Kabanata 24
Kabanata 24
Nanginginig man ang aking mga hita pero pinilit ko pa rin na tumayo mula sa pagkakaluhod sa sahig, pinulot ko ang nabitawang kahon ng keyk at inisang hakbang ang pagitan ko at ang pintuan ng kwarto ni Nathan. Sa isip ko'y pinagpupukpok ko na ang pintuan at pilit pinalalabas si Nathan para lang matigil yung mga ginagawa nila ng babae niya. Para hindi na ako masaktan, para baka sakaling mapatawad ko pa si Nathan. Baka sakaling magbago pa ang lahat.
Binuksan ko ang kahon ng keyk at inilabas ang keyk mula rito. Sunod-sunod ang pagpatak ng aking luha habang nakatingin sa sulat na pinasulat ko sa gitna. Napangisi ako ng mapait habang nakatingin doon, pitong buwan na kami pero sinayang niya lang.
Minsan na nga lang ako magmahal ng lubos, doon pa sa lalaking iiwan rin pala ako.
Inayos ko ang kahon sa may pintuan, akmang ipapatong ko na ang keyk sa taas nito ng biglang bumukas ang pintuan. Parehas kaming nagkagulatan ni Nathan ng magsalubong ang aming mga mata. Nagsihulugan ang aking mga luha ng makita siyang gulat sa presensya ko sa harapan ng condo niya.
"Love, bilisan mo ha!" sigaw ng kasama niya dahilan upang mapalingon si Nathan sa loob ng condo niya. Dali-dali ko namang binaba sa kahon ang keyk at tumalikod na. Lakad at takbo naman ang ginawa ko para mas mabilis akong makarating sa elevator. Tumutulo pa rin ang luha ko hanggang ngayon, hindi ko na alam kung kailan ito matatapos kakabuhos.
"Tasia, sandali!" rinig kong sigaw ni Nathan, sinusundan na rin niya ako.
Nang nasa harapan na ako ng elevator'y tuluyan na akong tumigil. Naging pagkakataon naman niya ito upang mahawakan ang braso ko at pilit iharap sa kaniya. Pagharap na pagharap ko pa lang sa kaniya'y dumapo na ang aking palad sa pisngi niya. Napaiwas siya ng mukha at napatulala dahil sa ginawa kong pananakit. Paulit-ulit ko iyong ginawa hanggang sa makontento ako sa sakit.
Tangina mo, Nathan. . .kulang pa 'yan!
"Sobrang gago ko para maniwala sa mga sinasabi mo. Ang gago ko kasi kahit andami nang nagsasabi na hindi ka naman talaga seryoso sa akin pero nanatili pa rin akong bulag para lang makasama ka, binalewala ko iyon lahat kasi mahal na mahal kita!"
"W-wala lang iyon, Tasia. . . mali 'yang iniisip mo." Kinakabahan niyang sinabi, nauutal pa.
"Wala lang iyon?! Huling huli kana, nagrarason ka pa!" inalis ko ang mga luhang nagpapawala ng paningin ko.
Ayokong matabunan nito ang paningin ko sa lalaking niloko ako. Gusto kong makita at makabisado ang buong mukha nito para alam ko na ang taong mamahalin ko sa susunod na buhay ko ay hindi na katulad niya ang taong mamahalin ko.
"Tasia, magpapaliwanag ako please, pakinggan mo muna ako." Bulong niya at pilit hinahawakan ang dalawa kong kamay pero nilalayo ko ito sa kaniya.
"3rd anniversary niyo na? Congrats ha, magsama kayong dalawa!" sinampal ko pa siya ng isa pa at tinulak siya palayo sa akin. Dahil siguro sa kawalan ng kaniyang magagawa ay napagtagumpayan ko siyang mapalayo pa sa akin.
"Love, nandyan ka pa ba? Kanino galing itong cake?" rinig ko pang boses ng babae ni Nathan.
Tiningnan ko ito mula sa malayong likod ni Nathan bago dali-dali na siyang tinalikuran para makapasok ng tuluyan sa elevator. Bago pa man masarado ng tuluyan ang pintuan ng elevator, nakita ko pa si Nathan na nangiting lumingon sa kaniyang babae, wala na ang sakit sa mga mata niya na para bang marinig niya lang ang boses nun ay mawawala na lahat ng sakit sa kalooban niya. Bumuga siya ng malalim na hininga bago sinabi ang mga katagang mas lalo lang nagpasakit sa aking dibdib.
"Iniwan 'yan ng girlfriend ng kapatid ko. Akala niya kasi nandito si Nate." sunod-sunod akong napahagulgol nang tuluyan ng masarado ang pintuan ng elevator na sinasakyan ko. Napaupo ako sa sahig at patuloy na humagulgol.
Ilang beses ba dapat masaktan ang isang tao? Iyon ba yung araw na kailangan mong palayain yung isang taong ayaw mo namang pakawalan, iyon ba yung araw na kinailangan mong labanan si tadhana para iligtas ang relasyong hindi naman niya pinaglaban.
Tuluyan na siyang kinuha ng tadhana pero gusto mo pang lumaban, gusto mong talunin ang pangamba ngunit hindi mo inaakalang mahihirapan kang kuhanin siya sapagkat siya na mismo ang gustong sumama sa kaniya.
Anong mali sa akin? Anong kulang sa akin? Para harap-harapan akong gaguhin. Kinalimutan mo ang nakaraan, kahit ang totoo'y sa akin mo naman talaga natutong magmahal. Sa akin nga ba, Nathan? Akala ko rin nung una pero nung nakita kong may pumalit sa pwesto ko sayo doon ko napagtanto ang malaking kaibahan namin dalawa sayo.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko, basta't ang alam ko paglabas ko pa lang ng elevator ay tumakbo na ako palabas ng condominium na iyon. Sabi ni Melissa dumeretso ako sa kaniyang condo kapag tapos na pero sa ganitong ayos ko, ayokong magpakita sa kaniya. Hindi dahil sa nahihiya ako, ayoko lang talagang madamay sila sa problema ko. May sariling buhay at problema din sila ni Uno at ayoko nang dagdagan iyon.
Sa gitna ng pagtakbo ko'y bigla na lang umulan ng malakas. Nagtakbuhan ang mga taong kasabay ko sa paglalakad pero ako ay nanatili lang sa kalsada at kampanteng naglalakad. Malakas rin ang trip nitong ulan e nuh, nagpapaligsahan pa sila ng luha ko kung sino ang mas mabilis tumulo.
Nakakita ako ng isang parke kaya huminto ako doon at umupo sa isang bench. Nilalamig na ako pero mas malamig pa ang puso ko. Pakiramdam ko nga, namamanhid na ako sa sobrang lamig nito, hindi ko alam kung anong magiging reseta ng mga doktor kapag tapos na ang ulan tapos magkakasakit ako, sakit ba sa katawan o sakit sa pusong nawasak?
May naiwan pa rin na mga batang kalye na naglalaro sa ulan, gusto kong makipagsabayan sa tawanan nila habang naghahabulan pero kahit man lang ngumiti ay hindi ko magawa. Sa gitna ng pagtingin ko sa mga bata'y bigla na lang may humarang sa aking harapan dahilan upang hindi ko na mapagpatuloy ang aking ginagawa. Napasinghap ako ng hindi ko na maramdaman ang ulan sa aking katawan, unti-unti kong inangat ang aking mukha sa taong nasa harapan ko at hinaharangan ako.
"Nate. . ." bulong ko. Nasa harapan ko siya at tinitingnan ako ng seryoso habang nakapayong sa akin.
"Masaya tingnan ang mga bata pero bakit ka umiiyak?" Sunod-sunod akong napahikbi at sinundan pa ng pagpalahaw ng iyak. Yumuko siya at gamit ang isang kamay ay binalot niya ang basa kong katawan ng isang mainit na yakap.
"I'm sorry!" ani ko sa gitna ng aking mga iyak.
"Shh it's okay, nakita na kita." pagaalo niya sa akin.
"Ansakit, nate. . sobra, sagad sa buto," Ani ko at binaon ang mukha sa dibdib nito. Bumuntong-hininga lang siya at walang sinabi, pinapakinggan lang ang aking mga sinasabi. "Akala ko hindi totoo iyon e, akala ko prank lang iyon nila Melissa dahil may sorpresa sa akin si Nathan pero mali yung akala ko. Akala ko lang pala lahat, pati kung gaano ako kamahal ni Nathan, akala lang pala."
Nanatili lang kami sa bench nakaupo, hinayaan niya akong umiyak sa kaniyang bisig. Hindi ko alam pero ako ang nasasaktan para sa kaniya. Gusto niya ako pero ito ako nagiiyak sa kaniyang bisig dahil sa kaniyang kapatid. Hinanap niya pa rin ako kahit alam niyang masasaktan ko siya dahil sa mga hagulgol ko.
"Saan mo gusto pumunta?" bulong niya ng makitang huminahon na ako. Tumila na rin ang ulan pero ang aking mga kasuotan ay nanatiling basa.
"Gusto kong uminom, magpakalasing at pansamantalang kalimutan siya sa isip ko." Madamdamin kong sabi habang nakatingin sa kawalan.
"Sige, pero magbibihis muna tayong dalawa, mamaya bago pa tayo makauwi'y parehas na tayong nagkasakit," Naiiling niyang sabi at tumayo na. Tiniklop niya ang kaniyang dalang payong at nilingon ako. "Tara?"
"S-saan naman tayo magbibihis?" sana naman hindi na kami bumalik pa doon sa condo nila Nathan!
"Sa bahay ko, huwag kang mag-alala ligtas ka doon." Tumango na lang ako.
Inakay niya ako papuntang sasakyan niya na nakaparking lang pala hindi kalayuan sa bench na inupuan ko. Minaneho niya ang kaniyang kotse sa hindi pamilyar na lugar sa akin. Ngayon lang ako nakapunta dito at halos malula na ako sa mga naglalakihang gusaling nadadaanan namin. Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng kotse. Tulad ko siguro'y naiilang pa rin siya sa akin at baka nga may galit pa siya.
"Bakit ka nga pala nandito, 'di ba nasa Isla ka?" nagtataka kong tanong sa kaniya at tiningnan.
"Sinundan ko kayo."
"Paano mo naman nalaman na dito ang punta namin tatlo?"
"Baka nakakalimutan mong kaibigan ko rin si Uno?" balik niyang tanong sa akin na halos ikasampal ko na lang sa sarili. Oo nga naman, bakit ko ba iyon nakalimutan?!
Inirapan ko siya. "Siguro kung hindi mo ako nakita kanina pa ako naligaw." Napatawa siya ng mahina ng sabihin ko iyon.
"Tatakbo-takbo ka pa kasi ng malayo, akala mo naman kabisado mo na ang buong maynila. Hindi naman kasi ito Isla Amore na kahit maligaw ka, makakahanap ka pa rin ng paraan para makabalik. Mas mahirap maligaw dito, hindi mo alam kung anong mangyayari sayo."
"Sorry naman. . ." nakanguso kong sabi.
"Huwag mo ng gagawin ito ha, hindi sa lahat ng oras nandyan ako para hanapin ka."
"Mabuti ka pa, hinahanap mo ako kapag nawawala pero si Nathan. . ." napatigil ako sa pagsasalita ng hawakan niya bigla ang aking kamay. Imbes na bumitaw sa kaniyang pagkakahawak ay para lang akong timang na nakatingin doon, hindi ko man lang magawang tanggalin ito at ilayo sa akin.
Huminto kami sa isang hindi gaano kalakihan na bahay pero ang ayos ay sumisigaw ng karangyaan. Pinagbuksan ako ni Nate ng pintuan at inakay ako papasok sa bahay.
"Nate,"
Isang malamig na tinig ang bumungad sa amin ng makapasok kami sa tanggapan. Napahinto kaming dalawa at nilingon ang isang lalaking prenteng nakaupo sa pang-isahang upuan at nagbabasa ng mga papeles. Hindi lang iyon dahil may laptop at mga nakakalat na papel pa sa lamesa, may mga alak din sa sahig at lamesa.
"Tama na Knox, hindi mo siya mahahanap kapag ganiyan ka na lang lagi." Umayos ng upo yung Knox at tinanggal ang salamin. Pansin na pansin sa kaniyang magandang mukha ang kaniyang eyebags na lumilitaw.
"I tried pero talagang magaling siyang magtago at ayaw magpahanap."
Halata sa boses ni Knox ang pagsisisi. May nawawala ba sa pamilya nila? Pinsan niya ba o magulang niya? Pero basi sa kaniyang kinikilos at paglalasing parang parehas lang sila ng problema ng mga kapwa niya lalaki, parehas problemado sa mga babae.
"Huwag mo na nga hanapin, para lumabas." Tumawa si Nate at inakbayan ako.
Kumunot naman ang noo ni Knox at binato si Nate ng nahawakang unan, madali lang naman itong nasalo ni Nate gamit ang kaniyang isang kamay at humagalpak ng tawa. Napangiti ako, ito ang Nate na nakilala ko.
"Alis na nga, baka hindi na unan ang lumipad sayo't kamao ko na." natatawang ginaya na ako ni Nate papuntang second floor.
Binuksan niya ang kwarto sa pinakadulo at pumasok doon. Iniwan niya ako sa may kama banda at siya na ang pumasok sa walk in closet. Wala gaanong gamit sa kwartong ito pero halatang nagamitan na dahil naaamoy ko pa rin ang bango ng isang babae dito. Kumirot ang aking dibdib dahil sa naiisip.
May dinadala rin babae si Nate sa bahay niya?
Napatingin ako kay Nate ng muli siyang lumabas sa walk in closet at lumapit sa akin na may bitbit nang mga damit sa kamay.
"Madalas dito ang mga pinsan naming babae kaya may naiiwan na mga damit, sana kasya sayo."
"Salamat, pasensya na nakaabala pa ako sayo." Sumeryoso ang kaniyang paningin sa akin.
"Hindi ka istorbo sa akin." ani niya at seryoso pa rin na tinig. Napangiti ako at tumango.
"Magbibihis na ako, saan ang banyo?" tanong ko.
"Sa loob ng walk in closet ang banyo, pwede mong gamitin lahat ng mga gamit doon. Bago iyon lahat." Tumango lang ako at sinunod na ang kaniyang sinabi.
Pagpasok ko pa lang sa banyo ay halos mamangha na ako dahil sa malaking salamin na kitang-kita ang maparaisong labas at ang bath tub ay kasyang-kasya kahit tatlong tao. Hinubad ko na ang lahat ng mga damit ko at sumuong na sa shower. Sinulit ko ang ilang minuto ko sa pagliligo. Pati ang kanilang gamit pangligo ay halos hindi ko na makilala kung hindi ko lang nabasa kung para saan ba ang gamit na iyon.
Paglabas ko ng walk in closet ay nakita ko na si Nate na bago rin ligo at nagaayos na lang ng kaniyang relo sa kamay habang nakaupo sa kama. Nang malingunan niya ako ay pinasadahan niya naman ako ng tingin na halos ikapula nang aking pisngi. Ang aking suot ay simpleng croptop na tshirt at high waist na pantalon na humahapit sa kurba ng bewang ko at hita papuntang paa.
"Tara na?" patanong niyang sabi at tumayo na mula sa pagkakaupo sa kama.
"Sige," Ani ko at nauna na palabas ng kwarto.
Pagbaba namin ay wala na kaming naabutan na Knox sa tanggapan pero ang kaniyang kalat ay naroon pa rin. Lumabas kami ng bahay at dumeretso na papuntang sasakyan. Walang imik na pinaandar ito ni Nate, ganun din ako sa tabi niya. Nanatili lang akong nakatingin sa labas ng bintana at tinitingnan ang aming nadadaanan. Ilang saglit pa'y nakalabas na kami ng village at bumungad na ulit sa amin ang naglalakihan na mga gusali ng maynila. Papalubog na ang araw kaya mas dumarami na ang mga sasakyan. Mas madalas na rin kaming napapahinto dahil sa traffic.
"Pwede kong buksan?" turo ko sa speaker ng sasakyan.
Tumango lang siya at hinayaan akong buksan ang kaniyang speaker. Nagpipindot ako doon na para bang may alam ako. Halos mapapikit na lang ako sa kahihiyan ng mamali ako ng pindot at tumunog ang tinig nang maraming langaw.
"Mali kasi," Humagalpak siya ng tawa at hinuli ang kamay kong akmang papindot pa ulit.
"Alam ko naman magpatunog ng radyo pero bakit iba yung mga nakasulat diyan?!"
"Probinsyana ka kasi." Bulong niya pero narinig ko pa rin. Masama ko siyang tiningnan at sinuntok sa braso.
Nang tumigil na naman kami dahil sa traffic ay inayos na niya ang speaker at pinatunog ito gamit ang kaniyang ipad. Binigay niya ito sa akin at hinayaan akong pumili ng mga gusto kong tugtog. Iyon lang ang tanging libangan ko sa halos isang oras namin na byahe. Hanggang sa tuluyan na naming naabot ang isang high end na bar. Pinagbuksan ako ni Nate ng pintuan.
"Salamat." Nakangiti kong sabi.
Ngumiti lang siya sa akin at iginaya na ako papasok ng bar. Lahat ng mga nadadaanan namin ay halos kakilala na si Nate. Kaya hindi ko na maiwasang tingnan siya habang pinapakilala din niya ako sa mga kaibigan na gulat sa biglaang pagdating ni Nate kasama ako. Dumeretso kami hanggang sa makapasok kami sa isang kwarto. Ganun na lang ang gulat ko ng mabungaran ko doon ang mga pamilyar na mukha ng mga kaibigan nila Nate at Nathan. Nakita ko rin doon sila Knox, Melissa at Uno. Dali-daling lumapit sa akin si Melissa at niyakap ako.
"Saan ka ba nagpupupunta?!" sigaw niya habang naiiyak. Lumayo ako sa kaniya ng bahagya at tinapik ang kaniyang balikat upang aluhin.
Natahimik ang mga kaibigan nila habang hindi makapaniwalang nakatingin sa amin dalawa. Sino ba naman hindi magugulat e parang kailan lang nag-aaway pa kaming dalawa.
"Nagpahangin lang tapos nakita ako ni Nate kaya sumama muna ako sa kaniya."
"E bakit hindi ka tumawag man lang?!"
"Nalowbat yung cellphone ko e." lumapit sa amin si Uno at siya na mismo ang nagpunas sa luha ni Melissa, bumusangot naman ang huli.
"Tara na nga, mabuti pa iinom mo nalang 'yang pagiging single mo."
Natawa ako at nagpahila na lang sa kaniya ng hilahin niya na ako papunta sa mga kaibigan na bumalik na sa ingay. Sumunod naman sa amin ang dalawang lalaking kasama. Umupo kami sa may bakanteng couch, kasama namin ang mga Sebastian cousin na nagkakatuwaan dahil sa isang kwento, pinangungunahan ito ni Royce at Jackson.
"Si Maverick nga pumuntang reunion butas ang short!" humagalpak sila ng sabihin iyon ni Jackson.
"Tangina mo Jax, ikaw nga tumae sa jeep!" pagtatanggol sa sarili ni Maverick. Nagtawanan ulit sila.
"Naalala ko rin si Jax niligo ang tubig sa kanal!" sabay na sabi ng kambal at nagtawanan. Halatang lasing na ang dalawa.
"Nakakahiya naman sa inyo Xavier at Xeno, sino ba yung andami-daming pera pero namalimos sa harap ng simbahan."
"Uhy, oo gago! Naalala ko 'yon, nainggit lang naman sila kasi yung mga batang kalye may baryang hawak pero sila puro debit card." Ani ni Roycee.
Minura naman sila ng kambal at pabirong pinagsusuntok. Nakisali naman ang ibang pinsan kaya nagkagulo na sa aming banda. Pinigil naman sila nila Nate pero nasali na rin sila. Tawa lang ako ng tawa habang nakatingin sa kanila na nagrarambolan.
Hinihingal na sila pare-pareho at mukhang naalis na ang konting pagkalasing dahil sa ginawa. Pinapaypay ni Nate ang sarili gamit ang mga kamay, pulang-pula na ang kaniyang mukha dahil sa nangyari at pawis na pawis na rin. Tiningnan niya ako at nginitian.
"Gusto mo pa ng wine?" tanong niya. Bahagya siyang sumandig sa couch at umakbay banda sa akin. Nakita naman ito ni Melissa na nasa tabi ko at siniko ako. Binulungan niya si Uno kaya napatingin ito sa kaniyang kaibigan.
"Hoy, Nate Keirron!" maangas na sabi ni Uno at naniningkit ang mga mata, tumagilid pa siya ng upo paharap sa amin para mas maharap niya si Nate.
"Hoy ka rin," Napangiti ako dahil sa naging tugon ni Nate sa kaniya.
"Pumoporma kana agad, kakabreak pa nga lang." nawala ang ngiti ko doon at napaiwas ng tingin sa kanila.
"Pake mo, tss." Sunod-sunod akong lumagok ng alak mula sa basong nasa harapan ko. Agad akong pinigilan ni Nate pero nilayo ko lang ito sa kaniya at nagpatuloy sa pag-inom.
"Tasia!" galit niyang ani sa akin at pilit pa rin sa pang-aagaw ng alak sa akin.
Hindi ko alam kung break ba ang tatawagin sa naging pag-uusap namin dalawa ni Nathan kanina. Hindi ko inaasahan na lalabas siya sa condo niya dahil alam kong busy siya sa kanilang dalawa ng babae niya. Kanina nung nakita ko siyang may kahalikan na iba, nawalan ako ng lakas para kausapin pa siya. Parang sa ganung paraan nalaman ko na ang mga sagot sa mga tanong na hinanda ko para sa kaniya.
Gusto ko pang ipagpatuloy ang relasyon namin dalawa pero nung nakita kong masaya siya sa piling ng iba, wala na akong ibang pagpipilian kundi ang pakawalan siya.
Itutuloy. . .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro