Kabanata 33
Kabanata 33
Kinakabahan ako hindi lang sa presenyang hatid ni Zelena kundi pati na rin sa maaari niyang gawin sa akin. Hindi ko alam kung anong pinagbago niya sa mga nagdaang mga araw pero ngayong nasa harapan ko na siya para siyang mas naging matapang sa lumipas na isang buwan.
"Sayo rin," tipid kong sabi at tinungo na ang isang bakanteng cr at pumasok doon. Agad kong hinubad ang aking damit at sinuot ito.
Akmang palabas na ako ng tumunog ng malakas ang telepono ni Zelena. "Hello, Love?" hindi ko naririnig ang tugon ng kaniyang kausap pero hula ko'y si Nathan iyon.
"Nasa Cr pa rin...hinihintay ko lang kaibigan ko...huwag mo naman akong masyadong ma-miss...papakilala ko siya mamaya pagbalik namin...oo naman," mahinhin siyang tumawa. "Matutuwa ka kung sino ang dadalhin ko. I love you, love!" Ani niya pa, tila'y nanlalambing.
Nang hindi ko na marinig na may kinakausap pa siya'y lumabas na ako't dumeretso sa gilid niya at naghugas nang kamay. Parang hangin ko lang siyang nilampasan at ginawa ang mga dapat kong gawin.
"Babalik ka na ba?" akmang palabas na ako ng Cr ng hilahin niya ang aking braso. Bumaba ang tingin ko doon at tipid siyang nginitian.
"Oo," lumiwanag ang kaniyang mukha.
"Tara na sabay—" pabalang kong hinila ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya.
"Kaya kong mag-isang pumunta doon Zelena, hindi ko kailangan ng kasama." Malamig kong sabi. Muli na akong tumalikod sa kaniya at binuksan ang pintuan para makalabas ako.
Please, umalis ka nalang.
"Anastasia, sandali...galit ka pa rin ba?!" sigaw niya nang makalabas ako.
Tumigil ako sa paglalakad at walang lingon-lingong nagsalita. "Hindi, hindi ako galit sayo o kay Nathan. Gusto ko lang tratuhin natin ang isa't isa na para bang hindi tayo magkakilala."
"S-sorry, Tasia." Mahina niyang sabi.
Pagak akong natawa.
"Nangyari na ang nangyari, Zelena. Kalimutan niyo na iyon at kakalimutan ko na rin kung paano niyo 'ko ginago at dinamay sa problema niyo. Mas pabor nga itong ginagawa ko e, hindi kasi ako katulad nang ibang mga kabit na kakapit pa rin na parang higad. Ako yung tipo ng kabit na gagawin ang lahat sumaya lang yung mga taong nakapaligid sa mahal niya."
"H-hindi ka kabit, Anastasia. . .huwag mong tawagin ang sarili mo niyan."
"At anong gusto mong itawag ko sa sarili ko, Malandi? Pokpok? Mang-aagaw?"
"Anastasia, alam mong hindi ikaw kahit ano o sino sa mga iyan." madiin niyang sabi.
"Kahit halikan ko sa harap mo si Nathan, hindi mo pa rin ako sasabihan ng kahit anong salita sa mga iyan? Huwag kang magmalinis, Zelena, parehas lang tayong marumi dito." Ani ko bago nagsimula nang maglakad ulit.
Rinig ko pa ang mga tawag niya sa akin pero hindi ko na siya muling pinakinggan. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang loob ng venue at upuan namin.
"Ate Tata!"
Nabigla ako ng pare-parehas nang nakasumbrero at naka-jacket na ang mga bata. Palapit silang lahat sa akin habang hila-hila si Nathan at Nate. Napangiwi ako ng makitang hirap na hirap sila habang nakikipagsabayan sa pagtakbo ng mga bata palapit sa akin.
"Bakit niyo ba sila hinihila?" ani ko at sinalubong nalang ang natitirang pagitan namin. Naaawa na kasi ako sa dalawang lalaking nakabusangot na ang mukha.
"Ate Tata, narinig po namin na pinag-aawayan ka po nilang dalawa!" ani ni Yuri.
Naglakihan ang aking mga mata sa narinig.
"H-hindi ah!" tanggi agad ni Nate sa sinabi ng bata. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Tapos sabi ni Kuya Nate, girlfriend ka po niya kaya nagalit si Sir Nathan kasi sabi niya sa kaniya ka lang po!" ani naman ni Hanny, kinikilig pa.
Pare-parehas sila nang reaksyon ng mga kaibigan niya. Na ikinailing ko nalang. Alam kong hindi nagsisinungaling ang mga bata, lalo na ang mga batang inalagaan ko ng ilang taon. Hindi sila sinungaling dahil tinuruan sila ni Sister ng magandang asal. Pero imposible ang kaniyang sinasabi, si Nathan, a-angkinin ako na parang isang nobya...napakaimposible!
"Hindi totoo ang mga pinagsasabi nila, hindi ko sila naging nobyo at wala akong naging nobyo." Lahat sila napabuntong-hininga at napabusagot sa aking sinabi.
Napatingin ako kay Hanny nang kunin niya ang kamay ko at higitin ako papunta ka Nathan. Halos mapatid pa ako dahil sa bilis niyang maglakad, mabuti nalang at agad akong nahawakan sa bewang ni Nathan.
"Mas bagay po kayo ni Sir Nathan, Ate Tata!" saad niya na ikinabigla ko.
Nagkatinginan kami ni Nathan, nakita ko sa kaniyang mga mata ang panlalambot kaya agad akong napaayos nang tayo.
"Hanny, mali yung ginawa mo, Paano kung madisgrasya ako? Pare-parehas tayong malalagot kay Sister." Malamya kong sabi, pero pinapangaralan pa rin siya.
"Sorry Ate Tata." 'Hingi niya agad nang tawad at niyakap ako sa bewang.
"Okay lang, huwag mo nang uulitin iyon...At saka, hindi kami bagay ni Kuya Nathan mo, may nobya na siya—"
Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko sa harapan namin si Zelena. Agad siyang nakita ng mga bata. Yumuko si Zelena kapantay ng taas ni Hanny at hinimas ang buhok nito.
"Hi, ako nga pala si Ate Zelena, ako ang girlfriend ng kuya Nathan niyo." Pakilala niya. Nagsinghapan sila at napatingin sa akin.
"Paano po mangyayaring ikaw ang girlfriend ni Sir Nathan e, sabi niya sa kaniya lang daw po si Ate Tata."
Ako naman ngayon ang napasinghap. Tinakpan ni Yuri ang bibig ni Hanny at sinenyasan na huwag maingay.
"H-huwag kang maniwala sa sinasabi nila Zelena, nagbibiro lang naman sila." Utal kong sabi.
"Okay lang, alam ko rin naman ang totoo." Ani niya sabay tingin kay Nathan na tahimik lang na nakatayo sa gilid ko.
Mabuti nalang at may lumapit na sa aming taga-foundation at inakay na ang mga bata papuntang bus. Agad akong sumunod doon, akmang pasakay na ako nang maunahan ako ni Nate sa loob.
"Nate, bakit ka nandito?!" ani ko at tinabihan siya sa upuan, prente na siyang nakaupo doon at parang kaniya ito dahil halos masakop na niya lahat ng lugar.
"Dito ako sasabay." Tipid niyang sabi at ngumiti pa.
"Ano? Eh 'di ba, may sasakyan ka?!"
"Pagod akong magmaneho e, kaya dito nalang." Inakbay niya ang kaniyang kaliwang braso sa akin at ginawang unan ang balikat ko. Pabiro kong sinampal ang kaniyang matambok na pisngi.
"Natulog ka ba ng mabuti, parang puyat na puyat ka pa, ah." Ani ko. Mas niyakap niya ang sarili sa akin at binaon ang mukha sa leeg ko na ikinabuntong-hininga ko nalang.
"I miss you so damn much, Anastasia." Bulong niya. Napahugot ako ng hininga at natahimik dahil sa narinig.
Bandang ala-una nang marating namin ang ligtas na bundok na aming aakyatin. Marami kami dito kaysa nung nasa venue pa kami. Maraming mga tagabantay ang nakapalibot sa mga bata at umaalalay. Nagkahiwalay kami ng ibang bata, mas nauuna sila ng ilang metro sa akin. Nanatili lang akong nakatanaw sa kanila habang kasabay si Nate sa paglalakad.
"Nate, picture tayo!" ani ko at hinila siya palapit sa akin. Inangat ko ang aking kamay na may hawak na cellphone at ngumiti, ganun din naman siya.
"Isa pa, isa pa!" aniya't kinuha sa akin ang cellphone para siya ang kumuha ng litrato. Bago niya pindutin ang camera'y inakbayan muna niya ako at hinalikan sa aking sentido. Napanguso ako, sakto namang nakuhaan na niya ito.
Tinitingnan namin ang aming mga nakukuhang litrato habang naglalakad. Hinahangak na ako dahil hindi naman ako sanay sa pagha-hicking. Isang oras kaming aakyat at pagdating doon, makikita na namin ang mas magandang view ng buong kabundukan. Dito palang sa baba'y maganda na, paano pa kaya kung titingnan ito mula sa taas 'edi para na kaming nasa paraiso.
Hindi naman delikado ang nilalakaran namin para sa mga bata, lahat ng gilid ay may harang.
Papunta na ang harang na iyon hanggang sa itaas. Rinig na rinig ko ang manghang mga tinig ng mga bata mula sa kinataatayuan ko. Mayroong nagma-mic na tourist guide at sinasabi ang mga nadadaanan namin, lalo na ang mga malalaking bato na parang inukit lang.
"Upo muna tayo."
Tumango ako at pumayag sa gustng mangyari ni Nate. "Sige,"
Tulad ko, naghahabol na rin si Nate nang hininga dahil sa kapaguran. Pinuntahan namin ang tinuturong bato ni Nate at doon umupo. Binigyan niya ako ng tubig pagkaupo namin kaya agad ko itong ininuman.
"Basa ka na nang pawis, nasaan panyo mo?"
Ito ang na-miss ko sa nagdaang isang buwan kay Nate. Ang pagiging maalagain niya sa akin. Hindi niya gustong lagi akong napapawisan.
"Nandoon kay Yuri, nilagay ko sa likod niya...hikain kasi iyon pero nagpumilit pa rin sumama dito." Sabi ko at akmang pupunasan ang pawis ko sa noo nang maunahan niya ako.
Siya na mismo ang nagpunas ng pawis sa noo ko gamit ang kaniyang panyo. Sobrang lapit niya tuloy sa akin kaya ramdam ko ang hininga niyang dumadampi sa pisngi ko.
Napatingin ako sa kaniyang mapulang labi, nakaangat ito dahil sa palagi niyang pagngiti at paglabas ng kaniyang biloy. Mistiso talaga at artistahin ang mukha ni Nate kaya halos hindi na ako makapaniwalang hindi pala siya totoong kapatid ni Nathan, kasi halos magkamukha rin naman sila.
"Nate," naibulong ko nalang ng mas lumapit pa siya sa akin at lumipat na rin ang pagpupunas ng kaniyang kamay, mula sa aking noo'y napunta na sa gilid ng aking labi.
Wala sa sariling napakagat ako sa aking pang-ibabang labi, nakita ko tuloy ang pagbaba at pagtaas ng kaniyang adams apple dahil sa biglaang paglunok. Akmang mas lalapit pa siya ng marinig namin ang sigaw ni Nathan malapit sa amin.
"Nate, nakita mo ba si Zelena?!" sigaw nito.
Parehas kaming napalayo ni Nate sa isa't isa. Napatayo ako at tiningnan si Nathan na papalapit na sa amin, puno nang pag-aalala ang kaniyang mukha at parang hindi mapakali.
"Anong nangyayari?" malamig ang boses ni Nate nang tanungin niya iyon sa kapatid. Hindi pa rin pala sila nagbabati hanggang ngayon.
"Nawawala si Zelena."
Doon ako naging alerto.
"Hindi ba kayo ang laging magkasama ni Zelena, bakit siya nawala?" tanong ko.
Napasabunot naman siya sa kaniyang buhok.
"Ewan ko, sabi ko sumunod siya sa inyo kasi may tinawagan lang ako saglit pero bakit wala siya dito?!"
"Mabuti pa hanapin na natin, baka mamaya ano pang mangyari doon." Ani ni Nate at tumalikod na.
Agad ko siyang hinawakan sa kamay para pigilan siya. Nilingon niya ako.
"Sasama ako sa paghahanap." Desidido kong sabi. Pero inilingan lang niya ako at ginulo ang buhok.
"Huwag na, dumeretso kana doon kami nalang ang maghahanap."
"P-pero..."
"Sige na, malapit na tayong bumaba ulit. Sumunod kana doon at kumuha nang mga litrato para sa akin."
Tumango lang ako. Tumalikod na sila at tinahak ang isang daan pa maliban sa daan pababa at yung dinaanan ng mga kasama namin. Kung talagang dumeretso na siya paakyat sa dinaanan ng mga bata 'edi sana nakita na namin siyang dumaan ni Nate. Maliit lang ang daanan kaya talagang kahit hindi man kami nakatingin sa kaniya'y makikita't makikita pa rin namin siya.
Nakababa na ulit kami nang mga bata pero wala pa rin sila Nathan, kahit si Nate hindi pa rin bumababa. Pagabi na't lumalamig na rin, masyadong delikado kung mas mananatili pa kami ng mas mataggal dito, pinauwi ko na muna ang mga bata at nagpaiwan naman ako. Nagpatawag na ako ng rescuer para makita ng mas madali silang tatlo pero para sa akin hindi pa rin iyon naging sapat.
"May tawag na ba galing taas?" sabi ng isang pulis sa kasamahang kababalik lang din.
"Wala pa rin boss,"
"Kapag wala pa rin nakita, titigil na natin ang paghahanap...delikado para sa atin ang manatili dito ng mas matagal." Tumango lang ang kausap.
Sa narinig ko'y mas lalo lang akong hindi naging komportable sa aking kinauupuan. Tumayo ako at pasimpleng pumasok sa gubat kahit na nanginginig na ako sa sobrang takot. Desidido na ako ngayon na tutulong. Malaki at malawak ang gubat na pinasukan namin kanina. At yung dinaanan namin ng mga bata kanina ay shortcut lang iyon para mas madaling makapunta.
"Nate!. . .Nathan!. . .Zelena!" sunod-sunod kong sabi sa gitna nang aking paglalakad.
Mas dumidilim na sa aking dinadaanan kaya nagdesisyon na akong buksan ang aking flashlight.
"Nate!" sigaw ko ulit.
Nakarinig ako ng mga kaluskos kaya napalingon ako sa aking likod pero nung itutok ko ang aking flashlight sa dinaanan 'ko, walang tao. Dumagundong sa kaba ang aking puso. Dahan-dahan kong hinakbang ang aking paa hindi pabalik sa aking pinanggalingan kundi paderetso pa upang magpatuloy.
"Nate...Nathan...Zelena!"
Halos bulong nalang ang lumalabas na boses sa aking bibig. Sa panginginig ng aking mga paa'y sumasabay naman ang aking kamay at halos mabitawan ko na ang cellphone ko na tanging ilaw lang na nagbibigay sa akin. Napatigil ako't napapikit ng muli kong marinig ang sunod-sunod na kaluskos.
Shit, hindi nga ako takot sa multo 'di ba?! Pero malay mo hindi ito multo, baka masamang nilalang ito't gustong kainin ang katawan ko.
"Sino 'yan?!" sigaw ko.
Walang tumugon kaya mas lalo lang akong nanginig sa takot. Napatili ako sa takot at gulat ng maramdaman ang pagdaan ng kung sino sa aking likod at paa. Nagtatatakbo ako sa sobrang takot, doon ko lang namalayan na nabitawan ko na pala ang aking cellphone at wala na akong makita kahit isa kundi dilim lang. Napahinto ako ng may natapakan akong isang matigas na bagay.
"Agh!" igik ko sa sobrang sakit.
Kinapa ko ang aking paa na nasugatan at nakaramdam na basa doon. Dahan-dahan akong tumayo't pinunit ang aking damit na suot at pinantapal sa aking sugat. Paika-ika akong naglakad, humahawak nalang ako sa mga kahoy na madadaanan ko bilang suporta.
Ilang minuto pa ang nailakad ko bago ko nakaramdam ng tinding panghihina. Sumasakit na rin ang dibdib ko at parang pinipiga ito. Sumandig ako sa puno habang hawak ko ang aking dibdib kung saan banda nakalagay ang puso kong sobrang sakit at napapikit nalang upang makapagpahinga saglit.
"Anong ginawa mo?!" napamulat ako ng marinig ang pamilyar na boses na iyon.
"What? Wala naman ah, gusto ko lang naman sulitin yung araw natin dito. Masaya nga e!" boses ng babae at tawa nito ang aking sunod na narinig.
Sinuportahan ko ulit ang aking sarili upang makatayo ng matuwid. Hinanap ko ang lugar kung saan banda ang ingay ng boses na iyon, sigurado akong tao iyon.
"My god, Zelena. Akala ko ba okay na ang lahat? Ano na naman ba itong ginagawa mo?"
Dumagundong sa kaba ang aking dibdib ng marinig ang galit na sigaw ni Nathan. Dahan-dahan kong nilakad ang pagitan namin, hindi nila ako nakikita dalawa dahil nasa bandang gilid ako at madilim din ang paligid.
"Akala ko nga rin pero ang hindi ko maitindihan, nawala na nga siya't lahat pero gumagawa ka pa rin ng paraan para makita siya!"
"Zelena, tumigil kana!"
"All this time I thought, na ako lang yung mahal mo pero simula nang mawala si Anastasia nasa kaniya lang palagi ang atensyon mo." sunod-sunod na humikbi si Zelena. "I loved you so much, Nathan pero hangga't mayroong Anastasia sa buhay natin hindi pa rin ako magiging masaya dahil alam kong may puwang na siya sa puso mo." Mas lumala lang ang sakit sa aking puso. Pinilit kong hindi mag-ingay habang humihinga ng malalim.
"Mali ka nang iniisip, Zelena." Kalmadong sabi ni Nathan at niyakap ang nobya pero tinulak lang siya ni Zelena at galit na sinampal.
"Anong mali ha? Anong mali sa ako na mismo ang nakarinig na mahal mo siya! Sinabi mong mahal mo siya sa harapan mismo ni Nate. Sobrang sakit, Nathan...sobra!"
Pinagsusuntok niya si Nathan sa katawan at nang hindi pa rin kontento'y sinampal niya ulit ito sa kabilang pisngi. Galit siyang nilingon ni Nathan, umiigting pa ang panga nito sa sobrang galit pero pinipigilan lang ang sarili. Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Zelena na ikinagulat ng huli.
"Oo, mahal ko siya!" walang pagdadalawang-isip na sabi nito.
Ang kaninang sumasakit na aking dibdib ay mas dumoble pa. Hinawakan ko ito at pinakiramdam, kita ko mula sa aking kinatatayuan ang gulat at sakit sa ekspresyong bumalot sa mukha ni Zelena.
"Nathan," hindi makapaniwalang sabi ni Zelena.
"Mahal ko siya dahil kapatid ko siya!" pagpapatuloy niya pa sa sinabi.
Napahakbang ako paatras dahil sa sakit sa aking dibdib. Hindi ko na ito kaya at ramdam ko anumang oras ay pwede na akong mawalan ng malay sa sobrang sakit nito. Sinuntok-suntok ko ang aking kamay na nakakuyom sa aking dibdib.
Tangina, ang sakit!
"Tulong...tulungan niyo 'ko!" sigaw ko kahit nanghihina na. Agad silang napaharap sa dereksyon ko.
"Sino 'yan?!" sigaw nila.
At dahil sa hindi nila ako makita'y kailangan pa nilang itutok sa akin ang flashlight na kanilang hawak. Napaatras ako dahil sa pagkasilaw.
"A-ang sakit ng puso ko, hindi ako makahinga. T-tulong!" nasabi ko pa iyon sa gitna ng aking paghahabol ng hininga.
"Anastasia?!" sigaw ni Zelena.
"Tulong..." bulong ko pa, muli akong umatras upang makahanap ng sapat na hangin. Naririnig ko ang mga yapak nila papunta sa akin pero nanatili lang akong umaatras habang sapo-sapo ang dibdib.
"Agh!" napasigaw ako ng bigla akong mapatid at tumama ang aking ulo sa isang matulis at matigas na bagay. Kasabay nun ay ang paggulong ko pababa. Kahit saan na tumatama ang aking katawan pero hindi ko man lang magawang igalaw ang aking katawan upang pigilan akong mas mahulog pa.
"Nicole!" malakas na sigaw ni Nathan ang huli kong narinig bago ako tuluyang mawalan ng malay.
Itutuloy. . .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro