Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 25


Kabanata 25

"Pre, uwi mo na lang 'yan. Lasing na lasing na e." rinig kong sabi ni Knight na isa rin sa mga Sebastian.

Nang marinig ko iyon ay hinarap ko siya at dinuro gamit ang bote ng alak na hawak ko. Kanina pa umuwi ang ibang babaeng kasama nila, pati na rin sila Uno at Melissa ay nauna na dahil inaantok na ito. Kami na lang nila Knox, Jackson, Knight, at Nate ang nanatili pa rin sa bar at umiinom. Wala naman problema sila Jackson at Knight, nagpaiwan lang talaga sila dahil walang magbabantay kay knox na lasing na lasing na pero tuloy pa rin sa inom.

Ganun din naman ako, dumodoble na ang paningin ko pero tuloy pa rin ako sa pag-inom. Wala akong pake kung ilang bote na ang naubos ko at kung paulit-ulit na akong sinubukan pigilan ni Nate. Gusto ko pa rin uminom para kahit ngayong gabi man lang. . .ngayon gabi man lang, makalimutan ko siya. Makalimutan ko lahat ng sakit na dinulot niya, ang pagsira niya sa pagkatao ko at ang pagloloko niya.

Sino ang magaling na lalaking, lumuhod sa harapan mo pero may girlfriend na palang mas matagal pa ang relasyon kaysa sa inyo?!

"Hindi ako uuwi hanggang makalimutan ko siya!" sigaw ko sabay hikbi.

Napatayo ako sa sobrang hilo pero mas dumoble lang ang paningin ko kaya napabalik ako sa pagupo sa inuupuan ko, napahagikhik ako. Hinawakan naman ako ni Nate sa magkabilang bewang at pinirmi niya ako sa kaniyang tabi para hindi maglilikot-likot.

"N-nate, sabihin mo nga sa kapatid mo na putangina siya. . .gago siya. . . walanghiya siya. . .lahat ng mura sabihin mo na sa kaniya para madala!" hinarap ko siya at hinawakan ang dalawang pisngi niya para makita siya ng maayos. "Pinaglaruan niya tayong dalawa, gusto niyang makuha lahat ng sayo kaya dinaan niya sa akin iyon para masaktan ka. . .p-pinaglaruan niya tayo, Nate. . .gago siya!"

Binitiwan ko ang kaniyang mukha at pinagsusuntok siya sa kaniyang dibdib. Hinawakan niya naman ang aking dalawang kamay para pigilan ako.

"Alam ko okay, kaya tama na. Uuwi na tayo," Malumanay niyang sabi at niyakap na ako para matigil lang sa kakapumiglas sa kaniyang hawak. Mas lumakas lang ang iyak ko ng maramdaman ko ang kamay niya sa likod ko at tinatapik ito na para bang inaalo ako. "Shh. . .Iuuwi na kita, simula ngayon wala ng mananakit sayo."

Tuluyan na akong nanghina ng marinig iyon. Napakapit na lang ako sa kaniyang batok, hinilig ko rin ang aking ulo sa kaniyang dibdib at pumikit para makatulog. Nagising ako ulit na nasa loob na nang kaniyang sasakyan, nagmamaneho pa rin siya.

"Nasusuka ako." Umakto akong nasusuka, nanlakihan ang kaniyang mga mata at nilingon ako.

Papalit-palit ang kaniyang paningin sa kalsada at sa akin. Gamit ang kaniyang isang kamay ay hinawakan niya ako at pilit pinipirmi sa aking upuan.

"Wait lang, hahanap muna ako ng pwesto." Sabi niya at napapalingon na rin sa magkabilang-gilid.

"Nahihilo ako, Nate!" sigaw ko pa.

"Oo, sandali na lang."

Nang tuluyan na siyang nakahinto sa isang tabi'y dali-dali ko nang tinanggal ang aking seatbelt at binuksan ang pintuan ng sasakyan para makalabas. Pagewang-gewang akong lumakad hanggang sa makalayo ako sa sasakyan. Agad naman akong dinaluhan ni Nate ng sumuka ako sa damuhan, paulit-ulit niyang hinihimas ang likod ko.

"Gago siya, pinahirapan niya ako!" sigaw ko habang dinuduro ang suka sa damuhan. Narinig ko ang pagtawa niya sa isang tabi.

"Crazy. . ." rinig kong bulong niya.

"Gusto ko pa beer, Nate. . .inom pa tayo," Nakanguso kong sabi. Hinarap ko siya at niyakap sa bewang. "Inom pa tayo, p-please..." ani ko.

"Sumuka ka na nga tapos gusto mo pa?" tumango ako at inangatan siya ng tingin.

"Isa lang, pramis!" parang bata kong sabi at humagikhik pa.

"No." napapadyak ako ng umiling siya.

"Ayoko na rin sayo, parehas kayo kapatid mo. . .gago!" sigaw ko at umalis na sa pagkakayakap sa kaniya.

Pagewang-gewang akong naglakad pabalik sa sasakyan niya, napasigaw ako at napatawa sa sariling kagagahan ng bigla akong matapilok dahil sa isang malaking bato pero mabuti na lang at nasa likod ko lang si Nate at naalalayan ako agad sa muntik nang pagkatumba.

"Lasenggera, ingat naman." Pangtutukso niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"H-hindi ako lasenggera! Ang bad mo sa akin, hindi na talaga tayo bati!" sigaw ko at humikbi.

"Joke nga lang e, huwag ka nang umiyak." Nang makapasok na ulit ako sa sasakyan ay agad na akong nakatulog.

Nagising na lang ulit ako ng namalayan ko na lang na nasa bahay na pala kami ni Nate at binubuhat na niya ako papasok. Huminto si Nate sa paglalakad na pinagtaka ko.

"Bakit ka nandito?" rinig kong sabi ni Nate. Nakapikit pa rin ako at hindi magawang buksan ang mga mata dahil pa rin sa hilo.

"Gusto ko lang siya makausap?" nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Nathan. Nanatili akong nakapikit para hindi nila makitang gising ako.

"Hindi mo na siya pwedeng kausapin pa at kahit magpumilit ka pa ngayon, hindi mo pa rin siya makakausap. Lasing siya at kailangan niyang magpahinga." Rinig ko ang pagsinghap ni Nathan.

"A-ako na lang magdadala sa kaniya papasok!"

"Bakit pa, Nathan? Hayaan mo na siya, magpakasaya ka na lang kay Zelena. Huwag mo na kaming guluhin pa kasi parehas lang kaming gustong matahimik ang buhay. Tapos na lahat ang mayroon sa inyo, hindi mo na kailangan pang magpaliwanag dahil lahat nang 'yan ay wala nang saysay."

Tama si Nate, gusto ko na ang tahimik na buhay. Ayokong mabaon sa sakit ng nakaraan, ang sa aming dalawa ni Nathan ay mananatiling kahapon na lang kung saan hindi na mababalikan pa.

"Sinubukan kong mahalin siya pero hindi ko kaya, bumabalik pa rin yung isip at puso ko kay Zelena."

"Nathan, tama na. Huwag mong ipamukha sa aming madali ka lang magpahulog ng mga babae." Matigas na sabi ni Nate.

"Aaminin kong inagaw ko lang siya sayo dahil hindi ko alam kung bakit nagkagusto ka sa isang babaeng. . .babaeng walang-wala sa ibang babaeng nakilala ko at nagugustuhan ko."

"Dahil iyon ako Nathan, kahit kailan hindi tayo magkakapareho ng gusto sa isang babae dahil iba ako at ikaw. Magkapatid lang tayo pero hindi tayo kambal-tuko na magkadikit at magkapareha ng gusto. Binigay ko sayo ang lahat, tinanggap kong ikaw ang nagustuhan niya pero ngayong alam ko na ang dahilan kung bakit pinili mong magustuhan ka niya, pasensya na. . .wala na akong kinikilala kapatid kapag usapang babae ko na."

Hindi napagtagumpayan ni Nathan na kunin ako sa kamay ni Nate, kaya pagkatapos na pagkatapos pa lang nilang mag-usap ay dumiretso na si Nate papuntang kwartong sa tingin ko'y hahayaan niyang gamitin ako. Pagbaba pa lang niya sa akin sa malambot na kama ay nilagay na niya sa aking mukha ang kamay niya at may pinunasan ito.

"Idilat mo na mata mo, tayong dalawa lang nandito." Malumanay niyang sabi habang hindi pa rin nilalayo nang kamay niya sa mukha ko. Nagsilaglagan ang mga luhang naipon sa aking mga mata ng unti-unti kong imulat ang mga iyon.

"N-nate. . ." nasira ang aking boses nang sabihin ko iyon. Napasinghap siya at hinila ako ng bahagya upang ibaon ang aking mukha sa kaniyang balikat. Napahagulgol ako habang siya'y inaalo lang ako.

Ansakit marinig yung mga sinabi ni Nathan, sobrang sakit. Sana pala talaga hindi na ako nahulog, hindi na ako nagpadala sa mga matatamis na salitang binibitawan niya. Akala ko totoo na ang sa aming dalawa pero hindi pala.

Si Zelena, siya yung totoong mahal ni Nathan at hindi magiging Anastasia dahil si Anastasia ay mananatiling ekstra sa istoryang sila mismo ang bida. Kahit kailan hindi ako ang mamahalin niya.

Kinabukasan ay sabay kaming umuwi ni Nate sakay ng kotse niya, iniwasan kong pagkwentuhan namin dalawa si Nathan habang nasa byahe. Kaya ang ending ay para lang kaming namamasyal dahil ilang beses rin kaming huminto para bumili nang mga pasulubong o kaya naman kumain sa mga restong hindi ko alam na nagbibigay pala ng mga espesyal at masasarap na pagkain. Busog na busog ako pero hindi pa rin iyon pinigilan ang kasiyahang nararamdaman ko habang kasama si Nate.

"Mabubuksan ba itong taas?" tanong ko kay Nate dahil may napansin akong parang guhit. Nakikita ko ito sa mga palabas e! Gusto ko rin tuloy maranasan.

"Oo, sandali lang." sinuot niya muna ang kaniyang salamin bago may pinindot sa kaniyang sasakyan.

Kasabay nun ay ang pagunti-unti sa pagbukas ng bubong ng kaniyang kotse na ikinamangha ko ng lubusan. Sumabog ang aking buhok na nakabuhaghag dahil sa hangin na pumapasok sa loob ng sasakyan.

"Ang galing, Nate!" sigaw ko.

Tinanggal ko ang aking seatbelt at nilabas ang aking kalahating katawan sa taas ng kotse. Agad naman niya akong hinawakan gamit ang kaniyang kanang kamay habang ang isa ay nanatili sa manubela.

Iilan lang ang sasakyan na nadadaanan namin dahil probinsya na ang aming napasukan at isang oras na lang at maaabot na namin ang Isla Amore. At tulad din sa Isla'y presko ang hangin na tumatama sa aking mukha at katawan.

"Ang panget-panget ni Nate Keirron, wala siyang jowa!" sigaw ko sa hangin ng wala na kaming kasabay na mga motor at sasakyan. Rinig ko ang paghalakhak niya kaya dinugtungan ko pa ito. "Lord, hanapan mo daw siya jowa. Yung hindi matalino para kapag nasaktan siya madali lang i-solve!"

"Bumaba kana nga diyan!" saway niya sa akin sa seryosong tinig pero bakas pa rin ang tuwa sa aking nagawa.

Kaya dahan-dahan na akong bumaba at hinampas siya sa balikat. Nagkunyari naman siyang nasaktan at sinamaan ako ng tingin.

"Hanap kana kasi, andaming babae diyan o." mas sinamaan niya lang ako ng tingin at inirapan.

"Mamaya na kapag ready na yung babaeng hinihintay ko." Natahimik ako sa kaniyang sinabi at iniiwas ang tingin sa kaniya.

"Ewan ko sayo." Naibulong ko na lang.

Isang oras lang din ang lumipas bago namin narating ang mansyon. Si Nate na mismo ang nagbukas ng pintuan sa banda ko at inalalayan ako pababa. Tawang-tawa pa ako ng mapatid siya habang papunta sa akin dahil sa batong hindi niya nakita.

"Ang bobo naman." Bulong ko habang tumatawa pa rin.

"Wala kang nakita!" inis niyang sabi at inakbayan ako.

"Ang laki-laki mong tao pero hindi mo man lang nakita ang bato." Sabi ko at kinuha sa kaniya ang bag ko na hinayaan naman niyang makuha ko ito.

"Whatever. . ." usal niya at inirapan ako.

Napailing-iling na lang ako at mas lalo pang natuwa. Inis niyang ginulo ang aking buhok gamit ang kaniyang kamay na nakaakbay sa akin kaya inabot ko rin ang kaniyang ulo at sinabunutan ito.

"Aray ko, Tama na!" ani niya habang pinipigilan ang kamay ko.

"Sinabi nang huwag gagalawin ang buhok ko e!" singhal ko sa kaniya at ginulo pa ang kaniyang nakababa na buhok.

Tumaas tuloy ito at naipakita ang kaniyang gwapong noo. Para na siyang bagong gising sa ayos niya pero mas bumagay ito kaysa sa kaniyang laging ayos na halos tumabon na sa buong mata niya. Nawala ang ngiti ko ng may napansing kakaiba sa kaniyang noo.

"B-bakit ka may peklat sa noo?" turo ko sa peklat niya sa noo na hindi ko man lang nakita dati dahil sa laging bagsak ang kaniyang buhok.

"A-ah, nadapa lang ako nung bata pa ako," Alinlangan niyang tugon at iniiwas ang paningin sa akin. "Tara na sa loob para makapahinga na tayo." Tumango ako.

Papasok pa lang sana kami sa loob ng makita ko si Nathan sa pintuan at tinitingnan kaming dalawa ni Nate, napahinto ako sa paglalakad. Iniiwas ko ang tingin sa kaniya at hinarap si Nate. Sumikip na naman ang dibdib ko habang nararamdaman ang presensya ni Nathan sa likod. Gusto kong umiyak at ipakita sa kaniya kung gaano ako nasaktan dahil sa kaniya pero hindi ko ginawa dahil ayokong ipakita sa kaniyang mahina ako.

Tama, hindi dapat ako magpakitang mahina dahil sa una pa lang, sanay akong wala siya sa tabi. Nasanay akong mag-isa at sa huli'y mananatili akong mag-isa na walang ibang karamay sa buhay. Walang kapares.

"Mauuna na ako sa loob, kukuha lang ako ng mga damit at doon na ako magpapagabi sa boarding house." Kumunot ang kaniyang noo at umigting ang mga panga.

"P-pero,"

"Nagtext yung kaibigan ko na baka doon muna ako magpahinga ngayon, pagbibigyan ko lang." wala na siyang nagawa kundi ang tumango. Muli akong humarap sa pintuan at padaan na sana ng hawakan ako sa braso ni Nathan.

"T-tasia, mag usap tayo." Utal niyang sabi. Napatingin ako sa kamay niyang nasa braso ko, hinawakan ko ito at dahan-dahang tinanggal.

Hindi na Nathan, tanggap ko na. . . tanggap kong sa una pa lang hindi ka na sa akin pa.

"Sorry ha, wala kasi akong time makipag-usap sa katulad mo."

Nakangiti kong sabi at sinamaan siya ng tingin bago nagmartsa na paakyat ng hagdan. Rinig ko pa ang paulit-uli niyang tawag sa pangalan ko pero hindi ko na ito pinansin pa. Sinunod ko ang rason na hindi naman totoo, kumuha ako ng isang maliit na bag at naglagay ng ilang damit doon. Nang matapos ay agad ko ng tinawagan si Ferry.

"Hello, Tasia?!" may gulat sa kaniyang boses nang sagutin niya ang tawag ko.

Matapos kasi nang nangyari sa pagitan naming dalawa ay halos hindi ko na siya makasama pa ng mas mataggal. Si Bakla lang ang laging nakakasama ko sa bawat gala.

"Ferry," ani ko, napasinghap naman siya at pabulong na napamura. May narinig akong mga ingay sa kabilang linya at ang kasunod nun ay ang malakas niyang sigaw na ikinagulat ko.

"Hoy baklang Lito, tumawag si Tasia sa akin!" sigaw niya. Narinig ko naman ang tili ng aking kaibigan sa kabilang linya.

"S-si Tasia?!"

"Oo, tigilan mo nga kakalandi sa kapitbahay natin!" sigaw nito na ikinatawa ko nalang.

"Uhy pre, marinig ka ni Tatay!" biglang umangas ang kaniyang tinig.

"Taray, ang Tasia natin . .musta maynila?" bungad na tanong ni Lito ng makuha niya ang cellphone ni Ferry.

"Nag maynila si Tasia, bakit hindi ko alam?" gulat na tanong ni Ferry at nababakas doon ang pagtatampo.

"Papaliwanag ko na lang sa inyo, diyan ako sa bahay ko matutulog ngayon."

"Uhy, biglaan naman yata ah. . .anong ganap?"

"Tara shot! utang muna kayo kay Ate Shol ng beer, sagot ko." Parehas slang napasinghap mula sa kabilang linya nang sabihin ko ito.

"Si Tasia ba talaga itong kausap natin?" bulong ni Ferry kay bakla.

"Choppy siguro o baka may hacker at na bug cellphone niya." Tugon din ng bakla na ikinatawa ko na lang.

"Tumahimik nga kayong dalawa! Umutang na kayo, papunta na ako diyan!"

"Okay, Ma'am!" Napairap na lang ako sa kawalan dahil sa tugon nila at pinatay na ang tawag.

Bitbit ang cellphone at maliit kong bag sa aking mga kamay ay bumaba na ako para makaalis na. Kumunot ang aking noo ng makita si Nathan na nakahilig sa kaniyang sasakyan. Bihis na bihis pa rin ito at nakahalukipkip ang mga kamay. Nang makita niya akong palabas ay agad siyang umalis sa pagkakasandal at siya na mismo ang lumapit sa akin.

"Hatid na kita." Ani niya na para bang normal lang itong ginagawa namin.

"Bakit pa?! At saka, bakit ka ba nandito sa Isla Amore? hindi ba magtatampo girlfriend mo dahil sa kakaalis mo doon."

"Hahatid lang kita doon, Tasia. Wala akong ibang gusto kundi iyon lang, ihahatid lang kita at tapos na. Uuwi na ako ng Maynila pagkatapos kita ihatid." Napairap ako at pagak na natawa.

"Kung kanina ka pa umalis at hindi mo na ako hinintay pa, edi sana malapit kana sa manila at makikita mo na ulit ang girlfriend mo!"

"Ano bang masama sa ihatid ka, Tasia?!"

"Masama dahil sa ginagawa mo, umaasa pa rin ako na pwede pa pero tangina, hindi na ako katulad ng dating ako na magpapadala sa mga salita mo, hindi na ako ang Tasia'ng ginawa mong kabit para ipalit sa girlfriend mong iniwan mo sa maynila!" sigaw ko. Napabuga siya ng marahas na hangin at walang pasabing hinila ako papunta sa sasakyan niya. "Nathan, bitawan mo ako!" sigaw ko sa kaniya habang nagpupumiglas mula sa hawak niya.

"Ihahatid lang kita, andami mo pang sinasabi." Ani niya at sinalampak ako sa passenger seat.

Kinuha niya ang aking bag bago sinarado ang pintuan ng sasakyan at binuksan naman ang backseat para ilagay ang aking bag. Pagsarado naman niya nito ay nilock pa niya ang sasakyan para masiguradong hindi ako makakalabas bago umikot para makasakay sa driver seat. Napairap na lang ako habang sinusundan siya nang tingin.

Kapal talaga ng lalaking ito, matapos niya akong lokohin. . .gaganituhin niya na lang ako?!

Itutuloy. . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro