Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 30


Kabanata 30

Pagod akong napaupo sa isang malaking bato. Kanina pa kami naglilipat ng mga mangga at halos maikot na namin ang buong manggahan para lang makita at makatulong sa mga tinatrabaho ng mga trabahante. Nilalakad lang namin dahil pagod pa ang mga kabayo ngayon at pinapahinga muna ito sa may isang tabi.

"Inom ka muna." Napatingin ako ng marinig ang malamig na boses na iyon. Nakita ko si Nathan na nasa harapan ko na at binibigyan ako ng isang mineral water na nasa bote.

"Thanks." Kinuha ko ang tubig bago ito binuksan at ininuman na agad.

Hindi naman ako nauuhaw, kakainom ko rin lang naman pero nung nakita ko siya nauuhaw agad ako at parang hinahapo kapag nararamdaman ko ang presensya niya malapit sa akin. Akala ko aalis na siya kapag naibigay na niya sa akin ang tubig pero nabigla ako ng tumabi siya ng upo sa akin. Halos mahugot ko ang aking hininga ng bahagyang magdikit ang aming mga balat sa braso. Agad kong tiningnan sila Zelena na nakikipag-usap sa mga babaeng trabahante rin, hindi nila kami napapansin.

"Musta kana?" sabi niya sa gitna ng aming katahimikan.

"Okay lang. . ." Hindi! Kahit kailan hindi ako magiging okay hanggang nakikita kong masaya ka sa iba.

"Mabuti naman at nagkakamabutihan na kayo ni Nate, good for you."

Nagbara ang aking laway sa aking lalamunan at wala akong ibang mahanap na salita upang tugunin ito. Bumuntong-hininga ako't problemado. Sabi ko kanina sa sarili ko, hindi ko papansinin ngayong si Nathan para hindi masira ang araw ko pero ngayong siya mismo ang lumalapit, nanghihina ako sa kawalan na magawa. Mayroon sa aking puso na gusto pa siyang makasama pero mayroon din na nagsasabing tigil, paalisin ko na siya.

"Mabait si Nate Keirron at alam ko sa sarili ko na balang araw mamahalin ko rin siya. Mabait siya, maalaga, at kahit kailan hindi ako iniiwan at pinaghihintay ng matagal."

Nakangiti akong lumingon sa kaniya, ganun na lang ang tuwa ko ng makitang matalim na ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa aming harapan at ang kaniyang paghinga naman ay kapansin-pansin ang mabibigat na pagtaas-baba, halatang galit na galit na.

"Sigurado ka? Baka tulad ko rin siya, iiwan ka rin." May halong yabang niyang sabi pero galit pa rin at nagiigting ang panga.

"Oo naman, sigurado ako. Ang totoo nga niyan ay nagugustuhan ko na rin siya. Sino ba naman ang tatanggi sa isang Nate Keirron Montecarlos, halos lahat naman siguro ng mga babaeng naaakit sa presensya niya at kagwapuhan." Nabigla ako ng bigla siyang tumayo at nakakuyom ang kamao.

"So, madali ka palang mag-move on?" sarkastiko niyang sabi at hinarap ako.

Napatayo na rin ako sa kinauupuan ko. Kung sa malayo titingnan ay parang nagkwekwentuhan lang kami ni Nathan pero siguro kung may nakakarinig lang sa amin ay baka kanina pa kami pinagsabihan dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig naming dalawa.

"Move-on? Saan naman, sa pagkakaalam ko wala naman akong naging nobyo e..." napasinghap ako at kunyaring nag-isip. Gusto ko siyang asarin, gusto kong ipamukha ko rin sa kaniya ang mga salitang binaon at tinatak niya sa puso't isipan ko. "Sino ba ang tinutukoy mo?"

"Anastasia." May babala niyang sabi.

"Oh, bakit? Wala naman akong ginagawang masama ah." maang-maangan ko. Nangagalaiti na siya sa sobrang galit, parang isang galaw ko nalang sa kaniya'y sisigawan na niya ako.

"Huwag mo akong pinaglalaruan! ano bang pinamumukha mo sa akin ha? Na-i-dedeny mo rin ako kasi dineny kita sa iba?!" gigil niyang sabi at marahas akong hinawakan sa kamay.

"Oo, Nathan!" nilibot ko ang aking paningin at ng makitang wala naman nakakapansin at nakakarinig sa aming pag-aaway ay pinagpatuloy ko na ang aking sinasabi. "Gusto ko maramdaman mo ang mga naramdaman ko nung ako ang tinatanggi mo sa harap ng ibang tao. Gusto ko makita sa mga mata mo yung sakit ng maramdaman ko ng harap-harapan mo kong balewalain at itanggi!"

"Mataggal na akong nasasaktan, Tasia. Pinipilit ko lang na hindi ipahalata kasi ayoko na rin. 'Yung proposal ko sayo, totoo iyon. Wala na akong ibang choice kundi ang lumuhod sa harapan mo pero. . ." napahinto siya at napaiwas ng tingin.

"Pero ano?" tanong ko.

Mayroon sa aking sariling gustong marinig ang buong sinabi niya, pero doon pa lang nawawalan na siya ng ganang magsalita.

"P-pero..." bago paman niya maituloy ang sinasabi'y nabigla na lang ako ng marinig ang boses ni Nate mula sa likod ko.

"Tasia." Sabi ni Nate.

Nabigla ako ng mula sa aking likuran ay hinila niya ang aking kamay dahilan upang mabilis akong mapaharap sa kaniya.

"Nate!" napatili ako ng wala pa sa isang segundong dumampi na ang labi ni Nate sa akin. Napatulala ako at dilat na dilat ang aking mga mata habang nakatingin sa kawalan. Hindi ako makapaniwala, Si Nate? Hinalikan ako?

Naramdaman ko ang pagyapos niya sa aking bewang at ang paghapit niya sa akin palapit sa kaniya. Para akong robot na hindi makagalaw at naninigas ang katawan. Tiningnan ko siya habang hindi pa rin nagkakahiwalay ang nakadampi naming mga labi, unti-unting tumaas ang kamay ni Nate at nilagay sa aking pisngi bago ginalaw ang mga labi. Nanatili lang siyang nakapikit at parang maamong batang natutulog lang.

Nang magising ako sa tamang pagiisip doon ko lang naunawaan ang tunay na nangyari, hinawakan ko ang dalawang braso ni Nate at tinulak siya palayo sa akin. Pero dahil sa panghihina ko'y hindi ko man lang nagawang tulakin siya kahit makaatras siya ng isang beses. Parehas kami naghabol ng hininga ng tuluyan na niyang inalis ang kaniyang labi.

"I'm sorry. . ." bulong niya sa paraang kami lang makakarinig dalawa.

Muli niyang pinikit ang mga mata nang mas madiin pa kaysa kanina, bakas sa kaniyang mukha ang pagsisisi sa nagawa at namumula naman ang kaniyang buong mukha sa kahihiyan.

"O-okay lang, nabigla lang ako." Bulong ko habang wala pa rin sa sarili.

Ramdam ko ang pamumula ng aking dalawang pisngi at patuloy ang aking pang-iinit hanggang ang buong init ay bumalot na sa aking mukha. Nakalayo man siya sa akin pero ang kaniyang isang kamay ay nanatili pa rin sa aking bewang at niyayakap ako.

"Okay lang?" nawala na ang hiyang ngiti niya at napalitan ng nagyayabang. Naglakihan ang aking mga mata at mas lalong dinalaw ng pagiinit sa mukha.

"I-I mean. . ." hinahanap ko ang tamang salita sa aking dila pero wala itong binibigay na kahit isang letra. Natataranta ko siyang tinulak at napakagat sa aking daliri. "Shit!. . . May gagawin pa pala ako Nate, m-mauuna na ako!" utal kong sabi sa sobrang pagkataranta.

Tinalikuran ko siya pero agad din napabalik, ng maling daanan ang aking dinadaanan kaya muli akong lumingon at nahihiya siyang nginitian. Tawa naman siya ng tawa habang tinitingnan akong nagmartsa palayo sa kaniya. Pinapalobo ko ang aking bibig para lang kumalma dahil sa kaniyang halik ay saglit na nawala sa aking isipan na may kaaway pala ako kanina.

"Hala!" namilog ang aking mga mata at bibig ng maalala iyon.

Kung hinalikan ako ni Nate sa harapan mismo ni Nathan siguradong nakita niya ito! Hala ka!

Hanggang sa makabalik kaming lahat sa mansyon para magtanghalian ay yung pag-aaway namin ni Nathan at ang halik na pinagsaluhan namin dalawa ni Nate lang ang nasa isip ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa iyon ni Nate kaya hanggang ngayon hindi ko pa rin siya pinapansin sa kahihiyan.

Sinimulan namin ang tanghalian, sabay-sabay kaming apat sa pagkain. Si Zelena lang ang tanging nagsasalita sa amin at panay ang kwento kay Nathan habang ang huli nama'y tango at simpleng tawa lang ang binibigay. Paminsan-minsan din ay sinusubuan din niya si Zelena ng kanin at ulam dahil hindi ito matigil sa pagkwento.

"Tasia, kain ka pa parang pumapayat ka lalo e." naiingit talaga ako palagi sa boses ni Zelena, sobrang ganda kasi nito at para kang hinehele.

"Okay lang ako Zelena, marami-rami na rin ang nakain ko." Tugon ko at binalik rin ang ngiting binibigay niya sa akin.

Kaya hindi ko kayang mgalit kay Zelena e, sobrang ganda na nga niya at mabait din sa akin. Hindi ko kayang mawala ang ugaling niyang iyon kapag nalaman niyang minsan na siyang niloko ni Nathan nang manirahan ito dito.

"Ganun ba?" ngumuso siya, maya-maya pa'y lumiwanag ulit ang kaniyang mukha at parang may naisip. "Pagkatapos natin dito, ligo tayo sa Midry Falls, siguradong hindi ka pa nakakapunta doon Tasia, maganda doon at sulit din ang bayad!"

Sabay kaming nabulunan ni Nathan dahil sa narinig. Agad akong binigyan ng tubig ni Nate habang tinatapik ang likod ko nang mapatingin ako saglit kanila Nathan, ganun din ang ginagawa ni Zelena sa kaniya.

"K-kayo nalang." Nauubo pa rin ako ng sabihin iyon.

Midry Falls?

Pinaglalaruan ba kami ni Tadhana, sa dami-daming falls dito sa Isla Amore pero bakit Midry Falls pa talaga ang lumabas sa bibig ni Zelena!

"Kaya nga ako nagyaya dahil sayo e, tapos tatangihan mo ako!" nakasimangot na sabi ni Zelena. Nataranta naman ako ng lingunin ako ni Nathan at sinamaan ng tingin.

"Pwede tayo sa dagat nalang,"

"Doon na lang, please!" pinagsalikop naman niya ang kaniyang dalawang kamay at nagmamakaawa akong tiningnan.

"S-sige."

Wala na akong magawa kundi pumayag nalang sa gusto niya. Napalakpak naman siya't niyakap si Nathan ng mahigpit. Nawala na ng tuluyan ang mga pilit na ngiti ko sa nakita at napayuko, pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko at hindi na sila muling nilingon pa.

Pagkatapos namin kumain ay nagsiakyatan saglit sa kanilang mga kwarto sila Nathan, Zelena at Nate. Ganun nalang ang gulat ko ng paglabas ko sa kusina'y nadatnan ko pa silang lahat na papasakay sa elevator, pati si Zelena ay kasama rin. Umawang ang aking labi at tiningnan si Nathan, nagkasalubong ang aming mga mata. Hindi katulad ko, parang normal na normal lang sa kaniya na malaman ko kung saan tumutuloy si Zelena. Iniwas ko ang aking paningin at pumasok na muli sa kusina.

Ang ibang maid ay busy sa utos nila sa paghahanda ng pagkain na dadalhin namin, snacks lang naman ang mga ito at ang ibang maid naman ay may sari-sariling trabaho din na inutos ng mayordoma kaya ako nalang ang naghugas ng pinggan namin. Nang matapos ako sa paghuhugas, saktong paglabas ko sa kusina ang paglabas naman nila sa elevator tatlo. Nakabihis na sila at ready na sa pagalis samantalang ako ay wala pa.

"Bakit hindi ka pa nakabihis?" ani ni Nate ng makalapit. Pinunas ko ang aking kamay na basa sa aking pantalon at nginitian siya.

"Naghugas pa kasi ako," napakamot ako sa aking ulo ng samaan niya ako ng tingin.

"Sabi ko huwag ka munang magtatrabaho dito sa mansyon 'di ba?!" inis niyang sabi.

Ang cute niya talaga kapag naiinis!

"Sige ha, bihis muna ako!" kinurot ko siya sa pisngi at humagikhik. Tumakbo na ako papuntang kwarto ko at dali-daling nagbihis.

Papunta sa Midry Falls ay kinakabahan ako. Nasa iisang sasakyan lang kaming apat kaya hindi man lang ako makalingon sa likod para tingnan sila Nathan na nagtatawanan lang habang may pinapanood sa cellphone nito.

Naramdaman ko ang pagsalikop ni Nate sa aking kamay. Hindi ko na alam paano papahintuin si Nate sa ginagawa niya, ilang beses ko na siyang sinabihan sa mga ginagawa niya at hanggang ngayon hindi pa rin siya tumitigil. Tiningnan ko ang kamay naming dalawa bago lumipat ang tingin ko sa kaniya.

"Are you okay?" tanong niya na hindi man lang ako nilingon. Tumango ako kahit hindi man lang niya iyon makikita.

"Oo naman, napagod lang siguro sa trabaho."

"Gusto mo ba alis tayo bukas? May nakita akong lugar na alam kong makakapagpahinga ka talaga."

"Naku huwag na Nate, kaya ko naman. At saka, 'di ba babalikan pa natin bukas ang naiwan na trabaho natin sa hacienda?"

"Oo nga pala!" natawa siya sa pagkapahiya kaya natawa na lang din ako.

Ilang saglit pa'y naabot na namin ng tuluyan ang Midry Falls Resort. Tulad nung unang tapak ko dito ay sobrang ganda pa rin nito at tahimik. Wala pa rin tao sa buong resort, siguro dahil hindi naman summer ngayon kaya walang pumupunta o baka tulad din nung una na pinasarado din ito ni Nathan.

Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa resort ay parang gusto ko na agad mag-back out dahil sa mga ala-alang nagsibalikan sa aking isipan. Dito rin iyon, yung lugar kung saan namin sinulit ang araw bago siya lumisan. Ang lugar kung saan ko ibinigay ang salitang 'Oo', ng lumuhod siya sa harapan ko. Dito yung akala kong simula ng aming habambuhay na pagmamahalan pero iyon pala ang huling lugar, huling araw, at huling... pagmamahalan para maramdaman kong sa akin pa siya. Pinasok namin ang aming mga gamit sa cabin house na inarkilahan at lumabas ulit para makaligo na.

"Tasia, Halika!" hinila na agad ako ni Zelena papuntang batuhan malapit sa Falls at tinuro ang Midry Falls. "Alam mo ba ang falls na ito ang pinakapaborito ko sa lahat?" pagkwekwento niya.

"Midry Falls, parehas kayo ni..." Nathan na paborito ito.

"Ni Nathan?" tumawa siya na parang kinikilig. "Sa lahat ng falls sa buong bansa, ito lang ang falls na pinakagusto naming dalawa. Sobrang ganda nito at nakakawala ng stress. Simula ng dalhin niya ako dito, gusto ko nalang lagi na dito kami kapag nagbabakasyon. Hinding-hindi kami magsasawa sa lugar na ito." Sabi niya habang nililibot ang paningin.

"Bakit niyo naman nagustohan ang falls na ito? parehas lang naman sila sa ibang falls na mataas at malamig liguan." May halong pait kong sabi.

"Kasi dito siya nagpropose sa akin." Kumirot ang aking puso ng marinig iyon. Kahit nasasaktan na ako sa mga naririnig ko, gusto ko pa rin na malaman ang dahilan. Gusto ko yung kompleto at klaro sa pandinig ko.

Malapad ko siyang nginitian ng peke. "Ang swerte mo naman, so pumunta pala kayo dito kahapon at ginawa iyon dito?" umiling siya at namula.

"H-hindi ah," nahihiya niyang sabi, patuloy pa rin na namumula. "Bago palang kami ni Nathan nung mag-propose siya sa akin, nasa pitong buwan pa lang kami nung panahong 'yon nung lumuhod siya sa mismong bato doon malapit sa falls." Tinuro niya ulit ang falls. "Nakatalikod ako sa kaniya at naliligo sa mismong falls ng kuhitin niya ang likod ko...nung humarap ako ganun nalang ang bigla ko ng makitang nakaluhod na siya sa aking harapan at may hawak-hawak na maliit na box na may sing-sing sa loob."

Sinabi niya iyon habang nakangiti at hindi nilulubayan ng tingin ang Midry Falls. Nakatingin siya doon na para bang inaalala niya ulit ang panahong iyon. Pakiramdaman ko'y nanigas ako sa aking kinatatayuan habang nakatingin din doon. Inalala ko ulit ang mga nangyari sa amin ni Nathan sa lugar din ito at pinagkumpara sa mga nangyari sa kanila ni Zelena sa lugar na ito. Walang pinagkaiba, tangina, dinadaya na naman ako ni Tadhana.

Nathan, kung gusto mong balikan ang araw na pinagsaluhan niyong dalawa. Bakit hindi nalang sa iba? Bakit sa akin pa?! Akala mo ba biro lang para sa akin ang proposal na iyon? Kahit pa paulit-ulit akong balikan ng ala-alang iyon, isa pa rin iyon sa mga ala-alang nagustuhan ko. Kasi doon ko lang naramdaman na minsan mo na rin akong minahal ng lubos!



Itutuloy. . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro