na tumatawa habang sinisimulan nang kumain. "Isa ka pang bruha ka, alam na alam mo talaga kung paano mo 'ko mapapalabas sa kwarto ko nuh!"

"Ikaw kasi e!" Hindi ko na siya tinugon pa.

Pinatunog ko ang aking dila sa aking ngipin at nagsimula nang kumain ng almusal. Nasa kalagitnaan kami nang pagkain ay binaba ko ang kutsara't tinidor na aking hawak at pinunasan ang aking labi bago nilingon si Liam.

"Papayag akong magpagamot," ani ko.

Agad naman nagliwanag ang kaniyang mukha sa sinabi ko at madali akong nilingon. "Talaga?!"

Tumango ako. "Oo, pero sa isang kundisyon,"

"Ano 'yon?" aktibo siya at halatang bukas talaga ang dalawang tenga para makinig sa sasabihin ko.

"Hahayaan niyo 'kong akuin ang gastos sa pampagamot ko." Ani ko.

Parehas silang mabigat na napasinghap. Halata na agad sa kanilang mukha ang pagkadigusto dito.

"Nicole, kaya naman naming akuin lahat ng gastos basta malaman lang namin na okay kana." Saad ni Liam, at napapailing pa.

Nginitian ko siya at hinawakan ang kaniyang kamay na nasa ibabaw ng lamesa. "Liam, alam mo naman kung anong klase akong tao 'di ba? Ayaw kong iasa lahat sa inyo, sobra-sobra na ang tinulong niyong magkapatid sa akin simula nang makita niyo kong nag-aagaw buhay at hanggang magising ako. Ngayon, gusto kong ipagamot ang sarili ko na hindi umaasa sa tulong ng ibang tao. Kaya ko na ang sarili ko, basta nandyan lang kayo sa paligid ko at susuportahan ako sa mga desisyon ko." Mahabang lintaya ko.

"Saan ka naman kukuha ng pera?" kapagkuan ay sabi niya.

"I can work," agad kong sabi at nginitian silang dalawa.

"P-pero hindi kakayanin ng puso mo, paano kung himatayin ka bigla sa gitna ng trabaho." nag-aalalang sabi ni Emma.

"Kukuha ako ng mga simpleng trabaho lang, pwede na siguro sa mga convenient store o sa drug stores. Doon sa hindi agad mapapagod ang puso ko."

"Payag na ako sa plano mo basta ba hindi mo pababayaan ang sarili mo." Napangiti ako ng tumango na silang parehas at halatang napapayag ko na.

"Thank you!" lumawak ang aking ngiti at napapalakpak pa sa sobrang saya.

Pagkatapos namin kumain ay agad na kaming nagpaalam sa isa't isa, sila para magtrabaho ako naman para magbihis na at makaalis. Pagbaba ko ay wala na silang magkapatid pero sabay naman silang nagmensahe sa akin.

Liam:

Nicole, take your medicine before going out. Take care.

Napangiti ako at agad itong nireplayan.

Ako:

Opo, ikaw rin. Uwi agad pagkatapos ng duty.

Hindi na siya nagreply pagkatapos nun kaya kay Emma naman na mensahe ang binasa ko.

Emma:

Hoy, Bakla! Galing mo talagang mangbigla nuh...sa sobrang bigla ko sa pinagsasabi mo kanina kulang nalang ibuga ko sa pagmumukha mo lahat ng mga kinain ko. Lagot ka talaga sa akin pagbalik ko mamaya!

Habang naglalakad ako papuntang waiting shed ay hindi ko maiwasang hindi matawa sa text ng kaibigan ko.

Ako:

Usap nalang tayo sa bahay pag-uwi, epal ka talaga.

Tawa lang na emoji ang kaniyang reply pabalik sa akin. Ibinulsa 'ko na ang aking cellphone at tinakbo ang pagitan 'ko at ng waiting shed. Nakaparada na ang bus kaya kailangan kong magmadali para mas mauna akong makapasok at may maupuan pa. Hingal na ako ng makatapak na sa bus. Napatingin tuloy sa akin ang driver na akmang isasara na ang bus, ilang ko lang siyang nginitian.

Agad na akong naghulog ng bayad ko sa isang box at dumeretso na sa pinakalikod. Mabuti nalang at hindi masyadong punuan pero kailangan ko lang tumayo dahil wala na kong mauupuan. Humawak ako sa handgrip ng bus para pangsuporta sa aking sarili.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana malapit sa akin habang umaandar ito. Bahagyang tumigil ang bus dahil sa stoplight, napatingin ako sa sasakyang nakasabay namin. Mamahalin ang sasakyang iyon at halatang komportableng sakyan. Hindi rin tinted ang salamin kaya kitang-kita ko ang gwapong may-ari na nakasalamin pa. Pinaglalaruan niya ang kaniyang labi gamit ang kaniyang isang kamay habang ang isa naman ay nanatili sa manibela't hinihimas ito.

Nanglakihan ang aking mga mata ng lumingon siya sa gawi ko at salubungin ang aking tingin. Parehas kaming gulat pero siya'y hanggang dito parang kitang-kita ko ang pamumutla niya na para bang nakakita ng multo. Napakurap-kurap ako, hanggang sa pagusbong ulit ng bus ay parang ramdam ko pa rin ang kaniyang tingin sa akin.

Sino iyon? Bakit ganun siya makatingin sa akin?

Pumarada na ulit sa isang waiting shed ang bus pagkalipas ng kalahating oras. Bumaba na ako at nilibot ang aking paningin. Sa kabilang kalye ay may isang kompanya at ang katabi nito'y isang condominium. Tumawid ako ng mag-green na ang light at nakipagsabayan naman sa mga taong papatawid rin. Kahit gusto ko man mag-apply sa mga kompanya'y hindi pwede sapagkat hindi nila ako tatanggapin dahil sa mga kulang kong dokumento. Nilampasan ko ang kompanya at ang condominium at huminto ng makakita ng isang convenience store. Hills.

Pumasok ako ng Hills at dumeretso na sa cashier man na para bang bagot na bagot sa buhay.

"Sarado kami ngayon!" bagot nitong sigaw sa akin.

Napangiti ako at ginala ang tingin sa buong store. May mga pagkain sa stalls na hindi maayos na, na-arrange. Muli kong ibinalik ang aking tingin sa lalake.

"Mag-a-apply po ako, may bakante po ba?" tanong ko sa magalang at mababang boses.

Naglalakihan ang kaniyang mga mata at napaayos ng upo sa kaniyang upuan.

"Wala pa akong income at hindi pa tumataas ang sales ko sa nagdaang buwan, okay lang ba sayo na buwanan lang ang sweldo?"

Agad akong napangiti ng malapad at sunod-sunod na tumango.

"Oo naman po!"

"Kaya mong gawin ito ng mag-isa...24 hours?" sabi pa niya na ikinangiwi ko.

"Hindi po ako pwede sa gabi e, 7 am to 5 pm," napakamot ako sa aking batok, "Okay lang po ba?"

Kinabahan ako ng umiwas siya ng tingin at parang may iniisip. Napatalon ako sa gulat ng bigla niyang ibagsak ang kaniyang kamay sa lamesa at naniningkit akong pinakatitigan. Maya-maya pa'y hinubad na niya ang kaniyang suot na coat na may tatak na hills at hinagis sa akin, agad ko itong nasalo.

"Sige, ako 6pm hanggang madaling araw, tanggap kana." Umawang ang aking labi at gulat pa rin sa mga pangyayari.

"T-tanggap na ako?" naninigurado kong tanong.

"Oo, alam mo naman siguro anong gagawin dito 'di ba? Ikaw na bahala." Tumango ako. Tinapik niya pa ang aking balikat bago dali-dali nang tumakbo palabas nang Hills. Awang pa rin ang aking labi habang nakatingin.

Ang bilis naman niyang magdesisyon?

Napabuntong-hininga lang ako at sinuot na iyon. Hindi naman mabaho ang coat. Una kong inayos ay ang mga pagkain sa stall. Hindi naman gaano kalaki ang store, sakto lang pero ang kulang lang talaga nun ay ang apperance niya sa mga tao. Kaya siguro mahina ang benta.

Tinanggal ko rin at pinagsama sa isang basket ang mga pagkaing expired na. Nagtataka na talaga ako kung bakit hindi man lang ito magawa-gawa ng lalake kanina. Mas malaking problema kung makakakain ng mga pagkain na expired galing dito ang mga costumers.

"Good Morning!" sigaw ko.

Narinig ko kasi ang pagbukas ng pintuan kaya mas lalo ko lang binilisan ang aking ginagawa. Pumunta ako ng cashier at tiningnan ito. Nakatalikod ang matandang babae sa akin at may pinipili sa mga tubig sa ref. Halatang mayaman ang babae dahil sa mga bitbit nitong shopping bag na binili pa yata galing sa mga sikat na designer brand. Pero pagdating naman sa pananamit ay simple naman at halatang walang kaartehan. Nakita ko rin ang nag-aabang na sasakyan sa labas at isang driver na nasa labas ng Hills.

Pagkatapos niyang makapili ay dumeretso na siya sa akin habang may binabasa na kung ano sa kaniyang cellphone. Binaba niya ang kaniyang bibilhin sa cashier nang hindi tumitingin sa akin. Agad ko naman itong ini-scan at nilagay sa plastic.

"Thank you ma'am." Magalang kong sabi.

Tumango naman siya, "Welcome." Malumanay niyang sabi at may dinial na sa kaniyang cellphone.

Sinundan ko lang ito nang tingin hanggang sa makapasok na ito sa kaniyang sasakyan. Sumunod din sa pagpasok din sa driver seat ang kaniyang driver at pinaandar ito ng mabilis.

"Parang nakita ko na siya..." bulong ko sa sarili at napahawak sa aking ulo.

Parang ganun nga iyon, pero wala namang sinasabi sa akin ang aking utak. Walang lumalabas na mga imahe sa aking utak 'di katulad sa mga napapanood ko sa telenobela. Masakit lang ang aking ulo pero wala naman akong naaalala.

Sino ba iyon?




Itutuloy. . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro