Kabanata 16
Kabanata 16
Kinabukasan, maaga akong umalis sa hacienda. Balak kong pumunta ngayon sa bahay ampunan para makita si Sister Sarah at ang mga bata pero bago iyon, bibili muna ako nang mga pasalubong para sa kanila. Hindi naman ako nagtaggal sa department store dahil alam na alam ko naman ang mga pagkaing gustong gusto nila.
Halos tsokolate naman lahat nang gusto. Sakay nang bus ay dalawang oras ang ginugol ko bago ko maabot ang bayang kinalakihan ko. Bitbit ang mga pasalubong ay sinupresa ko ang mga batang naglalaro sa labas.
"Ate Tata!" sigaw nila at niyakap ako. Napatawa naman ako nang halos masubsob na ako sa damuhan dahil sa sobrang dami nila.
"Namiss niyo ba si Ate Tata?" tanong ko.
"Opo!" sabay-sabay nilang sabi habang tumatango.
"Ahh, ang sweet naman! Halika na kayo sa loob, buksan natin mga pasalubong ko sa inyo." Inakay ko sila papasok sa kanilang playroom. Kanya-kanya na silang upo sa sahig at tinitingnan na akong may malapad na ngiti sa labi, excited sa aking pasalubong para sa kanila.
"Pagdating kay Ate tata niyo, ambabait niyo ha!" biglang sulpot ni Sister Sarah. Napatawa naman ako.
"Bakit Sister, pasaway na ba itong mga alaga natin?"
"Sobra pa, Tasia." Kunyari akong suminghap at pinaningkitan ang mga mata ang mga bata. Nanlakihan naman ang kanilang mga mata at sabay na napaiwas nang tingin.
"Simula sa pinakabata hanggang sa pinakamatanda, pumila kayo. Pagkatapos ay sasabihin niyo sa akin ang mga kasalanan niyo bago ko kayo bibigyan ng pasalubong." Malamya kong sabi.
Napatango naman sila at wala nang sinabi pa. Basta na lang silang tumayo at nagpilahan na, na parang isang masunurin na bata.
"Ano kasalanan mo kanila Sister Sarah, Joseph?" wala na ang kaniyang mga mata sa akin, kundi sa nilabas ko nang paborito niyang tsokolate. Napanguso naman siya ng ilayo ko ito sa paningin niya.
"Hindi po ako nag-brush nang ngipin gabi-gabi at makulit palagi."
"Sa susunod sundin mo lahat nang sinasabi ni Sister Sarah ha, baka mamaya ma highblood iyon sa inyo. Gusto mo bang dalhin siya sa hospital?"
"Ayaw po!" sunod-sunod pa siyang umiling. Napatawa naman ako at binigay na sa kaniya ang tsokolate niya. Agad naman niya akong hinalikan sa pisngi.
"Salamat, Ate Tata!" galak niyang sabi bago bumalik na sa pwesto niya at umupo na muli sa sahig.
"Ang pinaka-cute kong kapatid na si Yuri, bakit parang naiiyak na ha." Sabi ko.
"A-ate," Pumalahaw siya nang iyak. Kaya hinapit ko siya papunta sa akin at niyakap. Hinimas-himas ko siya sa kaniyang mahaba at malambot na buhok upang kumalma.
"Shh, bakit ka umiiyak?"
"Ate, inaaway ko po lagi si Boy kasi hindi niya kami pinapansin." Sumbong niya sa mismong kasalanan.
"Boy? Sino 'yon?" umiling siya kaya tiningnan ko ang isang babaeng nagbabantay din sa mga bata.
"Nasa kuwarto po iyon, bago lang dito at laging sinasaktan ang mga bata kaya hindi na lang namin pinipilit na lumabas. Inabanduna nang mga magulang." Nalungkot naman ako sa narinig.
Kaya hindi ako madalas pumupunta sa ampunan kasi ito talaga ang isa sa mga ayaw kong marinig. Ayokong may makilalang mga bata na inabanduna nang mga magulang kasi naiisip kong pati siguro ako inabanduna din.
Mayroon sa aking isip na hindi nila ako mahal kaya hindi nila ako hinahanap. Kapag nasasaktan ako, nililibang ko na lang ang sarili ko sa mga bagay-bagay kaysa ibahagi iyon sa iba kasi ayokong malaman nila na mahina ako at nasasaktan ako. Ayokong mapag-isa ulit, natatakot akong maiwan ulit.
Sinabi lahat nang mga bata sa akin ang mga kasalanan nila. Wala naman pinagbago, mga kasalanan lang iyon nang mga nagagawa nang isang normal na bata. Hindi naman namin sila masisisi kasi alam naming lahat ng tao ay may kahinaan at hindi perpekto. May mga kasalanan tayong nagagawa na hindi natin ginusto.
"Masarap?" bulong ko kay Yuri na nakaupo pa rin sa kandungan ko.
"Opo, Ate Tata. Magdala ka po ulit kapag bumalik ka!" malaki ang ngisi niya sa labi at ang dalawang biloy sa kaniyang pisngi ay lumalabas dahilan upang panggigilan ko ito.
"Doon ka muna sa upuan mo ha, may kakausapin lang si Ate."
Tumango siya at pumunta na agad sa kaniyang mga kalaro. Bitbit ang plastik na may sobrang pasalubong ay tinungo ko ang kwarto nang mga bata.
Kumatok muna ako nang tatlong beses bago pumasok. Sa isang sulok ay nakita ko ang isang batang lalaki na kasing edad lamang nila Yuri. Tahimik lang ito at nakatanaw sa labas nang bintana.
"Hello, ako nga pala si Ate Tata. . ." Pakilala ko pero hindi man lang niya ako nilingon at nanatili lamang nakatingin sa labas nang bintana. "May dala nga pala akong tsokolate para sayo, gusto mo tikman?" ani ko pa at umupo sa kaharap niyang upuan.
"Tumawag na po ba sila Mommy and Daddy?" ani niya sa malamig na tinig. "Sabi nila babalikan nila ako dito, kailangan lang daw nila pumunta sa ibang bansa para sa isang meeting pero bakit hanggang ngayon wala pa rin sila?" sa pagkakataong ito ay nilingon na niya ako.
Napamura ako sa sarili nang umiiyak na ito. Inisang hakbang ko ang pagitan namin at niyakap ito nang mahigpit. Sumubsob naman siya sa dibdib ko at dito pumalahaw nang iyak.
"Malay mo, isang araw babalik na sila. Huwag kang mag-alala mahal ka nang mga magulang mo. Sino ba naman matinong magulang na iiwan dito ang isang batang sobrang gwapo katulad mo. Mahal ka nila, okay? 'yon ang tandaan mo, kasi walang mga magulang na hindi mahal ang isang anak." Hinimas ko ang kaniyang buhok at hinalik-halikan ito.
"Paano po? Paano nila ako babalikan kung patay na sila?" inosente niyang sabi.
"A-ano. . ." Napasinghap ako at bahagya siyang nilayo sa aking katawan.
"Narinig ko pong nag-uusap sila Sister, narinig ko pong binalita ang pagkamatay nang mga magulang ko sa isang aksidente. Tanggap ko naman po ang iwan nila ako dito pero ang mamatay, hinding-hindi po." Mas umiyak pa siya nang umiyak. Wala naman akong ibang nagawa kundi ang yakapin siya't patahanin.
"Huwag kang mag-alala parehas lang tayong nagdurusa pero may awa ang diyos, magdasal lang tayo at kumapit sa kaniya. Siya yung taong siguradong hindi tayo iiwan." Bulong ko sa kaniyang tenga.
Kalahating oras ko pang kinausap si Boy, bago ko siya nakumbinse na lumabas nang kwarto. Dinala ko siya sa playroom nang mga bata at pinagsalamuha sa isa't isa. Mabuti na lang umayos na ang pakiramdam niya matapos namin mag-usap kaya mas napadali lang ang pakikisalamuha niya sa iba lalo na kay Yuri na, nang makita si boy ay nakasimangot pero nang humingi ito ng patawad ay tinanggap naman ito at kalaunan ito pa ang pasimuno sa mga laro nila.
"Tasia, tawag ka ni Sister Sarah sa opisina niya." Biglang lumapit ang isa pang madre na kasama dito ni Sister Sarah at sinabi iyon.
"Opo, papunta na po Sister," tugon ko agad at tumayo na mula sa pagkakaupo sa sahig.
Lumabas ako nang playroom at lumiko papuntang opisina ni Sister. Kumatok ako nang tatlong beses at nakahanda na ang ngiting pumasok ako sa kwarto.
"Oh!" singhap ko nang makita ang pumapalahaw na bata sa kaniyang bisig.
"Tasia, mabuti nandito ka na!" sabi niya at nginitian ako na nagpapasensya.
Masyado nang matanda si Sister Sarah para mag-alaga nang maraming bata. Halos kada-buwan may dinadalang bata dito sa ampunan at sa kaniya mismo dinederetso. Ngayon naman isang musmos na sanggol ang nakakapit ngayon sa mga bisig niya.
"Tulungan ko na po kayo," Magalang kong sabi at dahan-dahang kinuha ang bata sa kaniya. Pinainom ko ito nang kaniyang gatas dahilan upang tumahimik ito sa pag-iyak.
"Mabuti na lang andito ka, Tasia." Pagod siyang umupo sa kaniyang upuan.
Tinitigan ko naman ang mga kilos niya habang ineele ang bata sa bisig ko. "Sumasakit na ang ulo ko at katawan habang nakikinig sa mga batang nag-aaway. Mabuti na lang talaga at nandito ka, tumigil na sila sa pag-aaway at napalabas mo rin si Boy."
"Walang anuman po, tulong ko na rin po sa inyo iyon para sa ilang taon po akong namalagi dito at tinulungan mo."
"Nagpapasalamat nga ako sa diyos kasi binigay ka niya dito sa ampunan." Masaya niyang sabi at ikina-iling ko na lang.
"Mali po kayo. Ako po ang nagpapasalamat sa diyos dahil dinala niya po ako sa inyo. Siguro po kung hindi ako dinala dito, matagal na akong wala sa mundong ibabaw dahil sa gutom." Biro ko pa.
Tumawa siya ng malakas na ikinangiti ko na lang. Gustong-gusto ko talagang naririnig ang tawa niya.
"At saka nga pala tasia," ani niya nang may maalala.
May hinalungkat siya sa mga papeles na nasa ilalim nang lamesa niya. Umupo muna ako sa upuan. Tinanggal ko na ang gatas na iniinom ng baby dahil nakatulog na ito. Inalis ko ang mga luhang nasa pisngi.
"May pumunta ditong dalawang lalaki at may hinahanap na bata. Ikinagulat ko talaga ang larawang pinakita niya dahil kamukhang-kamukha mo iyon nung bata pa!" sabik niyang sabi.
Kumunot ang aking noo at kinuha ang larawang binibigay niya sa akin gamit ang aking kaliwang kamay.
Totoo ngang ako iyon, kamukhang-kamukha ko noong bata pa ang nasa larawan! Hinding-hindi ko malilimutan ang mukha ko dahil kahit ako, mayroon din kuhang larawan mag-isa nung unang mga taon ko dito at hanggang ngayon ay bitbit ko pa rin ito.
"S-sister, sino po daw ang naghahanap?" utal kong sabi.
"Ama mo daw." Nangiligid ang aking mga luha sa mata.
"Paano po iyon nangyari? Bakit ngayon lang nila ako hinanap? Bakit hindi pa nung unang mga taong nandito ako sa inyo?" pinipilit kong hindi mapahagulgol dahil baka magising ang batang nasa bisig ko.
"Hindi ko rin alam, hija pero sabi nila kapag bumalik ka dito ibigay ko daw sayo itong numero at tawagan mo sila." Inilahad naman niya sa akin ang isang papel na may numero.
"Masaya akong unti-unti nang natutupad ang pangarap mo sa buhay pero kapag alam mong hindi ka pa handa, pwede naman magpahinga muna. . .magpapahinga ka lang pero huwag kang susuko. Kaakibat mo ang panginoon sa anumang hamon sa buhay na napapagdaanan mo, huwag na huwag kang susuko. Tandaan mong normal lang ang masaktan dahil doon mo napapatunayan sa sarili mong kaya mong lampasan lahat. Ikaw ang bida sa sarili mong istorya."
Kung ano man ang mga bagay na natutunan ko sa nagdaang panahong nag-iisa ako at walang pamilya, iyon ay ang magtiis at sanayin ang sariling mag-isa. Magtiis sapagkat hindi lahat nang pangyayari sa buhay ay naaayon sa gusto mo. Hindi lahat nang bagay ay iyo at hindi lahat nang tao may gusto sayo o sa pagkatao mo. Magtiis tayo sa buhay na mayroon tayo ngayon. Magtiis kung mahirap dahil sa pagdating nang panahon ay yayaman pa rin tayo sa pagmamahal nang panginoon.
Sanayin ang sariling mag-isa sapagkat hindi lahat nang araw ay yung mga taong mahal mo ay kasama mo habambuhay. May pagkakataon talagang susuko na tayo o silang mga mahal mo sayo at iiwan ka kasi hindi lahat nang pagkakataon, kasama mo siyang haharapin ang mga hamon nang tadhana. Iiwan ka niyang nag-iisa at mag-iisa kang maiiwan.
Umuwi ako kinagabihan dala ang bagong bata sa ampunan na si baby Angel. Pinaalam muna siya sa akin ni Sister na kung pwede sa akin muna kahit isang araw lang dahil kailangan niyang pumunta sa ibang baryo upang kamustahin ang kaniyang kapatid at may kikitain din. Pumayag na lang ako imbes dalhin-dalhin niya pa ito. Hindi rin naman niya maaasahan ang mga kasamahan niya sa ampunan kasi kahit ang mga ito ay binabantayan ang mga makukulit na bata.
Nagulat ang mga maid at ang mayordoma nang makita nilang pumasok akong may bitbit na bata.
"Kaninong anak iyan?" lahat sila iyon ang hinihintay na sagot mula sa akin.
Nilalaro ng ibang maid ang baby pati na rin ang mayordoma. Hindi nila ito kinukuha sa bisig ko kahit sinasabi ko naman na kunin kasi daw pawis silang lahat.
"Ang ganda-gandang anghel naman, talagang biyaya ng diyos." Tumawa si baby Angel habang nilalaro siya nang mayordoma. Lahat kami ay nagtawanan pero tumigil lang ito nang marinig namin pare-pareho ang boses ni Nathan.
"Dumating na daw si Anastasia?" ani ni Nathan habang palabas nang elevator at inaayos ang polong suot.
"Nandito ako," Tugon ko. Napalingon siya sa banda namin at kumunot ang noo nang makitang pinagguguluhan pa rin ako nang mga maid.
"Anong ginagawa niyo, bakit kayo nandito lahat?" ani ni Nathan at naglakad na palapit sa amin.
Nakakunot pa rin ang matalim niyang mga mata. Doon siya sa likod ko dumaan kasi wala na siyang madadaan sa harap ko dahil nakapalibot na ang mga maid sa akin. Akmang hahalikan niya ako sa pisngi nang makita niya ang bata sa bisig ko.
"What the fuc—" siya na mismo ang nagtakip sa kaniyang bibig nang tingnan siya nang bata. Palipat-lipat ang tingin ni Nathan sa aming dalawa at hindi alam kung anong dapat sabihin. "Kaninong anak 'yan?!" histerikal niya.
"Akin?" ani ko, natatawa. Palihim na rin natatawa ang mga maid dahil sa reaksyong pinapakita nang kanilang amo.
"Ano?! Sinong nakabuntis sayo? Si Ferry ba ng ama niyan?! Ilang taon niyo na tinatago ang relasyon niyong dalawa, bakit ngayon pa?!"
Itutuloy. . .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro