Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 21


Kabanata 21

Habol ko ang aking hininga ng magising ako kinabukasan. Paulit-ulit akong pumikit at halos ipukpok na ang ulo ko sa kama para lang maalala ko ang masamang panaginip na aking napanaginipan. Nagulat ako ng biglang may pumulupot na braso sa aking bewang at pilit akong hinihiga ulit sa kama.

Kinuha ko ang cellphone ko sa lamesang katabi lang ng kama ko at binuksan ang flashlight, ganun na lang ang gulat ko ng makilala ko ang taong katabi ko ngayon sa pagtulog.

"Nathan!" sigaw ko at sinuntok siya sa braso. Pagod siyang dumilat at tiningnan ako gamit ang kaniyang inaantok na mga mata.

"Tulog pa tayo by, antok pa ako." Bulong niya.

Hinila niya ulit ako pahiga kaya sumunod ako. Yumakap siya sa aking bewang at ginawang unan ang aking dibdib.

"Bakit ka nandito, diba may party kayo sa manila?" tanong ko at niyakap siya pabalik.

"Mayroon nga pero ang boring kaya tumakas ako." Inaantok niyang sabi.

"Umuwi ka kasi?" tanong ko ulit, sinadyang bitinan ang aking salita.

"Kasi gusto ko makasama ang maganda kong girlfriend."

Hindi ko alam pero mayroon talaga sa aking sarili na iyon ang inaasahang kong tugon mula sa kaniya. Gusto kong marinig mismo iyon mula sa kaniyang bibig hindi puro sa aking isip lamang.

"Tulog ka na ulit." Tumango lang siya at hindi na sumagot pa.

Maya-maya pa'y narinig ko na ulit ang kaniyang mabibigat na hininga, tiningnan ko ang kaniyang mukha at hinimas ang kaniyang pisngi gamit ang aking mga kamay.

"I love you." Bulong ko.

Naisip ko na naman ang sinabi ni Melissa kanina sa akin. Hindi ko alam kung totoo ba iyon o hindi, hindi ko kayang pag-usapan iyon kasama si Nathan.

Mananatili akong matatag para sayo, hindi ako agad susuko at dahil sayo iyon. Hangga't alam kong akin ka, aasa ako at ipaglalaban ka. Hanggang kaya ko, lalaban ako.

Nagising ako kinabukasan dahil sa sinag nang araw na tumatama sa aking mukha. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at nakitang tirik na tirik na ang araw. Tiningnan ko ang aking tabi at nakitang wala na si Nathan doon. Akala ko panaginip lang iyon pero nang buksan ko ang pintuan ng aking banyo'y nakita ko si Nathan, nagsisipilyo.

Sa ilang buwan kaming nagsama, kulang na lang dalhin niya lahat ng gamit niya dito sa kwarto ko dahil halos dito na niya rin ginagawa lahat ng mga dapat niyang gawin sa isang araw. Dito na siya natutulog, dito na siya naliligo, dito na siya naglalaro ng kaniyang video games, at dito na siya dumederetso kapag kakauwi lang galing sa trabaho o rancho. Ni hindi ko pa nga siya nakikita ulit na nanatili sa kaniyang kwarto kahit ilang oras lang. Halos sakupin na niya ang kwarto ko ng kaniyang amoy dahil sa pananatili rito magdamag.

"Akala ko panaginip lang," malumanay kong sabi at niyakap siya mula sa likod. Tumawa siya pagkatapos ay dinura ang bula sa kaniyang bibig bago nagsalita.

"Pwede ba iyon? E halos mapatay mo na nga ako sa higpit nang kapit mo sa leeg ko e." sinapak ko siya sa kaniyang tiyan.

"Huwag ka nga!" tinapos na niya ang pagsisipilyo bago ako hinarap at niyapos pabalik.

"Ligo tayo," namula ako sa sinabi niya.

"Anong ligo tayo! Ang bastos mo ha!" sigaw ko habang nagiinit pa rin ang buong mukha. Humalakhak siya at hindi makapaniwala akong tiningnan.

"Ikaw, kung anong iniisip mo! Sinabi ko bang dito?! Doon tayo sa falls." Napapahiya kong binaon ang aking mukha sa kaniyang dibdib. Ramdam ko naman ang paguyog nito dahil sa mga pigil niyang tawa.

"Diretsuhin mo kasi," sumimangot ako. "At saka, bakit ka nag-aayang maligo? Hindi ka ba babalik nang maynila?"

"Babalik pero mamaya pang hapon kaya nga gusto kong sulitin ang oras natin dalawa e." napangiti ako at inangatan siya ng tingin.

"Gusto mo akong makasama?" kinikilig kong ani.

"Oo, bakit naman hindi? Girlfriend kaya kita." Mas lalong lumapad ang aking ngiti at binitawan na siya sa pagkakayakap, napabitaw rin tuloy siya sa akin.

"Sige, magbibihis at maghahanda lang ako ng damit ko." Tumango siya.

"Bababa rin ako saglit para sabihan sila manang sa dadalhin nating pagkain. Bilisan mo ha!" kinindatan niya ako na ikinailing ko na lang.

Nauna nang lumabas nang kwarto ko si Nathan kay bumalik na ako ng cr para magsipilyo at magpunas. Paglabas ko nang cr ay dumeretso naman ako sa kabinet ko na kabinet na rin ni Nathan ngayon dahil mayroon din siyang tambak nang damit doon tuwing dito na rin siya naliligo.

Nagsuot ako ng kumportableng pares na kulay itim na bikini na binigay sa akin ng isang maid at pinatungan ito ng isang itim din na t-shirt at maong na shirt. Kumuha rin ako ng eksrang damit ko at ni Nathan at pinasok ito sa bag. Bitbit ang bag at cellphone ko'y lumabas na ako ng kwarto at bumaba ng hagdanan.

Rinig na rinig ko pagbaba pa lang ng hagdanan ang mga habilin ni Nathan sa mga maid.

"Oh shut up, bro." rinig ko rin ang tawa ni Nate na hindi ko inakalang dito rin natulog kagabi.

"Ayaw mo talagang sumama?" bakas ang mapanlarong boses ni Nathan habang sinasabi iyon sa kapatid.

Pagpasok ko sa kusina'y naroon ang dalawa sa may lamesa at umiinom ng kape. Abala rin ang mga maid sa paggawa ng almusal at nakita kong may binabalot rin silang mga pagkain at nilalagay ito sa isang basket, iyon yata ang sinasabi ni Nathan na dadalhin namin.

"Good morning." Malakas na sabi ko. Sabay-sabay silang nagsilingunan sa akin at tumango ng isang beses.

"Baby," Tawag sa akin ni Nathan.

Tiningnan ko si Nate at naabutan siyang nakatingin lang sa kaniyang basong may kape at ang kaniyang panga ay umiigting. Inangatan niya ako ng tingin at halos manlamig ako ng makita ko ang kaniyang seryoso at nagaapoy na mga mata.

"Morning," malamig na sabi ni Nate habang nakatingin pa rin sa akin. Ilang na ilang ako ng iiwas ko ang aking paningin sa kaniya. Itinabi ko muna ang bag ko bago umupo sa tabi ni Nathan.

Automatikong pumulupot ang kaniyang braso sa aking bewang habang ang isang kamay niya'y kinukuhanan ako ng kanin at ulam at nilalagay sa aking plato.

"Tama na?" tumango ako at nginitian siya.

Nawala ang aking ngiti ng biglang tumayo si Nate. Sabay kaming napatingin ni Nathan sa kaniya. "Bibisitahin ko muna ang rancho."

"Hindi ka ba muna kakain?" tanong ni Nathan sa kapatid.

"Nawalan ako ng gana." Malamig na tugon nito. Napayuko ako at napahawak sa hita ni Nathan.

"Sige, ingat." Ramdam kong tiningnan pa ako ng isang beses ni Nate pero hindi ko man lang magawang lumingon dito.

Siguro, simula nung nagkausap kami kahapon, naiilang na ako sa kaniya. Halos hindi ko na siya magawang tingnan pa sa kaniyang mga mata tulad ng ginagawa ko dati. Kung nag-iba ako sa kaniya, mas nag-iba siya sa akin. Iba na siya makatingin, naroon ang apeksyon sa mga mata niya pero naroon din ang sakit at pagkamuhi. Hindi ko alam kung para kanino pero pakiramdam ko sa akin.

"Cr lang ako, Nathan." Ani ko.

"Okay," sabi niya lang at inalis na ang pagkakapit sa aking bewang.

Nagpatuloy na siya sa kinakain niya kaya naglakad na ako palabas ng kusina. Paglabas na paglabas ko pa lang ng kusina ay tinakbo ko na ang distasya palabas ng mansyon. Nagsinungaling akong pupunta lang sa banyo pero ang totoo'y lalabas ako at hahabulin si Nate.

"Nate!" sigaw ko.

Napahinto siya sa akmang pagsakay sa kaniyang kabayo. Lumapit ako sa kaniya at walang pasabing sinampal siya.

"Tasia!" sigaw niya sa pangalan ko sa gulat bago marahas na hinawakan ang kamay kong sumampal sa kaniya.

"Please, bumalik ka na lang sa dati. Yung dating Nate na hindi ako gusto at ngingitian lang ako kapag nadadaanan ko. Yung Nate na nakilala ko, ayoko yung ngayon na Nate! Ayokong parehas kayong may gusto sa akin kasi ako ang nahihirapan. Kaya sana naman kalimutan mo na lang yung nararamdaman mo sa akin kasi. . .hindi ko kayang gustohin ka pabalik, kaibigan lang ang turing ko sayo, Nate."

"Gusto mong bumalik ako sa dati? Gusto mong hindi na kita gustuhin pa kasi hindi mo naman kayang ibalik?!" sigaw niya.

"Oo," Humikbi ako at sunod-sunod na tumango.

"Akala mo ba ganun lang kadaling alisin iyon? Matagal na kitang gusto pero sinubukan kong pigilan iyon kasi alam kong mayroong siya sa tabi mo. Mayroon siyang kayang ibalik ang nararamdaman mo pero paano ako? Paano akong sa una pa lang mahal ka na pero hanggang kaibigan lang pala."

"I'm sorry." Marahas niyang binitiwan ang aking kamay.

Tiningnan ko siya. Umiwas siya ng tingin sa akin at kinagat ang pang-ibabang labi dahilan upang bumaon ng malalim ang kaniyang mga biloy, pansin na pansin din ang mga mata niyang mas namula dahil sa nagbabantang luha sa mga mata. Tumalikod siya at akmang sasakay na sa kaniyang kabayo ng pigilan ko siya at hawakan sa braso.

"Pumasok ka na." malamig niyang sabi at dahan-dahang tinanggal ang kamay ko sa kaniyang braso.

"N-nate," Napahikbi ulit ako, nagmamakaawa.

Gusto kong kalimutan ang nararamdaman niya para sa akin pero bakit ganun, nasasaktan ako.

"Pumasok ka na, Anastasia. " mariin na niyang sabi na nagpatahimik sa akin.

Nagpatuloy na siya sa kaniyang kabayo at mabilis itong pinatakbo. Tama naman siguro ang ginawa ko diba? Mahal ko si Nathan at hanggang maaga pa dapat tanggalin ko na ang mga magiging dahilan kung bakit hindi magiging maayos ang relasyon namin dalawa. Hanggang maaga pa.

Pinakalma ko ang aking sarili at pinaalis ang mga luha sa aking mga mata. Nang kumalma ang sarili'y muli akong pumasok at dumeretso na sa kusina. Kumakain pa rin si Nathan ng makapasok ako. Hinalikan niya lang ako sa noo at nagpatuloy na sa pagkain. Kumain na rin ako ng tahimik.

"Saan na falls mo ako dadalhin?" ani ko at tiningnan ang nobyo kong nagmamaneho ng tahimik, ang isang kamay niya'y nakahawak sa akin ng mahigpit.

Sobrang dami rin naman kasi ng mga falls dito sa Isla Amore at halos lahat ay magaganda at mayroong magagandang tanawin. Sa sobrang ganda ng mga ito ay gugustuhin mo na lang na doon na rin tumira.

"Sa Midry Falls tayo ngayon, maganda doon at wala masyadong pumupunta, masosolo kita doon." Humagalpak siya ng mapatingin sa akin na ngayon ay namumula na ang pisngi.

"Ewan ko sayo!" ngumuso ako at iniiwas ang tingin sa kaniya. Pinaglaruan ko na lang ang kaniyang mga daliri na nakasalikop sa aking kamay.

Maya-maya pa'y naramdaman ko nang huminto kami. Pagtingin ko sa labas ay namangha na ako dahil wala pa naman kami sa mismong falls ay parang narito na kami dahil sa mga desenyo rito sa labas nang resort. Resort kasi ito at limit lang ang pinapapasok na tao kada araw para hindi masyadong maingay at mapapanatili pa rin maayos ang buong resort.

Binitiwan ko ang kamay niya at nauna nang lumabas. Namangha ulit ako ng marinig ko ang malalakas na tunog ng mga nagbabaksakan na tubig na nanggagaling sa falls.

"Nagustuhan mo ba?" ani ni Nathan ng makalapit na sa tabi ko at muling pinagsalikop ang kamay naming dalawa.

"Oo." tumango ako at natutuwang hinila na siya papasok sa falls. Nagpaubaya naman siya, hinayaan niya akong hilain siya ng malakas para lang makapasok agad.

"Wow ang ganda!" tuwa kong sabi at napapalakpak pa.

"Dito ka muna by, sasabihan ko lang ang mga staff na narito na tayo para makaalis na sila." Kumunot ang noo ko at nilingon siya na may nagtatakang mga mata.

"Bakit mo sila papaalisin?"

"Atin ang resort na ito ngayong araw meaning walang ibang tao dito kundi ikaw lang at ako." Nanlakihan ang mga mata ko at umawang ang mga labi.

Tumalikod ako at akmang lalabas na ulit ng resort ng natatawa niya akong higitin pabalik, tumama tuloy ako sa kaniyang dibdib.

"Huwag mo na lang silang paalisin!" inis kong sabi at hinampas siya sa dibdib niya. Umayos ako ng tayo.

"Sige hindi na, baby." Inirapan ko lang siya.

Naglakad na kami papuntang mga cabin house para ilagay ang mga gamit namin. Ewan ko ba bakit pa ito pinasarado ni Nathan gayong kalahating araw lang naman kami dito kasi uuwi rin naman siya mamaya sa maynila. Nagsasayang lang siya ng pera.

"Bihis ka na by, aayusin ko lang sa labas ang mga pagkain natin." Tumango lang ako at pumask na sa cr ng cabin house.

Tinanggal ko ang pangibabaw kong damit at iniwan lang ang pares kong bikini. Tiniklop ko ang damit ko bago lumabas ng cr. Nilagay ko lang ito sa gilid ng kama at lumabas na ng cabin house.

Naabutan ko si Nathan na nakahubad baro lang sa may kubo habang inaayos ang aming mga gamit. Napangiti ako at niyakap siya mula likod, naramdaman kong natigilan siya dahil doon.

"Bango," Tumawa kaming dalawa. Nang makaharap siya sa akin ay kumunot ang kaniyang noo ng pasadahan niya ako ng tingin.

"Bakit ganiyan ang suot mo?" umigting ang kaniyang panga ng nakita kong tumapat ang kaniyang paningin sa aking dibdib. Tinakpan ko ang aking dibdib at sinamaan siya ng tingin.

"Pake mo ba!" inirapan ko siya at dumeretso na sa may falls pra makaligo na.

"Anastasia, magpalit ka nga ng maayos na damit doon, mamaya may mga lalaki pang makapasok dito!" inis niang sabi dahil sinundan ako.

"Ikaw na mismo nagsabi na walang ibang tao dito kundi tayong dalawa lang."

"Oo nga pero may mga staff pa rin naman." Hinuli niya ang bewang ko ng akmang lulusong na ako sa tubig. Inis ko siyang nilingon.

"Kahit na, hindi rin naman sila pupunta dito at sisilipan tayong dalawa!" inalis ko ang kaniyang kamay sa aking bewang at tuluyan ng lumusong sa tubig. Nagulat ako ng paglingon ko sa kaniya ay hinuhubad na niya ang kaniyang pantalon na suot.

"Bakit ka naghuhubad!?" patili kong sabi.

"Oh diba, tayong dalawa lang naman nandito?"



Itutuloy. . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro