Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 19


Kabanata 19

Pagkatapos kong sabihin iyon ay tumalikod na ako sa kaniya. Inalis ko lahat ng mga luhang nagsisihulugan sa aking mga mata at nakayukong naglakad palayo sa kumpulan ng mga tao. Lahat ay gulat sa eksenang iyon, ni wala man lang ni isang tinig ang narinig ko nang makalayo ako doon.

Hindi ko na kaya pa na marinig ang mga panlalait na nakukuha ko mula sa mga taong iyon. Oo kaibigan sila ni Nathan at maaaring prinoprotektahan lang nila ito laban sa akin. Sa akin na isa lamang mahirap at walang maipagmamayabang sa mga katulad nilang lumaki na mayroong ginto sa mga labi.

Wala naman talaga akong pake sa mga pinagsasabi nilang gold digger ako, ang kinatatakot ko lang ay baka maniwala si Nathan na ganoon akong tao. Na ang habol ko sa kaniya ay ang kayamanan niya, ang pera niya. Ni hindi ko nga alam kung kailan ako nanghingi kay Nathan ng malaking halaga para lamang sa sariling kasiyahan ko. Lahat ng mga binibigay niya sa aking pera'y lahat iyon ay pinaghirapan ko mula sa pagiging assistant niya at pagiging waitress sa kaniyang bar. Kung may ibibigay man sa aking mga gamit si Nathan, lahat iyon ay kaniya lang. Hindi ko iyon hiniling o hiningi mula sa kaniya.

Dumaan ako sa likod kung saan hindi ko madadaanan ang mga medya. Nang makalabas na nang tuluyan ay binilisan ko na ang aking paglalakad palabas ng mansyon. Hindi ko na inisip pa si Nathan, nahihiya akong harapin siya ngayon. Ito ang pangalawang party na dinaluhan namin pero lahat ng iyon ay umaabot lang sa wala dahil sa mga away o ano paman na nararanasan ko.

Iyak ako ng iyak habang naglalakad sa gitna ng kalsada. Tanging ilaw lang sa mga poste ng Isla Amore at ang malaking buwan ang nagsisilbing liwanag ko sa daan. Walang kahit sinong taong dumadaan maliban sa akin sa mahabang kalyeng ito. Ilang metro pa ang lalakbayin ko para maabot ang mga taong nagkukumpulan at ipinagdiriwang ang pyesta ng Hacienda. May mga rides pa rito na patok na patok sa mga kabataan. Mula sa aking kinatatayuan ay rinig na rinig ko ang kanilang mga masasayang ingay, ang mga hagikhik nilang isang rinig mo lang ay madadala ka na pero kahit na ganun, hindi ko man lang masabayan ang kasiyahang iyon.

Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang mabilis na ingay ng tumatakbong kotse na palapit sa dereksyon ko. Nilingon ko ito at kumalabog ang aking puso nang makitang sasakyan ito ni Nathan. Ayoko siyang makita, please. . .sana guni-guni lang ito.

Pero lahat ng isip ko ay nabaliwala ng tumigil ito sa harapan ko at lumabas ang lalaking bumihag sa aking puso pero tutol ang mga tao sa nararamdaman kong iyon. Iniiwas ko ang aking paningin ng huminto siya mismo sa harapan ko.

Nahugot ko ang aking hininga ng bigla niyang hawakan ang aking dalawang pisngi at sakupin ang aking labi. Marahan at may panggigigil niya akong hinalikan doon. Pilit sinsabing sa bawat halik niya'y pag-aari niya ako. Hinawakan ko ang kaniyang dibdib upang itulak ito palayo sa akin pero hindi niya ako hinayaan.

Mas lalo lang siyang naging matigas at ang kaniyang isang kamay ay bumaba sa aking bewang. Hinapit niya ako palapit sa kaniya at sinarado ang pagitan naming dalawa. Nilihis ko ang aking mukha upang makawala sa kaniyang malalim na halik. Kumuha ako ng mga hangin na ilang segundong nawala sa akin.

"Nathan, bakit ka nandito? Ituloy mo na ang party, uuwi muna ako!" sigaw iyon pero naging bulong ng maramdaman ko ang hininga niyang tumatama sa aking ilong.

"Don't freaking leave me. . ." mabibigat ang kaniyang mga hininga habang pinapatakan ako ng mga maliliit na halik sa pisngi pababa sa aking leeg. Hindi ko na napigilan ang sarili na yumapos sa kaniya ng mahigpit.

"Hindi naman kita iiwan. Uuwi lang at magpapahinga."

Lalayo ng pansamantala sayo. . . para walang gulo.

"Pwede mo naman akong sabihan 'di ba kung gusto mo nang umuwi. Iniwan mo ko doon na bigla pa rin sa mga nangyayari. Hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon na ipaglaban ka." Bumitaw siya sa aking yakap at muli akong pinakatitigan.

"Hindi naman kailangan. Sapat na akong ako pa rin ang pinili mo kahit na ang sasama ng mga sinabi nila sa akin."

"Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko. Wala akong pake sa mga sinasabi ng iba basta kung mahal mo na ako handa akong angkinin ka at ipaglaban hanggang sa huli kong hininga." Tumulo ang luha ko ng marinig iyon.

Hindi ako makapaniwalang sa simpleng salitang iyon ay libo-libong bultahe ang sukli nun sa akin.

"I love you, I love you Nathan Keir Montecarlos." Sunod-sunod ng nagsituluan ang aking mga luha.

"I-I love you too." Bulong niya at tumango na parang bata.

Tumawa ako at napakagat sa ibabang labi. Napatingin tuloy siya doon at idinampi ang kaniyang hinlalaki. Pinakiramdaman ko ang aking puso, sobrang bilis nito kaysa sa mga normal na panahon na wala pa akong malay sa nararamdaman sa kaniya pero ngayong handa na ako at nasabi na sa kaniya ang tatlong salitang hinihintay niya.

Handa na akong sumubok at lumaban sa pagmamahal na alam kong hindi magiging madali. Kakayanin ko lahat bilang isang nobya niya at haharapin ko ang mga hamon ng tadhana kasama siya. Panghahawakan ko ang mga pangako niya at iyon ang magsisilbing kapangyarihan ko upang magpatuloy pa.

"Nathan, baka may ahas dito, umuwi na lang tayo!" ani ko.

Pagkatapos ng drama namin kanina sa daan, hinila niya ako papasok sa kaniyang kotse at dinala sa gubat na ito. Iniwan namin sa bukana ang kaniyang sasakyan at naglakad na kami papasok sa gubat. Puro matataas na damo ang aming nadadaanan at tanging flashlight mula sa telepono namin ang nagsisilbing ilaw namin sa daan.

Hawak-hawak niya ang kamay ko dahil kanina pa ako natatapilok sa mga batong natatapakan ko dahil wala akong makita. Natatakot nga ako baka mamaya hindi na bato kundi ahas na ang matapakan ko at kainin ako ng buhay.

"Wala nga, ako bahala sayo huwag kang matakot. Wala namang multo dito!" Hinampas ko siya sa kaniyang balikat at sinamaan ng tingin. Tumawa siya.

"Walang multo pero malay mo may kulto!" singhal ko.

"Kulto? Guni-guni lang iyon ng mga tao, hindi iyon totoo." Pangungumbinse niya pa sa akin.

"P-pero malay mo nga diba, baka magulantang nalang tayo na nasa harapan na pala natin ang mga iyon at pagpyestahan ang mga katawan natin!" napakamot siya sa kaniyang ulo at pinatakan ako ng halik sa labi para tumigil na sa pagsasalita.

"Walang ganun dito, okay? Nakapunta na ako dito ng ilang beses at may mga bantay din sa paligid. Ligtas tayo dito." Napatili ako ng kargahin niya ako.

"Nathan!" sigaw ko at pinaghahampas siya sa kaniyang dibdib.

Tumawa lang siya at muli na naman akong ninakawan ng halik. Napairap na lang ako sa kawalan at humawak na sa kaniyang leeg, bilang suporta.

Umawang ang aking labi nang tuluyan na kaming makalabas ng gubat. Nakita ko ng tuluyan ang buong bayan ng Isla Amore. Umawang ang aking labi. Kasabay ng kaniyang pagbaba sa akin ay ang sunod-sunod na pagputok ng kalangitan dahil sa mga paputok mula sa Hacienda ng Santibastian. Sobrang ganda ng langit at nagliliwanag pa ito ng husto dahil sa liwanag ng buwan na humahalo sa mga paputok.

Nilingon ko ang nasa baba namin at nakitang isa pala itong falls na bumabagsak pababa sa bangin. Nahugot ko ang aking hininga ng malula sa lalim nito. Lumayo ako ng bahagya dito at umupo na sa damuhan. Nabigla ako ng abutan ako ni Nathan ng isang palumpon ng mga rosas. Nilingon ko siya at nginitian.

"Saan mo ito nakuha?" Wala naman kasi kaming dalang kahit anong dalawa kundi mga cellphone lang namin at susi ng sasakyan.

"Kanina pa iyan dito, niready ko para sana dito kita paaminin pero wala na akong magagawa, bumigay ka kaagad." Nagkibit balikat pa siya na parang nagyayabang kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

"Ang hangin mo!" hinampas ko siya sa kaniyang balikat. Tumayo ako at pumulot ng bato bago ito tinapon sa bangin. Nanglakihan ang aking mga mata ng sobrang lalim pala talaga ng banging iyon. Kapag nahulog kaming dalawa ni Nathan ay baka hindi na kami umabot sa hospital, diretso patay agad.

"Ayoko pang mamatay!" naisigaw ko na lang sa sobrang takot.

"Mamatay kasama ako, ayaw mo?" tugon niya naman.

"Ayoko nga, baka pati mga patay awayin ako dahil super pogi ng nobyo ko." Tumawa siya at kinuha ang aking kamay, nabigla ako ng itaas niya ang kamay naming dalawa at inikot ako. Nang muli akong maharap sa kaniya'y niyakap niya ako at hinalikan ng malalim.

"I can't believe you're mine now. Parang kailan lang, malapit kitang masagasaan at nag-away pa tayong dalawa." Sabi niya ng maghiwalay ang aming labi dalawa.

Ilang araw at buwan ang lumipas, doon ko nasabing nakuntento ako na kasama ko siya. Kasama ko ang taong nagpasaya at nagpatibok sa aking puso. Parang kailan lang nung una kaming nagkakilala sa isang panyayaring parehas naming hindi inaasahan pero ngayon andito siya sa kama ko at natutulog sa tabi ko.

Kahit ang daming tutol sa relasyon namin ni Nathan at kahit andaming babaeng nagagalit sa akin, hindi pa rin ako nagpapa-apekto sa mga sinasabi nila. Andito pa rin ako, pinaglalaban ang karapatan ko bilang nobya ni Nathan.

Kung talagang tanggap natin na nahulog at nagmahal tayo, dapat tanggap din nating naging bulag tayo at tatanggapin din nating dadating ang panahon na masasaktan tayo dahil 'yon ang tunay na pag-ibig. Nakakatakot magmahal, oo pero hindi natin mararamdaman na tunay na pag-ibig iyon kung hindi tayo susugal.

Hinimas ko ang ulo ni Nathan, kasalukuyang siyang nakaunan sa aking tiyan. Ang kaniyang mga braso nama'y nasa hita ko at nakayakap doon ng mahigpit. Ito talaga ang mas nagustuhan ko kay Nathan, yung parang nagmumukha na siyang owl kung makakapit sa akin ay parang isang lingat niya lang mawawala na ako sa tabi niya. Halata namang hindi siya takot makuha ako ng iba!

Hindi ko talaga alam kung bakit ang ibang babae ay hindi gustong clingy sa kanila ang kanilang nobyo, dahil ba natatakot silang sa sobrang tamis ay baka magsawa agad? Sa sobrang tamis, isang araw ay mawawalan ng lasa't hanapin ito sa iba? Hindi naman masama maging matamis ang inyong nobyo o nobya, dahil baka ang iba'y takot lang na sa huling sandali nila hindi na nila ito maramdaman ulit, takot silang baka hindi na nila ito magagawa ulit.

Ang pag-ibig ay parang isang tsokolate, kapag nasobrahan ka maaaring maumay ka pero alam mo sa sarili mong hahanap-hanapin mo ito. Kahit pa paulit-ulit kang magsawa, kahit pa paulit-ulit mo itong hanapin sa iba. . .babalik ka pa rin sa tsokolateng nakasanayan mo nang kainin dahil alam mong doon ka komportable at doon mo mararamdaman ang tunay mong kasiyahan. Masaya akong nakilala ko ang paborito kong tsokolate at sigurado akong mauumay ako sa kaniyang lasa hindi sa pag-ibig na kaniyang pinaranas.

"Pupunta ulit ako ng maynila, by." Umalis siya sa pagkakaunan sa aking tiyan, tuluyan ng pumantay sa akin at siniksik ang kaniyang ulo sa pagitan ng aking leeg.

"Na naman? Pabalik-balik ka na lang doon ah, parehas kayo ni Nate." Kumunot ang noo ko. Noong nakaraang buwan ay ganun din sila.

"H-huwag ka na magalit by, hindi 'ko rin kasi matanggihan si Abuela kasi ilang taon niya kaming hindi nakita tapos may sakit siya kaya hindi siya ang makakauwi dito mismo sa Isla Amore." Mas humigpit ang kaniyang yakap sa akin.

"Mag pi-pitong buwan na tayo, Nathan tapos aalis ka pa!" kunyaring nagtatampo kong sabi.

Narinig ko naman ang mahina niyang tawa sa leeg ko dahilan ang kaniyang hininga ay tumama sa leeg ko at makiliti ako.

"Susubukan kong umuwi next week, promise!" ani niya. Pumalatak ako at tumayo mula sa pagkakahiga, napabitaw tuloy siya sa akin.

"Kung pumunta din kaya ako ng Maynila?" naglakihan ang kaniyang mga mata.

"Sasama ka sa akin bukas?" agad akong napasimangot doon at dinaganan siya.

"Hindi nuh, may trabaho ako sa bar! Susunod lang ako, iwan mo lang sa akin address ng condo mo." Kiniliti niya ako ng kiniliti, napatili ako at napahiwalay sa kaniya.

"Bawal babae sa condo ko, virgin pa ako!" pinagkrus niya ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang katawan. Nanlakihan ang aking dalawang mata at dinuro siya.

"Virgin mo mukha mo! Andami mo ngang babae, malay ko bang umaabot kayo sa kama!" gigil kong sigaw sa kaniya. Parang bata siyang humagikhik at hinuli ang kurba ng aking bewang.

"Bakit gusto mong subukan?" ngumisi siya at akmang hahalikan ako sa leeg ng kunin ko ang aking libro sa lamesa at pinalo ito sa kaniyang mukha.

"Asa ka! Manyak!" sigaw ko at kinutongan siya. Bumusangot naman siya at maya-maya pa'y tumawa ng malakas. Nagpapadyak akong umalis habang pigil-pigil ang tawa.

Itutuloy. . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro