Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 26


Kabanata 26

"Ibaba mo na lang ako diyan sa kanto." Ani ko ng malapit na kami sa aking bahay.

"Hindi mo ako kailangang turuan, alam ko kung saan ka ihahatid at ibaba." Seryoso niyang sabi na ikinairap ko na lang.

"At wala ka rin pake kung saan ko gustong magpababa!" halos isigaw ko na iyon sa kaniyang tenga kaya nilingon niya ako saglit para samaan ng tingin. Binalewala ko lang iyon, mas malala pa ang galit ko sa kaniya kaysa sa mga masasamang tingin na binitawan niya sa akin.

Hindi siya nakinig, imbes na ihinto niya ang kotse'y nagpatuloy pa rin siya hanggang sa umabot kami sa dati kong tinutuluyan na boarding house. Nasa harapan ng gate namin ang aking mga kaibigan at halatang hinihintay talaga ang pagdating ko. Kasi ng makita nilang huminto ang sasakyan ni Nathan ay lumapit na sila agad.

Akmang pababa na sana ako ng katukin nila ang bintana sa banda ko. Kunot-noo ko itong binuksan.

"Bakit?"

"Walang beer ngayon kanila Ate Shol, naubusan kasi pinakyaw daw ng mga suki niya." Ani ni Ferry. Napalingon siya kay Nathan at tinanguan ito. Hindi ako lumingon kay Nathan kaya hindi ko alam kung tumango ba siya.

"Iinom kayo?" tanong ni Nathan. Agad naman sumabat si Lito.

"Ahy oo fafa Nathan, si Tasia pa nga ang nagyaya e, alam mo ba yorn?" ani nito sa boses na halatang may paglalandi. Sinamaan ko ng tingin ang bakla kong kaibigan na ikinataas lang ng kaniyang kilay.

'May girlfriend na 'yang nilalandi mo, lito.'

Gusto ko iyon sabihin pero nanatili na lang akong tahimik para hindi na ako makipag-away pa sa walanghiyang iyon.

"Saan na tayo ngayon?" busangot kong sabi.

"Pwede kayo sa bar, Tasia. Sasabihan ko ang mga tauhan ko na hindi muna sila magbubukas para sa inyo ang bar buong gabi."

Gusto ko sana tanggapin pero naalala ko siya pala ang dahilan kung bakit ako maglalasing, kaya it's a big no.

"Asa ka rin na susundin namin 'yan dahil offer mo nuh," inirapan ko siya. "Duhh. . ."

Tumawa ng malakas ang kaibigan ko at hinampas ang aking braso. Napasimangot ako at sinamaan ito ng tingin.

"Ang bitter mo ngayon ah, nag-away ba kayong dalawa?!" naniningkit na sabi ng akin kaibigan. Imbes na sagutin ko siya'y tuluyan na akong bumaba at walang lingon silang iniwan doon.

"Tasia, saan ka pupunta?!" sigaw ni Nathan pero binalewala ko lang ito. Imbes ay nilingon ako ang aking mga kaibigan at pinalapit sila sa akin. Nagtataka man ay sumunod pa rin sila't lumapit na sa akin. Pinulupot ko sa kanilang mga braso ang aking kamay.

"Diba mas maganda naman kung susundin na lang natin ang sinabi ng nobyo mo?" ani ni Lito na halos ikasamid ko.

Kailan pa? kailan ko pa siya naging nobyo? Sa pagkakaalam ko, tinanggi rin niya ako sa ibang tao lalo na sa babae niya.

"Hindi ko siya nobyo!" ani ko at ma hinila sila para parehas na bumilis ang paglalakad. Kailangan na agad namin makakita ng masasakyan.

"Break na kayo ni Sir Nathan?" ani ni Ferry.

"Tsk," ismid ko at binitiwan ang kaniyang braso para makapagtawag ng tricycle na sasakyan namin papunta sa natandaan kong bar na lagi kong nadadaanan kapag pauwi ako galing sa mga trabahong napapasukan ko.

"Saan kayo?!" sigaw nito. Akmang tutugunan ko na ito ng mapatalon ako dahil sa lakas ng pagpreno ng isang taong bwesit sa buhay ko.

"Ano ba!" sigaw ko at hinampas ang bamper ng kaniyang sasakyan. Kitang-kita ko naman mula sa salamin ng kaniyang sasakyan ang kaniyang pagngisi habang nakatingin sa akin. Mas lalo lang kumulo ang aking dugo habang nakikipagtitigan dito.

"Bakit ka pa magtatawag kung nandito naman ako?" makahulugan niyang sabi. Agad naman naglingunan ang aking mga kaibigan sa akin na nagtataka rin sa aking kinikilos.

"Oo nga naman, Tasia." Umawang ang aking bibig ng marinig iyon mismo sa bunganga ni Ferry.

Wow, parang kailan lag nung todo kulit siya sa akin para lang hiwalayan ko si Nathan dahil tarantado daw at paiba-iba ang babae pero ngayon dito pa mismo kumakampi?!

"Sino ba kaibigan niyo, ako o 'yang walanghiya na 'yan?!"

"Ikaw?" napatampal na lang ako sa aking noo ng halos hindi rin sila sigurado sa sinasabi.

"Ewan ko sa inyo, magsama kayong tatlo!" irita kong sigaw.

Ako na mismo ang lumapit sa tricycle driver upang makisakay ako. Inirapan ko pa ng isang beses ang mga kaibigan kong trumaydor sa akin. Mga walanghiya, halatang gusto lang maranasan sumakay sa mamahaling sasakyan ni Nathan e.

Nagpahatid ako sa isang malapit lang na restobar sa amin. Hindi ko na sila kailangan pang dereksyunan dahil nakasunod naman sa amin sila sakay sa kotse ni Nathan. Ngiting aso pa silang dalawa ng makababa sa kotse ni Nathan at lapitan ako sa may entrance. Napairap na lang ako ng pati si Nathan ay bumaba sa kotse niya. Hindi ko na siya hinintay na makalapit sa amin, inilang hakbang ko ang pagitan namin at hinila ang kaniyang kamay pabalik sa kaniyang sasakyan na nakaparada.

"Bakit ka pa nandito, 'di ba babalik ka nang maynila?!"

"Mamaya na lang ako babyahe, titingnan ko muna kung ligtas ba kayo dito." Pagak akong natawa ng marinig iyon.

"Ligtas kami dito, Nathan. Ikaw lang naman ang nagsasabi niyan e! Nandito si Ferry at pupuntahan rin ako agad ni Nate dito kapag may nangyaring masama, kaya wala kang lugar dito. Hindi kita inimbita sa inumang ito kaya umalis ka na." umigting ang kaniyang panga sa sinabi ko. Nang wala na siyang masabi pa'y tumalikod na ako para makabalik na sa mga kaibigan kong naghihintay pa rin sa akin sa entrance ng resto bar.

"Happy birthday, Anastasia."

Tumulo ang isang butil sa aking luha ng marinig ko iyon mula sa kaniya. So naalala niya pala? Naalala niya yung kaarawan kong wala naman saysay. Andami kong plano sa araw na ito e, may hinanda akong mga kagamitan at mga lulutuin ko para sana sa araw na ito pero nasayang lang dahil sa ginawa niya.

Agad kong pinaalis ang bakas ng aking luha bago nakangiting naglakad na papunta sa aking mga kaibigan. Nang makita nila ang ngiti ko ay parehas silang napabuntong-hininga. Sabay-sabay na kaming pumasok sa resto bar at nagorder ng mga pagkain at beer.

Hilo na kami pare-parehas ng lumipas pa ang ilang oras namin dito. Dumarami na rin ang mga tao dahil mas lumalalim pa ang gabi. Napailing-iling ako habang nakatingin sa aking kaibigan na sumasayaw na sa harapan ng aming lamesa kasama ang mga bading niya rin na mga kaibigan. Wala na rin sa sarili ang mga ito kaya kapag nakakakita ng mga gwapo'y nilalapitan agad nila at pilit pinapaupo ang mga ito sa aming lamesa. Kapag nakikita ako ay nananatili sila sa aming lamesa ng mas matagal pa pero kapag nagkaka-tensyon na dahil sa pagiging maldito ni Ferry ay umaalis na rin, na agad inaalmahan ng mga baklang kasama namin.

"Uhy, si fafa ko!" biglang turo ng aking kaibigan sa kung saan man.

Napalingon kami dito at nagulat nang makita ang isang lalaking kasing edad lang namin at batak na batak ang magandang katawan. Napakurap-kurap ako ng makilala kung sino ito, parang nakita ko na siya sa kung saan pero hindi ko maalala.

"S-sino 'to?" napatawa ako sa sarili ng bigla akong napasinok dahil sa sobrang kalasingan.

"Kapitbahay natin 'yan." Napatango-tango ako, alam kong hindi ko siya nakita sa boarding house. Siguro hula ko'y isa rin siya sa mga kaibigan ni Nate.

"Anastasia Alvarez." Pabebe kong sabi, pinunasan ko ang basa kong kamay bago ito inalay sa kaniya,

"Greig." Malamig niyang sabi at tinanggap ang aking kamay.

Tumabi siya sa akin at nagbukas na agad ng bagong inumin. Tiningnan ko ang aking mga kaibigan at busy lang sila sa kakatawa sa kabilang lamesa. Umalis din saglit si Ferry para siguro mag-cr. Kaya naiwan na ako dito sa aming lamesa kasama si Greig.

"K-kailan ka lang lumipat?" tanong ko at nilagay ang aking kamay sa tuhod at ito ang ginawang pantukod para pumirmi ang ulo kong pagewang-gewang sa sobrang kalasingan.

"Last week." Napangiti ako.

So katulad din pala siya ni Uno na bilang na bilang mo lang ang mga salitang lumalabas sa kanilang mga bibig. Pero iba rin naman si Uno kapag kausap si Melissa, lumalabas ang kaniyang pagiging tsismoso.

"May girlfriend ka na ba?" tanong ko ulit para lang may masabi.

"Oo," halos ibulong na niya ito.

"Parehas pala kayo ng boyfriend ko, may girlfriend na."

Kumunot ang kaniyang noo at nilingon ako.

"Paano mo naging boyfriend kung may girlfriend na pala?"

"Third-party."

Nagkibit balikat ako at natatawang kinuha ang aking beer sa lamesa at inisang lagok ito.

"So, nagkaroon siya ng babae kahit kayo pa?"

"Hindi, ako yung ginawa niyang babae habang sila pa ng girlfriend niya."

Rinig ko ang pagsinghap niya.

"Ang gago pala niyang nobyo mo, paano niya nagagawa iyon sa isang magandang babaeng katulad mo?" natatawa niyang sabi at napainom na rin sa kaniyang beer.

"Kasi nga gago siya," nagsalin ako ng beer sa baso at nilagok ulit ito lahat. "Ang gago niya para pagsabayin kaming dalawa ng girlfriend niya. . .Ang gago niya para ipamukha sa aking mahal niya ako habang sila pa rin dalawa ng girlfriend niya. 3rd Anniversary, wow! Congrats sa kanilang dalawa!"

Akmang magsasalin pa ulit ako ng beer ng may kumuha nito sa aking kamay at nilayo ito. Napatawa ako ng makita kung sino ito. Nilingon ko si Greig at pabirong sinapak sa balikat.

"Ito yung gago o, suntukin mo nga para sa akin!" biro ko pero hindi nagsalita si Greig at nanatili lang na nakatingin kay Nathan.

"Let's go, Tasia. Gabi na, kailangan mo nang umuwi." Ani ni Nathan at hinawakan na ako sa braso. Winaksi ko ito at sinamaan siya ng tingin.

"Ayokong sumama sayo!" sigaw ko pero hindi siya nagpapigil, hinawakan niya ulit ang kamay ko at pilit akong tinatayo sa aking kinauupuan. Naiiyak na ako pero pinipigilan ko lang dahil ayokong madagdagan ang pagkapahiya sa maraming tao.

"Pre, hayaan mo na lang siya dito. Ako na lang ang maghahatid sa kanila, pare-parehas lang naman kami ng uuwian." Singit na ni Greig at hinawakan na ang kamay kong hawak-hawak ni Nathan. Sumama ang tingin ni Nathan ng lingunin niya si Greig.

"Huwag mo kaming pakekealaman." Walang modong sabi ni Nathan.

"Of course, makikialam talaga ako...babae ni Nate 'yang pinapakealaman mo e." Maangas din na tugon ni Greig.

Napasinghap na ako at agad silang pinigilan.

"Nathan, tama na please. Kahit ngayong araw lang bigyan mo naman ako ng araw para makapagpahinga sayo."

"Gusto mo na pa lang magpahinga pero bakit ayaw mong sumama sa akin para makapagpahinga kana sa bahay?!" sigaw niya sa akin. Humahalo ang kaniyang boses sa ingay ng buong bar.

"Hindi ako uuwi doon hanggang nandito ka." Madiin kong sabi.

Nang hindi ko na makayanan ang pagkapahiya'y bitbit ang aking bag ay lumabas na ako ng resto bar. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko na mauuna na umuwi. Sobrang naiinis na ako kay Nathan, kulang pa ba lahat ng pasakit na ginawa niya sa akin para kulitin niya ako at ipakitang nag-aalala siya sa akin? Kulang pa ba?

"Tasia, ihahatid na kita." Ani ni Nathan ng sundan ako palabas.

"Sinabi nang ayoko e, anong nakakalito sa sinabi ko para hindi mo 'yon maitindihan? At saka, 'di ba pinauwi na kita? Pero bakit nandito ka pa?" naglakad ako papunta sa isang madilim na kalsada. Tanging sinag ng buwan lang ang nagbibigay liwanag sa aking dinadaanan.

"T-tasia please. . ." ani ni Nathan na nakasunod na sa akin. Pilit niyang inaabot ang braso ko pero patuloy pa rin akong naglalakad para hindi niya ako maabutan pa.

"Tangina naman Nathan! Tama na!" sigaw ko at hinarap na siya ng tuluyan. Nagsiunahan sa pagtulo ang aking luha at nabasag na rin ang aking boses. "Ano pa bang gusto mong mangyari? Kulang pa ba ang mga pananakit mo? O hindi ka pa kontento?. . . sabihin mo na lahat ng mga gusto mong sabihin para isahan na lang ang sakit. Dahil kung unti-untiin mo pa rin. . .mas lalo lang masakit."

Kasabay ng paghagulgol ko ay ang pagulan ng malakas, mas binalot lang kami ng dilim at halos hindi ko na siya makita pa dahil sa aking mga luhang nakikisabay sa mga ulan sa pagtulo. Sinugod ko siya at kinuha ang kaniyang mga kamay at sa akin ko mismo ito pinagpapalo.

"Saktan mo ko, hanggang sa magsawa ka! Pero pagkatapos nito sana hindi kana magpakita pa dahil lalo lang humihirap para sa akin na pakawalan ka!" Sigaw ko sa gitna ng aking mga hagulgol.

Kumawala siya sa aking hawak at niyakap ako ng mahigpit. Bago pa niya magawang mayakap ako nakita ko na ang mga luhang tumutulo sa kaniyang mga mata. Nanghina ako ng makita iyon.

"B-bakit ka umiiyak, ikaw ba nasaktan? Huwag kang umiyak, Nathan!" pinagsusuntok ko ang kaniyang likod.

Tama nga sila, Promises are meant to be broken.

Lahat ng mga pangako ay maaaring magbago at mapalitan ng mga sakit na ala-alang gusto mo na lang mawala. Minsan naiisip ko na sana, nagka-amnesia na lang ako. Ako sana yung mga babae sa nobelang nababasa ko kung saan nadidisgrasya at nawawalan ng alaala para sa ganun mawala rin sa akin alaala kung gaano ko siya minahal at kung gaano niya ako nasaktan.

Ang masakit kasi kapag araw-araw mo siyang naaalala, naaalala mo rin yung mga panahon na nandyan pa siya. Yung mga nakasanayan mong gawin kasama siya, magagawa mo ulit pero ang kaibahan lang. . .wala na siya.

Umiiyak ang mga taong naiwan hindi dahil sa yung pagmamahal nila sa isa't-isa ay natapos na kundi dahil sa pagmamahal ay nananatili pa rin kahit alam mong tapos na kayong dalawa.

"H-hindi talaga kita minahal at 'yon ang pinakamasakit na ginawa ko sayo," yun pa lang ang sinasabi niya pero nagdurugo na ako. "Ang gago ko para pilitin hanapin ang sarili ko sa ibang tao pero pilit pa rin palang bumabalik ang puso ko sa iisang tao. Si Zelena yung totoong mahal ko, si Zelena yung tunay na nagpabago sa sarili ko. Nung mawala siya sa akin, kay Nate ko sinisi lahat dahil siya ang unang nagugustuhan kaysa sa akin. Nadamay ka sa gulong ginawa ko para lang bumalik ulit si Zelena sa akin. Patawad kong mas ginusto kong gamitin ka kahit na alam kong masasaktan ka kapag nalaman mo ang totoo."

Mas lumalakas pa ang aking hagulgol habang pinapakinggan lahat ng sinabi niya sa akin. Pakiramdam ko'y pinaglaruan ako ng kalawakan at ang ulan ay mas lalong nagpadilim sa dati kong maliwanag na pagtingin. Saksi ang ulan at ang gabing ito, kung paano namin tinapos ang pagmamahalan namin dalawa. Andami niyang sinabi pero iisang pangungusap lang ang bumago sa aking isipan.

"Mahal na mahal ko si Zelena, i'm really sorry Tasia, kahit kailan hindi ko nahanap ang tunay na kaligayan sayo."

Si Nathan yung unang lalaking bumihag sa puso ko kahit pa andami niyang pagkakamali sa buhay. Kahit na babaero siya pero titigilan niya iyon kapag nagkaroon na siya ng babaeng magiging nobya niya. Pinahalagahan ko siya at minahal ng sobra-sobra higit pa sa ibang lalaking nagpaparamdam sa akin.

Pero yung akala kong habambuhay kasama siya ay mali pala. Kahit gaano ko pa ipakitang mahal na mahal ko siya, kung hindi nga talaga siya para sa akin, iiwan at iiwan pa rin niya ako.

One important lesson that i've learned while breaking up with Nathan Keir Montecarlos, is that you have to love and respect yourself first no matter how you love a person.

Itutuloy. . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro