Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 29

Kabanata 29

Nagising ako dahil sa silaw ng araw na tumatama sa aking mukha. Nahilo pa ako dahil sa biglaang pagtayo. Nang masanay sa sinag ng araw ay doon ko lang napagtantong nasa boarding house pala ako. Napabuntong-hininga ako at sinarili ang pagpapasalamat kay Nate dahil dito niya ako dinala. Ayoko talagang matulog muna doon sa mansyon nila. Naroon sila Nathan at Zelena, hindi ko kayang makita silang magkasama at masaya.

Bumangon ako pero agad din napahinto ng makita ang aking cellphone na tumuntuog dahil sa mga mensaheng dumating. Inabot ko ito at binasa.

Nate:

Hey, Siguro gising kana sa mga oras na ito. Nagluto ako ng makakain mo diyan at iniwan sa lamesa. Kakaalis ko lang din diyan para umuwi saglit, sobra akong napagod dahil sayo. . .binabalaan kita Anastasia, huwag ka nang uminom ulit! Sumasakit ulo ko dahil sayo. Maliligo lang ako at babalik diyan, may lakad tayong dalawa.

Napatawa ako dahil sa mahaba niyang mensahe. Seriously?

Ako:

Balik ka dito agad, hilutin natin 'yang ulo mong masakit.

Nathan:

Bakit hindi ka umuwi kagabi, Anastasia Nicole Alvarez?!

Kinabahan ako, sa ilang buwan siyang hindi nagparamdam at ang akala ko binura na niya ang aking numero'y hindi talaga ako makapaniwala. Hindi na ako nag-abalang mag-reply doon, para saan pa? Binaba ko na ang aking cellphone at tinungo na ang aking kusina para tingnan ang mga hinanda niyang pagkain sa akin.

Malayo pa man ako pero amoy na amoy ko na ang mababangong ulam na nasa lamesa. Madali ko itong nilapitan at tinanggal ang takip. Natakam ako't namangha sa dami ng mga ito, ang iba pa'y hindi na ulam pang-umagahan.

"Anastasia Nicole!" akmang pasubo na ako ng ulam ng biglang nagulat ako dahil sa sigaw na iyon. Kasunod ng mga yabag papunta sa bahay ko ay ang pagtili naman ng aking kaibigan.

"Hoy, tumahimik ka alam nang may natutulog pang tao dito!" narinig kong sigaw ng kabilang bahay.

"Tumahimik kang bakla ka! kapag ako nakalabas hindi lang sabunot abot mo sa akin, susumbong din kita sa tatay mong sigain!" sunod pa ng isa pa naming kalapit na bahay.

Napatampal na lang ako dahil sa kahihiyan, hindi ko pa nga nakikita ulit ang aking kaibigan pero parang gusto ko na ulit siyang itaboy at ituring na parang hindi kilalang tao.

"Oh e, nakahanap ka rin ng katapat mo." Bungad kong sabi sa aking kaibigan ng tuluyan na nga itong makapasok sa aking bahay.

Walanghiya! Pasok lang ng pasok parang magnanakaw.

Napaguso naman siya't tumabi ng upo sa akin. Akmang kukuha na siya ng mga pagkain ng tampalin ko ang kaniyang kamay.

"Aba, masaya ka ngayon ah! Pati pagkain ko kukunin mo pa," inis kong sabi. "Ni hindi ka nga naghugas ng kamay mo, malay ko bang kung saan-saan mo 'yan hinahawakan."

"Kailan ka pa naging madamot bes?! Makikikain nga lang kami e. . ." bulong niya pa sa huling sinabi. Napasinghap ako at hindi makapaniwala siyang tiningnan.

"A-anong kami?! Sinong niyaya mong kumain dito?!" sigaw ko na.

Parang gusto ko nang ligpitin lahat ng pagkain na nakahain tapos ilagay sa kwarto ko para doon kumain pero naalala ko, wala nga palang pintuan ang kwarto ko!

"Papunta na." proud pa niyang sabi. Halos magusok naman ang tenga ko sa sobrang inis.

"Bakit ka ba kasi nagyayang dito kumain?!" ani ko. Agad naman niya akong nginiwian at tiningnan na ako pa ang parang baliw sa aming dalawa.

"Hindi ako ang nagyaya, yung kapatid ni Nathan ang nagsabing samahan ka daw namin kumain kasi wala kang kasama." Napatampal na ako sa aking noo at napasabunot sa aking buhok.

Ito ba ang parusa sa akin ni Nate dahil sa pagkalasing ko kagabi? O baka naman, nagalit siya dahil may ginawa akong kakaiba?! Hala! Ano iyon?

"Nakakainis naman e, akala ko pa naman akin lang ito lahat pero bakit nandito sila." Ungot ko.

Bulong-bulong ko lang ito habang nakatingin sa kaibigan kong nagsisimula nang kumain. Ilang saglit pa'y nagsidatingan na rin ang dalawang inimbita rin ni Nate, Si Ferry at Greig.

"Wow, andaming pagkain!"

"Sakto gutom na rin ako kakatakbo!"

Pinanliitan ko silang dalawa ng mata, nagsisimula na silang maglagay ng mga pagkain sa plato nila.

Wow! Walang nakitang may-ari? Pasok lang ng pasok?!

"Para kayong mga walanghiyang tao na pumapasok sa handaan kahit hindi naman invited." Tamad kong sabi habang nakalumbaba.

"Ah, nandyan ka pala Tasia?" ani niya, ni hindi man lang nagulat sa presensya ko.

"Ahy, wala. . . wala! 'Langhiya ka, multo ako!" sarkastiko kong ani at inirapan siya.

Tumawa naman silang lahat dahil doon, panay lang ang irap ko sa mga kaibigan ko at binalewala na sila. Habang pinagpyepyestahan namin ang masarap na pagkain ay dumating na si Nate na bagong ligo at sumisingaw ang kagwapuhan mula sa pintong kinatatayuan niya.

"Tol!" bati niya.

Nagsitanguan naman ang aking mga kaibigan at binati rin siya pabalik. Pumunta sa likod ko si Nate at binaba sa gilid ko ang mga paperbags na dala niya.

"Anong laman niyan?" nguso ko sa mga paperbags na nilapag niya.

"Nandito na sila Melissa sa Isla Amore, pinapabigay sayo ito. Bukas na lang daw sila makikipagkita sa iyo. Kailangan pa kasi nila mamamhikan sa mga magulang ni Melissa."

Hindi na ako nagulat doon, mabuti naman at napagdesisyonan na nila na maayos ang gulo nila sa pagitan ng mga magulang nila Melissa. Malaki na rin ang tiyan ni Melissa at oras na para tanggapin nila iyon.

"Okay." Ismid ko.

Hanggang ngayon may lihim pa rin akong galit kay Uno. Kapatid niya pala ang girlfriend ni Nathan pero hindi man lang niya ako pinigilan at hindi man lang niya ako binalaan para kahit iyon lang naman ay alam ko kung sino ba talaga ang taong iyon.

"Kumain ka na ba?" pagiiba ko ng usapan namin. Nag-uusap lang at nagtatawanan ang mga kaibigan ko sa isang tabi kaya si Nate na lang ang tangi kong makakausap sa buong umagahan.

"Oo, kasama sila..." agad siyang napatigil at nginitian ako.

"Sila?" taka kong tanong. Umiling naman siya at napakagat sa kaniyang pang-ibabang labi, lumubog tuloy ang kaniyang dalawang biloy.

"Wala."

Nagkibit-balikat na lang ako at wala ng sinabi bago ipinagpatuloy ang kinakain. 'Ramdam ko naman ang titig niyang malalalim habang kumakain ako, binalewala ko na lang ito at pinagpatuloy lang ang aking pagkain. Sanay akong ganito siya palagi habang kumakain ako o kaya naman nakakatulog sa tabi niya, nagigising na lang akong nakatutok na ang mga mata niya sa akin at bakas ang kaligayahan doon.

"Ligpitin niyo ang pinagkainan at hugasan!" utos ko sa kanila.

Ganun na lang ang pag-awang ng aking labil ng sabay-sabay silang tumalikod at palabas na nang pintuan, may painat-inat pang nalalaman.

"Hoy!" sigaw ko sa kanila.

Ang gagaling talaga!

Unang lumingon sa akin si Ferry at bakas na ang takot doon pero nananatili pa rin matatag. "Tasia, bago lang nag-text si Ate Shol. . .pinababantay niya sa akin ang tindahan."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ko narinig ang cellphone mong tumunog, Ferry Zade Javier!" napakamot naman siya sa kaniyang batok at siniko si Greig.

Sunod kong pinuntirya si Greig. "At ikaw naman, ang lakas-lakas mong bumuhat ng barbell pero pagliligpit lang ng kinainan tatakasan mo?!" rinig ko ang impit ng tawa ni Nate sa tabi ko.

"Naalala ko, may date pala ako ngayon." Mahina siyang natatawa sa sariling rason.

"Date mo mukha mo, subukan mo lang umalis... butas 'yang bungo mo," nilingon ko naman ang bakla kong kaibigan na nakatayo lang na mas malapit sa pintuan at pasimpleng humahakbang palabas ang mga paa habang may patingin-tingin pa sa daliri. "Hoy, bakla!"

"Hoy, bakla! Sinong bakla?!. . .Ako bakla!" gulat niyang bulalas.

Nagsitawanan naman ang mga kasama namin habang tinitingnan siyang hindi makapaniwalang naisigaw niya iyon. Halos gumulong na ang mga kaibigan ko sa sahig dahil sa kakatawa habang si Lito naman ay nanatili sa kaniyang kinatatayuan at namumula ang buong mukha sa sobrang kahihiyan.

"Bakla ka!"

"Marinig ka ng tatay mo uhy!"

"Ang epic ng mukha."

Reaksyon nilang lahat sa gitna ng tawanan. Pigil ko naman ang tawa ko para lang mautusan sila at hindi agad makawala.

"Ligpitin niyo na nga lang 'yan tapos hugasan niyo!" utos ko na naman. Napahinto naman sila at sabay-sabay nag-iwas ng tingin habang nangunguso ang labi.

"Hayaan mo na lang sila Tasia, kaya ko 'yang gawin lahat." Simpleng sabi ni Nate. Namilog naman ang mga mata ng aking mga kaibigan at naghiyawan. Bago pa man ako makapagsalita'y nagsitakbuhan na sila palabas ng aking bahay at nagpapasalamat sa kabaitan ni Nate sa kanila. Nilingon ko naman si Nate at sinamaan ng tingin.

Mga gago yorn!

"Akala ko ba may pupuntahan tayo?!" tinaliman ko siya ng tingin.

"Meron nga. . ." ani niya at sinimulan ng pagsamahin ang mga platong wala ng mga laman.

"O, bakit pinaalis mo pa sila? Sila na nga yung pinapahugas para makaalis na tayo agad."

"Okay lang naman, ano ka ba! ako naman ang nagyaya sa kanila kaya ako dapat ang nagliligpit nito...mabuti pa, maligo ka na doon para kapag tapos na ako dito, aalis na tayo agad."

"P-pero..." magrereklamo pa sana ako ng tulakin na niya ako papasok ng aking banyo. "Nate!" sigaw ko ng mapagtagumpayan niyang maipasok ako sa banyo.

Agh, kailan ba ako mananalo sa mga iyon?! Parang ako nalang lagi ang talo dito!

Sabay kaming bumaba ng sasakyan ni Nate ng marating namin ang rancho, hindi ko alam na dito pala ang punta naming dalawa pero mabuti nalang din na nakapantalon ako, off-shoulder na damit at boots na kasama sa mga pasalubong sa akin nila Melissa. Bumagay naman ito sa aking damit kaya ito nalang ang sinuot kong pambaba.

Namangha ako ng makita ang isang kabayong nasa labas lang at nakatali. Sa pagkakaalam ko, isa ito sa mga paboritong kabayo ni Nate dito. Sobrang ganda at makinis, lumiliwanag ang kaniyang kulay na puti kapag nasisinagan ng araw. Nilapitan namin ito ni Nate.

"Ang ganda niya. . ." wala sa sarili kong sabi at niyakap ito. Ang bango-bango pa! Nahiya pa ako ng marinig ko ang tawa ni Nate kaya madali ko itong binitiwan.

Tumalon si Nate pasakay sa kabayo dahilan upang mapausog ito ng konti. Naalala ko tuloy yung unang beses kong nakita si Nate na nakasakay sa kabayo at nakahubad-baro lang, yung katawan niyang mayroong ilang pandesal na nakaukit doon.

Shit! Ulam!

"Sakay na." aya niya. Namilog ang aking mga mata, 'ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi sa kahihiyan.

"H-ha?"

"Marunong ka bang sumakay o gusto mong ako na lang ang bumuhat sayo pasakay?" mapanlaro niyang sabi dahilan upang mas lalo lang umusok ang aking pisngi.

Dali-dali akong sumampa sa kabayo, nasa likod ko lang siya't halos mapayakap na sa akin para sumuporta sa akin para hindi mahulog. Hinayaan ko siya sa ganung posisyon, dahan-dahan na niyang pinalakad ang kabayo para lang tuloy kaming naglalakad sa gitna ng naglalakihan nilang palayan. Halos lahat ng mga madadaanan namin ay puros pagmamay-ari na ng Montecarlos. Lahat iyon ay walang bakante. Kung hindi taniman ng mga palay, bulaklak naman o 'di kaya ay kape at grapes na ginagawa nilang wine.

"Yung mga nakikita mo namang lupa na bakante at puro damo lang ay pagmamay-ari ko. Isang libong ektarya din ang lupang pagmamay-ari ko at plano ko rin pagtayuan ng hacienda o 'o di kaya'y maliit na clinic o hospital para sa mga taga rito na nahihirapan pa na dumayo sa bayan para magpagamot." Namangha ako doon at tiningnan ang malawak na lupain na tinuturo niya.

"Ano nga palang totoong trabaho mo. . . yung kinuha mo talaga na course sa kolehiyo?" tanong ko bigla.

"Hindi pa ako nakakapagtapos pero balak kong kumuha nang kursong pang-doktor at engineering, Tasia. Depende nalang kung anong una kong matatapos sa dalawa." Nagulat ako doon pero mas lumamang ang aking pagkamangha.

"Kaya ka ba magtatayo ng hospital dito sa Isla Amore?" tumango siya.

"Isa rin iyon na rason,"

"Bakit ano pala ang totoong rason mo bakit dito ka magtatayo ng hospital at hindi na lang sa maynila na mas mapapakinabangan ang pinag-aralan mo?" Rinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga bago ako sinagot.

"Sa susunod malalaman mo rin ang rason. . .kapag maayos na ang lahat Tasia." Bulong niya.

Tumango na lang ako at hindi na umimik pa. Bakas ang lungkot sa kaniyang boses at ayoko na iyong mas palalain pa at baka masira ko lang ang araw niya.

Ilang saglit pa'y narating na naman ang lugar kung saan talaga ako tunay na dadalhin ni Nate, ang kaso nga lang hindi ko alam kung bakit may kasama kami. Masaya na sana akong makita ang kabuoan ng kanilang taniman ng mangga pero hindi ko inaasahan na nandito rin pala sila Nathan at Zelena na tutulong pa yata sa amin na manguha ng bungga ng Mangga.

"Sorry, hindi ko nasabi." nag-aalalang sabi ni Nate. Ngumiti naman ako at inilingan siya.

"Okay lang, wala lang naman sa akin, nandito naman tayo para tumulong sa mga tauhan niyo kumuha ng mga mangga 'di ba?" nang tumanggo siya'y lumawak ang aking ngiti at inabot ang kaniyang ulo para himasin ng marahan ang kaniyang malambot na buhok.

Napapikit siya dahil doon at dinamdam ang bawat pagdampi ng aking kamay sa kaniyang ulo. Gustong-gusto niyang ginagawa ko ito at nagugustuhan ko na rin dahil para ko siyang napapaamo.

"Anastasia!" rinig kong sigaw ni Zelena. Paglingon ko'y tumatakbo na siya sa akin habang tumatawa.

"Zelena." Malamya kong tugon.

Nabigla ako ng yakapin niya ako ng mahigpit. Nawala ang aking ngiti ng masalubong ko ang malamig na tingin ni Nathan na nasa likod lang ni Zelena, nakasunod at palapit na rin.

"Bakit hindi kana bumalik kahapon? Ang boring tuloy, wala akong ibang makausap kundi si Nathan lang!"

Itutuloy. . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro