Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

kabanata 27


Kabanata 27

Hindi ako naniniwala na kapag napagtanto mong masaya kana ay mawawala na rin ang sakit sa pusong iniwan niya. Sa totoo lang, nananatili ito. Mananatili ang sakit sa puso mo bago ito maging ala-ala na lang. Ang totoo niya'y ang masakit sa isang relasyon ay yung magpaubaya ka. Kailangan mong iwanan yung taong mahal mo nang sa ganun ay lumigaya naman siya sa ibang tao.

Iyon na ang alam kong huling gabi para sa aming dalawa, sigurado akong iyon na dahil sa mga oras na iyon ay kailangan ko na rin sumuko para sumaya na siya. Iyon nga lang sa ibang tao na siya makakahanap ng ligayang gusto niya.

Alam niyo 'yon, yung natagpuan mo yung taong mahal mo, na aalagaan ka, yayakapin ka kapag sumusuko ka na, iiyakan mo kapag may nagawang hindi mo gusto pero alam mo sa sarili mo na dadating yung araw na kailangan mo ng bumitaw.

Kung pagbibigyan man ako ng pagkakataong humiling, ang tanging hiling ko lang para sa kaniya ay ang maging masaya na siya sa bago niya na kahit anong mangyari'y lumaban siya. Kahit hindi na ako ang dahilan, kahit hindi na ako kasama sa pangako at mga pangarap na binuo namin dalawa. Masaya ako dahil nahanap niya ang totoong kaligayahan niya.

Nagising ako ng gabing iyon na nasa likod ko siya at nakayakap sa akin ng mahigpit, na para bang mawawala ako sa isang iglap pero ang totoo'y siya naman ang unang nawala.

Dati sumasaya ako kapag nagigising akong ganito ang ayos naming dalawa pero ngayon nasasaktan ako dahil alam kong huli na iyon, huli na para magkaroon ako ng pagkakataong maramdaman ulit siya.

Lumaban ako ng patas pero sa huli naiwan akong butas, butas ang puso dahil sa mga pangyayaring hindi ko man lang nagawang sulosyunan.

"Mahal na mahal kita, Nathan Keir Montecarlos." pabulong kong sabi habang tinitingnan ang pagod na mukha niya. Tulog na tulog siya sa tabi ko.

Ako si Anastasia Nicole Alvarez, minahal ko siya at tinanggap ng buong-buo. Mananatiling mahal ko siya kahit hindi ko na siya masasabing akin pa.

Paggising ko kinaumagahan ay tuluyan na nga siyang lumisan. Bumalik siya ng maynila para sumaya siya sa piling ng kaniyang totoong minamahal. Habang ako nanatili pa rin sa kanilang mansyon hindi para magsaya kundi para magtrabaho sa kanila. Pinilit kong umalis sa kanilang mansyon pero lagi lang akong binabalik ni Nate.

Kaya ito lang ang nakikitang solusyon ni Nate para hindi ako umalis, ang maging isang maid sa kanilang mansyon. Nagpalipat na rin ako sa baba kung saan ang mga kwarto ng mismong maid. Dalawa kami sa isang kwarto, mabuti na ito kaysa sa kwarto ko na may apat nga na sulok pero puro si Nathan naman ang naaalala ko. Ilang buwan akong nagtratrabaho sa mga Montecarlos nung una naiilang pa ako dahil nga sa ex ako ni Nathan at usap-usapan din sa buong hacienda ang aming paghihiwalay kaya halos magkamali pa ako at hindi maayos ang mga ginagawa.

"Pahinga ka muna, Tasia. Kanina ka pa nagtatrabaho." Ani ni Joy na isa sa mga maid at siya rin ang kasama ko sa kwarto.

"Okay lang, sige na mauna ka nang magpahinga." Sumimangot siya.

"Sige na nga pero kapag napagod ka na, pahinga ka agad ha! Ako na naman mapapagalitan ni Sir Nate dahil diyan sa pagbababad mo maghapon sa trabaho." Napatawa ako at napailing-iling na lang.

"Opo, magmeryenda ka na doon." Tumango lang siya at nagpatuloy na sa loob ng mansyon.

Dito ako pinatrabaho sa hardin ng mayordoma sa araw na ito. Buong maghapon akong nakabilad sa araw, nagbubungkal ako at nag-aayos ng mga pananim. Hindi naman siya masyadong nakakapagod na trabaho katulong ko naman ang hardinero sa pag-aayos para mas mapadali ang trabaho. Nalipasan na rin ako ng gutom dahil hindi ko na namalayan ang oras, kaya ang akala kong tanghali pa ay hapon na pala.

"Tasia, hindi ka raw nagtanghalian." Biglang sumulpot si Nate na halos ikatalon ko sa gulat.

"Nangugulat ka naman!" sinamaan ko siya ng tingin na ikinanuot ng kaniyang noo.

Pinunas ko ang aking likod ng aking palad sa aking noo dahil sa pawis na papatulo. Pinigilan niya ang aking kamay, kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at siya na mismo nagpunas ng aking pawis sa buong mukha. Hinayaan ko na siya sa kaniyang ginagawa, nasanay akong ganito palagi si Nate kapag nakakasama ko siya.

Ilang beses niya na rin ako dinala sa kanilang outing at mga inuman kasama ang kaniyang mga kaibigan. Hindi naman ako na-out of place kasi friendly naman silang lahat ibang-iba sa mga kaibigan ni Nathan na puro panghuhusga at mga imperfections ko lang ang nakikita. Mas panatag akong kasama ang mga ito kahit wala si Nate kasi alam nila kung ano ang mga ayaw ko at gusto. Mas napadalas na rin ang pagkikita namin nila Melissa at nagulat pa ako ng malaman na buntis siya, sobrang saya namin lahat sa balitang iyon at pinalangin na maging maayos ang pagbubuntis ni Melissa.

"Tara, kain tayo!" yaya niya sa akin ng matapos na sa pagpupunas ng aking mukha. Napasimangot ako at agad na umiling.

"Hindi pwede kailangan ko pang tapusin ito."

"Hindi niyo naman talaga matatapos 'to sa pangisahang araw lang, kaya kahit maghapon pa kayo dito, uutusan pa rin kayo dito bukas."

"Ikaw na lang kumain mag-isa." Sabi ko at umupo na ulit para makapagtrabaho na ulit.

"Nag-aya ang mga kaibigan kong kumain sa restau', sama daw kita. Alam mo naman iyon sila na hindi ako papapasukin kapag wala ka!" ani niya sa tonong parang nagmamaktol. Inagaw niya rin ang bolong ginagamit ko.

"E, problema mo na iyon." Nakangisi kong sabi. Sakto naman na lumabas si Joy ng mansyon habang may isang platong bitbit at lumpia sa kaniyang bibig.

"Joy!" istriktong tawag ni Nate dito na ikinailing ko nalang.

Nanlakihan ang mga mata ni Joy at wala sa sariling inilapag ang platong kinainan sa teresa ng mansyon. Sinubo niya ng buo ang kinakaing lumpia pagkatapos ay lobo ang mga bibig na lumapit sa amin.

"S-ser!" bulol na sabi nito dahil sa pagkain.

"Ikaw na ang magpatuloy nito pagkatapos mo kumain ha! May pupuntahan pa kami." Nakangiwing sabi ni Nate. Nabigla ako ng ibigay niya dito ang bolo ko.

"W-walang problema ser! Ako bahala dito!" masigla nitong sabi at namumula pa ang pisngi. Starstruck na naman sa kagwapuhan ni Nate.

"Good," lumingon si Nate at pabiro akong kinindatan. "Let's go?" Napairap na lang ako at nilingon si Joy, hiyang-hiya ako dahil nasa gitna pa ako ng trabaho pero niyaya na agad akong lumabas ng aming amo.

"Joy, pasensya na ha! Ako magpapatuloy nito bukas." Ani ko.

"Ano ka ba parang hindi naman tayo magkaibigan, mag-enjoy ka lang doon at sulit na para sa akin iyon." Malapad siyang ngumiti.

"Sige na, patuloy mo na pagkain mo." Ani ni Nate.

Tumango pa siya sa amin ng isang beses bago tumalikod na para ipagpatuloy ang kinakain. Hinarap ko naman si Nate at sinapak sa braso. Sumimangot naman siya at napahawak doon na parang nasasaktan.

"Walang bawas ito sa sweldo ko ha!" may pagbabanta sa aking boses na lalo lang niyang ikinasimangot. Hinawakan ko ang kaniyang labi at pinisil ito.

"Palagi naman e," napatawa ako ng makitang tumalim ang kaniyang mata ng nakatingin sa akin. "Ako ang amo mo pero mas lugi ako sayo." Bulong niya pa.

Napailing na lang ako at pumasok na sa mansyon. Pagkapasok ko pa lang sa aking kwarto ay agad na akong naghanap ng aking susuotin na damit at nagbihis na.

"Kailan daw uwi nila Melissa?" tanong ko kay Nate na tutok na tutok ang paningin sa dinadaanan namin habang nilalaro ang kamay sa kaniyang labi. Saglit lang niya akong nilingon bago tinuon ulit ang pansin ag daan. Niliko niya muna ang sasakyan bago naisipang sumagot sa aking tanong.

"Sa makalawa pa." tipi niyang sagot.

"Gusto ko na siyang makita lalo na yung tiyan niyang lumolobo na."

Bago ako matulog iniimagine ko ang sariling may laman ang sinapupunan. Gusto kong maging katulad ang pamilya sa pamilyang binubuo nila Melissa ngayon. Perpekto at sama-sama palagi kapag mayroong problemang pinagdadaanan. Bilib ako kay Uno kasi kahit andaming hinihingi si Melissa kahit dis'oras pa 'yan ng gabi ay gagawa na agad siya ng paraan para matupad iyon. Gusto ko balang araw may tatawagin akong pamilya, ngayon ko lang kasi naisip na sa ilang taon na nagdaan, wala pala akong pamilyang makakapitan.

Ang hirap mag-isa iyon ang laging iniisip ko at nagbabakasakali akong isang araw, dumating sila na hahanapin ako. Kahit gaano pa kahirap ang pamilyang naghahanap sa akin basta malaman ko lang na mayroon pa rin akong pamilyang tatawagin.

"Pwede naman natin sila puntahan, sabihin mo lang sa akin." Ani niya, agad akong umiling.

"Busy ka na tao, may hacienda kang binabantayan ayokong makaistorbo sayo. Kung sa makalawa na sila uuwi, hihintayin ko na lang ang pagbabalik nila." Ani ko.

Gusto ko ang alok niya pero nasa maynila ang bahay nila Melissa. Nung huli akong pumunta doon pinangako ko sa sariling iyon na ang huling pagtapak ko sa maynila. Ayoko nang bumalik doon dahil masakit ang mga pinagdaanan ko doon kahit na unang beses ko palang naman pumunta doon nung mga panahong iyon.

Napangiti na ako ng makita ang mga kaibigan ni Nate na nag-aabang na sa amin sa labas ng restau' na pagkakainan namin. Nang maparking na ni Nate ang sasakyan, hindi ko na siya hinintay na pagbuksan niya ako ng pintuan ako na mismo ang nagbukas nun at lumabas. Agad naman akong sinulubong ng mga kaibigan ni Nate at binati.

"Ang ganda mo pa rin sa hapon, Anastasia." Ani naman ni Cedrix. Agad naman siyang kinurot ng kaniyang girlfriend sa tagiliran.

"Inuuto ka na naman nito, Tasia." Ani nito.

"Sanay na ako, Sum. Nakulangan talaga sa turnilyo 'yang nobyo mo." Nakangiwi kong sabi. Napatawa naman silang lahat dahil sa sinabi ko kapagkuan ay niyaya na kaming dalawa ni Nate sa loob ng restau' nila.

Ang maganda dito sa kanilang restau' ay may internitan. Manlalaro kasi sa e-sports ang karamihan sa kaibigan ni Nate. Hindi ko sila pwedeng tawaging adik sa isang gaming app kasi alam kong pangarap nilang maging propesyonal na manlalaro katulad ng mga manlalaro sa e-sport na umaabot sa ibang bansa.

"Tasia, turuan kita ulit?" ani ni Dail. Umiling ako at napabuntong-hininga.

"Hindi ako madaling maturuan pagdating sa ganiyang klaseng laro. Mas gugustuhin ko pang magbasa kaysa matuto niyan."

"Oo nga pala." Nahihiya niyang sabi at napakamot sa buhok na bagsak.

Nagsiupuan na kami sa upuan na nasa harap ng lamesang mahaba. Mayroong mga masasarap na pagkain ang nakahanda na halos ikalaway ko na lang. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom sa halos maghapon kong pagtatrabaho. Nagdasal muna kami bago sinimulan ang pagkain. Kain lang ako ng kain habang si Nate naman na nasa tabi ko'y binibigyan ako ng mga ulam na alam niyang tipo ko.

"Dahan-dahan lang." bulong niya at nilagyan ulit ako ng tubig sa baso. Napanguso ako at nilagyan din siya ng seafood sa plato.

"Kumain ka nalang diyan, alam mong gutom ang tao." Bulong ko para hindi marinig ng mga kasama namin pero nung marinig ko ang tawanan nila'y namumula akong napayuko sa kahihiyan.

"Oo nga pala Tasia bago ko makalimutan. . .free ka ba bukas?" tanong ni Rylle.

"Maliban sa trabaho ko sa mansyon, wala na naman."

Matagal na akong umalis sa bar ni Nathan. Gusto ko pa sana magtrabaho doon pero hindi ko kakayanin ang mga tinginan ng mga babae at mga kwento nilang sobrang layo sa nangyari sa amin ni Nathan. Ayoko nang gulo kaya kahit pilit man akong kinukumbinse ni Nate na huwag umalis, umalis pa rin ako.

"Oh sakto, papabantayin ko sana sayo yung shop namin sa bayan. Isang araw lang at dalawang libo agad ang sweldo namin sayo." Napanganga ako at hindi makapaniwalang tiningnan siya.

Dalawang libo sa isang araw tapos babantayan lang yung shop nila?! Okay na okay iyon sa akin, gipit ako ngayon kaya kailangan ko ng mas malaking kita. Matagal pa bago ako muling makapagsweldo sa paninilbihan ko doon.

"Sige ba, anong oras ako pupunta doon?" tanong ko.

"A-alas syete sana hanggang alas-otso nang gabi." Kumunot ang aking noo ng mautal pa siya habang pinanlalakihan ng mata ang mga kaibigan.

"Sige, pero paalam niyo muna ako sa amo ko." Ngising-ngisi kong sabi at nilingon si Nate.

"Okay na okay sa akin!" napahiyaw naman ang aming mga kasama at nagpatuloy na ulit sa pagkain pero nanatili pa rin akong nakatingin sa kaniya na ikinailang naman niya. Tinakpan niya ang aking mga mata para maiwasan niya ang aking nakakamatay na tingin. "Kumain ka na!" maktol niya at pilit akong pinapalingon sa lamesa.

"May pinaplano ba kayo?" Naningingkit ang aking mga mata habang nakatingin sa kanilang lahat nang alisin na ni Nate ang kamay niya sa akin.

"Wala!" sabay-sabay nilang sabi at nagiwasan ng tingin.

"Siguraduhin niyo lang ha. . ." may pagbabanta kong sabi. Napanguso naman silang lahat at nagpatuloy na lang sa pagkain.

Tulad nga nang sabi ni Rylle, ala-singko pa lang ay gising na ako at naligo na. Bandang ala-sais naman ng lumabas na ako sa aming kwarto ni Joy para tumulong sa ibang maid sa paghahanda ng kakainin ni Nate sa umaga. Hindi ko na kailangan pang magpaalam sa pag-alis ko ngayong araw dahil sumadya pa talaga dito sila Rylle para ipaalam ako.

Gulat pa ako ng marami silang hinahandang pagkain at sobra-sobra pa iyon para sa isang tao. Hinayaan ko na lang iyon at tumulong na lang sa gawain. Nang pumatak ang ala-sais imedya'y umalis na ako ng tuluyan sa mansyon. Maglalakad lang ako ngayon dahil hindi ko na mai-istorbo si Nate ngayon para ihatid ako sa shop, nilasing iyon kagabi nila Rylle kaya siguradong tatanghaliin iyon gumising.

Pumara ako ng bus nang marating ko ng tuluyan ang highway. Sakto rin na maraming sasakyan na pasahero kaya tumigil iyon sa harapan namin. Nagbayad ako sa conduktor gamit ang tira kong pera sa bulsa bago pumanhik na papunta sa pinakadulong bahagi ng bus kung saan may iilan pang upuan na walang tao. Umupo ako sa may bintana at pinagmasdan ang ganda ng Isla Amore. Puro puno lang ang makikita pero kapag nasa labas ka'y malalanghap mo ang natural na bango ng kapaligiran.

Ilang minuto lang ang tinagal ng byahe bago ako nagpahinto malapit sa shop nila Rylle. Akmang papasok na ako ng shop ng may maalala akong mahalagang bagay na nakalimutan ko. Hinalungkat ko ang aking bag at nagbabakasakaling nailagay ko ang mga iyon kanina pero wala talaga.

Hala, yung cellphone ko at wallet naiwan sa mansyon!

Ano pang silbi ng bag ko kung wala ang dalawang mahalagang bagay na iyon. Nandoon lahat ng pera ko at last na ang pera ko sa bulsa para pang bus lang. Kailangan kong bumalik!

Pumasok ako sa shop at bumungad sa akin ang mga hayop na nasa kulungan. Lumapit ako sa staff na nagtatrabaho dito, wala na akong choice kundi ang mangutang sa kanila.

"Nandito ka na pala." Ani niya.

"Ate, nagmamadali ka ba?" tanong ko dito. Naguguluhan naman siyang umiling.

"Hindi naman, mamaya pa ang out ko mga nine, sasamahan muna kita dito." Lumuwang ang aking pakiramdam ng marinig iyon.

"Ate, pwede mangutang kahit pang bus lang? Kailangan ko kasing bumalik sa bahay kasi naiwan ko ang wallet ko at cellphone!" ani ko sa boses nagsusumao.

"Mayroon akong fifty pesos basta balik ka agad ha," ani niya at kinuha na ang wallet mula sa kaniyang bag.

"Salamat ate!" ani ko nang matanggap na ang pera.

"Walang anuman, basta kapag bumalik ka dito at hindi mo na ako naabutan, ilagay mo na lang dito sa ilalim ng desk para madali kong makita." Tumango naman ako at dali-dali nang nagpaalam sa kaniya pagkatapos magpasalamat ulit ng isang beses pa.

Lumabas na ako ng pet shop at naghanap ng masasakyang bus. Umabot pa ako sa pinakadulong kanto sa paglalakad bago ako nakakita ng bus na palabas ng bayan. Sumakay ako agad dito at nagbayad sa conduktor matapos kong sabihin kung saan ako titigil. Bumuga ako ng malalim na hininga ng makaupo na ng tuluyan.

Ang tanga-tanga mo talaga, Anastasia! Sa dami nang pwedeng malimutan iyon pa talagang mga importanteng bagay!

Ilang minuto pa ulit akong naghintay bago ko naramdamang tumigil na ang bus na aking sinasakyan, pagtingin ko sa labas ay tumigil na ito sa gilid kung saang daanan ito papasok papuntang hacienda Montecarlos. Pagbaba ko'y tinakbo ko ang ilang metrong daanan para lang mas mabilis makabalik ng mansyon. Walang sasakyan o tricycle na maaari kong pagsakyan para lang makaabot sa mansyon ng mas mabilis. Pribado kasi ito at sarado sa mga taong gusto lamang gumala sa buong hacienda.

Hingal na hingal ako ng maabot ang mansyon. Nakayuko akong pumasok sa mansyon at nakatingin lang sa aking bag. Hinahanap ko ang aking panyo, basang-basa na ang buo kong mukha dahil sa pawis na tumutulo mula sa aking noo.

"Joy, nakita mo ba cellphone at wallet ko, naiwan ko kasi dito." Ani ko habang hindi pa rin nilulubayan ng tingin ang aking bag.

"T-tasia, bakit ka bumalik?" rinig ko ang boses ni Nate malapit sa may tanggapan.

"Nate, gising kana pala! Lasing na lasing ka kagabi kaya hindi na kita ginising pa para magpahatid. Bumalik lang ulit ako para kunin ang wallet at cellphone ko."

Nakangiti ko itong nilingon ngunit unti-unting nawala ang aking ngiti ng makitang hindi lang siya nag-iisa doon. Nagpalipat-lipat ang aking mga mata habang nakatingin sa dalawang taong gulat din sa aking presensya. Bumaba ang aking tingin sa kanilang magkahawak na kamay. Napasinghap ako at agad inayos ang sarili.

"G-good morning Sir Nathan and Ma'am." Malamig kong ani at bahagyang yumuko bilang pagbati.

Nasasaktan ako dahil sa ilang buwan ko siyang hindi naramdaman ay nandito na siya't umuwi na ng tuluyan pero hindi nga lang siya nag-iisa, kasama niya ang kaniyang nobya.

"Anastasia," Agad na lumapit sa akin si Nate at pinulupot ang kaniyang kamay sa aking balikat. "I'm sorry, hindi ko nasabi sayong uuwi sila." Bulong niya sa akin. Umayos ako ng tayo at nginitian siya.

"O-okay lang." Napaatras ako ng isang beses ng biglang bumitaw si Zelena sa kamay ni Nathan pagkatapos ay lumapit sa amin dalawa ni Nate.

"I think I already see her." Ani niya na nagpakaba sa akin.

"Really?" tanong ni Nate at Nathan, magkasabay pa. Napayuko na lang ako at walang masabi. Hanggang sa mga oras na ito hindi ako makapaniwalang bumalik na si Nathan. Bumalik na ang taong Minahal ko ng lubusan.

Itutuloy. . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro