Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 22


Kabanata 22

"Bwesit ka, Nathan keir!" inis kong singhal at napapasabunot na lang sa sarili sa sobrang inis.

Lumayo ako sa kaniya ng lumusong na rin siya sa tubig. Sa tuwing lumalapit din siya sa akin ay lumalayo ulit ko. Naiilang ako sa kasuotan namin dalawa. Mali sigurong ganito ang sinuot ko ngayon, dapat nakinig na lang ako sa kaniya at nagbihis na lang ng mas maayos na damit, yung hindi lumuluwa ang kurba ng aking katawan. Mas mabuti nang ganun, kaysa mailang lang ako buong oras namin dito.


"Huwag ka ngang lumayo!" natatawa niyang sabi habang lumalapit na naman sa akin at sinusubukang hulihin ang bewang ko. Halos malibot na namin ang may parteng tubig kakaiwas ko sa kaniya.

"May maayos kang short doon, magbihis ka muna!" sigaw ko.

"Mas komportable akong suot lang ay boxer habang naliligo."

"Bahala ka sa buhay mo, huwag kang lalapit sa akin. Binabalaan kita!" Ani ko at lumapit na ng tuluyan sa talon at binasa ang buong katawan doon.

Halos manginig pa ako sa sobrang lakas nito. Nakapikit lang ako habang ninanamnam ang malamig na tubig na iyon. Naramdaman kong kinakalabit ako ni Nathan sa likod pero hindi ko ito nilingon, nagpatuloy pa rin ako sa ginagawa.

"Baby," rinig kong sabi niya. Bahagya akong umalis sa tubig para makakuha ng sapat na hangin.

"Bakit?" ani ko habang nakapikit pa rin at pinupunasan ang aking mukha na basa gamit ang aking kamay. May sinasabi siya pero hindi ko marinig dahil sa lakas ng pagbagsak ng tubig mula sa talon.

"Ha?!"

"Lingon ka muna saglit." Sigaw na niya sa akin.

Lumingon na ako sa kaniya pero nakapikit pa rin dahil sa tubig sa aking mukha. Pinunasan ko ulit ito gamit ng aking mga kamay. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mata, ganun na lang ang gulat ko ng makitang nakaluhod na siya sa batuhan habang nakatingin sa akin.

"A-anong," utal kong sabi habang nakatingin naman sa maliit na box na nasa kamay niya.

Napatakip ako sa aking bibig at hindi makapaniwalang tiningnan siya. Nangiligid ang aking mga luha sa gilid nang aking mga mata dahil sa hindi inaasahang supresang ginawa niya.

"N-nathan. . ." Tawag ko sa kaniyang pangalan. Gusto kong ipaliwanag niya ngayon kung bakit niya ito ginagawa.

"Alam mo naman kung gaano kita kamahal 'di ba, and I can take all risks, 'wag ka lang mawala. Pinangako ko sayo nung mga unang buwan pa lang natin dalawa na hinding-hindi kita ipagpapalit sa iba at hindi iiwang mag-isa," suminghap siya, namumula na ang kaniyang mga mata dahil sa nagbabadya rin na luha dito. "Oo, masyado akong naging mahigpit sayo kaya minsan naiirita ka na sa akin pero sana malaman mo na ginagawa ko 'yon kasi natatakot akong mawala ka."

"Nathan, ano bang pinagsasabi mo diyan? Huwag mo nga akong paiyakin." Pinaalis ko ang mga luhang hindi ko man lang nalamang tumulo na pala.

"I love you so much, Anastasia Nicole Alvarez and I promise to love you and be my home."

"I love you too, Nathan Keir." Kinagat ko ang aking pangibabang labi at mas nagsihulugan ang aking mga luha ng mas umayos pa siya sa kaniyang pagluhod.

"Will you marry me, Nicole Alvarez, future Mrs. Montecarlos?" humihikbi akong sunod-sunod na tumago.

"P-pero bago pa lang tayo at hindi pa ako handang magpakasal ngayon, Nathan."

"Wala akong pake kung bago pa lang tayo o hindi ka pa handa, basta't alam kong papayag ka at ikaw ang magiging ina ng mga anak ko. Hindi ka pa handa? Pwes, hihintayin ko hanggang sa maging handa ka. Kahit kailan mo gusto at saan mo gusto magpakasal basta ako yung taong iyon."

Walang pasabi niyang kinuha ang kamay ko at tumayo mula sa pagkakaluhod. Binunot niya ang sing-sing mula sa kahon at sinuot ito sa akin.

"Papakasalan naman talaga kita e!" ani ko.

Tiningnan ko ang aking kamay na may sing-sing na kasalukuyan na niyang hinahalikan habang nakatingin sa akin.

"At hindi rin ako papayag na hindi ka papayag sa alok ko." Akmang hahawakan niya ako sa aking pisngi ng hulihin ko ang kaniyang kamay at bahagya siyang nilayo sa akin.

"May bayad ba 'to? Hindi libre ang magpakasal sa akin. Bawat oras ko may halaga." Biro ko pa.

"Oh damn that money!" pagmumura niya at bahagyang tumawa. "Kahit ibigay ko pa sayo ang buong rancho basta ikaw ang kapalit at magiging pamilya ko habambuhay."

Tuluyan na niyang hinawakan ang aking dalawang pisngi at hinalikan ng malalim ang aking labi.

Dati rati, nag-iisa lang ako sa buhay. Walang pamilya, walang kakapitan kapag nanghihina na sa mga pagsubok na binigay ng panginoon pero ngayon hindi ko inakalang aabot na sa puntong ito ang drama ng aking buhay. Para na akong nasa isang telenobela kung saan ako ang gumaganap na bida at ang aking nobyo ang aking kapares sa pelikula.

Kami yung dadaan sa bawat pagsubok ni tadhana at sabay itong lalabanan. Kami yung kahit paulit-ulit na mag-aaway pero aayusin pa rin alang-alang sa relasyong binuo ng pagmamahalan. Alam ko ang aklat nang aming nasimulan ay hindi pa gaanong nasasagutan ang bawat patlang pero kahit ganun, ang lumipas na araw sa aming dalawa ay nagpapatunay na kahit nawalan ng sagot ang relasyong nag-iwan ng katanungan, ang pagmamahalan naming dalawa ang nagsisilbing sagot at iyon ang mahalaga. Mayroong sagot na sa una lang hindi nasagutan pero sa huli magiging panatag kami na iyon ang naging wakas.

Bumalik sa maynila si Nathan ng hapong din iyon. Ibang-iba ang hapon na iyon sa mga araw na umaalis siya at naiiwan akong luhaan sa labas at nakatanaw sa kotse niyang unti-unting nawawala sa aking pananaw. Yung hapon na iyon ay napakaespesyal, panatag akong paalisin siya na walang ibang iniisip kundi mahal ko siya. Panatag akong wala siyang ibang mamahalin na higit pa sa akin sa mga araw na ito.

Nung araw na lumuhod siya sa harapan ko doon ko napagtantong ako na ang babaeng mamahalin niya habambuhay. Na ako lang at wala ng iba pa. Wala ng ibang babae na pahahalagahan siya kundi ako lang. Pinapangako ko sa sarili ko na kahit magkaroon man siya ng iba habang kaming dalawa'y nagsasama, ipaglalaban ko pa rin siya. Ipaglalaban ko ang karapatan ko sa kaniya at kung gaano ko man siya kamahal.

"Tasia, may nagtatawag ng waiter sa lamesa ng mga kaibigan ni Sir Nathan. Paki asikaso naman o!" napatingin ako sa bago kong kasamahan na pawis na pawis at may bitbit na lampaso.

Tulad ko, halata na rin ang pagod niya dahil sa ilang oras na pagtatrabaho. Nagdagsaan kasi ang mga tao ngayon dahil sa bibigating tao na nagdiwang ng isang kaarawan. May pa-foam party rin kaya makalat na sila.

"Sige, ako na bahala, pahinga ka muna." Tumango lang siya at tumalikod na.

Nakipagsiksikan naman ako sa mga taong nagwawala na sa sobrang kalasingan. Basang-basa na rin sila. Iniiwas ko ang sarili ko sa kanila para hindi rin mabasa. Dumeretso na ako papunta sa mga kaibigan ni Nathan na nagiinuman din.

"Margarita, please." Ani ni Melissa ng makita ako. Hindi katulad nang nagdaang araw, hindi man lang niya ako nilingon at pinagtaasan ng kilay. Nanatili lang siyang nakahawak sa kaniyang telepono at mahigpit itong hinahawakan, masama rin ang tingin niya dito.

"Anything else?" tugon ko.

"Balik ka na lang ulit." Masungit na niyang sabi.

Tumango ako at tumalikod na. Nang makakuha na ako sa bartender ng alak ay muli na naman akong bumalik sa kanilang lamesa. Paglagay na paglagay ko pa lang nito ay akmang aalis na ako ng may iorder ulit sila.

"Cosmopolitan, please." Tumawa ang mga kaibigan ni Melissa.

Tumango lang ako ulit at muling bumalik para kumuha naman ng cosmopolitan na gusto nila. Nang makakuha naman ulit ay muli na akong bumalik doon. Walang imik kong binaba ang alak. Umawang ang aking labi ng bigla itong kabigin ni Melissa dahilan upang matumba ang inumin.

"Bakit mo iyon ginawa?" mahinahon kong tanong at dali-daling kinuha ang basahan sa aking bulsa ng pantalon at pinunas ito sa basang lamesa. Nagtitinginan na rin sa akin ang mga lalaki nilang kasama. Nanatili pa rin akong nakayuko at pinupunasan ang kumalat na inumin.

"Wala akong ginawa, mabuti pa palitan mo 'yan at ikaw na rin mismo ang magbayad total naman ikaw ang nakabuhos niyan." Umawang ang labi ko at napatingin sa kaniya ng gulat ng halos isigaw na niya iyon.

"Melissa, tumigil ka na nga." madiin kong sabi at tumalikod na upang makaalis na sa kanilang lamesa pero nabigla ako ng hawakan niya ako sa kamay at hinila pabalik. "Ano na naman ba?!" singhal ko na.

"Can we talk?" seryoso niya nang sabi.

"Nag-uusap na tayo." balik kong tanong.

"It's all about Nathan and you," seryoso niyang sabi, binalewala ang pambabara ko sa kaniya bago nilingon ang mga kaibigan. "Just a minute, wait me here." Tumango lang ang mga ito at nginisihan ako ng mapanlaro.

Sumunod ako kay Melissa palabas ng bar, sa may parking lot ng bar niya ako dinala. Kung saan walang kahit isang makakakita sa amin at makakarinig. Lumingon-lingon muna siya bago siya sumandig sa isang kulay pulang sasakyan.

"Ilang araw nang wala si Nathan dito?" iniiwas ko ang paningin sa kaniya.

"Three days?" nagkibit-balikat ako.

Hindi rin ako sigurado kung ilang araw na rin siyang hindi umuuwi simula nung araw na nagising akong nasa bisig na niya. Simula na rin nang umalis siya pagkailang araw, naging busy na siya at halos hindi na makatawag sa akin. Tuwing gabi na lang niya ito ginagawa minsan kapag hindi ko na nasasagot ay nagte-text na lang.

"Nagtetext pa ba?" doon na ako napatingin sa kaniya ng deretso.

"Oo naman," pagsisinungaling ko. "Ano bang klaseng tanong 'yan? Malamang girlfriend niya ako at talagang araw-araw niya akong te-textsan at tatawagan."

"Sigurado ka bang ikaw lang?" tanong niya pa.

"Ano bang pinupunto mo, Melissa?! Alam kong gusto mo si Nathan kaya ka nagkakaganito pero pakiusap lang tigilan mo na kaming dalawa. Hayaan mo na kaming magsaya."

"Simple lang ang tanong ko, Tasia. Oo lang at hindi ang sagot."

"Aalis na ako, bahala ka na sa buhay mo." Akmang tatalikod na ako ng kunin niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang bag. Binuksan niya ito at may kinalikot, maya-maya pa'y hinarap niya ito sa akin at may pinakitang video.

"Si Nathan 'yan di ba," ani niya.

Tiningnan ko iyon, hindi pa sana ako maniniwala pero agad na akong napatulala ng makita si Nathan na may kahalikang ibang babae. Pakiramdam ko nadurog ang puso ko habang nakatingin sa video na iyon. Ayoko man aminin sa sarili pero talagang si Nathan iyon. Si Nathan iyon na ilang araw nang walang paramdam sa akin na ngayon makikita ko nalang na may kahalikan nang iba!

"N-nagkakamali ka lang yata. Siguro edit lang 'yan." Kunyari natatawa kong sabi. Nangiligid ang aking luha sa mata habang hindi nilulubayan ng tingin ang cellphone.

"Look, aminin kong hindi kita nagustuhan nung una kasi andali mong napapaamo si Nathan, napapasaya kahit wala namang ginagawa kaya hinayaan kita kasi akala ko magsasawa ka rin agad dahil sa ugali ni Nathan at alam ko rin na hindi siya seryoso sayo. Pero napagtanto kong hindi ka rin magiging masaya kapag pinagpatuloy niyo pa itong relasyon niyong matagal nang sira. Tasia, Matagal ka nang niloloko ni Nathan." sunod-sunod akong umiling at sinamaan siya ng tingin.

"Sinungaling ka! Hindi ako lolokohin ni Nathan," pinunasan ko ang aking luha na sunod-sunod nang tumulo mula sa aking mga mata. "Ginagawa mo lang ito para sirain kaming dalawa. Mahal namin ang isa't isa at papatunayan namin ang nararamdaman na iyon oras na ikasal kaming dalawa." Ani ko sabay angat ng aking kamay upang ipakita sa kaniya ang daliri kong may sing-sing na bigay ni Nathan.

Bumilog ang kaniyang mga mata at marahas na hinawakan ang aking kamay. "Damn it, bakit ba ang dali-dali mong mauto?!" sigaw niya sa akin.

"Hindi ako uto-uto, totoong bigay ito ni Nathan bago siya bumalik ng maynila!"

"Pinaglalaruan ka lang niya, Tasia. Maniwala ka naman oh, may ibang mahal si Nathan at hindi ikaw iyon. Kitang-kita ng mga mata ko kung paano siya nabaliw sa isang babae kaya alam ko na sa oras na may magkagusto sayong Montecarlos, hindi iyon si Nathan keir, kundi si Nate kierron."  Hinawakan niya ang aking dalawang kamay at tiningnan ako gamit ang sinsero niyang mga mata.

"Melissa please tama na, ansakit-sakit na." bulong ko at sunod-sunod na humikbi. Saglit niyang binitiwan ang aking kamay para punasan ag aking mga luha.

"Si Nate ang totoong may gusto sayo dati pa, hindi ko alam paanong nangyari iyon pero nalaman ko na lang na may galit si Nathan kay Nate kaya gusto niyang kunin lahat ng mga pag-aari ni Nate. Yung pagbangga ni Nathan sayo, yung sa palengke, yung sa bahay nila. .  .lahat nang iyon, planado."


Napapikit ako at mas lalo pang lumakas ang paghagulgol.


'Di ba hindi naman iyon totoo self? Gusto lang naman akong masaktan ni Melissa kaya ginagawa niya ito 'diba? Pero tangina bakit ganun?! Bakit lahat nang sinasabi niya'y pakiramdam ko totoo!?

"Tama na please," Ani ko.

Para na akong mawawalan ng hininga kakaiyak. Yung mga salitang binitiwan ni Melissa ay bumabaon hindi lang sa isip ko pati na rin sa puso ko. Sobrang sakit na marinig lahat ng sinasabi niya. Akala ko wala na kaming sakunang pagdadaanan sa relasyon naming dalawa pero ito pa, nagsisimula pa lang.

"Tasia, totoo lahat ng sinasabi ko, alam kong hindi mo ako kayang paniwalaan pero itanong mo lang kahit anong gusto mong itanong, sasagutin ko ng walang halong biro,"

"T-tama na!" sigaw ko at marahas na binawi ang aking dalawang kamay sa pagkakahawak niya. Nanginginig kong kinagat ang aking daliri upang kumalma pero hindi pa rin iyon nakatulong sa akin.

"Tasia. . ."

"A-ayoko nang marinig pa ang ibang sasabihin mo."

"Ayaw mong marinig kasi akala mo nagbibiro na ko, pwes ibibigay ko pangalan ng condominium kung saan siya nakatira ngayon pati susi o password ibibigay ko, kahit ihatid pa kita mismo sa maynila, maniwala ka lang na hindi ako nagsisinungaling." Matigas niyang sabi. Natulala ako sa kaniya at wala nang nasabi pa.

Monthsary namin bukas ni Nathan at mayroon sa aking puso na gustong tanggapin ang alok niyang iyon para lang paniwalaan ko siya.








Itutuloy. . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro