Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 12


Kabanata 12

"Bakit hinahayaan mong magkagusto din siya sayo?" inulit niya ang sinabi.

"Anong pinagsasabi mo diyan, Nathan?!" hindi ko na maiwasang pagtaasan siya nang boses.

"Narinig ko yung sinabi niya sayo kanina. Andoon din ako pero naunahan niya lang ako!" sigaw niya rin pabalik.

"Nathan, huwag mo ngang sabihin 'yan na para bang pag-aari mo ako kahit ang totoo naman ay hindi!"

Totoo 'yon, walang nagmamay-ari sa akin kundi ako lang. Hindi ako ibon na kung sino ang unang makahuli sa akin ay iyon ang aangkin sa akin. Hindi ako isang bagay sa isang mall na kung sino ang unang makabili sa akin ay sa kaniya na ako. Hindi ako isang bagay na sa una lang pag-aagawan at kapag may nahanap na nang iba ay itatapon na lang ako na parang basura.

"Bakit sino lang ang nagmamay-ari sayo, siya ba?!" tinuro-turo niya pa ang pintuan na parang nandoon ang taong tinutukoy niya. Kahit wala naman talaga.

Natigilan ako at pinakatitigan siya nang maigi. Pilit kong hinahanap sa dalawa niyang maangas na mga mata ang ibig niyang sabihin. Nalilito ako kung bakit siya nagagalit pero mas nalilito ako kung bakit ako pa ang pinili niya. Andaming magagandang babaeng pumapasok at lumalabas sa buhay nila para lang makita sila at makasama pero bakit ako pa ang nagustuhan nila. Ako pa na walang maipagmamalaki sa buhay at sarili. Ako pa na puro trabaho lang at magkapera ang goal sa buhay. Ako pa na halos puro galos at sugat ang nasa kamay dahil sa sobrang dami ng mga trabahong pinapasukan.

"Pag-aari ko ang sarili ko! Nathan, please naman tigilan mo na ito. Kung ginagawa mo ito para paghigantihan mo ako sa mga nagawa ko sayo pwes kotang-kota ka na dahil nasasaktan na rin ako. First time kong marinig ang ganiyang mga salita mula sayo kaya please lang tigilan mo na ito. . .tigilan mo na ako," Halos ibulong ko na ang iba kong mga sinabi dahil parang may bumabara sa aking lalamunan habang sinasabi iyon sa kaniya.

"Kahit ngayon lang, Tasia. Maniwala ka naman sa akin!"

"H-hindi ko kaya," Umiiling kong sabi.

Nabigla ako nang hawakan niya ang aking batok gamit ang kaniyang isang kamay at ang isa naman na kamay sa aking pisngi. Bago pa man ako makapagreklamo'y nahila na niya ang aking batok palapit sa kaniya at naidampi na niya ang kaniyang mapula at malambot niyang labi sa akin.

Sa una'y padampi-dampi lang ang kaniyang labi sa akin pero kalauna'y tumagal na ito nang ilang segundong paghalik niya sa akin. Nanghina ako, pakiramdam ko ay nanlalambot ang aking dalawang paa dahil sa tagal non. Tuluyan na akong napahawak sa kaniyang mga braso at dito inilabas lahat nang panggigigil ko.

Bumitaw siya sa aming halik. Nakangiti na siya nang muling nagtagpo ang aming mga mata. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti rin habang tinitingnan din siya nang deretso dahil sobrang talisay nang ngiting iyon. Sobrang bilis nang takbo nang aking puso, halos hindi ko na alam kung ilang beses na bang tumibok ang aking pulso sa bawat minutong lumilipas. Halos marinig ko na rin ang tunog nang puso ko at sa kaniya dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.

Damn, ang rupok ko!

"Second kiss ko na iyon," Ani ko. Nung unang halik na nakuha sa akin ay siya din ang nagnakaw non. Magnanakaw talaga siya kahit kailan.

"Mabuti," Nakangisi na niyang sabi at bumaba ang kaniyang hinlalaki mula sa aking pisngi pababa sa aking labi at hinimas ito nang pabalik-pabalik.

"H-hindi mabuti para sa akin. Ikaw pa lang ang lalaking naglakas loob na halikan ako." Sabi ko at bahagyang sumimangot na ikinatawa niya. Halos mahimatay na ako dahil narinig ko na naman ang tawa niyang namamaos.

"Huwag kang mag-alala ako lang ang lalaking hahalik sayo, sa panget mo ba naman. . .sino pang lalaking maglalakas-loob na pumatol sa 'yo." Sabi niya pa at hinila na ako payakap sa kaniya.

Sinuntok ko ang kaniyang likod. "Gago ka! Nakakarami ka na ha!" ani ko at kumurot-kurot din doon.

"Ako lang hahalik sayo, hmm? Sa pangatlo, pang apat, pang lima, pang-anim, at ang pinakahuling halik mo ay manggagaling lang sa akin."

"Bwesit!" nasabi ko na lang sa sobrang kilig na nararamdaman.

Tumalikod ako at pinaypay ang mukha kong nang-iinit bago siya muling hinarap at kinurot ang bewang sa sobrang panggigigil.

"Huwag, nakikiliti ako, by!" sabi niya at tumawa na naman.

Pinagpatuloy ko pa ang pagkiliti sa kaniya kaya wala siyang nagawa kundi ang lumayo sa akin.

"Halika dito, ang laki-laki mong tao!" ani ko at hinabol siya. Tumakbo ulit siya at parang batang humahagikhik nang nakikiliti ko siya sa may bewang.

"Baby, stop!" pigil niya sa akin at sinubukang hulihin ang dalawa kong malikot na kamay.

"Baby ka dyan!" reklamo ko at bahagyang sumimangot.

Hindi ko talaga bet ang mga endearment na iyan. May mga pangalan naman pero bakit tinatawag pa sa ibang mga pangalan. Hindi ko alam talaga kung anong trip minsan nang ibang mag-jowa, alam mo naman hindi sila magtatagal pero todo kong magmahal. May tawagan pa sa isa't isa pero hindi naman seryoso. May pa-legal pa sa magulang, hindi naman nagtagal!

"Baby ko," Ani niya pa na ikinapula na naman nang magkabila kong pisngi.

Napatigil din ako sa pagkiliti sa kaniya kaya't tuluyan na niyang nahuli ang aking dalawang kamay. Inikot niya ako patalikod sa kaniya bago niyakap mula sa likod. Sinuksok niya ang kaniyang mukha sa pagitan nang aking leeg at doon mismo suminghot.

"N-nathan!" dapat saway iyon pero nabigla ako nang lumambing ang boses ko.

"Liligawan kita, okay." Hindi iyon patanong. Sinigurado niya talagang hindi ako makakapagreklamo sa kaniyang sinabi.

"P-pero. . ." sabi ko at nilingon siya sa pagitan nang aking leeg pero hindi siya nakatingin sa akin. Nanatili pa rin nakabaon ang kaniyang mukha sa aking leeg,

"Magihis ka nang komportableng damit. May pupuntahan tayo." Ani niya at nilingon na ako sa wakas.

Wala naman akong nagawa kundi ang tumango na lang para hindi na kami magkasagutan pa. Kahit mayroon pa rin parte sa aking isipan na pagdududa'y hindi ko pa rin maiwasang umaasang totoo ang nararamdaman niya sa akin. Na sana, lahat nang pinapakita niya ngayon ay totoo at walang halong biro.

Gusto ko rin siya, iyon ang totoo.

Alam kong hindi magandang gustuhin ko siya dahil ayokong masaktan si Nate. Ayokong mag-away ang dalawang magkapatid. Ayokong naririnig na pinagaawayan nila ako dahil parehas silang may gusto sa akin pero hangga't ganito sa akin si Nathan ay mas lalo lang akong nahuhulog sa kaniya.

Paglabas ni Nathan sa aking kwarto'y tuluyan na akong nahiga sa aking kama. Mamaya pa naman ang alis namin ni Nathan pwede pa akong makapagpahinga. Sobra-sobra na ang aking pahinga kanina pero nang dahil sa mga napag-usapan namin ni Nathan at ang pag-amin ni Nate sa akin, pakiramdam ko'y tumaas ang temperatura ko. Baka hindi ko na lang mamamalayan, lalagnatin na pala ako.

"Tasia," nagising ako dahil sa paulit-ulit na pagdampi nang basa at malambot na bagay sa aking pisngi. Hindi ko alam na nakatulog na pala ako sa sobrang pag-iisip. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata.

"Nathan!" gulat kong sabi nang makitang halos yakapin na niya ako sa sobrang lapit niya sa akin. Doon ko lang nalaman na ang kaninang basa at malambot na bagay ay ang kaniyang labi na pala. Napatayo ako sa sobrang gulat at pinanlakihan siya nang mga mata.

"Sabi ko magbihis, hindi matulog." Naiiling na sabi niya. Pinitik niya ang aking noo na ikinabusangot ko na lang.

"H-hindi ko namalayan," Sabi ko at iniwas ang paningin sa kaniya.

Napausog ako nang tumabi siya nang upo sa aking kama at niyakap ako. "Magbihis ka na," bulong niya sa aking tenga.

"O-okay," Tatayo na dapat ako pero hindi niya pa rin ako binibitawan. Nanatili pa rin siyang nakayakap sa akin at tinitingnan ako.

"Nathan!" saway ko sa kaniya.

"Hmm?" inosenteng ungol niya na halos ikapikit ko na lang sapagkat parang hinuhuni ako nito at dinadala sa ibang mundo.

"Sabi mo magbihis na ako pero bakit hindi mo pa rin ako binibitawan?" tanong ko

"Na-miss lang kita," Bulong niya. Nanigas ako sa aking kinauupuan. Alam kong randam niya iyon dahil sa bigla niyang pagtawa bago unti-unti akong binitawan.

"Magbihis ka na nga," sabi niya at bahagyang tinulak ang aking balikat. Matalim ko siyang tiningnan pagkatapos ay hinampas sa braso bago tuluyan nang sumunod sa kaniyang sinabi.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako nang aking kwarto at bumaba na nang hagdan. Naabutan ko sa tanggapan si Nathan na nakaupo at kinakalikot ang kaniyang telepono.

"Nathan," Tawag ko sa kaniya.

Lumingon naman siya agad sa akin. Napatutop naman siya sa kaniyang labi at nanlalakihan ang ngayong sumasayaw sa kagalakan na kaniyang mga misteryong mga mata.

"Bakit ganiyan suot mo?!" sigaw niya.

Napangiwi ako at sinipat ang aking kabuuan. Anong masama sa suot ko? Inayusan ko talaga ang sarili ko para hindi naman katawa-tawa ang itsura ko habang kasama niya ako. Nagdress ako nang katulad sa ayos nang ibang babae pero hindi gaanong bulgar. Nagmake-up ako nang light lang para mas madepina ang aking buong mukha at makita ang tunay nitong ganda kahit ngayon lang. Ngayon lang ako inayang lumabas nang taong gusto ko kaya lulubos-lubosin ko na ito.

"Bakit, panget ba ang suot ko?" tanong ko.

Saktong dumaan ang isang maid at ang mayordoma galing hardin. Parehas silang may dalang basket na punong-puno nang mga sari-saring gulay mula siguro iyon sa taniman nila sa likod.

"Anastasia, ang ganda mo naman!" puri nila sa akin habang nakangiti nang malaki. Sinisipat ako mula ulo hanggang paa.

"Salam—" hindi ko na naituloy ang aking sinasabi dahil tumayo si Nathan habang nakabusangot ang mukha.

"Bakit ganiyan suot mo?! Ang panget mo na nga, nagmake-up ka pa! sabi ko magbihis ka nang komportable hindi yung parang sasayaw ka sa bar!" sigaw niya.

"Nathan, hijo!" saway sa kaniya nang mayordoma.

"Nasaan ang ganda diyan?!" asik niya pa.

Tuluyan nang nawala ang aking ngiti sa labi dahil sa mga sinasabi niya. Akala ko pa naman magugustuhan niya ang sinuot kong damit.

"Okay, lang naman siguro ito." Sabi ko.

"Ang ganda-ganda nga ni Tasia, hindi mo ba yan nakikita?" nginitian ko ang mayordoma. Tulad ko, kinukumbinse rin niya si Nathan na okay naman ang sinuot ko.

"Oo nga ser! Inggit na inggit nga ako sa kagandahan niya e. Alam niyo bang pinagaagawan ang kagandahan niya nang mga lalake sa mansyon ng Santibastian!" sabi pa nang kasama nitong maid.

Halos lumuwa na ang aking mga mata dahil sa pandidilat na ginawa ko para lang patigilin siya sa mga sinasabi pero pinagsawalang bahala niya lang ito at mas tinapos pa ang sinabi.

"Marie!" impit kong sigaw na ikinanguso lang niya. Halos umusok naman ang ilong at ulo ni Nathan sa sobrang galit.

"Anastasia Nicole Alvarez, magbihis ka ngayon din!" sigaw niya na bumalot sa buong bahay ng Montecarlos.

Ngumuso ako at tiningnan ang maid nang masama bago tumalikod na at tumakbo papuntang hagdan. Pagpasok ko nang kwarto'y agad ko nang tinanggal ang aking dress na suot at pinalitan ito ng isang simpleng skinny fit na pantalon at isang polo shirt. Pinaresan ko ito nang sneakers. Tinanggal ko na rin ang aking make-up.

Tulad nga nang sabi ni Nathan, panget na nga ako tapos nagmake-up pa. Hindi ko alam kung bakit ganun siya! Ang gwapo-gwapo niya pero ang panget ng ugali niya!

Sa lahat nang lalakeng nagkagusto sa akin siya lang ang reklamador, siya lang yung lalaking hindi nagustuhan ang pagpapaganda ko. Siya na nga ang dahilan nang pagpapaganda ko, nagrereklamo pa! Ang lakas-lakas niyang humusga pero pagdating sa Melissa o sino pang mga babae niya ay halos lumuwa na nga ang kaniyang mata sa sobrang galak sa nakita.

Hindi ko na naabutan si Nathan sa tanggapan kaya dumeretso na ako sa labas nang mansyon. Nakita ko siyang nakatalikod at may katawanan. Nakita ko si Melissa iyon at panay ang paghampas sa kaniyang braso. Parang pinipilipit ang aking puso sa aktong aking nadatnan. Sinamaan ko sila nang tingin bago bumuntong hininga at iniiwas na lang ang aking paningin sa kanila. Sakto namang nakita ko si Nate na palabas nang mansyon.

"Nate," Tawag ko sa kaniya at nginitian.

"Tash. . ." tugon niya rin sa malambing na boses. Nilapitan niya ako at pinisil ang aking pisngi na ikinasimangot ko.

"Saan punta mo?" bihis na bihis siya at mukhang may trabahong pupuntahan.

Malayo pa lang siya kanina pero amoy na amoy na ang kaniyang pabango na mukhang niligo na niya.

"Kailangan kong pumunta nang maynila ngayon, may cliyente akong aasikasuhin." Tugon niya.

"O, mukhang importante iyon. Sige, ingat ka doon."

"Babalik ako agad, anong gusto mong pasalubong?" inilagay niya ang kaniyang kamay sa aking ulo at hinimas ito.

"Naku, hindi ako mahilig sa pasalubong basta umuwi ka na lang nang ligtas dito sa Isla Amore." Iling ko sa kaniya.

"Uhy, nag-aalala sa akin!" nginiwian ko siya at nandidiring tiningnan.

"In your dreams!" inirapan ko siya pero kalauna'y tumawa na rin naman. Nakitawa rin siya at nagpatuloy lang sa pang-aasar. Hindi pa sana kami titigil kung wala lang taong sumingit sa pag-uusap naming dalawa.


Itutuloy. . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro