Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 18


Kabanata 18

Busangot ang aking mukha habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. Kita kong napapadalas ang paglingon sa akin ni Nathan habang nagmamaneho. Hindi ko ito pinansin at patuloy pa rin sa pagtingin sa mga istablisyamentong nadadaanan namin.

"Huwag ka nang ngumuso diyan, sige ka mas papanget ka niyan." Marahas ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin.

"Sinasabi mo bang panget ako, Nathan keir?!" singhal ko.

"Sa bibig mo lumabas hindi sa akin." Pagak akong tumawa at inirapan siya.

Paano ba naman kasi, yung make-up artist na kinuha ni Nathan imbes sa pagmamake-up sa akin nakatingin ay kay Nathan na lang. Yung isa rin, 'kala mo mas ikinagwapo niya ang pagngiti at pagtawa! Kala lang niya, bwesit siya!

"Huwag mo nga akong pansinin, magmaneho ka na lang ng maayos." Tumawa pa siya kaya mas lalo lang ako nairita. Akala ba niya nagbibiro ako?

Ilang minuto lang ang tinaggal bago narating namin ang Hacienda Santibastian. Nagulat pa ako ng makakita ng mga media sa labas at may red carpet pa. Hindi ko alam na ganito pala ka-bongga ang launching ng bagong produkto nila. Iba talaga nagagawa ng may mga pera, madali ka lang aasenso.

"N-nathan, ikaw na lang kaya ang pumunta? Babalik na lang ako ng mansyon." Hinuli niya ang dalawang kamay ko at hinalikan ito.

"Okay lang, huwag kang kabahan. . .isipin mo lang na parang nasa isa kang amusement park kasama ako, maraming tao pero alam mong ligtas ka." Napangiti ako at nilingon ang mga medyang nagkikislapan ang mga camera dahil sa sunod-sunod na pagdating ng mga bisita. Kung babalewalain ko sila, mas magiging panatag ako.

"Let's go," Ani ni Nathan ng buksan na niya ang pintuan sa aking gilid at kunin ang kamay ko. Tumango lang ako at bumaba na. Mas bumilis pa ang pagkislap ng camera ng makita kaming dalawa. Napakapit ako sa suit ni Nathan at kinakabahan siyang tiningnan.

"Calm down." Bulong niya at pinulupot ang kaniyang kamay sa bukas kong likod.

Humalo tuloy ang kaniyang mainit na kamay sa malamig na hangin ng Isla Amore. Naglakad na kami sa red carpet, sa gitna ng mga medya. Mabuti na lang talaga hindi magawang makapagreport ng mga medya sa amin dahil hinaharangan ito ng mga bodyguard ni Nathan. Pumasok kami sa tanggapan at bumungad agad sa amin ang magandang disenyo nito. Bumati sa amin ang mga imbitado rin sa party, lahat sila'y magaganda at pormal na pormal kung kumilos. Parang buong buhay nila'y nakasalalay sa ayos nila ngayon.

"Keir!" sabay kaming napatingin ni Nathan sa babaeng lumapit sa amin, agad akong binitiwan ni Nathan. Lumapit ito at niyakap ang bagong dating.

"Tita." Ani ni Nathan.

"Kanina pa kita inaantay, saan ka ba nanggaling?" may pagtatampo sa boses ng kaniyang tiya.

"Inantay ko lang po yung girlfriend ko matapos." Tiningnan ako ni Nathan at kinindatan.

Pinandilatan ko siya ng mata at kinurot sa tagiliran, napaigik naman siya at sinamaan ako ng tingin.

"Hindi pa kita sinasagot kaya manahimik ka riyan!" bulong ko sa kaniya.

Napatawa naman siya at pinulupot ang kaniyang kamay sa aking bewang. Mula kay Nathan ay nahihiya kong inilipat ang tingin sa kaniyang Tiya. Pansin ko ang tingin niyang hindi pagsang-ayon sa aming dalawa, nawala rin ang kaniyang ngiti sa labi.

"Ako nga po pala si Anastasia Nicole Alvarez, Tasia nalang po." Magalang kong sabi sa kaniyang Tiya at inilahad ang aking kamay. Bumaba ang tingin niya doon.

"Pupuntahan ko muna ang mga kasama ko, Nathan. Nandoon sila sa garden lahat, kasama ang iba mong kaibigan at si Uno. Kanina ka pa nila hinahanap sa akin." Ani nito at binalewala ang aking kamay na nakalahad sa harapan niya.

Napapahiya ko itong binawi at napatungo nalang. Doon lang bumalik sa normal ang aking hininga na kanina ko pa pala pinipigilan, nang umalis na ng tuluyan ang kaniyang tiya.

"Pasensya kana sa Tita ko, ganun lang talaga iyon." Ngumiti lang ako sa kaniyang sinabi at hindi na nagkomento pa.

Inaya na niya ako papunta sa mga kaibigan niya. Pagdating namin doo'y bumungad sa amin ang pormal na pormal na ayos ng kaniyang mga kaibigan. Mas umangat ang kagwapuhan at kagandahan ng mga ito sa kanilang ayos. Parehas lang sila ng mga ibang bisita na dumalo sa araw na ito, limitado at pormal na pormal na para bang hindi lang ito simpleng launching ng produkto kundi isa na rin business transaction.

"Nathan, pare!" isa-isang bumati ang kaniyang mga kaibigan sa kaniya at nang mapansin ako'y pare-parehas lamang sila ng reaksyon na ipinagtaka ko.

"Pakilala naman diyan!" tukso nila kay Nathan.

Nanatili namang tahimik ang mga babae sa kanilang upuan at pabulong na nag-uusap habang panay ang tingin sa akin ng masama.

"Si Tasia nga pala, girlfriend ko." Lahat ng mga lalaki'y nangingiting aso habang nakatingin sa amin dalawa.

Hinigit ni Nathan ang aking kamay at umupo sa dalawang bakanteng upuan. Katabi ko ang isang babaeng sobrang taray ng pagkakatingin sa akin at ng makaupo ako sa kaniyang tabi'y nilayo niya ng bahagya ang kaniyang upuan. Napalunok ako at ininom ang tubig sa basong nasa harapan ko.

"Girlfriend daw, uhy!" namula ako dahil hindi pa rin nila tinitigilan sa pagtutukso si Nathan dahil sa girlfriend daw niya ako.

Konting-konti na lang gusto ko nang sabihin na hindi naman talaga pero ayoko namang mapahiya si Nathan sa mga ito. Pansin ko rin na ang mga kaibigan niya ngayon na narito ay mga dumalo rin sa kaarawan ni Nathan. Narito rin yung lalaking nakabangga sa akin, gulat pa rin habang nakatingin sa akin.

Nagingayan ang buong bisita ng biglang may pumasok na limang lalaki, tumayo si Uno at sinalubong ang mga ito. "Guys, I don't need to introduce you to my cousin, do I?" seryoso ngunit mapaglarong sabi ni Uno. Nagtawanan sila.

"Girls, tingnan niyo si Jackson. . .mas pumogi 'di ba?" napalingon ako ng sabihin iyon ng babaeng katabi ko. Kausap niya ang mga kaibigan niya at panay ang tingin sa mga lalaking bagong dating.

"Yeah right, araw-araw ko ngang nakikita silang dalawa ni Xeno sa gym." Ani naman ng isa.

"Xeno or Xavier? Lately, ang kambal lang naman ang laging nakakasama ni Jackson sa Gym."

"Why? Did Jackson and Knox fought?" usisa naman ng isa.

"Yes, at ang mas malala nag-away sila dahil lang sa isang babae." Bulong ng isa.

"O my god, this is a disaster!"

Napalingon ako kay Nathan ng humilig siya ng bahagya sa akin at hinalikan ang aking sentido. "Hmm?"

"Come, let me introduce you to them." Inalalayan akong tumayo ni Nathan.

Dahil sa malayo ang upuan namin sa mga bagong dating ay kami na mismo ang lumapit sa lamesa nila. Sabay-sabay silang napaangat ng tingin ng makita nila kami.

"Nathan Keir, musta pare!" ani nila isa-isa.

"Okay lang, pakilala ko lang pala ang soon to be girlfriend ko." Natatawang sabi ni Nathan.

"Owh, ganda ah!" nagtawanan silang lahat dahil sa sinabi ng isang lalaking malapit sa amin ni Nathan.

"Shut up, Maverick!" singhal ni Nathan. Nilingon niya ako. "By, this is Maverick Santibastian." Turo ni Nathan sa lalaking nagbiro kanina.

"Hello, Mine." Namula ako dahil sa sinabi niya. Mula sa kaniyang upuan ay kinuha niya ang kamay ko at akmang hahalikan na ito pero pinitik ni Nathan ang kaniyang ulo at pinaghiwalay ang aming mga kamay.

Inirapan siya ni Nathan. "This is Xavier and Xeno, the twin Santibastian." Turo niya sa dalawang magkamukha, ni hindi man lang ako magawang lingunin dahil busy kakalaro sa kanilang cellphone. Sila pala ang tinutukoy ng mga babaeng na madalas kasama ni Jackson sa gym.

"Jackson Santibastian." Bago pa man iyon masabi ni Nathan ay tumayo na yung tinuturo na mga babae na si Jackson daw. Hindi nga sila nagkakamali, sobrang gwapo nito at ang kaniyang suit ay hapit na hapit na sa kaniyang brasong hula ko'y kapag hindi nakasuit ay lalabas na ng husto ang mga muscle sa braso.

"Nice to meet you." Ani ko at nginitian siya. Tumango lang siya sa akin at umupo na sa kaniyang upuan.

"And this is Royce Santibastian." Napalingon ako sa taong inakbayan ni Nathan. Busy ito sa isang babaeng kinikilig at namumula ang mga pisngi dahil sa mga binubulong ng lalaki.

"Kayo ba lahat may-ari nitong Hacienda?" hindi ko na maiwasang maitanong, nagtawanan sila. Para kasing sanay na sanay na silang narito.

"Hindi, sa lolo namin 'to at ipinasa lang ngayon sa Daddy ni Uno at pinasa naman kay Uno." Ani ni Jackson at tinuro ang katabing si Uno na tahimik lang. Tiningnan ko si Uno ng mapansing kanina pa pala niya ako tinitingnan, nakakunot din ang kaniyang noo.

"A-ah," nasabi ko na lang at iniwas ang paningin kay Uno. Kaya pala sa magpipinsan ay siya ang mas nauna dito. Siya rin ang madalas kong nakikita sa mansyon at plinaplano nila ng sabay ni Nathan ang launching ng kanilang bagong produkto na wine. "Anastasia Nicole Alvarez ho pala,"

Lahat sila'y napatingin sa akin at pare-parehas ang naging reaksyon. "Anast—what?" kunot-noong ani ni Maverick.

"Anastasia...'di ba si—" bago pa man matuloy ni Jackson ang sinasabi'y tumayo na si Royce at tinabunan ang bibig ni Jackson at hinila ito paupo sa malayong upuan.

Natahimik ang magpi-pinsan at halatang may pinag-uusapan.

Nagsimula ang programa sa isang mensahe ni Uno. Sinabi niya rin dito tungkol sa kanilang bagong produkto na wine. Bumalik din kami sa aming upuan ni Nathan at napansin ko ulit ang mga pasiring irap ng mga kababaihan sa amin, may natatawa pa habang nakatingin sa akin.

Lahat kami'y binigyan ni Uno ng isang baso na may laman ng kanilang bagong wine. Sabay-sabay namin itong tinikman at halos mapaungol na ako sa sarap na hatid nito sa lalamunan. May konting pait at tamis ang bumabalot sa aking bibig at talagang nagustuhan ko ito.

"Ang sarap," bulong ko kay Nathan na ikinatawa niya. "Parang gusto ko pa."

"Tama na, baka malasing ka."

"Hingi ka pa, dalian mo!" nakanguso kong sabi.

"Sige na nga, behave ha." Tumango ako at napalakpak ng tumayo na siya para lumapit sa lamesang may mga wine. Nakatingin lang ako sa kaniya habang ginagawa niya iyon, nawala lang ng marinig ko ang mga malakas na sabi ng mga katabi ko.

"Ang hirap sa mga babaeng walang pinag-aralan, gold digger ang labas." Napaayos ako ng upo at nagbaba ng tingin sa plato ko.

"Ang arte pa akala mo naman ikinaganda niya."

"Hindi ko nga alam kung bakit nagustuhan siya ni Nathan," ramdam ko ang mga tinginan nila sa akin. Bahagya kong itinaas ang aking paningin. "Bakit nga ba?" tanong ng kaharap kong babae habang nakatingin na sa akin.

"Ayoko nang gulo, please lang." ani ko at muling iniiwas ang tingin sa kanila pero talagang wala silang balak tumigil, mas lalo pa silang naging maingay.

"Hindi ba ikaw yung babae sa surprise party ni Nathan? Ikaw yung babaeng sumira ng birthday cake niya!" ani pa ng isang babae, naramdaman ko na lang na nasa likod ko na siya.

"Ang landi-landi talaga! Pati nga sa photo shoot, nakipag-away pa sa mga fan girl ni Nathan."

"Siguro pati mama mo malandi rin, kasi nga 'di ba. . . kung malandi ang ina paano naman ang anak? May pinagmanahan." Ani ng babae sa likod ko.

"Bawiin mo ang sinabi mo!" nangingiligid ang luhang sabi ko at tumayo.

Dahil sa bigla kong pagtayo ay nabuhos sa akin ang wine na bitbit ng babae. Nagtawanan silang magkakaibigan.

"Anong nangyayari dito?" rinig ko ang boses ni Nate mula sa likod ko.

"Tingnan mo pati kapatid, pinatos mo." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kinuha ko ang basong may tubig sa lamesa ko at binuhos ito sa pagmumukha niya.

"Ayan tubig, pangpawala ng kasamaan ng ugali mo! Kung kulang pa, punta ka sa simbahan, magpa'holy water ka nang pati sa kaloob-looban mo mawala 'yang kasamaan ng budhi mo!" sigaw ko.

Napatili siya't galit akong hinarap. Akmang susugod na siya sa akin ng harangan ako ng katawan ni Nate at Uno.

"Tama na, Daisy!" galit na bulong ni Nate sa kaniya.

Nakukuha na namin ang atensyon ng mga ibang bisita dahil sa pagsaboy ko ng tubig. Mayroon pang ibang mga bisita na kinukuhanan kami ng litrato.

Hinawakan ako sa braso ni Uno at pilit akong pinapaupo ulit sa aking upuan. "Tasia." Malamig na sabi niya at may babala.

"Pa special pa, duh!" inirapan ako nung Daisy kaya umiwas na lang ako ng tingin at pilit pinapakalma ang sarili.

"Anong nangyayari dito?" napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Nathan. Nilapitan niya ako at sinipat. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at marahan itong hinihimas. Nakakatulong naman itong pakalmahin ako.

"Halata namang pera lang ang habol niyan sayo, Nathan pero bakit siya pa?!" galit na sabi ni Daisy. Galit din naman siya na nilingon ni Nathan.

"Shut up!"

"Bakit ba pinagtatanggol niyo 'yang gold digger na 'yan?!" hindi pa rin siya tumatahimik.

"Bakit hindi ka rin tumahimik para wala nang gulo? Sinisira mo ang party, Daisy!" galit na sambit ni Uno sa babae at nilapitan na. Agad namang lumapit ang mga pinsan niya para pigilan ito at ilayo kay Daisy.

"Tama na, Uno." pigil ni Xeno.

"Hindi ako ang sumisira ng party Uno, siya! That gold digger bitch, papansin masyado, bakit hindi niyo na lang bigyan ng pera nang makaalis na! 'yon naman ang habol ng mga tulad niyang mukhang pera at walang pinag-aralan sa buhay!" sigaw niya. Nagsihulugan na ang aking mga luha sa mata.

Tanggap ko namang mukha akong pera dahil bata pa lang ako hinangad ko na ang magkapera at makapag-aral sa pangarap kong eskuwelahan pero nang dahil sa kahirapan at dahil sa walang gustong umampon sa akin kaya hindi ko magawa ang mga gusto ko sa buhay.

Nang tumanda'y ako na mismo ang gumawa ng paraan para mangyari ang mga pangarap ko. Ginawa ko ang lahat at iniwas ang sarili na masira ng mga taong nakikilala sa pagkatao ko pero talagang mapait ang tadhana'y si Nathan pa ang binigay sa akin. Si Nathan na mayaman, gwapo, matalino, may pinag-aralan, maraming kaibigan. Ibang-iba sa akin na puro kahirapan lang ang makikita.

Magkaiba ang katayuan ng buhay namin ni Nathan at kahit kailan hindi nila kami matatanggap. Lumaban man kami habambuhay.

"Oo wala akong perang maipagmamayabang pero kahit kailan hindi ko hinangad na gawin ang mga sinasabi mo sa taong mahal ko," napasinghot ako at marahas na binawi ang kamay ko kay Nathan.

"By. . ." hindi ko siya pinansin at lumapit na kay Daisy.

"At anong sabi mo? Malandi ang ina ko kasi sobrang landi ko?! Tangina mo, wala akong ina! Wala akong ina para patunayan ang sinasabi mo! Bata pa lang ako wala na akong pamilyang susuporta at papaaralin ako gaya ng ginagawa ng pamilya mo. Kaya huwag na huwag mong sasabihin iyan dahil unang-una pa lang hindi ko nararanasan lahat ng sinasabi mo!" marahas kong inalis ang luha sa aking mga mata. "Tingnan mo muna ang sarili mo bago ka humusga ng tao, malay mo lahat ng sinasabi mo. . . mahahanap mo sa sarili mo."

Itutuloy. . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro